Share

The Mission Wedding
The Mission Wedding
Author: Toledo

Chapter 1

Alas singko na ng hapon. Nagkukumahog na ang lahat ng empleyado para umuwi dahil Friday ngayon, tiyak na pahirapan ang pag ko-commute, maliban kay Summer na naghahabol ng deadline para sa Monday.

Hindi naman talaga niya trabaho itong pinagagawa sa kanya. Pero dahil sa baguhan pa lang siya sa Departamento kailangan niyang magpakitang gilas sa kanilang boss. Isang tapik sa kanyang balikat ang ikinagulat ni Summer. Si Rosie iyon. Kaidaran niya ito. Nauna lang ito ng ilang buwan sa kanya sa departamentong pinapasukan.

“Summer, di ka pa ba uuwi?”

Nakakunot ang noong tanong sa kanya ni Rosie.

" Susunod na ako, kailangan ko lang itong tapusin.”Nakangiting sabi ni Summer sa kasamahan.

Sa halos isang buwan niya sa opisinang iyon ay iilan pa lang ang nagiging close niya. Ang totoo di talaga siya agad-agad nakikipag lapit sa mga bagong kakilala. May pagka loner kasi siya. Mas gusto niya ang mag isa lang. Even nung nag aaral pa siya ay isa lang ang lagi niyang kasama. Si Jessica. Magkaibigan na sila ni Jessica since Elementary days.

“ Nagkaayaan ang mga kasamahan natin gumimik, friday naman ngayon, ano sama ka?” Nakangiting sabi naman ni Rosie.

“ Next time na lang siguro, kailangan ko talaga itong matapos. Inaasahan ito ni Ms. Torres sa Monday.” Sabi niyang tuloy parin sa ginagawa.

Di na siya pinilit ni Rosie dahil naramdaman nitong di talaga niya maisasama ang dalaga sa gimik nila, nagpaalam na ito kasama ng ilang empleyado sa opisina nila.

Magtatatlong oras na bago natapos ni Summer ang ginagawa niya. Siya na lang ang nasa opisina. Oras na ng pag iikot ng guard on duty ng maabutan siya nitong nagliligpit na ng kanyang mga gamit.

“Good evening mam!”

Kumatok muna ito bago bumati sa kanya. Bago sa paningin niya ang gwardyang ito, marahil ay bagong guard ito. Tall, fair skin, and handsome ang lalaking gwardiya. Sa klase ng tindig nito hindi bagay sa lalaking ito ang pagiging gwardya.

“Good evening din po.”

Kahit bumati sa kanya ang gwardya ay di ito ngumiti, seryoso lang ang mukha nito kaya hindi din sya ngumiti. Agad na siyang lumabas ng opisina pagkatapos na ilagay sa loob ang huling gamit na ilalagay niya sa bag.

Pag labas ni Summer ay ginawa naman ng gwardya ang kanyang tungkulin.

Saturday…

Dahil wala naman siyang pasok ngayon kaya di niya kailangan bumangon ng maaga. Pero isang tawag ang nagpabangon sa kanya.

“Hey, Summer!”

“Jessica!”

Pupungas-pungas pa na sambit ni Summer, pero masaya siya na narinig ang boses ng matalik na kaibigan.

“How are you? Natutulog ka pa?” Sunod-sunod na tanong ni Jessica mula sa kabilang linya.

“Obvious ba?! Hahaha! Kamusta ka narin?” Sunod-sunod ding tanong ni Summer. Ilang buwan narin silang di nagkikitang magkaibigan.

After kasi ng graduation nag migrate ang pamilya ni Jessica sa canada. Kaya nagtatawagan na lang silang dalawa o kaya text.

“Kamusta ang work mo? Di ka ba pinahihirapan ng mga boss-bossan?

Concern na tanong ni Jessica sa kaibigan. Hindi kasi simpleng empleyada si Summer, isa siyang secret agent. Front lang talaga ang pagpasok niya sa kompanyang iyon.

Maraming nais na malaman ang matandang nagmamay ari nito hinggil sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Marami ng nakakarating dito hinggil sa mga anomalyang nagaganap sa kompanya.

Kaya thankful si Summer dahil kahit baguhan pa lang sya ay pinagkatiwalaan siya sa assignment na ito.

So far ay di niya kailangang magmadali sa pag iimbestiga. Slowly but surely ang instruction sa kanya ng may ari ng kompanya.

“Don’t you worry about me, Jess. Kayang-kaya ko sila.”

Nakangiting sabi ni Summer.

“ How about you?” Balik na tanong niya kay Jessica.

“Well, im also fine. And guess what!”

Tila kinikilig na sabi ni Jessica.

“Paano ko naman malalaman kung di mo sa akin sasabihin di ba?”

Nakataas ang kilay na sabi naman ni Summer sa kaibigan.

“Well im going to start my modelling career here in canada!!!

