Share

Chapter 4

     PAKIRAMDAM ni Damon ay siya na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo, halos araw-araw siyang bumibisita sa anak na si Joana at wala iyong palya.

Katulad nalang ngayon, dahil Sabado at walang pasok sa school ang bata ay ipinagpaalam niya ito kay Camille at dinala sa Sapphire J-well. Marami sa mga empleyado ng kumpanya ang nagulat nang ipakilala niya si Joana sa mga ito na kaniyang anak.

"Woah! Dude, may anak ka na pala," ngingisi-ngising sabi ni George. "Hindi naibigay sa iyo ng dati mong asawa, si ex mo lang pala ang makakapagbigay sa iyo," anito at sinundan pa iyon ng malakas na tawa.

Ngumisi lang naman si Damon sa kaniyang pinsan, then he glanced at his daughter who was happily chatting with his employees. Wala sa sariling napangiti siya habang pinapanood ang kaniyang anak.

"So, may balikan na bang magaganap sa inyo ng ex mo?" Nakangising tudyo pa ni George.

Damon shrugged. "That will never happened, George. Alam mo naman na iisang babae lang ang gusto ko, and it was only Kathleen, wala nang iba,"

"Tss," singhal ni George. "Akala ko pa naman may comeback nang magaganap kasi may bata nang involve," iiling-iling pa itong pumalatak.

Pagkatapos nilang mag-usap ni George ay nilibot niya si Joana sa buong Sapphire J-well. Halata naman ang pagkamangha sa mga mata ng bata dahil sa ganda at lawak ng kumpanya niya.

"Daddy, ang ganda-ganda po nito. Dito po ba kayo nagwo-work?" nakabungisngis na tanong ni Joana. Pagkatapos nilang maglibot-libot ay dinala naman ni Damon ang kaniyang anak sa magarbo at malawak niyang opisina.

Pinaupo niya sa malambot na leather sofa ang bata. Nag-order din siya ng pagkain nila na requested din naman ni Joana at hinihintay nalang nilang dumating. 

"Yes, baby," tumango siya. "At balang araw ikaw din ang magmamana nito, lahat ng mayroon si daddy ay ikaw ang magmamana," nakangiting tugon niya sa anak.

Joana frowned. "Ayoko po nito, daddy. Ang gusto ko po ay kasama ko lang kayo ni mommy pati si lola Carmen. Daddy, puwede po ba ako mag-request sa'yo?"

Nangunot naman ang noo niya. "What is it, baby?"

"Puwede po ba na sa bahay na namin ikaw tumira, para kasama ka na po namin nina mommy palagi," nakikiusap ang mga matang tumingin sa kaniya si Joana.

Tumitig naman siya sa mga mata ng bata at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Magsasalita palang siya ng may biglang kumatok sa pinto kung kaya napalingon siya roon.

"Sir Damon, may naghahanap sa iyo," his secretary said.

Isang beses naman siyang tumango dito. "Who?"

"Kathleen Ovindo daw ang name niya, sir,"

Umawang ang labi ni Damon at bigla ay nakadama siya ng excitement at kakaibang tuwa sa kaniyang puso. Lalo no'ng iniluwa na ng pinto ng opisina niya si Kathleen. Hindi na niya napigilan ang mapangiti.

"Hi, Damon," matamis ang ngiting bati sa kaniya ni Kathleen.

"Kath, nasorpresa naman ako sa pagbisita mo dito. But I''m happy to see you," he could not hide the joy in his eyes when he saw Kathleen.

Natawa naman si Kathleen. "Galing kasi ako sa malapit na mall dito. May usapan sana kami ni Cedric ngayon na kumain sa labas, pero hindi siya nakasipot kasi may urgent meeting daw siya sa important client niya. Kaya naisipan kong bumisita nalang dito sa kumpanya mo,"

Hindi naman maiwasang matulala ni Damon sa ganda ng babae.

"Grabe, ang laki pala nitong company mo. Muntik pa akong maligaw kanina, buti nalang nakita ako ng secretary mo kaya sinamahan niya ako dito sa office mo," mahinang tumawa pa si Kathleen.

Hindi na maitago ni Damon ang saya sa kaniyang mukha nang masilayan niya muli ang maamo at napakagandang mukha ni Kathleen.

"Daddy, sino po siya?" tanong naman ni Joana, saka lang nabaling ang atensyon ni Damon sa anak.

Ngumiti siya kay Joana. "Joana, she's your tita Kath. She's very important to me,"

"May anak ka na pala," ani Kathleen at nakangiting sinulyapan si Joana. "nasaan ang asawa mo?"

