Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2026-01-13 20:02:41

Lumapag ang eroplano mula sa Morocco at kasunod niyon ay naglalakad ang isang babae at lalaki papalabas ng airport. 

Sa likod ay ang mga bodyguards ng mga ito habang may ilan na napapatingin dahil sa dami ng mga bantay ang nakasunod sa mga ito. 

Sumilay ang ngiti ng babae nang makita ang asawa sa kabilang dulo. Mabilis itong nagtungo roon at agad itong niyakap.

"I miss you so much, Elton." saad nito at ngumiti roon.

"Dad," bati ng lalaki at ngumiti si Elton doon.

"Dalton! How's my boy!" masiglang ani ni Elton at niyakap ang binata. 

"Let's go home? Alam kong naghihintay na si Papa," ani ni Cristine at nauna nang maglakad roon.

Sumakay ang tatlo sa isang Rolls Royce at doon ay muling nagsalita si Cristine.

"Nahanap na ba si Lira at iyong anak nila ni Anton?" tanong nito.

"Yes, pero hindi ko pa nasasabi kay Papa," sagot ni Elton dito.

"Why, Dad? Is there a problem?" tanong naman ni Dalton.

"Apparently, Lira and Anton's daughter is now married."

"What?!" gulat na ani ni Cristine habang nakatingin ngayon sa kaniyang asawa habang si Dalton ay nagtataka rin sa nangyayari.

"That's what my private investigator says... kaya hindi ko muna ipinapaalam kay Papa. I know that once he finds out his granddaughter got married, he will definitely go there. Hindi pa natin nahahanap ang pumatay kay kuya." 

Halos hindi makapaniwala si Cristine sa narinig nito habang tahimik namang nakikinig si Dalton mula roon. Samantala inilapag naman ni Janna ang mga order nila ng kaibigan niyang si Sofia sa lamesa habang hinihintay ang isa pa nilang kaibigan doon.

"Kamusta ang buhay may asawa? May nangyari na ba?" tanong ni Sofia.

"O-okay naman, medyo naging busy lang si Francis ngayon. H-hindi pa kami umaabot sa ganun," nahihiyang ani ni Janna.

"What?!" malakas na ani ni Sofia kaya agad siyang pinakalma ng kaibigan doon.

"Huminahon ka nga, nakakahiya."

"You mean after your wedding hindi manlang kayo nag-sex?!" mariing saad ni Sofia at tumango si Janna roon.

Nasapo naman ni Sofia ang kaniyang noo habang tinitingnan ngayon ang kaibigan na namumula sa hiya. 

"Ilang araw na wait or weeks na ata kayong kasal ni Francis. Paano kayo magkakaanak kung hindi pa kayo bumubuo? Ano bang ginagawa niyang asawa mo?" tanong ni Sofia rito.

"B-Busy kasi siya sa trabaho saka madalas din naman abala rin ako sa coffee shop. Alam mo naman kailangan ko rin magpadala para kay Mama," sagot ni Janna.

Napapikit na lamang si Sofia sa sinagot ng kaibigan hindi niya alam kung sadyang inosente lang ba talaga ang kaibigan lalo pa at wala naman itong naging ibang lalaki sa buhay nito kung hindi ang asawa niya ngayong si Francis.

"Janna, bilang asawa kailangan gumawa ka rin ng paraan para hindi lumamig ang pagsasama niyong mag-asawa. Kailangan kumilos ka din kasi hindi natin alam baka mamaya may mga ahas na umaligid sa paligid. Alam mo naman sa panahon ngayon matatapang na ang mga kabit," 

Kabadong umiling si Janna roon habang nakangiti.

"Hindi ako lolokohin ni Francis, may tiwala ako sa kanya." 

"I know, but you need to at least step up your game! Spice up your marriage! Asan na ba iyan si Adrian para may kotse tayo?" singhal ni Sofia.

Eksakto naman na kakapasok lang ni Adrian sa fastfood resto kung nasaan ang dalawa at agad natanaw ang mga ito na nag-uusap doon.

Mula noong matapos ang kasal ay madalas itong umiiwas kay Janna dahil sa nakita nito noong araw na iyon. Hindi maalis sa isipan nito ang paglabas ni Carrie sa kwarto ni Francis sa mismong araw ng kasal. Alam niyang may mali o may nangyari pero hindi niya magawang sabihin sa kaibigan dahil alam niyang wala naman siyang ebidensya o patunay tungkol sa iniisip niya.

"Adrian!" masiglang bati ni Janna at kumaway ito.

Lumingon naman si Sofia at agad lumapit si Adrian sa kanila.

"Buti naman nandito ka na. Samahan mo kami mag-shopping ni Janna," saad ni Sofia.

"Kamusta?" tanong ni Adrian kay Janna hindi pinansin ang pag-aaya ni Sofia.

