Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Lihat lebih banyakMALAPAD na napangiti si Camille sa repleka niya sa salamin. Walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang d****b, unang araw niya ngayon bilang isang manager sa pinapasukang Restaurant. Sa apat na taun niyang pagta-trabaho sa Chef's Kusinas ay laking pasalamat ni Camille dahil last week lamang ay na-promote na siya bilang Manager nito, at dahil iyon sa pagiging hard worker at consistent niya sa trabaho.
"Naks naman, ang ganda naman ng anak ko. Bagay na bagay sa iyo ang uniform mo bilang manager ng Las Kusinas," nakangiting sabi ni Aleng Carmen. Kagagaling lang nito sa palengke, at agad siyang sinalubong ng anim na taung gulang niyang apo. Kinuha ng bata ang mga pinamili ni Aleng Carmen na gulay at isda at ito na ang naglagay sa kusina. Nagpasalamat naman si Aleng Carmen sa bata.
"Nanay, Chef's Kusinas po," natatawang pagtatama naman ni Camille sa ina.
"Pareho na rin iyon, anak," tugon ni Aleng Carmen at dahil sa pangangalay ng mga paa niya sa ilang oras na paglalakad ay naupo muna siya at itinutok sa kaniya ang electric fan.
"Nay, heto pala pera, mamaya kapag sinundo mo si Joana sa school ay dumiretso kayo sa mall. Mamasyal kayo at kumain sa labas," inabutan ni Camille ng lilibuhin ang ina.
Narinig naman ng batang si Joana ang sinabi ng kaniyang ina, ngunit sa halip na makaramdam ng tuwa ay nalungkot pa ang bata. Nakasimangot itong lumapit kay Camille.
"Pero mommy, ayoko po mamasyal nang 'di namin kayo kasama," nakangusong tugon ng bata. Naupo naman si Camille para pantayan ang anak at marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng bata.
"Sorry, anak. Hindi puwedeng sumama si mommy, may trabaho kasi ako anak. Pero ganito nalang, sa Sunday dahil day off ni mommy, promise mamamasyal tayo," alo niya sa anak, ngumiti naman ang bata bagamat mababanaagan parin ng lungkot ang kulay asul nitong mga mata.
"Oh sige na, kailangan na nating umalis. Ihahatid pa kita sa school at papasok na rin ako sa work," pagkatapos ay tumayo na rin siya at kinuha ang mga gamit.
Dinampot naman ni aleng Carmen ang bagpack ng apo at tinulungang isuot iyon sa likod ng bata. "Magpapakabait ka sa school mo, huh," bilin pa nito kay Joana at hinalikan niya sa pisngi.
"Aalis na ho kami, 'Nay," h*****k din naman si Camille sa pisngi ng ina.
"Mag-iingat kayo," bilin ni Aleng Carmen.
Dumiretso na sina Camille at Joana sa garage kung saan naka-park ang kotse nila. Nabili niya nakaraang taon ang kotseng ito, second hand lang naman pero ayos na rin sa kaniya. Ang mahalaga ay hindi na nila kailangang mag-commute na mag-ina.
Twenty minutes lang ay nakarating na sila sa Private School kung saan nag-aaral si Joana. Inalalayan ni Camille ang anak pababa sa kotse nila at hinawakan ang maliit nitong kamay habang naglalakad sila.
Habang naglalakad sila palapit sa gate ng School ay naririnig niya ang bulungan ng mga nanay.
"Ang cute naman ng bata, parang Americana. Siguro Americano ang tatay niyan,"
Natutuwa ang puso ni Camille sa tuwing maririnig niyang marami ang pumupuri sa kaniyang anak. Hindi nga naman kasi maikakailang napakaganda talaga ng anak niyang si Joana. Ang natural na kulay mais ng buhok nito, asul na mga mata, pointed nose at mamula-mulang maliit na labi ay aminado si Camille na nakuha iyon ng anak niya sa ama nitong may lahing Americano.
"Oh, here's your bag na. Mag-aaral ka ng mabuti, ah," bilin niya sa anak at tinulungan niyang isuot nito ang bagpack.
"Bye po mommy, ingat po kayo sa pagpasok niyo sa work. I love you," kumaway at ngumuso si Joana, senyales na gusto nitong halikan siya sa pisngi. Napangiti naman si Camille at yumuko para m*******n siya ng anak. Pagkatapos ay hinaplos niya ang buhok nito.
Pinagmasdan pa niya ang anak hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng School. Mahirap ang maging single mom, proven and tested na iyon ni Camille. Kaya salamat sa nanay Carmen niya na katuwang niya sa pag-aalaga at pagdidisiplina kay Joana.
College palang si Camille nang mabuntis siya ng nobyo niya. Two weeks before their graduation nang malaman niyang buntis siya. Binalak niya iyong sabihin sa nobyo, pero isang bagay ang natuklasan niya na sumugat sa puso niya. Ang nobyo niya, niloloko siya. Nahuli niya itong may kahalikang ibang babae, at ang masaklap pa do'n ay ang bestfriend pa talaga niya.
Dahil do'n ay matinding sagutan at pagtatalo ang naganap sa kanila ng lalaki na nauwi din sa hiwalayan. Hanggang sa grumaduate sila ay 'di na nasabi ni Camille sa lalaki na buntis siya, at nalaman nalang niya na umalis na ito at 'di niya alam kung saan lupalop ng daigdig nangtungo.
Gano'n pa man ay nagpapasalamat parin si Camille dahil biniyayaan siya ng isang napakagandang regalo. Para sa kaniya, ang anak ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.
DAHIL absent ang dalawang waitress at sumabay pang dagsaan ang mga tao ay napilitan si Camille na mag-waitress.
"Yes sir, ano ho ang gusto mong order-in?"
Ngunit umawang ang labi niya nang mag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaki. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Camille at parang 'di makapaniwala sa nakikita niya.
"Camille," maging ang lalaki ay parang hindi rin makapaniwala na nagkita sila dito. Mula sa kulay asul nitong mga mata ay mababanaagan iyon ng pagkagulat habang nakatuon sa kaniya.
"Wow," she faked a laughed. "Buhay ka pa pala-este-what a coincidence,"
"Are you working here?" Kaswal na tanong nito habang may maliit na ngiti sa labi.
She nodded. "Yeah," mahina siyang tumikhim at napalunok. "Anyway, sir, anong gusto mong order-in?" Upang maiwasan ang titig nito ay sumulyap nalang siya sa hawak na ballpen at papel.
Pero sa halip na sumagot ang lalaki, ay nagtanong din ito sa kaniya. "So, how are you? A few years ago, and I never thought we would meet again,"
"Actually, ako din. Hindi ko rin inaasahang buhay ka pa-este-makikita kita dito. Ang galing din pala tumayming ng destiny," hindi niya maiwasang maging sarkastika sa harap ng lalaki. Bagamat aminado siyang mas lalo itong gumwapo ngayon, at mas lumaki ang katawan nito kumpara no'ng college days nila.
Tumikhim naman ito, at makikitaan ng guilt ang mga mata nito. "I'm sorry for what I did to you before,"
Pagak siyang tumawa, kahit wala namang dapat ikatawa. "Can we forget the past? I'm asking you what you want to order?"
"Ahm, actually, nakapag-order na ako kanina. I'm just waiting for my food order," he replied, and hesitated to smile.
Napakamot naman sa noo niya si Camille. "P*****a, nag-aksaya pa ako ng oras dito, naka-order na pala," bulong niya sa sarili. Nang mapansin niyang nakatingin parin sa kaniya ang lalaki ay napilitan siyang ngitian ulit ito. "Okay, sir, hintayin niyo nalang ang order niyo,"
Tatalikuran na niya ito nang bigla naman siyang tawagin muli. Mabilis ring tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nito. "Damon Monteverde, in case you forgot my name," he even casually held out his palm in front of her.
Napatingin lang siya sa nakalahad nitong palad, saka nag-angat ng tingin sa lalaki at ngumiti. "Okay," iyon lang at agad na niya itong tinalikuran.
Kaswal na isinuksok ni Damon ang dalawa niyang kamay at pinagmasdan nalang ang papalayong si Camille.
"Excuse me, sir, heto na ho ang order niyo," nakangiting sabi ng waitress dala ang pagkaing kanina pa niya hinihintay.
Tumango naman si Damon dito at muling naupo. Hindi niya akalaing magkikita sila dito ng dating nobya. Totoong nabigla siya nang makita niyang narito si Camille Carlejo, his ex-girlfriend when their college days.
Sa comfort room dumiretso si Camille, doon ay sunod-sunod siyang bumuga ng hangin at napatitig sa reflection niya sa salamin. Hindi siya makapaniwalang nandito ang kaniyang ex-boyfriend na si Damon Monteverde.
Six years na niyang hindi nakikita ang lalaki, at kung tutuusin ay wala na siyang pakealam dito. Alam ni Camille na nakapag-move on na siya kay Damon, at nakalimutan na niya ang nararamdaman niya dito. Pero akala lang pala niya iyon. Dahil nang makaharap niya kanina ang lalaki ay para bang bumalik ang lahat ng sakit sa d****b niya.
Bigla ay nangilid ang kaniyang luha. Ano at nasasaktan nanaman siya? Dapat ay hindi na niya iyon nararamdaman dahil napakatagal nang panahon iyon.
Binuksan nalang niya ang faucet at saka naghilamos ng mukha para hugasan ng tubig ang kaniyang luha.
Wala pang alas otso ng gabi ay nakauwi na si Camille. Naabutan naman niya ang nanay Carmen niya na matiyagang tinuturuang bumasa at sumulat si Joana.
"I'm home," masigla niyang sabi, lumawak naman ang ngiti ng bata at patakbong lumapit sa kaniya.
"Mommy,"
Natawa si Camille nang pugpugin siya ng h***k ni Joana saka inagaw sa kamay niya ang isang box ng ice cream na pasalubong niya at nagtatakbo sa mesa.
"Oh, Joana, huwag kang masyadong kumain ng ice cream, huh. Uubuhin at sisipunin ka," paalala naman ni aleng Carmen sa bata.
"Mano po, 'Nay," inabot ni Camille ang kamay ng ina at saka nagmano dito.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumain ka na ba? Nagtira ako ng ulam diyan, kumain ka na," tugon nito. "Magpalit ka na muna ng damit at ihahanda ko nalang ang pagkain mo,"
"Sige ho, 'Nay," tango niya. Nilapitan niya sandali ang anak na abala na sa pagkain ng ice cream. She kissed her daughter's forehead, saka siya pumasok sa kuwarto nila at nagbihis ng damit.
Nang matutulog na sina Camille ay nagulat siya nang ipakita sa kaniya ni Joana ang drawing nito.
"Ang galing naman ng baby ko, napakaganda ng drawing mo, anak. Kaya sure ako, balang araw magiging magaling kang artist," papuri niya sa anak.
Tumawa naman si Joana. "Ito po si lola Carmen, tapos ito po ikaw, mommy, tapos ako naman po ito," isa-isang tinuturo ng bata ang mga drawing niyang stick man at kinulayan ng krayula. "Tapos ito po si daddy, katabi siya ng sun kasi sabi niyo po nasa malayo siya kaya inisip ko po na baka naroon sa sun si daddy kaya 'di pa siya umuuwi sa atin,"
Napatitig naman si Camille doon sa stick man na drawing ni Joana sa daddy nito.
"Mommy, nasaan po ba talaga si daddy?"