"Wala na ang asawa ko, mag-iisang taon na siyang patay. Actually, hindi ko siya anak sa namayapa kong asawa. Anak ko si Joana sa ex-girlfriend ko, si Camille, na bestfriend mo," ngumiti siya sa babae.

"Oh," tatango-tango si Kathleen. "Nagkaanak pala kayo ni Camille. Anyway, kamusta naman na ang babaeng iyon. Mula no'ng grumaduate kasi tayo ng college ay wala na akong naging balita sa kaniya," biglang nalungkot ang mukha ni Kathleen. "sabagay, hindi ko rin siya masisisi, malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya noon," bakas ang pagsisisi sa mga mata nito.

Damon felt guilty. Dahil kasi sa kaniya ay nasira ang magandang samahan ng magkaibigan. "Kath, don't blame yourself, okay. Kasalanan ko ang lahat, ako dapat ang sisihin, not you," he hated so much kapag naririnig niyang sinisisi ni Kathleen ang sarili sa pagkasira ng friendship nila ni Camille. "Anyway, balak kong ipasyal si Joana. Gusto mo bang sumama?"

Lumapad naman ang ngiti ni Kathleen at agad itong tumango-tango. "Sure," mabilis nitong pagpayag. Natuwa din naman si Damon sa pagpayag ng babae.

MAG-A-ALAS OTSO na ng gabi nakauwi si Camille. Ngunit gayon nalang ang pag-alon ng kaniyang d****b sa galit nang hindi niya madatnan sa bahay nila ang anak. Ayon sa kaniyang ina ay hindi pa ito ibinibalik ni Damon magmula kaninang umaga na isinama nito ang bata.

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko, 'Nay. God! Baka naman kung saan na niya dinala ang anak ko," naiinis na singhal ni Camille. Paulit-ulit niyang dina-dial ang number ni Damon na sapilitan niyang hiningi kaninang umaga dito. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya at nagri-ring lang ang phone nito sa kabilang linya.

"Huminahon ka nga, Camille. Ibabalik din ni Damon dito si Joana, huwag kang masyadong mag-alala," saway ni Aleng Carmen na kanina pa sumasakit ang ulo dahil sa pagiging over thinking ni Camille at hindi mapakali.

"Nay, paano ako hihinahon kung hanggang ngayon wala parin si Joana. God! Subukan lang talaga ng Damon na iyon hindi ibalik dito ang anak ko, malilintikan talaga siya sa akin!" Sinubukan niya ulit na tawagan ang cellphone number ng lalaki, pero hindi parin nito sinasagot ang tawag niya kaya lalong naiinis si Camille.

"Hindi naman siguro itatakbo ni Damon ang anak niyo," kampanteng tugon naman ni Aleng Carmen.

"Aba dapat lang, 'Nay, kasi ipapasundo ko agad siya kay Kamatayan kapag kinuha niya sa akin ang anak ko," nanggagalaiti siya sa galit.

Ilang sandali pa ay nagmamadali niyamg tinungo ang bintana matapos marinig na may sasakyan na huminto sa tapat ng gate nila. Nang makita naman niya si Damon at ang anak na bumaba doon sa magarang sasakyan ng lalaki ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay upang salubungin si Joana.

"Mommy," masayang tumakbo palapit sa kaniya si Joana at niyakap siya. "Mommy, look, binilhan po ako ni daddy ng maraming dolls,"

Kahit papaano ay nakampante narin ang kalooban ni Camille dahil nandito na ang anak niya. Ngunit naiinis parin siya kay Damon dahil halos hatinggabi na nito ibinalik sa kaniya si Joana.

Naiinis niyang binalingan ang lalaki. "Bakit ngayon mo lang siya ibinalik, Damon? Akala ko ba sandali mo lang siyang hihiramin? Tapos hindi mo pa sinasagot ang tawag ko,"

Umarko naman ang kilay ni Damon. "I'm sorry, nakalimutan ko kasi ang cellphone at naiwan ko iyon sa opisina ko," mahinahon nitong tugon.

Camille took a deep breath then she turned to Kathleen when the woman spoke and greeted her.

"Hi Camille, long time no see," nakangiting sambit ni Kathleen.

Ngunit hindi ito magawang ngitian ni Camille. Hindi niya kayang magpaka-plastic dito. Isang tango lang ang tinugon niya dito, saka siya bumaling ulit kay Damon. "Sa susunod na hihiramin mo si Joana sana naman magtext or tumawag ka sa akin kung anong oras mo siya ihahatid dito. Para hindi ako nag-aalala ng husto,"

Tinalikuran na niya ang mga ito at inaya na niya ang anak papasok sa loob.

Ramdam parin ni Camille ang kirot sa puso niya ng makita ang dating kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi parin niya nakakalikutan ang ginawa nito noon, at hindi niya matanggap na ang taong pinagkatiwalaan niya ay sinira lamang iyon.

Nilapitan naman ni Aleng Carmen sina Damon at Kathleen. "Pasok muna kayo, hijo, hija,"

Ngumiti si Damon sa matandang babae at marahang umiling. "Salamat nalang ho, Aleng Carmen. Pero kailangan na ho namin umalis, ihahatid ko pa si Kath sa bahay niya,"

Tumango ang matandang babae. "Sige, mag-iingat kayo,"

"Salamat ho," tugon naman ni Damon. Pinagbuksan niya si Kathleen ng pinto sa passenger seat at inalalayan itong sumakay roon. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa driver seat at nagmaneho.

"Ramdam kong galit parin sa akin si Camille. Binati ko siya pero hindi man lang siya ngumiti sa akin," malungkot na saad ni Kathleen. Naawa naman si Damon sa babae. "I miss her, Damon. Miss ko na ang dating samahan namin. Miss ko na ang friendship naming dalawa. Pero malabo nang maibalik iyon ngayon,"

Napalunok siya. "I'm sorry, dahil sa akin kaya nasira ang pagkakaibigan niyo," nakokonsensya niyang saad.

Umiling naman si Kathleen. "No, Damon. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Saka tapos na rin naman na iyon, wala na tayong magagawa dahil hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Sana lang ay mapatawad na ako ni Camille,"

Napilitan si Kathleen na sabihin kay Damon kung saan ito nakatira. Matapos naman itong ihatid ni Damon ay umuwi na rin siya sa kaniyang magarbo at malawak na bahay.

"Good evening, sir Damon," bati sa kaniya ng tagalinis na naghahanda narin para umuwi. Tumango lang naman siya dito at dumiretso na sa kuwarto niya.

Sandali siyang naligo pagkatapos ay nahiga sa kama niya. Masaya si Damon dahil natupad ang isa sa pangarap niya, ang magkaroon ng anak. Hindi man sa namayapa niyang asawa, o sa babaeng mahal niya, pero atleast nagkaroon siya ng anak sa dating nobya niya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone nang maisip niyang magtext kay Camille pars humingi ng tawad dito.

'I want to apologize to you. Sorry kung hindi ko naiuwi ng maaga si Joana kanina. Nag-enjoy kasi kami sa pamamasyal.'

Naghintay siya ng ilang minuto sa reply nito.

'Ayos lang. Sorry din sa inasal ko kanina. Nag-alala lang talaga ako kay Joana.'

Agad din siyang tumipa ng reply dito.

'Naiintindihan ko. Anyway, is she sleeping now? Gusto ko pala siya ulit ipaalam sa iyo, kung puwede ay hiramin ko muli siya bukas. Puwede ka rin namang sumama if you want.'

Minutes had passed ay nag-reply din ito agad.

'Ayos lang sa akin. Basta ibabalik mo siya agad, saka hindi ako puwedeng sumama dahil kailangan ako sa restuarant bukas. Kaya papayag akong hiramin mo ulit si Joana bukas, basta iuuwi mo siya ng maaga.'

He smiled.

'Thanks. Susunduin ko siya ng maaga bukas. Thanks sa pagpayag mo.'

'OK.' nalang ang natanggap niyang reply nito. Re-reply-an pa sana niya iyon ng Good night ngunit bigla siyang nakadama ng pag-aalangan kaya binura nalang niya ang message at inilapag ang cellphone.

NAPATULALA si Camille sa palitan nila ng text message ni Damon. Pagkatapos ay sumulyap siya sa kaniyang anak na mahimbing nang natutulog. Nakatulugan nalang nito ang pagkukuwento sa masayang pamamasyal nito kasama si Damon at si Kathleen.

Hindi niya alam kung bakit siya naiinis na malamang kasama ng kaniyang anak at ni Damon si Kathleen sa pamamasyal ng mga ito kanina. Habang siya ay 'di na magkandaugaga sa pag-aalala sa kaniyang anak, ang mga ito naman ay masaya habang namamasyal.

"Nay, bakit ho gising pa kayo? Baka naman ho hindi kayo makatulog niyan dahil nagkakape nanaman kayo," sabi niya sa ina, paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niya itong naroon at umiinom ng kape.

Ngumiti naman sa kaniya ang ina. "Ayos lang ako, anak. Alam mo naman mabilis ako makatulog kapag nagkakape sa hatinggabi," tugon nito, pagkatapos ay bahagyang sumeryoso ang hitsura. "Camille anak, puwede ba kitang makausap?"

Marahan naman siyang tumango. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi nito. "May problema ho ba, 'Nay? Bakit ho gusto niyo akong makausap?"

Inubos naman na ni Aleng Carmen ang kape niya. "Anak kasi, tumawag sa akin si kuya Pareng, isinugod daw sa hospital ang lola mo kanina. Kasu lang wala silang pambayad sa bill sa hospital. Wala rin naman akong maibigay sa kanila kasi naubos na ang ipon ko,"

Nag-alala naman bigla si Camille sa kaniyang lola. "Kamusta na daw ho si lola? Bakit ho siya isinugod sa hospital?"

Malapit siya sa kaniyang lola, noong magtrabaho kasi sa ibang bansa ang kaniyang ina ay ang lola niya ang nag-alaga sa kaniya. Bata palang siya ng mamatay ang kaniyang tatay. Nagkaroon ito ng kaalitan noon sa inuman na naging dahilan ng kamatayan nito. Kaya nga napilitan ang nanay niya na mangibang-bansa para maitaguyod siya nito.

Nakasama lang niya ang ina no'ng tumuntong siya ng kolehiyo at nagpasiya itong sa Maynila siya mag-aral ng college.

"Maayos na daw ang lagay nito, pero hindi nila mailabas sa hospital kasi hindi pa sila nakakabayad sa bill. Kaya nga humihingi sa akin ng tulong si kuya, kasu wala naman akong maibigay," tugon nito, mababakasan ng lungkot ang mga mata.

Bumuntong-hininga naman si Camille. "Nay, bakit ho ngayon niyo lang sinabi sa akin? Kawawa naman ho si lola," naaawa siya sa kaniyang lola. Kung malapit lamang ang Borongan Eastern Samar ay gusto niya itong makita ngayon. Ngunit malayo ang probinsya nila, at hindi siya basta-basta makakauwi roon.

"Eh, 'nak, masyado ka rin kasing nag-aalala kay Joana kanina kaya nakalimutan ko nang sabihin sa iyo. Pero anak, kakapalan ko na talaga ang mukha ko, baka naman may sobrang pera ka pa diyan," sambit ni Aleng Carmen.

"Huwag ho kayong mag-alala, 'Nay, mayroon pa naman akong kaunting naitatabing pera. Ipadala nalang ho natin sa probinsya para makabayad ng bill sa hospital sina tito Pareng at makabili ng gamot para kay lola," tugon niya.

Ilang taon na nga ba niyang hindi nakikita ang kaniyang pinakamamahal na lola. Mula kasi nang magpasya ang kaniyang nanay na dito na siya sa Maynila mag-aral ng kolehiyo ay hindi na sila nakauwi pa ng probinsiya. Kaya miss na miss na niya ang kaniyang lola.

Napangiti naman si Aleng Carmen at kahit papaano ay nabunutan narin ng tinik ang d****b nito.

"Nga pala, Camille, naisip kong tanggapin ang offer sa akin ni Diday, naghahanap kasi ng labandera ang amo niya kaya naisip kong tanggapin ko nalang iyon para naman makatulong ako kahit papaano,"

"Nay, diba ho napag-usapan na natin 'to. Hindi na ho kayo magta-trabaho. Ako na ho ang bahala sa inyo," tutol niya.

Bumuga naman ng hangin si Aleng Carmen. "Ang akin lang naman, anak, gusto kong makatulong sa iyo," 

Umiling siya. "Nakakatulong ka naman sa akin, 'Nay, ah. Ikaw ho ang nag-aalaga kay Joana kapag nasa trabaho ako. Tinutulungan mo akong disiplanahin si Joana,"

Lumabi ito. "Pero gusto kong makatulong sa iyo sa mga gastusin, anak,"

Hinawakan niya ang mga kamay ng ina na nakapatong sa kandungan nito. "Hindi mo na ho kailangang intindihin ang mga gastos, 'Nay. Ako na ho ang bahala doon. Basta dito lang ho kayo sa bahay, kasa-kasama ni Joana. Huwag na ho kayong mag-trabaho dahil ako na ho ang bahala sa inyo,"

Napangiti naman si Aleng Carmen at niyakap si Camille. "Ang suwerte ko talaga at ikaw ang naging anak ko,"

Napangiti din naman si Camille at inihilig niya ang ulo sa balikat ng ina. "Mas ma-suwerte po ako at kayo ang naging nanay ko. I love you, 'Nay,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status