"Okay naman," tipid na ngumiti si Janna roon.

"Huy, Adrian! Tara na samahan mo kami ni Janna sa mall!" aya ni Sofia at tumayo na roon at hinila ang kaibigan.

Napailang na lamang si Adrian nang hilahin palabas ni Sofia si Janna kaya walang nagawa si Adrian kung hindi ang sumunod sa kanila.

Si Adrian ang nagmaneho patungo sa isang malapit na mall mula roon. Matapos makapag-park ay nauna nang bumaba ang dalawa kasunod ni Adrian.

Papasok na sila sa loob ng mall nang biglang may naalala si Adrian doon. 

"Wait lang may naiwan ata ako sa kotse. Mauna na kayong dalawa sa loob, I'll just meet you in the department store," saad nito at tumango naman ang dalawa.

"Okay!" saad ni Sofia at isinukbit ang braso nito kay Janna bago sila naglakad doon.

Bumalik si Adrian sa parking lot at agad binuksan ang kotse nito. Kinuha nito ang kaniyang phone sa loob at nang isara iyon ay agad natanaw ang isang pamilyar na tao roon.

Nakaakbay si Francis kay Carrie at saglit na tumigil roon. Nagtago si Adrian sa likod ng kaniyang sasakyan habang pinapanuod ang dalawa mula roon.

Kinuha nito ang phone at agad na kinunan ng litrato ang dalawa habang isinasakay ni Francis ngayon si Carrie sa loob ng kanyang kotse.

Itinago ni Adrian ang phone sa bulsa nito bago nagmadaling bumalik sa loob ng mall. Sigurado na siya ngayon na may namamagitan sa dalawa. May ebidensya na siya at alam niyang kailangan itong malaman ng kaibigan niya.

Mabilis na hinanap ni Adrian ang dalawang kaibigan sa loob ng department store. Itinext nito si Sofia na mabilis namang sumagot dito.

Sofia: We're here at the Women's Dress section

Nagtungo si Adrian roon at natanaw si Sofia na nakatayo roon.

"Asan si Janna?" tanong nito at kasunod niyon ay lumabas si Janna mula sa fitting room.

Bahagyang natigilan si Adrian doon nang makita niya si Janna mula roon.

She is wearing a sleeveless light pink short dress showing some skin, which made him stare in awe.

"Ayos lang ba?" tanong ni Janna sa dalawa. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 6

    Labis ang kaba ni Lira matapos makalayo ang sinasakyang jeep mula sa terminal kung saan naiwan doon ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, maaaring isa iyon sa mga nagbanta sa buhay nila noon o hindi kaya ay tauhan ng pamilya ng kaniyang asawa.Matagal nang naputol ang komunikasyon ni Lira sa mga Guzman. Tahimik na rin ang buhay nilang mag-ina at gusto niyang panatilihin na lamang iyon sa ganon.Isinara ni Lira ang pintuan at agad tinawagan ang anak upang mas makasiguro. "Ma? Bakit po?" sagot ni Janna mula sa kabilang linya."W-Wala naman, kamusta ka na? Kamusta kayo ni Francis?" tanong nito pilit pinapakalma ang sarili."Ayos naman po, medyo busy lang si Francis sa trabaho kaya madalas po ginagabi na siya ng uwi."Tumango si Lira roon at saglit na nag-isip bago muling nagtanong sa anak."Anak, may gagawin ka ba sa susunod na linggo?" "Wala naman po, bakit po?" "Baka puwedeng samahan mo muna ako? May pupuntahan lang tayo," sagot nito."Sige Ma, sasabihan ko si Francis."

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 5

    Naiilang na tumingin si Janna sa dalawang kaibigan. Malaki ang ngiti ni Sofia habang hindi naman makapagsalita si Adrian doon,"Ang ganda mo girl!" saad ni Sofia at ngumiti si Janna roon."Tingin mo magugustuhan ni Francis ito?""Ano ka ba? Oo naman! Di ba Adrian?" saad ni Sofia at tumango si Adrian doon."O-Oo, maganda... ang ganda mo," sagot nito at ngumiti si Janna roon."Salamat. Hindi na ko makapaghintay na maisuot ito kapag lumabas kami ni Francis. Alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko dahil kahit abala siya sa trabaho ay ipinaparamdam niya sa akin tuwing gabi. Napakalambing niya at palagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako," nakangiting ani ni Janna.Sa kagustuhan man ni Adrian na sabihin ang totoo ay hindi na nito magawa sa ngayon lalo pa nang makita kung gaano kasaya ang kaibigan. Iniisip nito na ayaw niyang masira ang araw na iyon kaya naman sa ibang araw na lamang niya siguro ipagtatapat ang tungkol sa nakita niya.Nakabalik na rin ang pamilya ni Elton sa

