Share

Chapter 5

     SI DAMON ang first boyfriend ni Camille, at ito rin ang una niyang pinag-alayan ng lahat-lahat, maging ng kaniyang puso. Ngunit ang lalaki rin ang kauna-unahang nagwasak sa kaniyang puso. Kaya naman no'ng maghiwalay sila nito six years ago ay itinapon niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa lalaki dahil ayaw na niya itong maalaala pa.

Aaminin niyang hanggang ngayon ay masakit parin sa puso niya ang ginawa nito noon, at sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay iyon at iyon parin ang bumabalik sa kaniyang gunita, sinaktan siya nito, niloko, pinaasa, at pinaglaruan lamang ang damdamin niya. Hanggang ngayon ay may galit parin siyang nararamdaman dito, pero sinisikap niyang pakitunguhan ng maayos si Damon para sa kanilang anak. Dahil ayaw niyang ipakita kay Joana ang galit niya sa ama nito. Ayaw niyang masaktan ang anak kapag malaman nito na ganoon ang ginawa sa kaniya ng daddy nito kaya hindi nila ito nakasama sa loob ng ilang taun. Ayaw niyang sirain ang imahe ni Damon sa mga mata ng bata.

"Mommy, tawagan niyo na po si daddy. Sabi po ni teacher magsisimula na po ang event," minu-minuto nalang siyang kinukulit ni Joana na tawagan si Damon dahil hanggang ngayon ay wala parin ito gayong ilang sandali nalang ay magsisimula na ang Family event sa school nina Joana.

Nangako si Damon kay Joana na a-attend ito sa Family event. Hinihiling naman ni  Camille na sana ay hindi paasahin ni Damon ang bata, katulad nalang nang ginawa nitong pagpapaasa sa kaniya noon.

Ida-dial na niya ang cellphone number ng lalaki ngunit hindi na niya itinuloy sapagkat nakita niya ang pagpark ng Porsche nito sa 'di kalayuan. Pagkatapos ay bumaba mula roon si Damon. His wearing a simple polo-shirt and pants, pero kahit simple lang iyon ay angat naman ang kaguwapuhan nito.

"Daddy," tuwang-tuwa naman si Joana nang makita nito si Damon, agad tumakbo palapit sa ama ang bata. "daddy, akala ko po hindi na kayo dadating, eh,"

"I'm sorry, baby, may importanteng meeting pa kasi si daddy kaya medyo na-late ako ng dating dito," hinaplos ni Damon ang nakaayos na buhok ni Joana.

"Ayos lang po iyon, daddy. Ang mahalaga po ay nandito na ikaw. Halika po, ayun po si mommy, oh," tinuro ni Joana ang kinaroroonan ni Camille. Pagkatapos ay hinila nito si Damon palapit sa puwesto ni Camille.

Nakamasid lang naman si Camille sa kaniyang anak. Hindi niya maikakailang mas sumisigla si Joana kapag nasa paligid nito si Damon. Halatang nananabik talaga ang bata sa pagmamahal at kalinga ng kaniyang ama. Kaya kahit gustuhin man niyang alisin sa buhay nila ang lalaki ay hindi niya magawa, dahil hindi niya kayang masaktan ang damdamin ng anak. Hinihiling lang niya na sana ay hindi gawin ni Damon sa kanilang anak ang ginawa nito sa kaniya noon.

"Mommy, nandito na po si daddy, oh. Dumating na po siya," nangingislap ang nga mata ni Joana.

Nginitian niya ang anak saka seryosong bumaling kay Damon. "Mabuti naman at hindi mo pinaasa si Joana, kanina pa niya ako kinukulit na tawagan ka," 

"Galing pa kasi ako sa meeting kaya medyo na-late ako," kaswal naman nitong tugon.

Tumango nalang siya at hindi na umimik, dahil wala na rin naman siyang masabi.

"Mommy, daddy, pa-picture po tayo sa photobooth," pakiusap ni Joana at hinawakan nito sa magkabilang kamay ang kamay nina Damon at Camille.

Damon looked at her and he nodded once. "Pagbigyan na natin siya,"

Napabuntong-hininga nalang siya saka sumang-ayon na rin. Tuwang-tuwa si Joana habang papalapit sila sa photobooth at nagpakuha ng litrato doon. Kung titignan ay para silang isang masayang pamilya, at kahit sinong makakakita sa kanila ay magtataas talaga ng kilay sa inggit.

Ngunit hindi na nais ni Camille na muling magpalinlang sa laro ng pag-ibig. Matapos ng unang pagwasak sa puso niya ay nadala na siyang hayaang magmahal ang kaniyang puso. Her daughter is enough for her, and she doesn't need the man in her life anymore especially if he just hurts her feeling.

