Share

Chapter 81.2

“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.

“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na. 

“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.

“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status