Kinalangang Umalis ng Maaga ni Summer ng umagang iyon dahil may ipina rararush sa kanya si Mr. Ruiz. Nagbilin na lang siya sa kasambahay nila na gisingin ng alas sais si Brent. Magmula ng ikasal sila ay lagi siyang inihahatid at sundo ng asawa kahit na may sarili naman siyang sasakyan.Hindi na gaya ng dati na nangungulit sa kanya si Jeremy. Kaya naman tahimik ang mundo Niya at may kapayapaan sa buhay Niya sa trabaho. Pero may kakaiba itong ikinikilos, Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito pero may pakiramdam Siya na may Hindi ito magandang pinaplano." Hi Summer, punta ka daw sa office ni Mr. Ruiz.."Isa sa babaing kasamahan niya iyon. Tinapos Niya lang ang huling ipiniprint na kopya ng kaso na hahawakan nila at Saka siya nagpunta sa opisina ng kanilang boss.Kumatok Muna ito bago tuluyang pumasok sa loob. Iniabot Niya ang papeles na tinapos niyang gawin at dahilan ng Maaga niyang pagpasok ngayung araw." Sir pinatawag mo daw ako?"Sabi ni Summer." Summer I need your help in t
Alas syete ng Gabi dumating si Brent, Pero Ngayon ay alas dose na ng madaling araw. Hindi na inabala pa ni Summer ang kasama nila sa Bahay para initin ang nga pagkaing nakahain kanina. Dahan-dahang bumaba ng kama si Summer atska nagbihis at nagtungo sa kusina..Nang maiinit ang lahat ng ito ay muli niyang pinuntahan sa kwarto ang asawa at ginising ito para kumain."Sweetheart, wake up let's eat,"Ginising niya sa pupog ng halik ang asawa. kaya ang siste ay naka Isang round pa sila."Sweetheart I love you so much."Bulong ni Brent Kay Summer."I love you more sweetheart! Can we eat now? nagugutom na talaga ako."Tila bata nasabi ni Summer. Hindi malaman ni Summer kung nanghihina at nanlalsmbot siya dahil sa gutom o sa ginawa nilang mag asawa kanina.Natatawa naman si Brent sa asawa kaya siya na Ang nag asikaso ng pagkain nila.Pagkakain ay muling nakatulog ang dalawa. Kamuntik pa silang malate sa pagpasok sa kani-kanyang trabaho. kunsabagay si Brent ang boss kaya kahit Anong oras pwede
Saka lang naalala ni Brent Yung suot Niya kagabi na parang Isa sa Charlies angels movie. Nakaramdam siya ng paghanga sa personality ng asawa. kaya Pala sa simula palang ay may kakaiba na rito. Napaka simple nito pero iba ang dating. Mahinhin na may pagkamatikas. Pwede naman niyang alamin ang pinagmulan ng kanyang asawa pero di Niya ginawa dahil gusto Niya itong makilala unti-unti in a natural way."Wooah! Really?Masayang sabi ni Brent. Hinalikan niya ang asawa sa sobrang tuwa niya."Yung mga naging problema sa company ni Lolo at ng company mo, Isa ako sa secret agent dun."Tinatantya ni Summer ang magiging reaksyon ng asawa sa kanyang sinabi. Saglit itong natigilan sa kanyang sinabi. Tila may nirerecall sa isipan nito. Naalala ni Brent Yung mga pagkakataon na inakala niyang si Summer Yung babaing agent na hinire Niya para matimbog ang anomalyang ginagawa ng ilang board member ng kanyang kompanya. Ang boses nito sa tuwing magsasalita na kaparehong-kapareho ng Kay Summer.Kaya naman
"Anong nangyari sa kanya?"Tanong ng babaing tindera.Namumutla ang babaing hinimatay kaya inakala nilang baka dahil sa gutom kaya ito hinimatay.May ibinigay ang Isang babae na kasama ng lalaking tumulong sa babaing hinimatay para ipaamoy rito. Ilang saglit pa ay nagkamalay narin ang babae."A-Anong nangyari?"Tila Hilo parin na tanong ng babae."Hinimatay ka miss." Sabi ng babaing tindera na pinapaypayan parin siya ng mga oras na iyon.Namumutla parin ng mga oras na yon ang babae.."Hah? Gulat at may pag aalala sa mukha ng babaing hinimatay. Dahil natapon ang pagkaing bitbit sana ng babae para kainin ay ibinili na lang uli Siya ng lalaking nagmalasakit sa kanya kanina.Matamang nakatitig ang lalaki sa babaing hinimatay. Panay ang palitan nila ng tingin ng kasama nitong babae.Samantala sa di kalayuan ay nandoon ang van na sinasakyan ng iba pang kasama nila Summer. Kitang-kita nila sa monitor ng mawalan ito ng Malay. Wala sa usapan na hihimatayin si Summer para mapansin ng babain
