Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sakin ang puting kisame ng clinic ng university namin. "How are you, Miss Pretty?" Agad akong napalingon sa nagsalita. Napakunot ang noo ko. Prenteng nakaupo sa nag-iisang upuan sa clinic habang may hawak na cellphone. Marahil ay nagce-cellphone siya kanina habang binabantayan ako. Imbis na sagutin ko siya, nagtanong ako. "Bakit ka nandito?" salubong ang kilay na tanong ko. "Actually, si Soren talaga 'yung kanina pa nandito, binabantayan ka. Tumawag lang 'yung dad niya, kaya ako yung pinakiusapan niyang pumalit," sagot niya. "Hindi niyo naman ako kailangan bantayan," sabi ko. "We have to. Kasi hindi ka magkakaganyan kung hindi dahil sa kaibigan namin. We need to take accountability for his actions," sagot niya. Parang may pumutok na ugat sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Biglang uminit ang ulo ko. "Why? Bakit hindi siya ang mag-take ng accountability dahil siya ang may gawa nito, hindi kayo!" inis kong sagot. Hindi ko naiwasang magtaas ng boses. "It's okay. Alam kong hindi siya ganyang klaseng tao. He's ruthless," sabi ni Remi. "Sa kapatid ko lang ata siya mabait. He treats Raina as his younger sister," dagdag niya at ngumiti pa. Mabait si Castriel kay Raina? Ang pagkakaalam niya, kababatang kapatid ang turing ni Castriel kay Raina? They have an affair, for God's sake! Hindi ba siya aware sa ginagawa ng dalawa? Wala akong balak sabihin. Bahala siya! “Do you know who Castriel's girlfriend is right now?”
"You, I guess?" hindi siguradong sagot niya. Kumulo nanaman ang dugo ko. Nakakairita pala 'tong kausap. "No, I'm not! And I will never be!" agad kong angil. "Bakit naman sinasabi mong ako? Kita mo naman kung paano siya magsalita sakin kanina! He even dragged me like trash!" inis kong sabi. Wala ba siyang ideya kung sino talaga ang girlfriend ni Castriel ngayon? Hindi ba ipinakilala sa kanila si Vee? "Do you want me to punch him?" nakangising tanong niya, na para bang tinatarantado ako. "Yes. He's an asshole! Punch him for your sister, too," dire-diretsong sabi ko. "What? For my sister?" Kunot-noong tanong niya. Tila naguguluhan. "Nevermind. And please, leave me alone. Hindi ko kailangan ng tagabantay," sabi ko. Umiling siya at akmang lalapit para alalayan akong tumayo, pero agad akong umiling. "No need. I can stand on my own," sabi ko. "Stay right there!" dagdag ko pa. "You sure?" tanong niya. Hindi ko siya maintindihan. Maa-appreciate ko pa kung iwanan niya na lang ako rito. "Yes. So please, leave," sabi ko at sinenyasan siyang umalis. "Seryoso kang kaya mo, ha? Lagot ako kay Soren nito pag nagkataon," rinig kong mahina niyang bulong na hindi ko naintindihan. "Anong sabi mo?" kunot-noong tanong ko. Bubulong-bulong pa, eh. "Wala, Miss Pretty na masungit. Bye! Sasapakin ko si Castriel para sayo!" dire-diretsong sabi niya bago nagmamadaling lumabas ng Clinic. Napailing na lang ako habang tumatayo. Medyo nabawasan na ang sakit ng bewang ko, at may band-aid na ang sugat ko. Lagot talaga sakin 'yang Castriel Nervadez na 'yan. Magtutuos din kami! Apat na araw na ang nakakalipas simula nang mangyari 'yon. Nawala na rin naman ang sakit ng balakang ko, at gumagaling na din ang sugat ko. Wala akong ginawa sa loob ng apat na araw na 'yon kundi magpakabusy sa pag-aaral. Noong araw na dinala ako nina Remi sa clinic. Pagkaalis ni Remi, umalis na rin ako. Sabi ni Remi, babalikan daw ako ni Soren, pero hindi ko na siya hinintay. Hindi naman kami close. Noong gabi ring iyon, umalis si Vee papuntang Batangas. Bago siya umalis, sinabi niyang nakipag-break na siya kay Castriel sa tawag. Hinayaan ko siya sa desisyon niyang umalis. Alam kong 'yon ang kailangan niya para magpahinga muna mula sa sakit na dinanas niya. Kasalukuyan akong kumakain ng lunch sa cafeteria habang nag ce-cellphone nang may umupo sa tabi ko. Agad akong napatingin dito at nabungaran ko ang nakangiting si Soren. "Hi! Lou Buenaobra, right?" nakangiting tanong niya. Tumango ako at napatitig sa kanya. "I am Soren Ibañez. Ako 'yung tumulong sayo para madala ka sa clinic," nakangiti pa ring sabi niya. "T-thank you!" sabi ko at bahagyang ngumiti. Medyo nahihiya ako. Umuwi