Share

Chapter 3

Author: Trisisisha
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-13 22:33:20

Agad kong hinawakan ang kamay ni Jessa at sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot. Pagdating namin doon, agad kaming sumakay sa sasakyan ko.

‎

‎Nanginginig ang kamay ko habang sinusuksok ang susi sa ignition.

‎

‎"Lou, calm down. Baka kung anong mangyari satin hindi pa tayo nakakarating sa Bahay ni Vee," pakiusap sakin ni Jessa.

‎

‎Napapikit ako at huminga nang malalim bago dahan-dahang nagpakawala ng hininga.

‎

‎Nang medyo kumalma na ako, nagmaneho na ako papunta sa bahay ni Vee na may kalayuan sa university. One hour and thirty minutes akong nagmaneho bago kami makarating doon.

‎

‎Tahimik ang paligid. Nang makita namin ng guard, agad niya kaming pinapasok dahil kilala naman nila kami bilang mga kaibigan ni Vee.

‎

‎Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Tita Estella. Nanginginig na rin ako, kaya naramdaman kong hinawakan ni Jessa ang isang kamay ko na nanlalamig na.

‎

‎Sumalubong kami ni Tita Estella sa entrada ng bahay, at agad niya kaming niyakap nang mahigpit.

‎

‎Agad akong humiwalay.

‎

‎May tumulo nang luha sa mga mata ko habang nakatingin kay Tita Estella, na walang humpay sa pag-iyak. It's like she's been crying for hours now.

‎

‎Umiling ako.

‎

‎"T-Tita, ayoko po ng ganito. A-Ano po ba talaga ang nangyari?"

‎

‎Pinunasan ni Tita Estella ang mga luha niya at hinawakan ang mga kamay namin ni Jessa.

‎

‎Tumingin siya sa mga mata namin at binigkas ang mga salitang labis na makakasakit sa amin.

‎

‎"She's died...Vee's dead."

‎

‎Tila nawalan ako ng lakas.

‎

‎What? Vee's daed? Paano nangyari 'yon?

‎

‎"Ano po?" hindi mapaniwalang tanong ni Jessa.

‎

‎"T-Tita..." tanging nasabi ko.

‎

‎Ramdam ko na ang pamamanhid ng buong katawan ko.

‎

‎Ayoko ng ganito.

‎

‎Sana gisingin ako sa masamang panaginip na ito.

‎

‎Noong nakaraan, kasama ko pa si Vee.

‎

‎P-paanong namatay na siya?

‎

‎"Ano pong nangyari?" mahinang tanong ko.

‎

‎Suminghap muna si Tita bago muling nagsalita, na para bang hindi na siya makahinga.

‎

‎"She hanged herself in her bedroom. I don't want to look at it. Masakit, iha."

‎

‎Sa sinabi ni Tita, napayuko ako at tila nanghina.

‎

‎Hindi ko na rin maramdam ang mga kamay ko. Tanging hagulgol na lang nina Tita Estella at Jessa ang naririnig ko.

‎

‎Sumunod lang ako kay Tita nang hawakan niya ang mga kamay namin ni Jessa at akayin kami papunta sa sofa.

‎

‎"Hindi ko alam, iha, kung bakit niya nagawa  'to. Malayo man kami sa Dad at sa mga kapatid niya, but we always make sure that we're always here for her," sabi ni Tita.

‎

‎Napayuko ako.

‎

‎I don't know what the real reason is. Pero alam ko kung ano ang nagkasakit kay Vee nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam na maaari pa lang umabot sa ganito.

‎

‎I can't help it but feel that I failed her.

‎

‎Parang wala akong nagawa para sa kanya. Kami ang magkasama palagi pero hinayaan  umabot siya sa ganito.

‎

‎May pumatak na luha sa mata ko, na agad kong pinunasan.

‎

‎Napailing ako habang hindi pa rin itinataas ang tingin ko kay Tita.

‎

‎"It's my fault, Tita..." mahinang sabi ko.

‎

‎Agad na hinawakan ni Tita ang kamay ko na agad kong kinaangat ng tingin sa kanya.

‎

‎Umiling siya at kinagat ang labi niya.

‎

‎"It's not your fault, Lou. Walang may gusto ito."

‎

‎Muli akong umiling, at sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko.

‎

‎"H-hindi ko man lang po siya natulungan. Mas iniisip ko pang magantihan ang lalak—"

‎

‎Napatigil ako sa pagsasalita nang putulin ako ni Tita. Nangunot ang noo niya.

‎

‎"Lalaki? What did you say, Lou? It's a man, right?" paninigura ni Tita.

‎

‎Wala na rin naman akong magagawa kung itanggi ko pa. I know kung gaano sila kahigpit kay Vee because she's their only daughter. They don't want her to have a boyfriend until she graduates in college.

‎

‎Tumango ako.

‎

‎"May boyfriend po siya. Ex-boyfriend na po. She was so devastated when she left our dorm po, Tita. Her boyfriend cheated on her," mahinang sabi ko at iniiwasang mapatingin kay Tita.

‎

‎Nabitawan ako ni Tita.

‎

‎"Oh my God. I didn't know this. My daughter didn't deserve this."

‎

‎"I'm sorry, Tita. I didn't tell you," sabi ko.

‎

‎Napatingin ako kay Jessa at nakita siyang gulat na gulat. Alam din kasi niyang isa sa mga ipinagbabawal kay Vee ang pagkakaroon ng boyfriend.

‎

‎Napatayo si Tita at umakyat sa taas.

‎

‎Pareho kaming napatingin ni Jessa sa kanya.

‎

‎She really looks disappointed, kaya mas lalo akong nakokonsensya.

‎

‎Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Jessa sa likod ko.

‎

‎"Kahit ako, disappointed rin, Lou. We can't blame Tita Estella. Pero hindi ka rin naman pwedeng sisihin dito. Alam kong itinago mo lang 'to dahil mahal mo si Vee,” malumanay na sabi ni Jessa.

‎

‎Bahagya akong napangiti. Niyakap niya ako, at niyakap ko rin siya pabalik.

‎

‎I only have Jessa now.

‎

‎Wala na sa tabi namin si Vee.

‎

‎Tulala lang ako habang nakaupo sa garden nila Vee. Hindi pa rin bumababa si Tita.

‎

‎Sinabi samin ng mga katulong na kinuha na kaninang umaga ang labi ni Vee. Hindi rin daw talaga siya pumunta sa Batangas. Dito raw siya sa bahay nila pumunta dahil nag-text sa kanya ang mommy niya at sinabing dito na lang siya magpahinga.

‎

‎Ang sabi raw kasi ni Vee, pagod na siya sa sunod-sunod na activities at projects.

‎

‎Hindi naman nila alam na ibang pahinga pala ang gusto niya.

‎

‎Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman kong umupo roon.

‎

‎Kinabahan ako nang makita kong si Tita Estella iyon.

‎

‎Hindi na ba siya galit sakin? Bakit niya ako tinatabihan?

‎

‎Nagbuntong-hininga si Tita bago nagsalita.

‎

‎"I'm sorry, iha, for how I acted earlier. Hindi ko lang ma-process na possibleng lalaki ang dahilan kung bakit nagpatiwakal ang anak ko," mahinang sabi ni Tita habang nasa malayo ang tingin.

‎

‎"But her Prof called me just just now. Sinabi niyang hindi na raw nakakapasa ng activities si Vee. She also lost her top-one spot. Matagal na raw. Ilang months na siyang ganoon," nahihirapang sabi ni Tita bago tumingin sakin. "We all know that she's not like that. Masipag mag-aral ang anak ko. Kailan ba nagloko sa kanya ang boyfriend niya?" diretso niyang tanong.

‎

‎"Noong monday lang po, Tita," sagot ko.

‎

‎"Bago pa lang pala. Is it possible na bad influence lang talaga sa kanya ang boyfriend niya?" tanong ni Tita.

‎

‎Tumango ako.

‎

‎Alam ko. Alam kong simula nang maging boyfriend ni Vee si Castriel, kay Castriel na umiikot ang mundo niya.

‎

‎Hindi na siya sumasama sakin sa library para mag-aral. Palagi na siyang pumupunta sa dorm ni Castriel.

‎

‎Dati, siya pa ang nagyayaya sakin para pumunta ng library. Nagbago na siya simula nang maging sila.

‎

‎Napabuntong-hininga si Tita.

‎

‎"Hindi ko matanggap nang dahil sa lalaki, kaya nawala ang anak ko."

‎

‎Hinawakan ni Tita ang kamay ko at tiningnan ako sa mata.

‎

‎"It's not your fault, okay? Hindi mo kasalanan na naging sila. Hindi mo kasalanan na ganoon ang lalaking 'yon. Don't blame yourself, okay?"

‎

‎Napatango ako kahit na deep inside, alam kong sinisisi ko pa rin ang sarili ko.

‎

‎Tumayo si Tita.

‎

‎"Her dad, Kuya, and Val will be here in an hour. Sige, iha, aalis na ako," sabi niya bago tumalikod.

‎

‎Parating na si Tito. Baka mapagalitan niya ako.

‎

‎Malaki ang tiwala niya sakin pagdating kay Vee. She let Vee stay in a dorm because she trusted me to look after her. I need to leave before they arrive.

‎

‎Kaya nagmamadali akong pumunta sa kusina, kung nasaan si Jessa at tinutulungan ang mga katulong sa kanilang mga gawain.

‎

‎"Jessa!" tawag ko sa kanya.

‎

‎Agad naman siyang lumingon.

‎

‎"Bakit?" tanong niya. Mugto pa rin ang mga mata niya.

‎

‎"Aalis na ako. Babalik na lang ako bukas," sabi ko.

‎

‎Nangunot ang noo niya.

‎

‎"Bakit naman? Sasamahan pa natin si Tita," sabi niya.

‎

‎Umiling ako.

‎

‎"Basta. Sige, alis na ako. Sabihin mo na lang kay Tita na may emergency ako," sabi ko bago nagmamadaling lumabas.

‎

‎Pagkasakay ko sa sasakyan, agad ko iyong pinaandar.

‎

‎Nang makarating ako sa dorm, mariin kong kinuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa higaan ni Vee at sa mga gamit niya.

‎

‎"I'll take revenge on Castriel for Vee. Kasi siya ang puno't dulo ng lahat nang 'to. Hindi mawawala ang kaibigan ko kung hindi dahil sa kanya," mariin kong sabi bago bumaba ng sasakyan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Moral Conflict   Chapter 4

    Umiiyak ako habang hawak ang mga gamit ni Vee. Binitawan ko ang jacket niya na palagi niyang sinusuot pagtaglamig dahil madali siyang lamigin. Pagkatapos, tiningnan ko ang picture frame na nasa bedside table niya. Ito 'yung graduation picture niya iyon noong senior high school.‎‎I didn't even bother wiping my tears as I picked up Vee's picture.‎‎"Namimiss na kita agad. Bakit mo naman ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Bakit ba nagiging ganito ka dahil sa lalaking 'yon? Ano bang ginawa niya para mabaliw ka sa kanya nang ganyan? You just lost your life because of that man, Vee. Gusto kong magalit sayo, pero hindi ko magawa kasi mahal kita."‎‎Pinunasan ko na ang mga luha ko habang nakatingin sa picture niya, at saka iyon niyakap.‎‎"Alam kong hindi ka matutuwa sa pinaplano ko. Pero hindi ko pwedeng palapagpasin 'to, Vee. He ruined your life. Castriel ruined your life. So, I'll ruin his life as well. Ngipin sa ngipin. Iyon naman ang gusto niya," mariin kong sabi habang nakatingin sa

  • The Moral Conflict   Chapter 3

    Agad kong hinawakan ang kamay ni Jessa at sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot. Pagdating namin doon, agad kaming sumakay sa sasakyan ko.‎‎Nanginginig ang kamay ko habang sinusuksok ang susi sa ignition.‎‎"Lou, calm down. Baka kung anong mangyari satin hindi pa tayo nakakarating sa Bahay ni Vee," pakiusap sakin ni Jessa.‎‎Napapikit ako at huminga nang malalim bago dahan-dahang nagpakawala ng hininga.‎‎Nang medyo kumalma na ako, nagmaneho na ako papunta sa bahay ni Vee na may kalayuan sa university. One hour and thirty minutes akong nagmaneho bago kami makarating doon.‎‎Tahimik ang paligid. Nang makita namin ng guard, agad niya kaming pinapasok dahil kilala naman nila kami bilang mga kaibigan ni Vee.‎‎Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Tita Estella. Nanginginig na rin ako, kaya naramdaman kong hinawakan ni Jessa ang isang kamay ko na nanlalamig na.‎‎Sumalubong kami ni Tita Estella sa entrada ng bahay, at agad niya kaming niyakap nan

  • The Moral Conflict   Chapter 2

    ‎Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sakin ang puting kisame ng clinic ng university namin.‎‎"How are you, Miss Pretty?"‎‎Agad akong napalingon sa nagsalita. Napakunot ang noo ko.‎‎Bakit nandito si Remi?‎‎Prenteng nakaupo sa nag-iisang upuan sa clinic habang may hawak na cellphone. Marahil ay nagce-cellphone siya kanina habang binabantayan ako.‎‎Imbis na sagutin ko siya, nagtanong ako.‎‎"Bakit ka nandito?" salubong ang kilay na tanong ko.‎‎Ngumisi siya.‎‎"Actually, si Soren talaga 'yung kanina pa nandito, binabantayan ka. Tumawag lang 'yung dad niya, kaya ako yung pinakiusapan niyang pumalit," sagot niya.‎‎"Hindi niyo naman ako kailangan bantayan," sabi ko.‎‎"We have to. Kasi hindi ka magkakaganyan kung hindi dahil sa kaibigan namin. We need to take accountability for his actions," sagot niya.‎‎Parang may pumutok na ugat sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Biglang uminit ang ulo ko.‎‎What did he just say?‎‎"Why? Bakit hindi siya ang mag-tak

  • The Moral Conflict   Chapter 1

    "Vee, sure ka bang hindi malalaman ni Castriel 'to?" tanong ko kay Vee, na kasama kong naglalakad dito sa hallway ng building nila Castriel.‎‎Castriel is her boyfriend.‎‎I hate my bestfriend's boyfriend, pero hindi porke ayaw ko sa kanya ay hindi na dapat ako kabahan dito sa gagawin namin.‎‎Matagal na kasing nag hihinala si Vee sa boyfriend niya na may ibang babae, kaya kami nandito ngayon sa building ng Medtech ng dis-oras ng gabi. Dapat nasa dorm na kami ng ganitong oras, pero dahil bestfriend ko siya, hindi ko siya hinayaang sundan nang mag-isa ang boyfriend niya. ‎‎Yes, sinundan namin si Castriel nang pumasok ito sa building nila.‎‎"Kaya nga mag-iingat tayo para hindi 'to malaman ni Castriel," sabi ni Vee at sinenyasan akong tumahimik bago dahan-dahang naglakad. Maingat naman akong sumunod sa kanya.‎‎Huminto si Vee sa vacant room, kaya huminto rin ako. Itinuro niya ang pinto, at sabay naming dinikit ang mga tenga namin sa pintuan.‎‎"Are you sure about this, Rai?" nar

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status