Share

Chapter 3

     PANAY ang pagsulyap ni Damon sa kaniyang mamahaling wristwatch. Katatapos lang ng kaniyang speech para sa mga mag-aaral ng paaralang napili niyang handugan ng mga bags at school supplies. Kasalukuyan nang ipinamamahagi ng mga teachers sa mga batang estudyante ang mga bags at school supplies.

"Mr. Monteverde, maraming salamat sa mga donations mong school supplies para sa mga estudyante namin dito. Masayang-masaya ang mga bata dahil sa mga munting handog mo para sa kanila," taus-pusong pasasalamat ng principal sa kaniya.

"Masaya rin ho akong makatulong sa mga bata, mrs. Ventura," aniya, bukal sa loob ni Damon ang pagtulong lalo sa mga bata. Ganiyan din kasi ang kaniyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.

"Sadgirl. Walang daddy. Sadgirl," pareho silang napabaling ng principal na si mrs. Ventura sa mga estudyante sa unang baitang na tinutukso ang kaklase ng mga ito. 

"Kids, ano nanaman 'yan. Bakit niyo nanaman inaaway ang classmate niyo?" saway ni mrs. Ventura sa mga bata. "gusto niyo bang ipatawag ko ang mga magulang niyo?"

Umiling ang mga batang bully, halata sa mga mata ng mga ito ang takot, pagkatapos ay nagtakbuhan ang mga ito pabalik sa classroom nila.

Napailing-iling nalang si mrs. Ventura. "Mga bata talaga," pumalatak pa ito saka bumaling sa batang babae na inaasar ng mga kaklase nito. "Huwag ka nang umiyak, Joana. Hayaan mo at ipapatawag ko ang mga magulang ng mga batang iyon para maparusahan sila sa pambubully nila sa iyo," alo nito sa batang babae na tanging hikbi lang ang ginagawa kahit binubully na siya.

Napatitig naman si Damon sa batang umiiyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya habang minamasdan ang batang babae. "Hey! Don't cry anymore, little girl. Do you know that crying makes a child ugly?"

Nag-angat naman sa kaniya ng tingin ang batang babae kahit patuloy parin ito sa pag-iyak. Pamilyar kay Damon ang hitsura ng bata ngunit hindi niya maalaala kung saan ba niya ito unang nakita. Mula sa asul nitong mga mata ay makikita ang lungkot roon.

"I'll just give you this teddy bear, don't cry anymore," upang patahanin ito sa pag-iyak ay inabutan niya ito ng teddy bear na dapat ay kay Kathleen niya ibibigay.

"Oh, magpasalamat ka kay mr. Damon, Joana," madam principal said to the little girl.

Bumungisngis naman ang bata kay Damon. "Thank you po,"

Napatawa naman si Damon nang yakapin siya nito. He didn’t literally know this little girl, but his heart, why he felt his heart knew this little girl? "Anyway, what's your name?"

"Joana po," little girl pouted.

Hindi napigilan ni Damon na haplusin ang pisngi ng batang babae. Parang nakikita niya kasi ang sarili niya dito. Pareho kasi sila ng kulay mga mata, na kakulay ng dagat. Pareho rin sila ng kulay ng buhok.

"Teka, kanina pa pala ang uwian niyo, Joana, ah. Hindi pa ba dumadating ang lola mo?" tanong ng principal habang hinahaplos nito ang mahabang at kulay gintong buhok ng bata.

Umiling ang bata. "Sabi po ng mommy ko, siya po ang susundo sa akin," the little girl frowned, then she hug her new teddy bear.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Damon. Tumatawag ang kaniyang secretary. "Excuse me, I have to take this call,"

Tinalikuran niya ang bata at ang principal at sinagot ang tawag ng secretary niya.

"Hello,"

"Sir Damon, narito ho si mr. Venzon sa opisina niyo, hinihintay kayo," tugon ng secretary niya sa kabilang linya.

Mr. Venzon wants to invest in him a large amount, ngunit tinatanggihan ito ni Damon dahil sa malaking galit niya sa mga magulang nito na muntikan nang magpabagsak noon sa Sapphire J-well. 

"Just tell him I'm taking care of something important, he'll just come back another day," he uttered to his secretary.

"Eh, sir, hindi daw ho siya aalis dito hanggat hindi kayo nakakausap," tugon nito sa kabilang linya.

He took a deep breath. "Fine. I'm on my way," napipilitan niyang saad then he hang up.

