Share

Chapter 1

Penulis: Blissy Lou
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-27 10:03:15

Ava’s P.O.V

Halos kapusin ako ng hininga pagkabangon ko mula sa pagkakahiga. Napahilamos ako nang mapagtantong nananaginip na naman ako. Halos hindi na rin mapigilan ang mabilis na pagtahip ng puso ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at naglakad patungo sa study table. Umupo ako sa harap nito.

Bahagya akong natulala at nang matauhan ay marahan kong pinagsasampal ang mukha. Irita ko ring sinabunutan ang sarili.

“Ano ba, Ava! Tama na, okay? Hindi ito magugustuhan ng nanny mo at paniguradong malulungkot ang mommy at daddy mo,” panenermon ko sa sarili.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Napatingala ako para pigilan ito. Iniikot ko na rin ang paningin upang maibaling sa iba ang aking atensyon. Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang orasang nakapatong sa mesang katabi ng aking higaan.

Alas onse na ng gabi. Paniguradong mahihirapan na naman akong makatulog.

Kinuha ko ang sketch pad maging ang lapis sa kaniyang lagayan at nagsimulang gumuhit, ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay halos walang kabuluhan ang mga naguguhit ko, kaya sa huli ay bagsak sa basurahan ang pahina na ginuhitan ko.

Napansin kong may kumikislap mula sa bintana kaya tumayo ako para silipin kung saan nanggagaling iyon. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang isang club na kakabukas pa lamang no’ng isang araw.

Napaismid na lamang ako sa laman ng isip ko. Why not? Wala namang masama. Sabado naman bukas.

Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nakatitig sa full-length mirror. Suot ang red dress na hapit na hanggang tuhod at three inches silver heels na niregalo sa akin ng kaibigan kong si Shaelza.

Natawa na lang ako nang maalala ang sinabi niya sa akin nang bilhin niya ito para sa akin. Huwag daw akong masyadong pagpaka-old-fashioned dahil napagkakamalan ng lahat na palagi niyang kasama ang tiyahin niya sa tuwing lumalabas kami. Loko talaga. Si nanny naman kasi no’n masyadong ginampanan ang pag-aalaga sa akin, na ginawa na talaga akong Maria Clara. Sinunod lamang daw niya ang habilin ni daddy.

Hay! How I miss them.

Nawala na lang bigla ang sana’y nakapaskil na ngiti sa labi ko nang muling maalala sila.

Ano ba, Ava!

Sinampal-sampal ko na naman ang pisngi ko at dahil doon ay namumula na ito ngayon. Hindi rin masama. Naglagay na lamang ako ng lip balm sa aking labi’t nilugay ang maalon at may kahabaang buhok.

PINAKITA ko ang kard ng pagkakakilanlan ko sa bouncer na nagbabantay sa pintuan sa labas. Tumango siya na nagpapatunay na puwede na akong pumasok.

Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong na agad sa pandinig ko ang malakas na tugtugin at hiyawan ng mga tao; mapalalaki o mapababae man. Tila dumadagundong ito sa d****b ko. Nanunuot rin maging sa ilong ko ang sari-saring amoy; amoy ng alak at sari-saring mga pabango.

Hindi ito ang kauna-unahang nakapasok ako sa isang club, pero ito iyong unang punta ko na hindi ko kasama si Shaelza. Paniguradong magbubunganga iyon kapag nalamang nag-club ako mag-isa at nagmukha akong tao sa gabing ito. Natawa na lang ako sa laman ng isip ko. Sa tuwing pumupunta kasi kami ng club ay simpleng pants at oversized t-shirt lang ang suot ko. Binibigyan ko pa nga siya ng problema dahil sa inappropriate nga ang suot ko ay hindi ako puwedeng pumasok, kaya napapalaban talaga siya sa pakiusapan.

Napansin kong may mga matang nakatitig sa akin habang nilalandas ko ang daan patungong counter, lalong-lalo na iyong mga babaeng nakaismid na at kung sumuri ay mula ulo hanggang paa. Dahil ayaw ko namang magmukhang hindi sanay at mapahiya ay ginaya ko na lamang ang confident ni Shaelza sa mga ganitong sitwasyon.

Just walk and ignore those people around you. Walk as if you own the path you are walking.

