"Vee, sure ka bang hindi malalaman ni Castriel 'to?" tanong ko kay Vee, na kasama kong naglalakad dito sa hallway ng building nila Castriel.Castriel is her boyfriend.I hate my bestfriend's boyfriend, pero hindi porke ayaw ko sa kanya ay hindi na dapat ako kabahan dito sa gagawin namin.Matagal na kasing nag hihinala si Vee sa boyfriend niya na may ibang babae, kaya kami nandito ngayon sa building ng Medtech ng dis-oras ng gabi. Dapat nasa dorm na kami ng ganitong oras, pero dahil bestfriend ko siya, hindi ko siya hinayaang sundan nang mag-isa ang boyfriend niya. Yes, sinundan namin si Castriel nang pumasok ito sa building nila."Kaya nga mag-iingat tayo para hindi 'to malaman ni Castriel," sabi ni Vee at sinenyasan akong tumahimik bago dahan-dahang naglakad. Maingat naman akong sumunod sa kanya.Huminto si Vee sa vacant room, kaya huminto rin ako. Itinuro niya ang pinto, at sabay naming dinikit ang mga tenga namin sa pintuan."Are you sure about this, Rai?" nar
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-11 Mehr lesen