Kinikilig na balita ni Jessica sa kaibigan. Di naman malayong magkaroon ng opportunity sa abroad ang kaibigan dahil well experienced naman ito sa larangang modelling, ito talaga ang hilig ng kanyang kaibigan. Dito pa lang sa Pilipinas ay nakagawa na ito ng sarili niyang pangalan.

Nawala ang natitirang antok pa sana ni Summer ng marinig ang magandang balita mula sa kaibigan.

“Oh, my goodness! Jessica congratulations!!!!

Tumitiling sabi ni Summer.

“This is it, tomorrow evening ako imimeet ng magiging boss ko and im so excited!”

Thirteen hours ang advance ng oras ng Pilipinas sa Ottawa, Canada. Alas syete ngaun ng umaga sa Pinas at alas sais naman ng gabi ngayon sa Canada.

Marami pang napag kwentuhan ang magkaibigan. Habang nagkukwentuhan sila ay nag ready na si Summer ng kanyang breakfast. May stock pa syang tinapay at itlog kaya yon na lang ang niluto niya habang kausap ang kaibigan.

After mag almusal ay naglinis ng kusina si Summer saka niya binalikan ang kanyang higaan.

Hindi naman kalakihan ang apartment na tinutuluyan niya. Bilang parte ng trabaho niya kinailangan niyang tumira sa ganito kaliit na paupahan.

Wala naman problema sa kanya ang lugar na ito dahil maayos at malinis naman ang lugar.

Sakto pagkatapos maglinis ay isang unregistered number ang tumawag sa kanya. Sinagot parin niya ito kahit di niya kilala ang tumatawag.

“Hello Ms. Summer, this is Mrs Torres.” Sabi ng nasa kabilang linya.

“ Oh, yes mam good morning po, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

Magalang na sabi ni Summer.

“Pasensya ka na Ms. Summer, gusto ko lang itanong kung ok na ba yung pinagawa ko sa iyo kahapon?”

Halatang pilit lang ang pagiging sweet ng boses ng Mrs. Torres.

“Yon po ba? Hwag po kayo mag alala mam, dahil tinapos ko po lahat ng pinagawa nyo sa akin mam.”

Seryoso ang mukhang sabi ni Summer. Isa si Mrs. Torres sa mga pinagkakatiwalaan ng may ari ng kompanya. At ayon sa pagkakabasa niya sa mga galaw nito at ng ibang nasa paligid nito ay may ginagawa itong hindi tama.

“ Thank you so much Ms. Summer. Good job. Ako ang bahala sa iyo kay Mr. Buenavista.”

Masayang sabi ni Mrs Torres.

“Naku thank you so much talaga Mrs.Torres!”

Kunwaring tuwang-tuwang sabi ni Summer.

“Yes, basta tuloy-tuloy mo lng ang pagiging masunurin mo.

May ibang himig na sabi ni Mrs Torres. Nagets naman agad ni Summer ang ibig sabihin nito.

“ Got it mam.”

Nang matapos ang pag-uusap nila ni Mrs Torres. Sinimulan na ni Summer ang mga dagdag na plano sa mga kailangan niyang gawin sa pag iimbistiga sa mga taong involve sa anomalya sa opisina.

Bagamat ito ang kauna-unahang project niya as agent ay di siya nahirapang makakuha ng mga impormasyon na kailangan niya. Sa tulong narin ng iba pa niyang kasama.

Araw ng lunes...

Maagang bumangon si Summer at naghanda na para pumasok. Isang kulay beige na blouse na tinernuhan niya ng black pencil cut na two inches above the knee at pinatungan niya ng blazer. Light make up lng din ang nilagay niya sa mukha. Hindi naman talaga siya mahilig maglagay ng makapal na make up sa mukha. At isang pares ng pearl lang din ang sinuot niyang hikaw.

Nang makarating sa Buenavista building ay binati sya ng guard on duty. Namumukhaan narin kasi siya nito.

“Good morning mam!” Sabi ng guard.

“Good morning din sir!”

Nakangiting bati rin ni Summer. Naalala ni Summer na may bagong guard on duty na kagabi lang niya nakita. Gusto sana niyang itanong ang tungkol dun sa nadaanan niyang gwardiya, pero di na niya itinuloy.

Maaga sa thirty minutes ang dating ni Summer sa opisina. Lagi siyang nauuna sa mga kaopisina kaya malaya niyang nagagawa ang mga plano niyang gawin.

Naglagay siya ng bug sa bawat lugar na maaaring makakuha siya ng sapat na ebidensya laban sa mga taong pinaghihinalaan ng may ari ng kompanya.

Tila propesyunal na sa larangan ng kanyang trabaho ang dalaga, tantiyado niya ang kanyang mga kilos at galaw. Bukod sa mga training ay nanonood din siya ng mga movie na may kinalaman sa klase ng trabaho niya. Tulad ng Mission Impossible, Charlies Angels, at marami pang iba.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Toledo
thank you for voting po.... Ito po ang kauna-unahabg story ko na na publish. Nagsusulat po ako everytime na may free time sa work at sa Bahay po. Huwag po kayo magsawang suportahan ang story na ito ...️. salamat po and God bless!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status