Share

Kabanata 23

Kahilingan

Madali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.

Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?

"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin.

Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.

Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan.

"Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status