Halos mga elegante ang mga naririto base sa kani-kanilang kasuotan. Kaya ayaw kong magpatalo. I will treat myself as if I were just like them. Kahit na isa lang naman akong mahirap na daga na nakawala sa madumi niyang lungga.

Kaagad akong sinalubong ng matamis na ngiti ng isang payat ngunit matangkad na bartender. Umupo ako sa bahaging hindi matao.

“Good evening, Ma’am. What can I do for you?” he asked.

Tumugon ako ng isang matamis na ngiti. “What are the available drinks there that you can offer to me?”

Pumitik siya sa harap ko. “To a simble but beautiful lady like you, I can offer a Perfect Margarita. Soury but tasty!” Nagawa pa niyang halikan ang pinagdikit niyang mga daliri at pinalipad sa hangin.

Natawa ako sa ginawa niyang iyon.

“Okay, as you say so. I'd love to taste that,” I lilted.

“Está bien, Señora. Dame unos segundos.” (Okay, Madam. Give me a few seconds.) I laughed when he winked at me before he leave.

He’s cute.

Habang naghihintay sa kaniya na maghalo ng drinks ay iniikot ko ang aking paningin. Halos lango na rin ang karamihan dahil malikot na sa kasasayaw sa gitna, ang iba naman may kani-kaniyang kapareha sa kani-kanilang puwesto at may kalampungan na, at mayroon namang pormal lamang na nag-iinuman, nag-uusap at nagtatawanan. Napadako ang aking tingin sa grupo ng tila mga eleganteng tao, ngunit wala man lang kasigla-sigla sa kanilang ekspresyon dahil halos seryoso ang mga ito. Mababagot ka lang.

“Here’s your Perfect Margarita, Madam!” Naagaw ang atensyon ko nang dumating na ang bartender dala ang isang tequila cocktail na inorder ko.

Mayroon itong lemon at... “Is this salt?” pagtukoy ko sa maliliit na puting butil na nakakalat sa edge ng babasaging kopita.

He smiled. “Yes, Madam. The perfect kapares of our Perfect Margarita... lemon and salt.”

I raised my eyebrows for amusement.

“This is the best tequila cocktail we recommend for beginners,” he added.

Tumango-tango ako at sinimsim ito. Bigla na lang akong nangasim. It taste like adult limeade. Pero masarap; naghahalo ang tamis at asim nito.

“How is it?” he excitedly asked.

“Soury but tasty?” Ginaya ko ang ginawa niya kanina. Pareho kaming natawa.

“Excuse me. Can I have one rum cocktail please?” A man with a simple white long sleeve interrupted us.

“Sure, Sir. Let me excuse.”

Tumango ako nang balingan niya ako bago umalis.

Muli kong sinimsim ang inumin ko.

“Hello.”

Napabaling ako sa lalaki nang magsalita siya. Nakaharap na ito sa akin.

Bahagya akong ngumiti. "Hello," tugon ko.

Kung titingnan mo ay mukha namang disente at mabait itong lalaki. Kaso masyadong ginampanan ang pagiging neat at clean sa katawan.

“Kanina ka pa rito?” tanong niya.

Umiling ako. “Nope.”

Hindi ko alam pero kahit hindi pa kami nag-uumpisang mag-usap ay gusto ko na agad tapusin.

Dahil sa sinagot ko ay tumango-tango na lamang siya.

“Are you with someone?” muling tanong niya pagkalipas ng ilang segundo.

Napansin ko ang pagiging di-mapakali niya. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya hanggang sa paa; hindi ko alam kung sumasabay ba ito sa indak ng tugtugin o nanginginig?

Napabaling ako sa bahaging kanina pa niya sinisilip. Doon nakita ko ang grupo ng mga lalaki at babae, sinesenyasan siya.

“Ahm nope.” Pagharap ko sa kaniya.

Alanganin siyang napangiti sa akin.

“So, you are alone?”

Tumango ako.

“Ahh...”

“Sir, here's your rum cocktail.”

Nasa kamay pa lamang ng bartender ang baso ng alak ay agad niya itong hinablot at isang bagsakang nilagok.

I think he’s not okay.

“Thank you.” Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at mabilis na naglakad patungo sa mga kasama niya.

