Ava’s P.O.V
“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.
“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.
“Mommy,” nangungulap kong usal.
Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.
How I miss her.
“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern.
Tumango-tango ako. “I will, Mom.”
Nagulat ako nang maglaho si mommy sa yakap ko. Gayon din si daddy mula sa kanina’y kinatatayuan niya. Biglang dumilim ang paligid.
I couldn't see anymore because darkness corrupted my sight.
“Remember this, Blythe, we love you. No matter what happen, please don't stay away from your nanny. Sumama ka sa kaniya at magpakalayo-layo kayo. Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.”
Dad's voice covered the whole dark place.
“Daddy. Daddy!” My heart was almost in pain as I cried. Memories stab me that much to suffer this kind of pain.
“Baby, please stay alive.” I heard mommy’s voice echoing all around.
“Mommy? Mommy!” I screamed.
Halos kapusin na rin ako sa paghinga sa sobrang sakit. Napaluhod ako’t napahawak sa aking d****b.
“Halimaw ka! Wala kang awa!” mom’s shouted.
Mommy, patawad. Wala man lang akong nagawa.
I know mommy was scared that time. I see her tears. I witnessed how painful she feels.
“Ako na lang ang patayin mo. Kunin mo na rin ang mga kayamanan ko. Basta huwag mo lang saktan ang pamilya ko.”
I heard another voice. He was scared and hopeless.
“Mr. Fonteverde!”
Until gunshots erupted all around and followed by laughters. Mga tawang tila nanggagaling sa ilalim ng lupa.
I GASPED for some air, catching my breath as I sat up. Suddenly someone came up to me and I immediately hugged him and cried on his shoulders.
“Hey, it’s okay. Everything will be okay.” He caresses my back while calming me down.
“Mommy, Daddy, I’m so sorry I'd made a mistake. I’m so sorry. Hindi ko alam,” pagtangis ko.
“Shh... calm down. Whatever it is, your parents can still forgive you.”
HINAGOD-HAGOD niya ang likod ko na ikinagaan ng aking pakiramdam. Malaking tulong iyon dahil napakalma niya ako mula sa pag-iyak. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kapanatagan dahil sa mainit niyang yakap. Pakiramdam ko'y ligtas ako.
Nanatili pa rin ako sa mga bisig niya nakayakap hanggang sa matauhan na lang ako’t kaagad akong kumawala. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko pala kilala ang taong ito. Bahagyang din siyang nagulat at maya-maya'y pareho kaming nakaramdam ng pagkaasiwa.
“I’m sorry,” halos magkasabay naming paghingi ng paumanhin.
“No, I should be the one to apologize. I shouldn’t have taken advantage of touching you,” he genuinely expressed.
Dahil doon ay bigla na lang akong nahiya. Ako ang dapat na humingi ng tawad.
“No. Ako ang dapat humingi ng tawad. Masyado akong nadala sa emosyon ko. Padalos-dalos din ang naging aksyon ko,” pagkontra ko sa sinabi niya.
“I understand,” aniya. “Ano pala ang ginagawa mo sa talahiban?”
Dahil sa tanong niya ay may naalala ako. “P’wede ko bang mahiram ang cellphone mo?”
“Ahh... sure.” At ibinigay niya nga sa akin ang kaniyang cellphone.
Pagkabigay niya ay kaagad akong pumunta sa g****e at tinipa ang detalyeng natatandaan ko.
The Fonteverde Corporation is known for the manufacture and source of effective and quality cosmetics and skincare solutions and remedies throughout the Philippines and even abroad.
Since the death of Uno Samson Fonteverde his son has continued to manage the company. Like his father, Alas Fredo Fonteverde is also agomphus in the field of entrepreneurship. Alas is one of the youngest CEOs, but despite his young age he is considered to be the most spotted in the Industry because of his power to command and gifted for having a competitive intelligence.
At marami pa akong nabasa. Doon na konpirma ko ang mga dapat kong malaman at mas lalong pinatunayan nito ang mga larawang ibinigay sa akin ng g****e. Karamihan ng kuha sa batang Fonteverde kung hindi nakatalikod ay nakatanaw sa gilid. Pero dahil nakita ko na ang mukha niya’y alam kong siya nga ito.
Nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang ito ginawa; ang alamin ang tungkol sa mga Fonteverde. Natatakot kasi ako noon na makilala sila. Mas mabuting hindi ko sila kilala dahil nababawasan ang magkahalong takot at galit sa aking puso.
May bahagya sa puso ko na natutuwa dahil sa nalamang wala na ang matandang Fonteverde. Pero hindi pa rin mawala-wala ang pagkamuhi ko sa kanilang lahi. Sariwang-sariwa pa rin ang sakit sa puso ko dahil sa ginawa nila sa pamilya ko. At ngayon binigyan pa nila ako ng dalalhin. Hindi ko mapigilang mapahawak sa puson ko.
‘Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.’
My father's last words reminds me of what I should do. Napatingin ako sa lalaking kasama ko ngayon na nakatitig sa akin at naghihintay na magsalita ako.
“Please, take me home.” Iyon na lamang ang mga katagang lumabas sa aking bibig.
PAGKARATING sa apartment ay inisa-isa kong kinuha ang mga importanteng gamit at papel na may posibilidad na mapagkukunan nila ng impormasyon ng aking pagkakakilanlan kung sakaling matunton nila ako. Alam ko ang mga galaw ng mga mayayaman; mga ganid sa kapangyarihan at kuwarta. Alam kong pahahanapin nila ako dahil may alam ako. Lalo pa kung ang pag-uusapan mo ay ang mga Fonteverde.
Kumuha na rin ako ng iilang mga damit. Nagawa ko pang wasakin ang alkansya ko na naglalaman ng mga perang inipon ko.
“Baka kailangan mo ng tulong?” Napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo ang lalaking tumulong sa akin na hindi ko pa alam kung ano ang pangalan.
Nag-alok siya ng tulong kung ano pa ang kaniyang maitutulong sa akin lalo na nang maikuwento ko sa kaniya ang nasaksihan ko at ang nagawa kong pagtakas. Nagsuhestiyon siya na sabihin ko raw sa pulisya, ngunit natatakot ako na baka ako iyong mabaliktad. Knowing Fonteverde, may posibilidad iyon. Hindi ko naman maiisaalang-alang ang buhay ko at ang magiging anak ko sa pagbabakasakali. Yes, kahit isang Fonteverde itong dinadala ko ay dapat ko pa rin siyang ingatan. Hindi naman kasalanan ng bata kung bakit siya nabuo. Maituturing na ngang himala ang nangyari sa akin sa talahiban dahil hanggang ngayon ay buhay pa kami ng anak ko.
Kahit na mapanganib ay handa niya pa rin akong tulungan at baka raw kargo de konsensya pa niya kapag nalamang napahamak na pala ako. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Ikaw ba naman makakilala ng mala-modern prince ang dating at mukhang anghel. At kitang-kita ko naman sa mga mata niya na sincere siya sa pagtulong sa akin.
Tipid akong ngumiti. “Huwag na. Sobra na ang tulong na ginawa mo.”
Tumango na lamang siya at tumingin sa labas ng pinto. Maya-maya'y bigla niyang binagsak pasara ang pinto at nagkukumahog na tumakbo patungo sa akin.
“Bakit?” pagtataka ko.
“May ibang daanan ba rito palabas?” tanong din niya.
“Oo. Sa balkonahe patungo sa fire exit pababa,” sagot ko naman.
“Tara!” Hinablot niya ang kamay ko at kinuha ang bag na kasasara ko pa lamang ang zipper.
Pagdaka’y kumalabog ng malakas ang pinto ng apartment ko na tila may puwersa na galing sa labas na gustong sirain ito.
“Sino ’yon?” nagawa ko pang magtanong.
“Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Halos naka-man in black suit sila.”
Dahil sa sinabi niya ay umakyat ang dugo ko sa ulo’t bumilis ang pagkabog ng aking puso at kumaripas ng takbo.
“Tara! Dito!” Pagmamadali ko.
Kaagad kaming tumakbo patungong balkonahe na magkadugtong sa bawat kuwarto at umikot pa kami para makarating sa bakal na hagdanan sa likod, pababa.
Hawak-hawak ko ang puson ko habang pababa. Todo ang ginawa kong pagdarasal at pagbulong sa anak ko na kumapit ng mahigpit kay mommy. Kailangan ko siyang ingatan.
Nasa harap ng building ang sasakyan ng kasama ko kung kaya’t kailangan naming tumungo roon. Pagkarating sa baba ay sumilip kami mula sa gilid ng building kung saan kami nagtago. Mula rito ay kitang-kita namin ang dalawang sasakyang itim at may dalawang naka-man in black ang nakatayo sa labas. Noong makita naming may dalawa pang lalaki ang naka-itim, na may kausap sa cellphone, ang patungo sa gawi namin ay kagyat akong kinabahan.
Hinablot ng kasama ko ang kamay ko para sana tumakbo ulit ngunit nag-aalinlangan akong tumakbong muli dahil sa batang dinadala ko sa aking sinapupunan kaya’t hinablot ko na lamang ang kuwelyo ng kaniyang damit at hinila palapit sa akin at pinulupot ko ang mga kamay ko sa kaniyang leeg.
NANG wala na ang mga lalaki ay pinakawalan ko na ang kasama ko mula sa aking pagkakagapos. Sandali kaming nagkatitigan at doon ay nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Kahit na mga pisngi lang naman namin ang nagdikit kanina ay ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Ipinagdarasal kong hindi niya ito mapapansin dahil nakakahiya.
Siya na ang unang bumawi ng tingin at pagkatapos ay pinulupot sa ulo ko ang tabing na rolyo sa leeg ko. Nilagay niya ang ulo ko sa harap ng kaniyang d****b at tinakpan ng kaniya braso. Niyakap niya ko nang lumakad kami patungo sa kaniyang sasakyan. Nang matagumpay kaming makapasok sa kotse na walang sinumang naghinala ay kaagad niyang pinaandar ito.
HINDI kalayuan sa bahay nina Shaelza ay pinahinto ko sa kasama kong nagmamanyobra ang sasakyan. Lalo na nang makita ang sasakyang pangpulisya sa harap nito. Lumabas ng bahay si Shaelza kasama ang mga lalaking nakauniporme na pang awtoridad. Umiiyak siya habang kinakausap sila. Hindi ko alam kung ano ang sinabi o tinanong ng mga ito sa kaniya. Pero bakas sa mukha ni Shaelza na mukhang nakatanggap siya ng masamang balita.
Sa sobrang takot at hindi alam ang gagawin ay napaluha na lang din ako. Bahagya ko pang hinaplos ang puson ko. Ngayon lamang ako nakaramdam ng matinding takot sa kalagayan ko.
Mas tama nga sigurong hayaan ko na lamang sa mga isip ng mga kakilala ko na tuluyan na akong napahamak.
“What are you planning to do now?” Napaharap ako sa katabi ko na puno ng bahid ng luha sa mga mata.
Napailing ako. Mas lalo lang akong naging emosyonal.
“Please, help me,” ang naiusal ko na lamang. “Wala na akong ibang mapupuntahan at hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko,” dagdag ko pa. Nilakasan ko na lamang ang loob ko para sa anak ko. “Ilayo mo lang ako rito. Iyon lang naman. Iyon lang, pakiusap.” Halos masira na ang boses ko habang sinasabi iyon.
Nakikita ko namang nahahabag na siya sa akin. Oo, gagawin kong kaawa-awa ang sarili ko mailigtas lang kami ng anak ko.
Napatingin ako sa kamay ko na nakapatong sa aking binti nang hawakan niya ito.
“No worries. I will take good care of you and your child.”
Nagulat pa ako sa sinabi niyang iyon. Itatanong ko pa sana na kung paano niya nalaman na buntis ako pero dahil siya ang nakakita sa akin at tumulong ay nanatili na lang akong tahimik. Sa kabilang banda ay bigla akong nabuhayan ng loob.
PAGKATAPOS na pagkatapos ay kumuha siya ng ticket naming dalawa sa mga oras na iyon papuntang France. Bago kami umakyat ng eroplano ay may nakasagutan pa siya sa kaniyang cellphone. Kahit hindi niya ipakita sa akin ay nababakas ito sa kaniyang mukha.
“Paano ang trabaho mo? Ang mga maiiwan mo rito sa Pilipinas kung sasama ka sa akin?” sunod-sunod na mga tanong ko sa kaniya habang papaakyat ng eroplano.
Ngayon kilala ko na siya. He is Dr. Jemuel Kheil Mariño, an ob-gyn doctor. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit nalaman niyang buntis ako.
Bahagya siyang ngumiti. “Don't worry. I am not that important to them. And I know there are many opportunities in France. I'm sure I can find a job right away,” he jolly said.
Ngumiti na lamang ako nang balingan niya ako. I know he has his own problems but he would rather help others he had just met than to solve his own problems first. He is too kind. I have to thank God because he gave me this man.
Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good
Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.
Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Third Person P.O.V “Tito Jemuel, when are you going to visit us?” Herald asked him on the other line. Ilang araw na ba siyang hindi nakapupunta sa condo unit ng mag-ina? Two? Three? Four days? Hindi niya na alam. At wala siyang plano dahil maliban sa abala siya para sa papalapit na pagbubukas ng klinika niya ay hindi pa niya kayang harapin si Ava. He already did everything, but why does it seem to be not enough to her? He was upset because of the woman's decision. Hindi man lang siya sinama sa naging plano ng babae. Tila wala siyang naitulong at basta na lamang itinapon. Kausap niya ngayon ang inaanak niya sa kabilang linya. Kinonekta lamang niya sa aparatong nilalagay sa tainga ang tawag sa selpon dahil nagmamaneho siya ngayon ng kaniyang sasakyan. “I can't sa
Kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko papasok sa subdivision kung saan matatagpuan ang malaking tahanan ng mga Fonteverde. Nang ibigay sa drayber ang pamasahe ay kaagad akong dumako sa maliit na gate para mag-doorbell. Hindi ko pa nadiin ang kamay ko sa pulang bilog na pindutan ay bigla nalang bumukas ang malaking gate sa gilid nito. Lumabas ang isang itim at tinted na SUV. Dahil sa pagkabigla ay napatalikod ako. Hindi ko alam kung nakita ako ng kung sinong tao na nasa loob ng sasakyan, pero kahit naka-tinted ang salamin ay sigurado akong si Alas Fonteverde ang nasa loob nito. Nang makalayo na ay saka lang ako humarap at tinanaw ang sasakyan hanggang sa lumiit ito sa aking paningin. Hindi ko akalaing maaabutan ko siyang paalis ng kanilang bahay. Sabado ngayon kaya kahit sabado ay hindi ito nawawalan ng trabaho. Mga kawawang nilalang. Masyadong ginugugol ang sarili sa pagpapayaman. “Astrid, and’yan