Pagsusulit
Nanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan.
Ang Unibersidad ng Fleur.
Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo at hindi produkto ng imahinasyon lamang? Kung tutuusin, napakalaki ng mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan mula rito, ngayon pa lang ay natatakot na akong malaman.
Nauna nang humakbang ang Prinsipe sa harapan.
Ang kanyang tikas ay katulad ng matatag na puno ng narra, ang bawat kilos ay maihahalintulad sa mabangis na leon, siguradong sigurado ang bawat hakbang at may paninindigan. Sulyap na kasing lalim ng karagatan, may kakayahang kilalanin ang iyong tinatagong kaanyuan. Ang kanyang maamong mukha na kasing liwanag ng araw at kasing tapat ng mirasol.
Walang duda, siya ay isang Prinsipe.
Yumuko ang bawat nilalang na kanyang dinadaanan, maging ang dalawang kawal na kasama namin kanina. Nanatiling nakayuko ang dalawang kawal kahit nakalagpas na sa kanila ang Prinsipe, hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw ni Aoife sa aking gilid.
Nagsimula na rin siyang humakbang papasok. Salungat sa maamong mukha ng Prinsipe, ang tingin niya'y kasing talim ng sibat. Siya'y tila isang rosas, kaibig ibig na rosas, hinahalina ang mga tao ngunit hindi mo alam ang totoong iniisip nito. Kasing rahas ng tinik ang kanyang ugali, ngunit hindi maikakaila ang pulido at eleganteng kilos.
Siya'y isang agila, may kakayahang lumipad mag isa.
Nang ihahakbang ko na ang aking paa, nawala bigla ang lahat ng kasama ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang sariling ko nakaupo sa harap ng babaeng sa tantiya ko'y may edad higit kumulang apat na pu. Kulay kayumanggi ang kanyang buhok na nakatali paikot. Mayroon din itong maliit na palamuti, sa tingin ko ang disenyo nito ay isang maliit na orasan. Manipis ang kanyang kilay at lubhang mataas ito sa nakasanayan. Hindi ko tuloy maunawaan kung tinatarayan niya ako o ganun lang talaga ang itsura ng namamahinga niyang mukha.
Nagawi ang tingin ko sa paligid. May naglalakihang orasan na gawa sa kahoy ang sabay sabay na tumutungo. Lahat iyon nakasabit sa dingding sa bandang gitna ng kwarto ng ito. Mga lumang librong nakaayos sa naglalakihang istante sa magkabilang gilid.
Napakaraming libro at mukhang itong ensiklopedya sa kapal. Isa pa, matitigas na papel ang pabalat ng mga ito. Sinubukan kong basahin ang mga titulo ngunit hindi ko maintindihan, siguro'y ibang lengguahe ang ginamit nila.
Sa kabuuan, halos kulay kayumanggi ang pumupuno sa buong kwarto.
Tumikhim ang babae aking nasa harapan kaya't napaayos ako ng upo. Mukhang tapos na siyang basahin ang kung anumang papel na hawak niya. Mahigpit na pinagsaklop ko ang aking kamay habang namamahinga ito sa aking hita.
Sa sobrang kabado ko ay natuod na ako sa pagkakaupo. Hindi ibig sabihin na hindi ako nagulat ay hindi na ako matatakot. Halos hindi na ako huminga nang ininspeksiyon ng babae ang aking mukha. Iniwas ko ang aking tingin, hangga't maari ayaw kong makasalubong ang titig niya.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang patuloy akong tinitingnan kaya't lubos akong na bahala.
May ayaw ba siya sa mukha ko? Bakit ganyan siya makatingin?
"Liwayway tama?" katunong ng isang istriktong madrasta ang boses niya kaya't lalo akong kinabahan.
"O-opo. Yes po." Ang kilay niyang maataas na ay hindi ko inaasahang may itataas pa.
May mali ba akong sinabi? Sinagot ko lang naman siya.
Halos mahimatay na ako sa kinauupuan ko. Bakit parang may kasalanan akong ginawa kahit wala naman.
"Wala sa listahan ang pangalan mo." Hindi agad pumasok sa isipan ko ang sinabi niya.
"Ah. O-ok po." wala sa sariling sagot ko.
"Iyan lang ang isasagot mo?"
Huh? Ano ba dapat? Ano bang listahan yun? Listahan ba ng utang? Wala naman akong utang sa kahit kanino kahit kay ate Lilit pa.