"Oh, nandiyan na pala ang mommy mo, Joana," anang principal.

Awtomatiko namang natigilan si Damon at bahagyang umawang ang labi nang magtama ang paningin nila ni Camille. 

Makikita din sa mga mata ng babae ang pagkagulat nang makita siya. Sunod-sunod itong napalunok bago ialis ang tingin sa kaniya at itinuon ang atensyon sa anak.

"Mommy, look oh. Binigyan po ako no'ng lalaki ng teddy bear," itinuro siya ng bata sa ina nito.

"Let's go, anak. Naghihintay sa atin si lola mo," nagmamadaling sabi nito.

Tila may sariling buhay naman ang mga paa niya at hinabol ang babae. "Just wait, Camille,"

Ngunit hindi huminto ang babae sa paglalakad, tuloy-tuloy lang ito. Kaya naman mas binilisan pa ni Damon ang paglalakad at humarang sa harap nito.

"I want to talk to you, Camille," he said in a serious way.

Umingos naman ito. "Nagmamadali kami, Damon. Sa ibang araw nalang tayo mag-usap," nilagpasan siya nito.

Ngunit sumunod parin si Damon, papasakay na si Camille at ang batang si Joama sa kotse nito nang muli niyang maabutan ang babae at marahas niyang hinigit ang braso nito paharap sa kaniya.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo 'ko?" nagtiim ang kaniyang bagang at animo'y apoy na lumiliyab ang titih niya dito.

Napalunok naman si Camille at pasimpleng nag-iwas sa kaniya ng tingin. "Hindi kita iniiwasan, Damon. Busy lang talaga ako ngayon, pati kahapon, at no'ng mga nakaraang araw. Kaya hindi kita nahaharap,"

But he was not convinced by her answer. Alam niya at ramdam niyang umiiwas sa kaniya si Camille at ayaw nitong ipakilala sa kaniya ang anak nila. Mabuti nalang at mabait parin sa kaniya ang tadhana. Dahil ito mismo ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nila ng bata.

"Then talk to me now," kaswal niyang tugon ngunit may bahid ng inis. Kundi lang naman dahil sa anak nila ay hindi niya pag-aaksayahan ng oras si Camille. Dahil higit na mas gusto pa niyang makita si Kathleen.

"Ang kulit naman nito," naiinis na napakamot sa ulo niya si Camille.

Muli ay napasulyap si Damon sa inosenteng mga mata ni Joana na abala naman sa teddy bear na ibinigay niya rito. God, now he knew why he had been so light-hearted to this little girl when he first saw her a while a go.

"So, she's my child?" Muli siyang nag-angat ng tingin kay Camille. "Why don't you introduce me to her,"

Tinaasan lang siya nito ng kilay at mulhang wala talagang balak ipakilala siya sa bata.

"Hello, baby," naupo si Damon para pantayan ang bata.

Tumitig naman sa mga mata niya ang bata saka namamanghang ngumiti. "Wow. Parehas po tayo ng color ng eyes. Blue rin po ang color ng eyes niyo,"

Nangiti siya. Umaalab sa saya ang puso niya. God knew how much he wanted to have a child. "Do you want to know why our eyes are the same color?"

"Bakit po?" Inosenteng tanong ng bata.

"Because he's your biological father, anak?" sabat naman ni Camille at inirapan siya.

"Father? You mean, mommy, he's a pari in the church?" bumungisngis ang bata. Pareho namang natawa sina Camille at Damon.

"He's your dad, anak," batid niyang labag loob ng babae na sabihin iyon sa bata.

Namilog naman ang mga mata ni Joana at hindi makapaniwalang tumingin ito kay Damon.

"D-Daddy? Ikaw po ang daddy ko?" Bakas ang tuwa sa mga mata nito.

Tumango naman si Damon. "Yes, baby," walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Niyakap niya agad ang anak, at gumanti din naman ito ng yakap sa kaniya.

"Daddy, bakit ngayon lang po kayo nagpakita sa akin? Lagi ko po dinadasal kay papa God na sana makita na kita. Pero ngayon po dininig na ni papa God ang wish ko," naiiyak na niyakap siyang muli ni Joana.

LABAG man ito sa kalooban. I Camille ngunit wala na siyang magagawa, dahil mismong ang tadhana na rin ang nagtagpo sa landas ng mag-ama. Hindi nan niya maikakailang masayang-masaya si Joana na makilala na nito ang amang si Damon.

