Share

Kabanata 3

Why do I care?

Hindi agad ako nakasagot. Tulala pa rin ako hanggang sa pumasok na lang si Grey sa unit niya. 

Sungit naman 'non. Bawal magtanong?

Hanggang sa kama ay iniisip ko pa rin kung ano na naman ang problema sa'kin ni Grey. Kaya lang, dahil busy din ako sa group projects ay hindi ko na lang masyadong pinagtuunan nang pansin.

Buong linggo akong umaalis para sa mga group works. Uuwi lang ako ng unit ko para kumain at matulog, tapos ay papasok ulit or a-attend ng meetings.

Ngayon lang ako nabakante sa mga gawain kaya naman ay nandito ako sa harap ng pintuan niya, ringing his doorbell.

"What?" masungit na bungad niya sa akin, magulo ang buhok at mukhang kakagaling lang sa higa.

"Pwede pumasok?" 

"Bawal."

"C'mon! Isang linggo akong hindi nagpakita sa'yo. Will you please let me in?" I showed him my puppy eyes look, which I think made him cringe.

Sandali siyang natigilan, parang nag-iisip pa kung papatuluyin ako o hindi.

"Just behave, okay? Ayoko nang maingay."

"I'm not a kid!"

Kunot-noo lang na tumingin sa'kin si Grey, mukhang nagbago agad ang isip na papasukin ako.

"Okay, fine!" 

Niluwagan niya ang pinto at nauna nang maglakad papasok. Kulang nalang ay tumalon ako habang naglalakad.

What should I do? Watch a film? Kaso bawal daw mag-ingay. 

Cook? But I don't know how to cook!

Habang iniisip kung ano ang gagawin, pumasok naman si Grey kaagad sa kwarto niya at isinarado ang pinto.

Ano? Iniwan ako dito mag-isa.

"Grey?"

"What now?" dinig na dinig ko ang iritasyon sa boses niya. Grabe, highblood na naman sakin!

Tumahimik na lang ako. Baka kapag kinulit ko siya, palayasin niya ako. Hindi mo pa naman alam kung kailan siya may toyo o wala.

Nag-ikot ikot lang ako sa loob. Nanood nang TV, nagwalis walis na akala mo ay ako ang may-ari ng unit, pagkatapos ay um-order nang pagkain.

It's 5pm so I opted to order foods for dinner. I also ordered some for Grey since I figured he's too lazy to go out or cook his meal.

I carefully knocked on his door, nag-iingat dahil baka bigla na naman akong sikmatin. Tatlong katok at wala pa rin nagbubukas. 

Okay, Peyn. Dalawang katok at hindi ako nito pinagbuksan, iiwan ko na lang ang foods at uuwi nalang muna. 

Maybe he doesn't like to see me?

Hindi ko alam kung baliw ba ako o ano, pero kabado ako noong kinatok ko ulit siya. I was about to knock for the fifth time nang magbukas ang pinto.

Grey was standing beside his door with his hair disheveled, and his face looking really pale.

"Anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba? Ha?" I shamelessly put my hand on his forehead.

It's burning!

"You're sick! Bakit hindi mo sinabi agad?" inis niyang tinanggal ang kamay ko sa noo niya.

"It's just headache," ano daw? Baliw ba siya?

"Do you have meds here? Kailan pa 'yan?" I panicked. Should I cook porridge? Katulad sa mga napapanood ko sa palabas?

"May paracetamol sa taas nang fridge. I'll take it later."

"Ngayon na! Nag-lunch ka ba?" halos masapo ko ang noo ko nang umiling siya.

"Okay! Great! I thought you moved out because you can take care of yourself?" taas-kilay ko na pang-aasar.

Hinigit ko siya at pina-upo sa couch niya. Halos padabog ko rin na binuksan ang pagkain na in-order ko para sa amin.

"Can you eat ba by yourself or susubuan kita?" agad na kumunot ang noo ni Grey sa akin. Halata ang pagtutol sa sinabi ko. Ay! Kaka-offend ha.

"Ofcourse, I can eat!" nagmamadali niyang isinubo ang pagkain, halata ang takot na baka subuan ko siya.

"You really hate me? Do you?" I laughed with humor, but the brute took it seriously. Binaba niya ang kutsara, naghahandang sumagot.

"It's a joke! Kumain ka na diyan."