Napansin kong halos lahat ay nadismaya sa ginawa niya at ang iba naman ay pinagtatawanan siya. Nakayuko lamang siyang umupo at tinakpan ang mukha. Marahil sa hiya. Nagkibit-balikat na lamang ako at humarap sa bartender na ngayon ay nagtataka rin.

“Maybe I scare him,” I joked.

Natawa na lang ang bartender sa pinakawalan kong biro at nagpaalam na muna dahil marami pa raw siyang e-entertain-in.

Pagkatapos ng isa ay dumagdag ulit ako ng isa at dumagdag pa. Hindi ko na alam kung ilang baso na ng inumin ang nainom ko. Medyo nakararamdam na rin ako ng pagkahilo. Sumusunod na rin ang katawan ko sa magulong tugtugin na pumapaibabaw sa buong lugar. Idagdag mo pa ang mga kumikislap na iba’t ibang kulay ng ilaw na nag-uudyok sa katawan ko na sumayaw.

“Hey! I’ll be back. Sasayaw lang ako,” sigaw ko sa cute na bartender.

“Sure. Have fun!”

Hindi ko na siya binalingan at dire-diretso na akong nakihalo sa mga sumasayaw. Sinimulan ko na ang pagtaas ng kamay at pag-indak. Nagsisigaw na rin ako sa gitna at tumatawa na parang baliw. Walang iniisip na iba kundi ang magpakasaya. Kahit umiikot na ang mga tao sa paningin ko ay wala pa ring makapipigil sa gusto kong gawin sa mga oras na ito.

Unti-unti, habang ang mga tao’y nagwawala sa gitna, may mga imaheng malabo ngunit inaagaw ang paningin ko—sina mommy, daddy, at ako, nagtatawanan habang sinasayaw ang paborito nilang sayaw.

Pumikit ako’t iwinagwag ang ulo at sa muling pagdilat ko’y isang matangkad na lalaki ang sumalubong sa aking paningin. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dulot ng ilaw sa kaniyang likuran. Hinawakan niya ang baywang ko na aking ikinagulat at ipinagdikit ang aming mga katawan. Sa ginawa niyang iyon ay awtomatikong nag-init ang buo kong katawan lalo na nang maramdaman ang matigas na bagay na kumikiskis sa bandang tiyan ko. Nagawa rin niyang hagurin ang buhok ko’t inilagay sa likod ng aking tainga. Ibinaba niya ang kaniyang ulo.

“Hi.”

Sa ginawa niyang pagbulong ay napapikit na lamang ako dahil sa pagdaloy ng mainit niyang hininga sa aking leeg. Hindi ko alam ngunit kusang niyakap ng mga kamay ko ang leeg niya’t dahan-dahang sumayaw. Napansin ko ang ginawa niyang pagngisi. Sinabayan niya ako sa ginawa kong mabagal na pagsayaw. Ang mga kamay niyang nasa balikat ko ay marahang dumausdos patungo sa baywang ko hanggang sa aking pang-upo.

May bahagi sa isip ko na gusto ko siyang itulak, ngunit mas lamang ang kasiyahan ng aking katawan na gustong ituloy ang kaniyang ginagawa. I'm glad that every time my body touches the part below him becomes even harder. His breathe becomes deeper.

I grinned as he lost his patience and lowered his mouth to my ear. "You want to come with me?" he whispered.

I couldn't stop myself but to bite my lips.

Hanggang sa hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa isang malawak na silid na may malaking kuwarto at iniisa-isang hinuhubad ang mga saplot sa katawan. This is my first time to kiss a man. Bago pero dahil sa galing niyang h*****k ay parang hinahamon ako. He kissed me aggressively as if he was hunger from my taste.

Gusto kong pigilan siya sa kaniyang ginagawa at tumakbo. Pero ang nag-iinit kong katawan ay sinusuwatan ito. I felt the sensation for the first time as if I'm wanting more.

I groan when he kissed my sensitive skin. Nang dumampi na ang likod ko sa malambot na kama ay agad siyang pumaibabaw. I feel his smooth hand gently cares my skin until he reach my thing that made me arch. He do his job to satisfy my body not until his all force pushed on mine that made me cried inside.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Clenessa Falcunaya Gabinete
wahahahahaha nakakaexcite naman ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.3: Ang Pagwawakas

    Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.2: Ang Pagwawakas

    “Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.1: Ang Pagwawakas

    “Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 82

    Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.2

    “Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.1

    Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status