"M-mabuti po yun." Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak. Hindi ko kayang makisabay sa kanya dahil una sa lahat, hindi siya mukhang masaya, pangalawa tunog kontrabida ang tawa niya, at pangatlo hindi ko alam anong dapat kong ikasaya.
Ilang segundo lang ay tumigil na siya at biglang sumigaw!
"Tumayo ka!" Kahit hindi ko alam kung bakit ay tumayo ako habang nanginginig ang mga binti.
Bakit kasi ako iniwan ng bruhang si Aoife at mahal na Prinsipe dito? Mas kaya ko pa kung sila ang kaharap ko kahit mukhang mapapatay nila akong dalawa. Ito kasing nandito nasa harap ko ngayon hindi lang mukha e, mapapatay niya na talaga ako!
Tumayo din ang babae at inabot ang lupon ng susi na nakasabit sa dingding. Nasa walong susi iyon.
Tumingin siya sa akin at sumenyas na sumunod sa kanya. Lumabas kami ng kwarto. Nadaanan namin ang iba't ibang gintong pinto na may gothic na disenyo. Napakalawak ng pasilyo. May red carpet pa at parang walang katapusan iyon. Napakatahimik ng paligid. Parang walang tao dito maliban sa aming dalawa.
Tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa huminto siya sa isang malaking pintuan. Naiiba iyon sa lahat dahil kulay itim iyon. Doble rin ang laki kumpara sa mga nadaanan naming pintuan.
Binuksan niya ang pintuan at humarap siya sa akin.
"Magsisimula na ang pagsusulit oras na pumasok ka sa pintuang ito." seryoso niyang saad.
Pagsusulit? Para saan? Wala akong alam! Ano isasagot ko?! Yare talaga.
"Ah. Ano pong ite-test ko? Bawal po bang mag review muna? Masyado po kasing biglaan." Kinakabahan kong sabi.
Tumitig muna siya sa akin bago sumagot.
"Wala kang kailangang pag aralan."
Huh? E anong gagawin ko? Tutunganga lang ganon?
"Pumasok ka na sa loob. Tatagal ng isang buong araw ang pagsusulit mo. Kung makalabas ka ng buhay, doon mo lang malalaman kung makakapasa ka."
Napalunok ako sa sinabi niya.
Sinasabi niya bang kung di ako makakalabas dyan, patay na ako at ang masaklap bagsak pa. Anong klaseng kamalasan naman oh!
Nakita niya yata ang pagiging balisa ko.
"Malalagpasan mo ito kung tatandaan mo ng maigi ang mga katagang bibigkasin ko." Biglang lumiwanag ang dalawa niyang mata kaya't napaatras ako. Bumilis rin ang ikot ng orasan sa palamuting suot suot niya at bahagya siyang lumulutang tatlong dangkal ang taas mula sa sahig.
"Ang pintuan ay mabubuksan,
Kung puso ang pinaburan,
Latak ng kasinungalingan,
Tiyak na ika'y pagsasarhan,
Bahid ng pagkukunwari,
Hindi mo mawawari,
Sa paring nagkamali,
Hanapin ang ugat ng talulot sa bahaghari."
Isang malakas na hangin ang pilit akong hinihila papunta sa pintuan na itim. Pinilit kong tumaliwas sa hangin ngunit masyado itong malakas kaya't natangay ako nito papasok sa madilim na pinto.
Sinubukan kong abutin ang babaeng kausap ko kanina ngunit ngumiti lamang siya habang tinitingnan akong hinihingop papasok ng pintuan.
Ahhhhhhhhhh!
Halos maputol na ang ugat ko kakasigaw. Para akong nahuhulog sa walang katapusang kadiliman! Hindi ko alam ang gagawin! Ano bang ginawa kong kasalanan ha?! Bakit lagi nalang ako ang pinaparusahan ng ganito?!
Ilang saglit pa, natanaw ko na ang nakakasilaw na liwanag sa ibaba. Mabilis ang aking pagbulusok kaya't pinikit ko na lamang ng mariin ang aking mata at ipinagdasal na sana'y buhay pa akong babagsak.
Isang nakakasilaw na liwanag. Hindi ko inaasahan na ang aking pagbabagsakan ay isang malambot na kutsyon. Medyo masakit ang pagkakabagsak ko ngunit tingin ko'y mas mabuti na iyon kaysa kung matigas na lupa ang sasalubong sa akin.
Isang magarang bistida na ang suot ko ngayon, purong puti iyon, gawa sa koton ang tela kaya't malambot sa balat, mayroong itong kulay gintong perlas na palamuting pumapalibot sa aking baywang habang ang haba nito ay umaabot sa aking talampakan.
Tiningnan ko ang paligid. Bakit may kutson sa gitna ng kagubatan?
Naging alerto ako ng makarinig ako ng mumunting paggalaw sa aking kaliwa. Kinuha ko ang ka piraso ng naputol na kahoy sa aking gilid at hinawakan iyon ng mahigpit. Alam kong wala iyong magagawa kung sakaling may masamang intensyon ang nilalang na nagtatago sa likod ng nagtataasang damo ngunit susubukan ko parin.
Hindi ako pwedeng mamatay nang hindi lumalaban!
Dahan dahan akong lumapit dito. Iniwasan kong gumawa ng ingay upang hindi iyon matunugan ng kung ano mang nilalang.
Isang malakas na paggalaw sa talahiban ang bumuwag sa katapangang binubuo ko kanina.
Ba't parang hindi lang munting nilalang ang nasa likod nito?
Paano ba naman at napakalaki ng anino nito!
Patuloy ang malakas na paggalaw ng talahiban hanggang sa lumabas mula rito ang isang . . . .aso
Isang aso?!
Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang makita kong isang purong puting Shih Tzu iyon. Ngunit kahit pamilyar sa akin ang hayop na iyon, pinanatili ko parin ang pagiging alerto sa paligid.
Walang katiwa tiwala sa lugar na 'to!
Tinutukan ko ng patpat ang aso ngunit wala itong ginawa kundi iwagwag ang buntot at tumingin sa akin na tila kinikilala ako bago ito umikot ikot at tumahol sa akin. Tila tuwang tuwa itong makita ako.
Unti unti kong binaba ang patpat. Mukhang hindi naman 'to masamang nilalang.
Patuloy parin ang pagwagwag nito ng buntot at pagikot ikot sa pwesto kaya't lumuhod ako upang mahawakan siya, nakita kong mayroon siyang dog collar kasing itim iyon ng uling at mayroong pangalan na nakaukit sa pilak na nakakabit dito.
Tiningnan ko itong mabuti.
'Puti'
Napakurap kurap ako nang mabasa ko ang nakasulat.
Puti? Puti talaga? Huh, napakacreative.
"Puti" Binigkas ko ang pangalan ng aso. Tumigil siya sa paglilikot, umupo ng tuwid at tumigil sa pagwagwag ang buntot.
Tila isa itong sundalo kung tumindig.
Tumingin ito ng diretso sa akin na tila susundin nito lahat ng utos ko anumang oras.
Aba, ayos ah! Mukhang naturuan nang maayos.
Mula sa pagkakaluhod ay tumayo akong muli, yumuko at tumingin sa aso.
"Puti, maari bang ituro mo sa akin ang daan palabas?"
Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako ngunit walang masama kung susubukan ko, tutal wala na rin naman akong pagpipilian.
Hindi umimik ang aso, ngunit naglakad ito papuntang hilaga.
Walang pagdadalawang isip ko itong sinundan kahit mukhang madilim na kagubatan ang naghihintay sa aking tinatahak na daan.
aeliag © 2022
All rights reserved.Magandang araw aking Liyag,Matapos ang ilang buwan, taong pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2025. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2025. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika!Mula sa inyong manunulat, Aeliag
PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi
AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n
Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu
KaluskosNaririnig ko ang mahinang kaluskos ng hangin sa kagubatan, ang mga tuyong dahon na aming natatapakan, tila nahinto ang aking mundo nang may makita kaming bakas ng dugong nakakalat dito.Inangat ng kapitan ang kanyang kanyang kamay upang senyasan kaming tumigil sa pagkilos. Pigil hininga ko iyong sinunod. Hindi namin alam kung saan galing ang mga bakas ng dugo ngunit isa lamang ang sigurado, patungo ang bakas na iyon sa direksyon ng tirahang sinasabi ng munting ginoo.Naging alerto ang lahat ng makarinig kami ng kaunting kaluskos sa bandang silangan ng kagubatan, binaba namin lahat ng dala dala naming regalo at hinanda ang kanya kanyang armas. Kinuha ng kapitan ang kanyang pana at taimtim na tintututok iyon sa munting paggalaw naming naririnig sa paligid.Hinanda namin ang sarili sa maaring atake mula sa kawalan, lalo na't kasama namin ngayon ang kamahalan. Ngayon ko lang naisip kung gaano kadelikado ang ginawa naming paglabas ng palasyo nang wala man lang kasamang mga kawal u
KahilinganMadali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin. Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan."Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa