Share

Chapter 4

Author: Trisisisha
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-14 22:28:08

Umiiyak ako habang hawak ang mga gamit ni Vee. Binitawan ko ang jacket niya na palagi niyang sinusuot pagtaglamig dahil madali siyang lamigin. Pagkatapos, tiningnan ko ang picture frame na nasa bedside table niya. Ito 'yung graduation picture niya iyon noong senior high school.

‎

‎I didn't even bother wiping my tears as I picked up Vee's picture.

‎

‎"Namimiss na kita agad. Bakit mo naman ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Bakit ba nagiging ganito ka dahil sa lalaking 'yon? Ano bang ginawa niya para mabaliw ka sa kanya nang ganyan? You just lost your life because of that man, Vee. Gusto kong magalit sayo, pero hindi ko magawa kasi mahal kita."

‎

‎Pinunasan ko na ang mga luha ko habang nakatingin sa picture niya, at saka iyon niyakap.

‎

‎"Alam kong hindi ka matutuwa sa pinaplano ko. Pero hindi ko pwedeng palapagpasin 'to, Vee. He ruined your life. Castriel ruined your life. So, I'll ruin his life as well. Ngipin sa ngipin. Iyon naman ang gusto niya," mariin kong sabi habang nakatingin sa bintana, kung saan tanaw ko ang mga estudyanteng naglalakad sa campus.

‎

‎Napangisi ako nang makita ko si Castriel na naglalakad kasama si Raina.

‎

‎Hindi lang naman siya ang sumira sa buhay ni Vee. Pati ang babaeng 'yan. Pinatulan niya ang lalaking may girlfriend na.

‎

‎"Anong balak mo?" tanong ni Benji.

‎

‎My gay classmate had come to the dorm because we needed to work on a project together. Kami lang ang magka-group.

‎Hindi naman kami ganoon ka-close, pero hindi ko rin puwedeng sabihin kay Jessa ang tungkol dito dahil alam kong hindi siya papayag. Kilala ko siya. Hindi siya matutuwa sa mga balak kong gawin.

‎

‎I needed to share my plans with someone, kaya kay Benji ko na lang sinabi ang lahat, pati ang tungkol sa pagkamatay ni Vee at ang balak kong paghihiganti kay Castriel.

‎

‎"Promise me you won't tell it to anyone else," banta ko habang pinanlalakihan siya ng mga mata.

‎

‎Agad naman siyang tumango.

‎

‎"Oo naman. Maaasahan mo ako. Ano ka ba?"

‎

‎"Sure ka, ah? Baka mamaya, kalat na sa buong university ang sinabi ko," sabi ko.

‎

‎Nalukot ang mukha niya.

‎

‎"Te, anong akala mo sakin? Kita mo namang ako 'yung baklang walang close sa room natin. Galing akong probinsya at mahirap lang ako, kaya ayaw nila sakin," sabi niya bago bahagyang sumimangot. "So, ano ngang plano mo?"

‎

‎Napayuko ako.

‎

‎"Hindi ko pa alam. Pero gusto kong pabagsakin ang buhay niyang si Nervadez," desididong sabi ko.

‎

‎Pumalakpak ang bakla.

‎

‎"Support kita diyan, te! Masama pa naman ang ugali non. Naku, goodluck na lang talaga sayo," sabi niya.

‎

‎"Sasamahan mo ako," sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

‎

‎Nanlaki ang mga mata niya at maarteng itinuro ang sarili.

‎

‎"Ha? Ako?"

‎

‎Tumango ako.

‎

‎"Oo. Ako nang bahala sa allowance mo," sabi ko.

‎

‎Napangiti naman siya nang malawak.

‎

‎"Ay, gusto ko 'yan!"

‎

‎Iginala niya ang paningin sa paligid bago muling nagsalita.

‎

‎"Baka pwedeng dito na rin ako tumira? Ang mahal ng upa sa boarding house ko," sabi niya habang nakasimangot.

‎

‎"Baka gusto mong multuhun ka ni Vee?" pananakot ko sa kanya.

‎

‎"Te, parang natatakot naman ako? Paano makakanakot 'yung babaeng yon? Napakahinhin no'n. At saka, nandoon na siya sa taas. Payapa na siya, ganun," sabi niya.

‎

‎Nagawa pang humiga sa higaan na Vee, na hindi ko na napigilan.

‎

‎Napayuko na lang ako at napahawak sa noo ko.

‎

‎Nakaka-stress pala 'tong baklang 'to!

‎

‎Nakatulog lang ako sa sobrang pag-iyak kay Vee. Nagising ako nang maramdaman kong may humihila sa kumot ko. Agad akong napabalikwas at napakunot ang noo nang makita ko si Benji na tawa nang tawa.

‎

‎"Do you think it's funny?" Inis kong tanong.

‎

‎Napahawak na siya sa tiyan niya sa kakatawa.

‎

‎"Ano ba 'yon?" irita kong tanong.

‎

‎Ipinakita niya sakin ang maleta niyang dala at ang backpack na nakasabit sa balikat niya.

‎

‎"Kinuha ko na ang mga gamit ko. Hindi na ako nakapagpaalam sayo dahil tulog na tulog ka," sabi niya.

‎

‎"Hindi mo talaga hinintay na pumayag ako, no?" salubong ang kilay na tanong ko.

‎

‎Nagdesisyon na siya agad.

‎

‎Alanganin lang siyang ngumiti at napakamot sa batok.

‎

‎Napabuntong-hininga ako.

‎

‎"Wala naman na akong magagawa. Nandito na ang mga gamit mo. Ayusin mo na lang diyan, at wag mong papakialaman ang mga gamit ni Vee kasi ibabalik ko 'yan sa pamilya niya," sabi ko at muling nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

‎

‎Maayos naman kasama sa dorm si Benji. Maingay lang siya, lalo na sa gabi, dahil mahilig siyang manood ng mga Korean dramas.

‎

‎Sana nga nagparamdam sa kanya si Vee para matahimik naman siya.

‎

‎Dalawang araw na rin akong hindi nakakapasok at ina-update lang ako ni Benji sa mga ginagawa. Tinatamad pa akong pumasok, at alam kong kumalat na rin sa university ang balitang wala na si Vee.

‎

‎Bukas, papasok na rin naman ako.

‎

‎Ang problema, wala pa rin akong maisip na paraan para makapaghiganti kay Castriel.

‎

‎Habang nanonood si Benji ng Korean drama, bigla siyang tumingin sakin matapos i-pause ang pinapanood niya.

‎

‎"Ano?" taas-kilay na tanong ko.

‎

‎"Wala pa ring plano?" tanong niya.

‎

‎Nag-iwas ako ng tingin at umiling.

‎

‎"Baka sign na 'yan na wag mo nang ituloy. Malay mo, sign na rin 'yan mula kay Vee," sabi niya at muling kumain ng Piattos na hawak niya.

‎

‎Muli akong umiling.

‎

‎"This can't be. Walang makakapigil sakin." mariin kong sabi.

‎

‎Nagkibit-balikat lang siya.

‎

‎"Ikaw ang bahala. Basta sabihin mo lang sakin kung anong gagawin ko," sabi niya at muling itinuon ang atensyon sa pinapanood.

‎

‎"Oh my God! So, totoo talaga ang sinasabi mo?" gulat na bulalas ni Benji.

‎

‎Tumango ako habang nakatingin sa dalawang taong naghahalikan sa likod ng puno, sa likuran ng lumang building.

‎

‎"Grabe! Hindi ko ine-expect 'to. They act like they're brother and sister, di ba?” sabi niya.

‎

‎Sinenyasan ko siyang wag maingay at itaas ang cellphone ko.

‎

‎I took pictures and recorded a video of them. Gagamitin ko ang mga ito laban kay Castriel.

‎

‎Natutuwa na ako isipin pa lang na pinagsasapak na siya ni Remi sa sobrang galit. Pati ba naman kapatid ng kaibigan. Pinatos pa.

‎

‎Napailing ako at tumalikod na. Agad namang sumunod sakin si Benji.

‎

‎"Ano pang sunod mong gagawin?" tanong niya.

‎

‎Nilingon ko siya.

‎

‎"Mag-ready kana bukas, especially your acting skills. Good luck," sabi ko bago naunang maglakad palayo.

‎

‎Naiwan naman siyang nakatulala, tila hindi makapagsalita.

‎

‎Humanda ka bukas, Castriel.

‎

‎Uunti-untiin kita.

‎

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Moral Conflict   Chapter 4

    Umiiyak ako habang hawak ang mga gamit ni Vee. Binitawan ko ang jacket niya na palagi niyang sinusuot pagtaglamig dahil madali siyang lamigin. Pagkatapos, tiningnan ko ang picture frame na nasa bedside table niya. Ito 'yung graduation picture niya iyon noong senior high school.‎‎I didn't even bother wiping my tears as I picked up Vee's picture.‎‎"Namimiss na kita agad. Bakit mo naman ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Bakit ba nagiging ganito ka dahil sa lalaking 'yon? Ano bang ginawa niya para mabaliw ka sa kanya nang ganyan? You just lost your life because of that man, Vee. Gusto kong magalit sayo, pero hindi ko magawa kasi mahal kita."‎‎Pinunasan ko na ang mga luha ko habang nakatingin sa picture niya, at saka iyon niyakap.‎‎"Alam kong hindi ka matutuwa sa pinaplano ko. Pero hindi ko pwedeng palapagpasin 'to, Vee. He ruined your life. Castriel ruined your life. So, I'll ruin his life as well. Ngipin sa ngipin. Iyon naman ang gusto niya," mariin kong sabi habang nakatingin sa

  • The Moral Conflict   Chapter 3

    Agad kong hinawakan ang kamay ni Jessa at sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot. Pagdating namin doon, agad kaming sumakay sa sasakyan ko.‎‎Nanginginig ang kamay ko habang sinusuksok ang susi sa ignition.‎‎"Lou, calm down. Baka kung anong mangyari satin hindi pa tayo nakakarating sa Bahay ni Vee," pakiusap sakin ni Jessa.‎‎Napapikit ako at huminga nang malalim bago dahan-dahang nagpakawala ng hininga.‎‎Nang medyo kumalma na ako, nagmaneho na ako papunta sa bahay ni Vee na may kalayuan sa university. One hour and thirty minutes akong nagmaneho bago kami makarating doon.‎‎Tahimik ang paligid. Nang makita namin ng guard, agad niya kaming pinapasok dahil kilala naman nila kami bilang mga kaibigan ni Vee.‎‎Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Tita Estella. Nanginginig na rin ako, kaya naramdaman kong hinawakan ni Jessa ang isang kamay ko na nanlalamig na.‎‎Sumalubong kami ni Tita Estella sa entrada ng bahay, at agad niya kaming niyakap nan

  • The Moral Conflict   Chapter 2

    ‎Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sakin ang puting kisame ng clinic ng university namin.‎‎"How are you, Miss Pretty?"‎‎Agad akong napalingon sa nagsalita. Napakunot ang noo ko.‎‎Bakit nandito si Remi?‎‎Prenteng nakaupo sa nag-iisang upuan sa clinic habang may hawak na cellphone. Marahil ay nagce-cellphone siya kanina habang binabantayan ako.‎‎Imbis na sagutin ko siya, nagtanong ako.‎‎"Bakit ka nandito?" salubong ang kilay na tanong ko.‎‎Ngumisi siya.‎‎"Actually, si Soren talaga 'yung kanina pa nandito, binabantayan ka. Tumawag lang 'yung dad niya, kaya ako yung pinakiusapan niyang pumalit," sagot niya.‎‎"Hindi niyo naman ako kailangan bantayan," sabi ko.‎‎"We have to. Kasi hindi ka magkakaganyan kung hindi dahil sa kaibigan namin. We need to take accountability for his actions," sagot niya.‎‎Parang may pumutok na ugat sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Biglang uminit ang ulo ko.‎‎What did he just say?‎‎"Why? Bakit hindi siya ang mag-tak

  • The Moral Conflict   Chapter 1

    "Vee, sure ka bang hindi malalaman ni Castriel 'to?" tanong ko kay Vee, na kasama kong naglalakad dito sa hallway ng building nila Castriel.‎‎Castriel is her boyfriend.‎‎I hate my bestfriend's boyfriend, pero hindi porke ayaw ko sa kanya ay hindi na dapat ako kabahan dito sa gagawin namin.‎‎Matagal na kasing nag hihinala si Vee sa boyfriend niya na may ibang babae, kaya kami nandito ngayon sa building ng Medtech ng dis-oras ng gabi. Dapat nasa dorm na kami ng ganitong oras, pero dahil bestfriend ko siya, hindi ko siya hinayaang sundan nang mag-isa ang boyfriend niya. ‎‎Yes, sinundan namin si Castriel nang pumasok ito sa building nila.‎‎"Kaya nga mag-iingat tayo para hindi 'to malaman ni Castriel," sabi ni Vee at sinenyasan akong tumahimik bago dahan-dahang naglakad. Maingat naman akong sumunod sa kanya.‎‎Huminto si Vee sa vacant room, kaya huminto rin ako. Itinuro niya ang pinto, at sabay naming dinikit ang mga tenga namin sa pintuan.‎‎"Are you sure about this, Rai?" nar

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status