Share

Kabanata 27

Paligsahan

Nakarating kami sa Fleur nang ligtas.

Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.

Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa.

Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag.

"Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi.

Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon.

"Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati.

"Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.

Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon.

"Kapi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status