Pinanood ko lang siya habang matamlay na kumakain. After taking the paracetamol, I placed my hand on his forehead again.

"You do know that meds take a while to effect, right?" Grey said like I'm so dumb to not know the basics.

"Of course, I know! I'm just checking!" He smiled at me, bago tumayo at nilinis ang pinag-kainan niya. 

"Bakit hindi ka pala sumabay kumain?" I want to laugh at his question. May sakit na 'yan, pero ang rude pa 'rin.

"Really? Ngayon mo lang naisip yan itanong pagkatapos mo kumain?" the brute just shrugged, and then sloppily sat beside me.

"Dito ka na magpahinga sa couch so I can take care of you." Tumaas lang ang kilay niya sa'kin. He really thinks I have a hidden agenda, ano?

"Bakit hindi sa kwarto ko? You can watch me sleep or give me a massage. Sakto, my back hurts."

"Sige nga! Tayo diyan! Lead the way, Grey." I challenged him. Akala mo naman talaga totoo!

Siya nga itong umaakto na parang may maitim na balak ako sa kanya palagi!

Pinitik niya ang noo ko pagkatapos ay nahiga na sa couch, his calves on my legs.

"Ayoko. May sakit ako, baka pagsamantalahan mo pa." Itinaas ko ang kilay ko sa kanya bago siya hinagisan ng throw pillow para i-unan niya.

"Takot ka pala, eh!"

"Sino ba ang hindi matatakot sa'yo?''

Hindi na lang ako sumagot. Nasa mood ka ngayon mang-asar ha! Himala! Is it because he's sick? Kumbulsyon ba ang tawag dito?

Minutes had passed na walang nagsasalita sa amin. I tried looking at him to check if he's okay, but he's sleeping already. Dahan dahan 'kong inalis ang paa niya sa hita ko at naghanap na lang nang kumot.

I touched his forehead to check, and luckily, it's back to its normal temperature. I tugged his blanket and watched him sleep peacefully.

Ang gwapo gwapo talaga nang lalaking 'to! Sayang naman kung hindi mapapasakin!

I almost laughed at my inner thoughts. Ito na yata ang sinasabi ni Grey na "masamang balak".

Because the brute is peacefully sleeping, I shamelessly stared at his face. I almost memorize every inch of it. From his thick and long eye-lashes, pointed noise, and attractive lips. I am tempted to touch it but I forbid myself. 

You can't take advantage of the situation, Peyn! My gosh! Eto na yata talaga yung "masamang balak". I shook my head lightly, erasing the embarrasing thoughts I have in mind.

Dala na rin siguro nang sobrang katahimikan sa buong kwarto, kaya dinalaw ako nang antok.

Hindi ko lang alam kung ilang oras ako na nakatulog pero nagising ako na nasa kwarto na ni Grey. Pupungas pungas pa ako na bumangon, bago inilibot ang tingin sa hindi pamilyar na lugar. This is my first time inside!

I wanted to sing and dance out of happiness pero naalala ko na nilalagnat nga pala si Grey. Nasaan kaya siya?

"Grey?" I went outside his room and looked around until I find a note.

Went outside to do something. Don't wait for me and leave the unit if you got bored.

Tignan mo 'yon. Di ba may sakit siya? Hindi na ako magtataka kung lalagnatin na naman siya sa isang araw. Ang kulit niya, ha.

I purposely look for him everywhere around the Campus, the next day. I bring some meds just in case he felt weird or something.

Pagkatapos na pagkatapos pa lang nang klase, nag-ikot ikot na agad ako. I found him seating at the bench outside their Department with Brent and Steffi.

"Are you feeling well today? Wala ka na 'bang sakit?" I touched his forehead, not really waiting for his answer.

"I'm fine." 

"Uminom ka ba ng gamot before ka pumasok?"

"Yes."

"Kumain ka naman, ano?"

"Yes."

"May sakit ka, Grey?" maarteng tanong ni Steffi. Palihim akong umirap kaya lang ay hindi ako nakataas sa mapanuring mata nang bwisit na si Brent. I caught him laughing after raising an eyebrow at me.

"I'm fine. Don't worry," mahinahon na sagot niya kay Steffi. Aba't! Tignan mo 'tong lalaking 'to! Ang bait bait lagi kay Steffi pero sakin ang sungit!

Sa sobrang inis ko ay padabog 'kong itinulak ang dala kong bottled water at sandwich sa d****b ni Grey.