Maagap naman si aling Maya. Tila naalarma ito sa sinabi ng lalaking may pinakamalaking katawan." Ah oo, Siya ang bago Kong kasama dito. Siya nga pala si Celia. Kumain na kayo ng kumain diyan at baka dumating na si boss."Sinadya ni Summer na tumingin sa mga ito at ngumiti sa mga ito " Mabait naman pafa si Celia e. Hindi gaya Nung dati mong kasama masungit."Sabi Nung may malaking katawan." Roland." Sabi pa nitong inilahad pa ang kamay Kay Summer. Agad naman iniabot ni Summer ang sariling palad para tanggapin ang pakikipag kamay nito."Celia.". Nagsipag gayahan narin ang iba pang tatlo sa pakikipagkilala at pakikipag kamay sa kanya. Sa ngalan ng trabaho ay buong galak Niya tinanggap ang matitigas at makapal ang kalyong mga palad ng nga ito."Tubig nyo po baka mabulunan kau." Nakangiting sinasalinan ni Summer ang baso ng bawat Isa sa kanila. Mga nakangiti naman ang mga ito habang nilalagyan ni Summer ng tubig ang mga baso. mga nagpipigil ang mga sarili na hawakan Siya.Nang matapos
Saglit na napatigil si aling Maya sa tanong Niya. "Ang totoo Hindi ko rin alam e. Pero ang ipinagtataka ko sobra-sobra kung magbigay sila sa akin ng pera. Hindi ko na pinoproblema kung anuman ang trabaho nila. Basta ang mahalaga sa akin Ngayon ay Malaki ang tulong na ibinibigay nilang pera sa akin ."Sabi ni aling Maya habang pinipigilan ang sariling emosyon."O Siya Sige na Celia magpahinga ka na at bukas ay panibagong araw nanaman tau. Ako rin ay magpapahinga narin. Huwag ka mag alala dahil safe ka naman dito. May sariling banyo naman ito.Palaala ni aling Maya sa kanya. Iyon lang at umalis narin ito.Samantala ay maghapon naman na nakamonitor ang buong team nila sa labas at sa opisina. Kaya alam nila ang mga nangyayari Kay Summer. Mayroon ding mini cam na nakalagay sa katawan ni Summer Kaya kitang-kita nila ang mga hitsura ng lahat ng taong nasa harap at likod Niya.Pagkatapos na magpalit ng damit na maghapon niyang suot ay pinakiramdaman ni Summer ang paligid sa labas ng kuwarton
Hindi pa sapat ang mga ebidensya na ito na nakuha nila Summer. kailangan nilang malaman kung sino ang master mind ng mga ito. Marami ng buhay ang sinira at patuloy na sinisira ng grupong ito. Hindi lang sa kamaynilaan kundi sa buong bansa. Ikatlong araw ni Summer sa misyon..."Kamusta na ba Yung kapatid ni aling Maya? Pwede na ba uling pakinabangan?"Tanong ni Roland sa kasamahan nang minsang nagkukuwentuhan ang mga ito pagkatapos kumain. kasalukuyan silang nasa loob ng Bahay noon, sakto naman na may iniutos si aling Maya Kay Summer.Dinig na dinig ni Summer ang buong pag uusap nila, maging sa monitor na nasa harap ng mga kasama Niya ay dinig at nairecord ang lahat ng pag uusap nila ng mga sandaling iyon."Medyo matatagalan pa yon. kaya medyo matagal pa susustentuhan ni boss ang Isang iyon."Sagot Nung jun ang pangalan."Basta walang pipiyok Kay boss kung paanong nagkaganun yon ah."May halong pagbabantang sabi ni Roland sa mga kasamahan. Nagkatinginan lang ang mga ito. Walang may la
Ipinasa ni Summer sa mga kasamahan ang text na iyon ni aling Maya para makapaghanda sila sa susunod na gagawin.Hindi nga nagtagal at , sinabihan Siya ni Roland na kakain sila sa labas. Kunwari ay tumanggi Siya.""Naku sir baka po hanapin ako ni aling Maya pag dumating.""Huwag ka mag alala Celia, naipagpaalam na kita sa kanya. Ako bahala sayo."Nakangiting sabi pa ni Roland sa kanya."Ah Ganun ba, Sige magbibihis lang ako."Naihanda na ni Summer ang mga dapat na dalhin at ilagay sa kanyang katawan bilang proteksyon .Iba ang tinginan ng tatlong kalalakihan na kasamahan ni Roland Kay Summer. kinikilabutan Siya sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanya. kulang na lang ay hubarin ng tingin ang suot niyang maluwag na t shirt at among pants.Paalis na sila ng tumawag ang kanilang boss Kay Roland. Mukhang badtrip ito dahil pinapapunta sila ng kanilang boss sa opisina nito.Naulinigan Niya na sinabi nitong kasama Niya ang girlfriend Niya.Sa harapan Siya pinaupo ni Roland dahil ito ang nag