Magmula no'ng araw na malaman ni Damon na may anak sila ay sinubukan niyang iwasan ang lalaki. Natatakot kasi siya na baka kapag makilala nito ang anak nila ay magpasiya itong kunin sa kaniya ang bata.

"Kailangan na naming umalis, Damon. Naghihintay sa amin ang nanay ko," sambit niya nang kumalas na isa't-isa ang dalawa.

"Daddy, kailan po ulit tayo magkikita?" tanong ni Joana, tila ayaw pa nitong mawala sa paningin ang ama.

"I'm always visiting you, baby. I'll promise," nakangiti namang hinaplos ni Damon ang pisngi ng bata. Pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Can I get your address?"

Marahan naman siyang tumango. "Cathalina Subdivision, doon kami nakatira. Hindi ka na mahihirapang maghanap sa bahay namin, nag-iisang kulay asul lang iyon doon,"

"Daddy, bisita po kayo sa amin palagi, ah. Gusto ko po kayo makasama palagi, kasi po ang tagal niyo po hindi nagpakita sa akin, eh," nakangusong sabi naman ni Joana. "Kaya po pala binigyan niyo ako ng teddy bear kasi kayo po pala ang daddy ko,"

"Yes baby, promise, bibisitahin ka palagi ni daddy," muli nitong hinaplos ang pisngi ng bata.

"Halika na anak, kanina pa naghihintay sa atin si lola mo," pinasakay na ni Camille sa kotse si Joana at pagkatapos ay sumakay na rin siya sa driver seat.

Pagkadating sa bahay nila ay masayang ikinuwento agad ni Joana sa kaniyang lola na nakita ang daddy niya. Bakas ang sobrang saya sa mga mata ng bata habang nagkukuwento.

"Anak, magbihis ka na, at iayos mo ang school bag mo," utos ni Camille sa bata, kaya naman naputol ang masayang mga kuwento ni Joana sa kaniyang lola.

"Sige po, mommy," mabilis itong umalis sa pagkaka-upo sa kandungan ni Aleng Carmen at binitbit ang school bag niya papasok sa kuwarto nila.

"Sinabi ko na sa iyo, Camille. Kahit anong pag-iwas ang gawin mo kay Damon, kung tadhana mismo mo ang may kagustuhang magkita ang mag-ama, hindi mo rin iyon mapipigilan," malumanay na sabi ni Aleng Carmen. No'ng isang linggo pa nasabi ni Camille sa kaniyang ina ang tungkol sa pagkikita nila ng 'di inaasahan ni Damon.

Marahas na bumuga nalang ng hangin si Camille bago tumango sa kaniyang ina at dumiretso sa kusina para maghain na ng pananghalian nila.

Pagsapit ng gabi ay tinulungan ni Camille ang anak sa assignment nito. Ngunit hindi parin talaga maiiwasang may maitatanong sa kaniya ang anak tungkol sa daddy nito.

"Mommy, bakit po 'yong mga kaklase ko magkasama ang mommy at daddy nila? Pero bakit kayo po ni daddy hindi magkasama?"

Natitigilang tumingin naman siya sa anak saka mahinang bumuga ng hangin. Hindi niya alam kung paano nga ba niya ipapaliwanag sa bata ang sitwasyon nila ni Damon.

"Kasi anak, hindi naman kami mag-asawa para magsama kami ng daddy mo," tugon niya.

"Kailangan po ba mag-asawa kayo para magkasama kayo? Paano po ba maging mag-asawa?"

Muli ay napabuntong-hininga si Camille. Hindi talaga nauubusan ng tanong ang kaniyang anak. Masuyo nalang niyang hinaplos ang pisngi ng bata saka binigyan ito ng malumanay na ngiti. "Anak, bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay. Pero kapag tumuntong ka na sa tamang edad ay saka mo maiintindihan ang lahat,"

"Mommy, gusto ko po ulit makita si daddy. Gusto ko po siya makasama," mababakas sa mga mata ni Joana ang pagnanais nitong makasama at makita muli ang kaniyang ama.

Kinabukasan, hindi inaasahan ni Camille na maagang bibisita sa bahay nila si Damon. Sobrang saya naman ni Joana nang makitang muli ang kaniyang daddy at halos ayaw na nitong umalis sa tabi ni Damon sa sobrang pagkasabik.

"Nay, inilagay ko nalang ho ang pera sa damitan niyo. Bilihan niyo nalang ho ng meryenda mamaya si Joana. Naroon na rin ho ang pambili niyo ng gamot para sa hika niyo," bilin ni Camille sa ina. Kailangan niyang pumasok ngayon dahil um-absent na siya kahapon.