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 4

    Lumapag ang eroplano mula sa Morocco at kasunod niyon ay naglalakad ang isang babae at lalaki papalabas ng airport. Sa likod ay ang mga bodyguards ng mga ito habang may ilan na napapatingin dahil sa dami ng mga bantay ang nakasunod sa mga ito. Sumilay ang ngiti ng babae nang makita ang asawa sa kabilang dulo. Mabilis itong nagtungo roon at agad itong niyakap."I miss you so much, Elton." saad nito at ngumiti roon."Dad," bati ng lalaki at ngumiti si Elton doon."Dalton! How's my boy!" masiglang ani ni Elton at niyakap ang binata. "Let's go home? Alam kong naghihintay na si Papa," ani ni Cristine at nauna nang maglakad roon.Sumakay ang tatlo sa isang Rolls Royce at doon ay muling nagsalita si Cristine."Nahanap na ba si Lira at iyong anak nila ni Anton?" tanong nito."Yes, pero hindi ko pa nasasabi kay Papa," sagot ni Elton dito."Why, Dad? Is there a problem?" tanong naman ni Dalton."Apparently, Lira and Anton's daughter is now married.""What?!" gulat na ani ni Cristine habang n

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 3

    Matapos ang trabaho sa coffee shop ay naghanda na pauwi si Janna. Sa isang di kalayuang hotel naman ay parehas na walang kahit anong damit ngayong suot ang dalawa habang nakahiga sa isang malaking kama."Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?" Carrie asked him."I told her, I'll be coming home late kaya sigurado akong mamaya tulog na 'yon pag-uwi." Ngumiti si Carrie mula roon at bahagyang umangat para tingnan ang mukha ng lalaki. "I can't wait for you to get your inheritance and annul that woman," dagdag niya.Francis just smirked at her and kissed her lips while smiling."Just be patient, babe. Once na makuha ko ang mana ko. I will discard that woman from our lives." sagot nito.Nakauwi si Janna sa mansion ng mga De Villa at sinalubong ng mga kasambahay roon. "Kakain na po ba kayo, ma'am?" tanong ng kasambahay at tumango si Janna roon.Saglit na naligo at nagbihis si Janna para sa hapunan at pagkababa ay naroon na ang kaniyang biyenan na kumakain sa lamesa."Good evening po, Papa..." b

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 2

    Nakangiting nagmamaneho si Anton habang ang kanyang asawa na si Lira ay hinehele ang kanilang sanggol na anak na si Jea o mas kilala ngayon bilang si Janna.“Sinabihan mo na ba si Papa?” tanong ni Lira.“I called him a while ago. He wants to meet our daughter,” sagot naman ni Anton.“I’m sure he’s excited,” ani naman ni Lira.Sa kalagitnaan ng biyahe ay ilang putok ng baril ang tumama sa kanilang sasakyan dahilan para madiskaril ito at mawala sa linya.“Anton!” malakas na sigaw ni Lira.Mabilis na iniwasan ni Anton ang mga balang tumatama habang hawak naman ni Lira ang kanilang anak at pinoprotektahan ito. Dahil sa bilis ng pagtakbo at pagdiskaril ng sasakyan sinasakyan nila ay malakas na bumangga ang sasakyan sa isang malaking poste.Nawalan ng malay si Lira sa aksidente habang nakayakap ito sa anak na umiiyak. Isang anino naman ng tao ang makikita sa di kalayuan ang nakatingin sa bumanggang sasakyan at kalaunan ay umalis din ito. Ang sasakyan naman ay nagkaroon ng matinding pinsala

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 1

    Hindi mapakali si Janna habang nakaharap sa isang malaking salamin. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magpapakasal na siya sa kaniyang nobyo. "Handa ka na ba, anak?" tanong ni Lira sa kaniyang anak. Tipid na ngumiti si Janna sa kaniyang ina at tumango rito."Dito rin naman po kami papunta hindi po ba?" sagot nito.Niyakap na lamang ni Lira ang anak habang tinitingnan ito sa harapan ng salamin. Sa totoo lang ay hindi pa rin makapaniwala si Janna na magpapakasal na sila ni Francis. Isang taon pa lamang sila bilang magkarelasyon ngunit isang araw ay bigla na lamang siya inaya ng binata na magpakasal."Janna, will you marry me?" tanong ng lalaki habang nakaluhod ito sa harapan ng dalaga at sa kamay ay ang isang mamahaling singsing."Oo, Francis! Pakakasalan kita!" masayang sagot nito.Malaki ang ngiti na isinuot ni Francis ang singsing at mahigpit na niyakap si Janna mula roon. At ngayon ay dumating na nga ang araw ng kasal. Ilang sandali pa ay isang katok sa pinto ang narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status