kasi ako agad noong araw na 'yon. Hindi ko gets kung bakit ang bait niya, considering noong araw lang din na 'yon niya ako nakilala. Baka naaawa lang siya sakin? At ayoko ng ganon. Ayokong isipin niyang nakakaawa ako. Inilahad niya ang kamay niya at agad ko naman itong hinawakan, kahit nakakaramdam pa rin ako ng kaunting hiya sa kanya. Nasaan ang tapang mo, Lou? Hindi ka mahiyain, diba? This is not you! Habang magkahawak ang mga kamay namin, biglang may nagsalita sa likuran namin. Agad naming nabitawan ang isa't isa. Isang malalim na boses. Pagkalingon ko, nakita ko si Castriel. Naniningkit ang mga mata habang nakatingin samin, halatang naiinis. Ano nanaman bang problema niya? "What, Castriel? Bawal ba 'to?" inis na tanong ni Soren. "Ano sa tingin mo?" balik tanong ni Castriel. Matalim ang tingin niya kay Soren. Iniwas ko ang tingin ko kay Castriel nang ituon niya sakin ang matalim niyang tingin. I don't like his presence because he makes my heart beats so fast. Hindi ko dapat nararamdaman 'to sakanya. This is not me! Hindi dapat ako kinakabahan sa presensya niya. "Hindi ito bawal. It's my choice, not yours," matapang na sagot ni Soren bago humingi ng paumanhin sa akin sa pamamagitan ng tingin. Ngumiti lang ako sa kanya. Nakita kong umalis na si Castriel, mag-isang naglalakad palabas ng cafeteria habang nakalagay sa mga bulsa niya ang dalawang kamay. Napatingin ako sa paligid dahil sa hagikhikan ng mga babaeng estudyante. Napairap ako nang makitang nakatingin sila sa papalayong si Castriel. Wala namang nakakakilig sa lalaking 'yan. Kapal! Siya pa 'tong galit, na parang bawal makipag-usap sakin ang kaibigan niya, eh siya 'tong may atraso sakin. Niloko niya pa si Vee! Napatingin ako kay Soren nang magsalita si Remi, na nasa tabi na pala namin. Hindi ko napansing kasama siya ni Castriel kanina. Mukhang nagpaiwan ang isang 'to. Hindi na sumasama sa kanya kaibigan niya. Ang sama kasi ng ugali niya! "Hindi ka sasama samin nila Castriel po araw mag-billiards?" tanong ni Remi kay Soren. May hawak siyang number na mukhang galing sa counter. Napatingin siya sakin at nanlaki ang mata niya, kasabay ng mapanuksong ngiti na ibinigay niya kay Soren. "Kayo na lang. I'm with Lou," sagot ni Soren. Nanlaki ang mga mata ko. What? He's too nice to leave his friends just because he's with me. I don't want to overthink the meaning behind this. I think gusto niya lang talaga akong makilala. "No, it's fine! You can go with them. May pupunta pa kasi ako," palusot ko sabay ngiti sa kanya Napabuntong-hininga siya at ngumiti rin. Tumango si Soren at tumayo rin. "Hatid na kita?" alok niya. "No. Kaya ko na. Thank you!" sabi ko bago muling ngumiti sakanya. Tinanguan ko si Remi, na palipat-lipat ang tingin samin ni Soren. Nagkibit-balikat na lang ako. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Napahinto ako sa paglalakad papunta sa room nang marinig kong tinatawag ako ni Jessa. Hinihingal pa siya nang huminto sa harap ko. "Nasaan si Vee?" tanong niya agad habang hindi pa rin nababawi ang hininga. "Kanina pa tumatawag sakin si Tita Estella, tinatanong niya kung kasama raw ba natin si Vee! Na-check mo na ba phone mo? Hindi ba tumatawag sayo si Tita?" nag papanic na tanong ni Jessa. Akala ko ba nagpaalam si Vee kay Tita? Kilala ko si Vee. Palagi siyang nagpapaalam sa mommy niya dahil ayaw niyang nag-aalala ito. Naguguluhang kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Doon ko lang nakita ang sandamakmak na messages at missed calls mula kay Tita Estella. Lou, kasama niyo ba si Vee? Naka-Do Not Disturb pala ang phone ko! Biglang tumunog ang phone ni Jessa, sabay kaming napatingin doon. Si Tita Estella ang tumatawag. Agad na sinagot ni Jessa ang tawag at inilagay sa loudspeaker. "Hello Tit-" naputol ang sasabihin ni Jessa nang marinig naming umiiyak si Tita Estella sa kabilang linya. Sa mga oras na ito, parang tinatambol na sa kaba ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng matinding takot, lalo na nang marinig ko ang humihikbing tinig ni Tita Estella. "G-Girls, please go to our house..." May pumasok na ideya sa isip ko, pero ayokong isipin 'yon. God, please... not what I'm thinking.