Natulala naman siya sa anak. Halata sa mga mata nito ang pagnanais na makilala ang ama, kaya naman hindi mapigilan ni Camille ang makadama ng awa sa anak. And at the same time ay nakokonsensya siya, lalo't sa hindi inaasahang pagkakataun ay nagkrus na ang landas nila ni Damon.
"Anak, tulog na tayo. Tignan mo si lola mo, oh. Tulog na siya," pag-iwas niya sa tanong ng anak at iniligpit na nilang mag-ina ang mga gamit pang-eskuwela ni Joana. Pagkatapos ay agad naring nahiga ang bata, habang si Camille ay marahang hinaplos-haplos ang buhok ng anak.
"Mommy, kantahan mo po ako para makatulog po ako," pakiusap ng bata, ang puwesto nito ay sa pagitan nina Camille at aleng Carmen.
"Okay sige," nagsimula naman nang humiging si Camille habang masuyo paring hinahaplos ang buhok ng anak. Nang mapansin niyang tulog na ito ay saka lang siya tumigil sa paghiging at hinalikan ito sa buhok.
"Sorry, anak. Patawarin mo si mommy kung hindi kita kayang ipakilala sa daddy mo. Saka, hindi naman natin siya kailangan sa buhay natin, eh. Patawarin mo sana ako kung hindi ko maibigay sa iyo ang masaya at kumpletong pamilya. Gano'n pa man, mahal na mahal kita, Joana. Ikaw ang liwanag sa buhay ko,"
Nangilid ang mga luha niya ngunit agad niya rin iyong pinahid at nahiga na sa tabi ng anak saka marahang pinikit ang mga mata at natulog.
MABILIS na lumapad ang ngiti ni Damon nang makita niyang papalabas na si Kathleen sa Pharmacy kung saan ito nagta-trabaho.
"Damon, ano nanaman ba ang ginagawa mo dito? Akala ko ba malinaw na sa iyo ang lahat," bungad naman ni Kathleen sa kaniya kung kaya agad napawi ang magandang ngiti sa labi niya.
"Kath, kahit paulit-ulit mo akong ipagtabuyan hindi parin ako susuko. I want to prove to you that I love you and I am willing to fight for how I feel for you," madamdaming aniya, nababalot ng emosyon ang kaniyang mga mata.
Napahilamos naman sa inis si Kathleen saka seryosong tumingin sa mga mata niya. "Please, Damon. Tama na. Kahit ano pang gawin mo, hindi mo ako makukuha. Alam mo namang ikakasal na ako sa fiance kong si Cedric, diba. Please, huwag mo nang sirain ang masayang relasyon namin ni Cedric, dahil hindi ko siya ipagpapalit sa iyo,"
Labis na nasaktan si Damon sa mga sinabing iyon ni Kathleen. Wala na siyang nagawa kundi ang panoorin nalang ang babae habang lumalakad ito papalayo sa kaniya.
Gusto niyang habulin si Kathleen, lumuhod sa harap nito at magmakaawang siya nalang ang mahalin nito. Gusto niyang makiusap dito na iwanan na ang fiance at siya nalang ang piliin. Ngunit alam ni Damon na mananatiling matigas sa kaniya ang puso ng babae.
Since college ay mahal na mahal na niya si Kathleen. Bestfriend ni Kathleen ang dating nobya niyang si Camille, pero mas na-attract siya noon kay Kathleen kaya kahit na may relasyon pa sila noon ni Camille ay nagawa niyang ligawan si Kathleen.
Nalaman ni Camille ang lihim nilang relasyon ni Kathleen noon kaya naman nag-away sila ng babae at humantong sa hiwalayan. Maging si Kathleen ay nakipaghiwalay din sa kaniya kaya labis siyang nasaktan at piniling magpakalayu-layo at hanapin ang sarili. Inakala ni Damon na sa pag-alis niya ay malililimutan din niya si Kathleen, sinubukan niyang magmahal ng iba at magpakasal sa ibang babae. Pero niloko lang pala niya ang sarili dahil hindi niya makalimutan ang pagmamahal niya kay Kathleen.