"Ayan! Kainin mo o itapon mo kung ayaw mo!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at ang paniguradong pang-aasar ni Brent. Nagmartsa na agad ako palayo, inis na inis dahil lang sa paraan niya nang pagsagot kay Steffi. Ang unfair! Kainis!

Magsama na nga silang dalawa!

Sa pangalawang araw na pagpasok ay busangot pa 'rin ang mukha ko.

"Aba, Elle! Ano ba ang problema at ang haba pa rin nang nguso mo? Ha?" Inis na tanong ni Carl. Simula kasi kahapon hanggang ngayon ay hindi nila ako maka-usap nang maayos.

"Maghapon ka nang ganyan," puna ni Kara pagkatapos ay hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang sakit."

"Si Grey 'yan, ano?" Carl probed, he's getting more impatient because I'm being stupidly silent.

"Grey is in the cafeteria. Gusto mo 'bang puntahan? Nagtatampo ka diyan e wala naman pake yon. Kung ako yan, makikipag bati na ako," he ranted, as if this will be the only solution so I'd stop being grumpy.

Hindi ko alam kung anong meron kay Carl, but he knocked some sense in me.

Kasama ko silang dalawa ni Kara papunta sa Cafeteria. Nang mahanap namin kung nasaan si Grey, umupo agad kami sa katabing table.

Brent was there, pero nang makuha niya na lalapit ako kay Grey ay nagpaalam siya na magb-bathroom break.

"Hi!" I nervously said. He looked at me for a while and then motioned me to sit beside him.

"Wala ka nang toyo, ano?" Okay? So he's being playful again? Great!

"Wala akong toyo," I tried to sound sweet but it ended in a monotone instead.

"If you say so," okay, yun na yon? Nilingon ko sina Kara and they urged me to speak again.

"Hapon na, ah. May class ka pa mamaya?"

"Meron pa," Grey answered in a tone that he uses on Steffi. Matutuwa na nga sana ako kaya nga lang ay wala akong maidugtong sa mga sagutan niya.

Nakakaramdam na naman ako nang inis kaya nagpasya na agad ako na magpaalam at umalis.

Parang pilit sumagot ah! Kung ayaw niya akong kausap, edi 'wag!

Pangatlong araw sa Campus at ganoon pa rin ako. Eskandalosong buntong hininga ni Carl ang nag-alis nang mga iniisip ko.

"Grey again?" Halos may talim na sa pagkakabigkas ni Carl sa pangalan ni Grey.

"Alam mo, Peyn, dapat naghahanap ka na nang ibang lalaki! Sinasayang mo lang ang oras mo kay Grey," Kara said while raising her eyebrow at me.

Great! Now, Kara is also pissed at me.

"He's clearly not interested in you. Maganda ka, so why chase that hot and cold jack*ss? Tutulungan ka namin ni Carl na humanap nang iba! Kung hindi si Grey, yung lalaki na ka-level ni Grey na lang!"

"Bakit naman ako nasama diyan? Team Grey ako, Kara. Kailangan lang ni Elle ayusin ang mga desisyon niya sa buhay."

"I'm sorry," tanging nasabi ko na lang. My friends both sighed, defeated.

"Grey's last class will end in 10 minutes," I looked ridiculously at Carl. Where did he get Grey's whereabouts?

"We have Brent's number, babe," Kara said and then winked at me. It's not a good wink, though. She pouted after, totally hating the idea of meeting Grey.

Good thing my instructor only left an activity for today, kaya malaya kaming makakalabas pasok ng room. Halos takbuhin ko na ang College of Business Administration, maabutan ko lang si Grey.

I waited for 5 minutes for him, napaaga at may panahon pa para pahupain ang hingal. When I saw him walking, lumapit na agad ako.

"Uuwi ka na?" Grey looked at me weirdly from head to toe.

"Did you run?" He asked, totally ignoring my question.

"Yes. I badly wanted to see you," hindi ko alam kung dala ba nang pagod kaya makapal ang mukha ko ngayon.

"Why?" Grey asked but I know he have an idea already.

"To bid my goodbye? Did you bring your car?"

"Yes."

That one-liner response again! Forget it! I'm done being stupid. There's no point in being mad.

"Okay! Bye! Ingat ka sa pag-uwi mo!" I heard Brent's laugh somewhere but I ignored it.

"Okay, you too."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status