Mula sa panonood kina Damon at Joana ay lumingon sa kaniya si Aleng Carmen. "Sobrang saya ni Joana, oh, nakita na niya ang daddy niya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganiyan. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil matagal na niyang hinahangad ang maranasang magkaroon ng ama. Mabuti nalang at gumawa ng paraan ang tadhana,"

Lihim na napairap naman si Camille. "Sige, 'Nay. Aalis na ho ako,"

"Alam mo Camille, naisip ko lang, siguro kaya kayo pinagtagpo ulit ni Damon ay dahil kayo talaga ang para sa isa't-isa," ngumiti pa ang kaniyang ina. Napamaang naman si Camille at napatulala sa nanay niya. Nanay ba niya talaga ito? Noon kasing malaman nitong niloko lang siya ni Damon ay halos isumpa na nito ang lalaki.

"Nanay, ano ba naman 'yang mga pinag-iisip mo. Matagal na hong tapos ang sa amin ni Damon. Nandito siya para kay Joana," tugon niya.

"Ikaw naman, masyado ka namang seryoso, anak. Wala namang masama sa sinabi ko, eh," hindi nalang niya pinansin ang sinabi ng ina, nilapitan nalan niya si Joana na masayang nakikipaglaro kay Damon. Dahil Saturday ngayon ay walang pasok si Joana sa school.

"Joana anak, aalis na si mommy. Papasok na ako sa work," paalam niya sa bata. Lumapit naman sa kaniya si Joana.

"Ba-bye po, mommy. Ingat ka po sa work mo. I love you," malambing na tugon ng bata at ngumuso ito. Yumuko naman si Camille para m*******n siya ni Joana sa pisngi.

"I love you too, baby," hinalikan din niya sa pisngi ang anak bago umayos ng tayo at tinignan si Damon. Tumikhim pa siya bago magsalita sa lalaki. "Damon, can I talk to you?"

Marahan namang tumango ang lalaki. Sinenyasan ito ni Camille na sa labas nalang sila mag-usap. Nagpaalam naman muna si Damon sa anak bago sumunod sa kaniya sa labas ng bahay.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin, Camille?" Tanong ni Damon nang nasa garden na sila. Mahilig sa mga halaman si Camille kaya naman marami siyang tanim ng iba't-ibang halaman sa garden nila.

Huminga muna siya ng malalim bago humarap sa lalaki. "Pumapayag akong bisitahin mo dito si Joana kahit anong oras o araw mo gusto. Pumapayag akong makasama mo siya, hindi kita pagbabawalang gampanan mo ang pagiging ama sa anak ko. Pero may isang kundisyon lang ako sa iyo,"

"What is it?"

"Hindi mo siya maaaring kunin sa akin. Ako ang kaniyang ina kaya sa akin siya. Kung may balak ka man agawin siya sa akin, please lang, huwag mo nang ituloy," iyon lang naman talaga ang kinatatakot ni Camille, ang kunin sa kaniya ni Damon si Joana. Kung kaya uunahan na niya ito, dahil hindi niya makakaya kung mawawala sa kaniya ang anak. Alam niyang makakaya iyong magawa ni Damon kung gugustuhin nito, lalo't makapangyarihan ito dahil sa mga yamang mayroon ang lalaki.

Huminga naman ng malalim si Damon saka ipinamulsa ang dalawang kamay. "Fine. Kung 'yan ang ikinatatakot mo, don't worry, wala akong balak agawin siya sa iyo. Ang gusto ko lang naman ay magpaka-ama sa kaniya. Hayaan mo lang akong gawin iyon sa bata, wala tayong magiging problema, dahil may isang salita ako, Camille. Sana ay ganoon ka rin,"

She nodded saka matipid na ngumiti. "Deal?" Inilahad pa niya ang palad sa harap ng lalaki.

Walang pag-aalinlangan namang inabot ni Damon ang kamay niya. "Deal,"

Ngunit mabilis ring binawi ni Camille ang kamay, dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya sa tuwing magdidikit ang balat nila ng lalaki.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ay grabe ang ganda
goodnovel comment avatar
sammie vargas
kapal mo Damon Kung ayaw mo pag aksayahan Ng ora's si Camille o bakit kinakausap mo gago ka
goodnovel comment avatar
Jean Cjay Pingcas Pasculado
more more mukhang maganda ang story sana lebre
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status