Itinatak na niya sa kaniyang puso na wala nang dapat mamagitan sa kanila ni Damon, at wala na siyang dapat pang maramdaman para dito. Si Joana lang ang tanging ugnayan nila ng lalaki.

"Nag-enjoy ka ba sa mga sinalihan nating games, baby?" tanong ni Damon kay Joana, katatapos lang nila sa huling games na sinalihan.

Tumango naman si Joana. "Sobra po, daddy. Eh, ikaw po mommy, nag-enjoy ka rin po ba sa mga games na sinalihan natin?" bumaling ang bata sa kaniya.

"Ofcourse, anak. Basta makita kong nag-e-enjoy ka, masaya na rin si mommy," tugon niya, pagkuwan ay pinisil ang pisngi ng anak nang bumungisngis ito.

Bumaling din si Joana kay Damon. "Eh, ikaw po, daddy, nag-enjoy ka rin po ba?"

Ngumiti si Damon at saka marahang tumango. "Yeah. Nag-enjoy ako ng sobra, baby,"

Muling bumungisngis ang bata. Maya-maya ay nag-anunsyo ng panibagong games ang emcee. This time ay para naman iyon sa mga mommy and daddy. "Mommy, Daddy gusto ko po sali kayo sa game na iyon, please," idinadaan ni Joana sa pagpapa-cute ang mga magulang para madaling mapapayag ang mga ito.

Sa pagkakataong ito ay tumanggi si Camille sa kagustuhang iyon ng anak. Hindi niya gusto ang ideya na maka-partner sa isang laro si Damon. Ngunit nalungkot ang bata at halata sa mga mata nito ang lungkot at inggit sa mga kaklase na walang pag-aalinlangan ang mga magulang na naki-join sa laro.

"It's okay, baby. Sasali kami ng mommy mo, huwag ka nang malungkot, okay," pang-aalo ni Damon sa bata, pasimple itong pinandilatan ni Camille. Ngunit ang tingin ni Damon sa kaniya ay pilit nangungumbinsi. 

Napahinga siya ng malalim saka napipilitan nalang na sumang-ayon.

Ang laro ay tinatawag na stop dance, habang tumutugtog ang musika ay kailangan nilang sumayaw. Pero kapag huminto ang tugtog ay kailangan nilang umapak sa diyaro. Kapag muling tumugtog ay itutupi nila ang diyaryo at muling sasayaw. Ganoon ng ganoon ang gagawin nila hanggang sa lumiit ang diyaryo. Ang sinumang hindi makakaapak agad sa diyaryo kapag tumigil ang tugtog ay matatanggal sa laro. Matira-matibay ang labanan, ang sinumang matitira ay siyang magwawagi.

Hindi niya magawang ialis ang paningin kay Damon habang pareho silang sumasayaw. Kakaibang kuryente din ang dinudulot sa pakiramdam niya sa tuwing magdidikit ang balat nila ng lalaki o sa tuwing kailangan nilang maghawak ng kamay.

Muntik pang matumba si Camille nang paghinto nang kanta ay sabay silang tumapak ni Damon sa diyaryo. Mabuti nalang ay maagap siyang nahapit ni Damon sa bewang kaya hindi natuloy ang pagbagsak niya.

"Carefull," he whispered in her ear which in turn caused a strange tickle in her heart. Ramdam niya ang nakakarinding malakas na pagtibok ng kaniyang puso, kahit anong pigil niyang makadama ng kahit na anong magandang pakiramdam para sa lalaki.

Pasalamat nalang talaga siya at malakas ang tugtog kaya kampante siyang hindi maririnig ni Damon ang malakas na pintig ng kaniyang puso.

Nakahinga lang siya ng maluwag no'ng matapos na ang laro at sa huli ay sila ni Damon ang nanalo. No'ng huli ay nagulat nga siya dahil bigla nalang siyang binuhat ni Damon in a bridal style, dahil napakaliit nalang talaga ng diyaryo at isang paa nalang ang puwedeng tumapak.

Tuwang-tuwa naman si Joana at hindi nito mapigilan ang magtatalon at mapapalakpak sa sobrang kaligayahan.

"Ang galing niyo po, mommy, daddy," nangingislap ang mga mata ng bata. Nag-thumbs up pa ito sa kanila.

Malaking teddy bear ang napanalunan nila sa larong iyon, ibinigay ni Damon kay Joana ang malaking teddy bear na iyon kaya lalong natuwa ang bata.

HAPON na natapos ang Family event, sa sobrang pagod ni Joana ay nakatulog na ito habang nasa biyahe sila pauwi. Si Damon ang naghatid sa kanila, nag-commute lang rin kasi silang mag-ina papunta sa school dahil bagong linis ang sasakyan niya at ayaw niyang gamitin agad. Pinahahalagahan din kasi niya ang kotse dahil iyon ang ikalawang nabili niya sa ipon niya sa pagta-trabaho sa Chef's Kusinas bilang chef at waitress nito noon.

Agad sumalubong si Aleng Carmen at kinuha nito kay Damon ang nahihimbing nang si Joana. Pagkatapos ay dinala ng matandang babae sa loob ang bata upang maging komportable ang tulog nito sa higaan.

Nang makapasok na sa loob ang kaniyang ina at anak ay hinarap niya si Damon. "Ahm, salamat dahil pumayag kang sumama sa amin sa Family day event sa school nina Joana. Napasaya mo siya ng husto,"

Tumango naman si Damon. "As her father, obligasyon kong gawin iyon sa kaniya," kaswal pa nitong isinuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "Ahm, Camille, can I ask you something?"

Nangunot naman ang noo niya. Sinubukan niyang salubungin ang tingin sa kaniya ni Damon, ngunit natalo siya at nag-iwas parin ng tingin dito. "What is it?"

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin kay Kathleen?" he asked. "Akala ko ba naka-move on ka na?"

Natigilan siya sandali. "Masakit ang ginawa sa akin ni Kathleen noon, Damon," pagkuwan ay tugon niya na may halong pait. 

"Pero ako ang may kasalanan talaga, Camille, hindi si Kathleen," tugon nito. "Camille, mabuting kaibigan sa iyo si Kathleen,"

Nainis naman si Camille. Marahas siyang bumuga ng hangin. "Yes, ikaw ang may kasalanan no'n. Pero alam mo ba 'yong masakit? Kaibigan ko si Kath, pinagkatiwalaan ko siya, tinuring ko siyang kapatid, pero trinaydor lang niya ako. Kaya hindi ko na maibabalik 'yong tiwala ko sa kaniya noon, dahil basag na iyon, Damon,"

"Sa akin ka nalang magalit, Camille. Huwag ka nang magalit kay Kathleen. Alam mo bang miss na miss ka na niya? Gusto niyang maibalik ang dating closeness niyo. Kaya sana mapatawad mo na si Kath," may bahid ng pakiusap ang tono ni Damon. 

Nag-isang linya naman ang kilay niya. "Hindi gano'n kadali ang sinasabi mo, Damon,"

Nangunot ang noo nito. "Bakit hindi madali? Kung talagang naka-move on ka na sa nangyari noon, dapat mapatawad mo na rin si Kath,"

Sa umiling-iling siya. "Bakit? Kung ang isang baso ba kapag nabasag ay maaari mo pang ayusin iyon gaya ng dati? Hindi na diba,"

"What do you mean? Anong connect no'n sa pinag-uusapan natin?" muling nangunot ang noo ni Damon at mataman siyang tinitigan.

"My trust is like a mirror, Damon. Once it is broken, it will never be rebuilt anymore," she uttered. "And about sa pagpapatawad. Yes, matagal ko nang napatawad si Kath. Pero 'yong closeness namin noon, malabong maibalik na iyon,"

Natahimik naman si Damon, bagamat nanatiling nakatitig parin sa kaniya.

"I'm really sorry, pero hindi ko kayang maging plastic. Nagpapakatotoo lang ako, Damon. Matagal nang sira ang pagkakaibigan namin ni Kath, pakiusap lang huwag mo nang panghimasukan pa iyon at huwag mo nang ipilit sa akin na ibalik ang closeness naming dalawa. Kung may natitira ka pang respeto sa akin, irespeto mo ang desisyon ko,"

"Sinusubukan ko lang naman ayusin ang nasira ko noon," halos pabulong na nitong sabi. "gusto ni Kathleen na makipag-ayos sa iyo, Camille. Pero hindi niya alam kung paano pa ba hihingi ng tawad sa iyo. Miss na miss na niya ang dating pagkakaibigan niyo. Miss na miss ka na niya. Sana ay mahanap mo parin sa puso mo ang pagpapatawad,"

Siya naman ang natigilan. Maging siya ay miss na niya ang dating samahan nila ng dating kaibigan. Pero paano nga ba niya maibabalik ang dating tiwala niya kung labis naman siyang nasaktan? 

"Camille, alam kong may puwang parin diyan sa puso mo si Kath. Alam kong kahit papaano ay tinuturing mo parin siyang kaibigan. Sana ay huwag mo na siyang titiisin, at bigyan mo nalang siya ng isa pang pagkakataun para makabawi sa iyo," sambit ni Damon.

"Ang dali lang sabihin sa iyo 'yan, kasi hindi ikaw 'yong nalagay sa sitwasyon ko. Wala kang pakealam sa nararamdaman ko, Damon. Mas may pakealam ka pa sa kung ano ang nararamdaman ni Kathleen. Balewala lang ako sa iyo," hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon na kusang namutawi sa kaniyang  bibig.

Nang mapagtanto ang mga sinabi niya ay nakadama siya ng ibayong hiya at lalong hindi na makatingin sa lalaki. "Umuwi ka na, maraming salamat ulit sa pag-attend mo sa Family event sa school ni Joana,"

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya si Damon at pumasok sa loob ng bahay nila. 

NANG TULUYAN nang makapasok sa loob ng bahay nila si Camille ay nagpasya na rin si Damon na sumakay sa Porsche niya at agad nagmaneho papunta sa bahay ni Kathleen.

"Damon, anong ginagawa mo dito?" iyan ang bungad ni Kathleen matapos siyang pagbuksan ng pinto.

"I want to surprise you, Kath. Anyway, ikaw lang ba? Nasaan ang fiancé mo?" sinisiguro lang niyang walang sasagabal sa kanila ng babae.

"Wala siya dito. Actually, hindi siya gumawi dito maghapon kasi he's always busy," tugon ng babae. Halata sa magaganda nitong mga mata ang lungkot.

Damon couldn't help but he hug Kathleen so thigh. Nabigla naman ang babae sa ginawa niya. "D-Damon,"

"Sshh. I miss you, Kath. Bakit ba kasi hindi nalang ako ang mahalin mo. I can give you everything," kumalas siya sa pagkakayakap dito at matamang pinagmasdan ang mukha ng babae.

"Damon, ayan ka nanaman sa ikaw nalang ang piliin at mahalin ko, eh. Akala ko ba nagkalinawan na tayo na kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo, nothing more, nothing less," anito, hindi talaga yata siya magagawang mahalin ng babae dahil masyado itong bulag sa pagmamahal sa fiance nito.

Niyakap niya muli si Kathleen. "I'm sorry, hindi ko kasi mapigilang mahalin ka, Kath,"

Si Kathleen na ang kusang kumalas sa mga bisig niya. Pumasok na ito sa loob at inaya siya pagkatapos ay inalok siya ng inumin.

"Coffee nalang, feeling ko kasi wala na akong energy dahil sa in-attend-nan kong Family event sa school ni Joana," tugon niya sa babae.

"Okay, sige. Maupo ka muna diyan at maghintay. Magtitimpla lang ako ng juice," paalam nito at dumiretso na sa kusina para magtimpla ng kape niya.

Inilibot naman ni Damon ang paningin niya sa mga pictures na naka-display sa wall. Lihim na nagngitngit ang kaniyang kalooban dahil halos sa lahat ng mga pictures na naroon ay mukha ni Cedric ang nakikita niya. Kasama ni Kathleen sa mga pictures nito ang fiance, at nagseselos siya. Gusto niya ay sa kaniya si Kathleen. Gusto niya itong makuha. Ngunit paano? Eh, masyado itong patay na patay sa fiance na si Cedric.

Pagbalik ni Kathleen ay dala na nito ang kape para sa kaniya. Inabot naman iyon sa kaniya ng babae, pagkalapag niya ng tasa ng kape sa center table ay hinila niya ang kamay nito dahilan para maupo sa kanlungan niya ang babae.

"Damon," nananaway ang tingin ni Kath, saka siya mahinang hinampas sa balikat.

Damon chuckled. "I'm tired, Kath. Nakakapagod um-attend sa Family day event sa school ni Joana. But I'm happy dahil nakasama ko naman ang anak ko sa event na iyon," ngumiti pa siya.

Hindi naman na pumalag pa si Kathleen at hinayaan nalang nito na nakaupo sa kandungan niya. "Speaking of your daughter, bakit hindi mo nalang balikan si Camille, para naman maging buo ang pamilya niyo,"

Umiling siya. "Nah. Alam mo naman na iisa lang ang gusto ko, Kath. Ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong makasama," pinakatitigan niyang muli si Kathleen.

"Actually, plano kong kunin ang aking anak. At kung papayag ka naman ay gusto kitang maging asawa, Kathleen. Ikaw, ako at si Joana, gusto kong mamuhay tayo bilang isang masayang pamilya,"

"Damon, hindi madali 'yang sinasabi mo. Saka paano ka naman nakakasigurong ibibigay sa iyo ni Camille ang bata?" Tugon naman ni Kathleen.

Ngumisi naman si Damon. "Sa ayaw o sa gusto man niya, wala rin siyang magagawa kapag ang pera ko na ang pinaikot ko, Kath,"

He kissed Kathleen lips. Sa pagkakataong ito ay hindi naman pumalag ang babae at masuyo din nitong tinugon ang kaniyang h***k.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
sammie vargas
gago Ka Damon kapal mo Sana iniisip mo na LNG ang damfamin ni Camille Hindi ung si Kath ang bukam bibig mo.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status