"Babae lang 'yan, dude," sabi ni George, his cousin. Matapos siyang ipagtabuyan ni Kath at iwanan kanina ay tinawagan niya si George at inayang uminom sa bar. Agad namang dumating ang pinsan niya at dinamayan siya.
Mabilis na nilagok ni Damon ang tequilla. "But I love her, George. I love Kathleen so much, but no matter what I do, she just doesn't care. She chose that Cedric more than me," he cried. Lasing na siya, pero sige parin siya sa pagtungga ng alak.
"I think, dude, karma mo na iyan," ani George kaya naman namumungay ang mga matang tumitig dito si Damon.
"What do you mean?"
"Naaalaala kong kuwento mo sa akin noon na may girlfriend ka no'ng college diba. Pero nagawa mong lokohin dahil mas attractive ka kay Kathleen. Tapos no'ng malaman ng girlfriend mo ang panloloko mo sa kaniya ay mas pinili mo pa si Kathleen kesa sa girlfriend mo. So ngayon, nasasaktan ka dahil hindi ka magawang piliin ni Kathleen kesa sa boyfriend niya. E 'di alam mo na ang sakit na naramdaman ng girlfriend mo noon nang hindi mo siya pinili,"
Hindi nakaimik si Damon sa sinabi ni George. May punto ang kaniyang pinsan, dahil do'n ay hindi niya napigilan ang makadama ng guilt dahil sa ginawa niya noon kay Camille.
Muli ay tumungga ng tequilla si Damon hanggang sa maubos niya ang laman ng bote at muling om-order ng isa pa. Gusto niyang lunurin sa alak ang puso niyang sawi ngayong gabi. Gusto niyang makalimot sa sakit na dulot ni Kathleen kahit ngayong gabi lang.
61 years later.... Nakaupo lamang sa kaniyang paboritong upuan ang siyamnapung taong gulang na si Camille. Ang kaniyang puwesto ay naroon sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang sunset kung kaya masaya niyang pinapanood ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na ulap. Sa kaniyang isip ay ginugunita niya ang nakaraan na may halong tuwa at kirot sa kaniyang puso dahil alam niyang sa alaala na lamang talaga niya maaaring mabalikan ang lahat. Ngayon ay kulu-kulubot na ang balat ni Camille at maputing-maputi na rin ang kaniyang buhok. Hindi na rin niya kayang tumayo ng mag-isa at mahinang-mahina na rin siya kung kaya ang kaniyang maghapon ay umiikot na lamang dito sa loob ng kaniyang kuwarto. At kahit saan niya ibaling ang kanitang paningin ay ang mga pictures nila ni Damon ang nakikita niya, magmula no'ng ikinasal sila hanggang sa tumanda sila. Napangiti si Camille, ang kuwartong ito nila ni Damon ay saksi sa kanilang pag-iibigan. Ang bawat haligi, at ding
MALUNGKOT ang puso ni Camille habang pinagmamasdan niya ang kulay kahel na ulap at ang napakaganda ngunit makahulugan para sa kaniya na sunset. Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa parin sa kaniyang isipan ang nangyari noon at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip niya ang sanggol na ipinagbuntis niya ngunit hindi naman napagbigyang masilayan ang mundo.Pero sinikap parin niya ang magpakatatag alang-alang sa mga taong mahal niya at lubos din siyang minamahal, lalo na ang anak na si Joana na araw-araw ay pinapasaya siya, at si Damon na oras-oras ay pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal.May lungkot sa puso niya dahil sa nangyari kay George, pero dahil sa ginawa nitong kasamaan ay nararapat lang talagang parusa ang sinapit nito. Nalaman din naman nina Camille mula kay Kathleen na si George talaga ang nagpapatay sa lola nito. Hindi makapaniwala si Camille na magagawa iyon ni George kahit sa sariling kadugo nito.
NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm
MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen