Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2026-01-22 20:44:50

Labis ang kaba ni Lira matapos makalayo ang sinasakyang jeep mula sa terminal kung saan naiwan doon ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, maaaring isa iyon sa mga nagbanta sa buhay nila noon o hindi kaya ay tauhan ng pamilya ng kaniyang asawa.

Matagal nang naputol ang komunikasyon ni Lira sa mga Guzman. Tahimik na rin ang buhay nilang mag-ina at gusto niyang panatilihin na lamang iyon sa ganon.

Isinara ni Lira ang pintuan at agad tinawagan ang anak upang mas makasiguro. 

"Ma? Bakit po?" sagot ni Janna mula sa kabilang linya.

"W-Wala naman, kamusta ka na? Kamusta kayo ni Francis?" tanong nito pilit pinapakalma ang sarili.

"Ayos naman po, medyo busy lang si Francis sa trabaho kaya madalas po ginagabi na siya ng uwi."

Tumango si Lira roon at saglit na nag-isip bago muling nagtanong sa anak.

"Anak, may gagawin ka ba sa susunod na linggo?" 

"Wala naman po, bakit po?" 

"Baka puwedeng samahan mo muna ako? May pupuntahan lang tayo," sagot nito.

"Sige Ma, sasabihan ko si Francis." saad naman ni Janna.

Saglit pang nag-usap ang mag-ina bago ibinaba ni Lira ang tawag. Samantala nang maibaba ni Janna ang tawag ay pumasok naman si Francis sa loob ng kwarto.

"Hon, may gagawin ka ba sa susunod na linggo?" tanong nito.

"Bakit?" 

"Nag-iimbita kasi si Mama sa susunod na linggo baka gusto mong sumama?" 

Saglit na nanahimik si Francis doon bago humarap kay Janna nang nakangiti. 

"Pasensya na, hon mukhang may importante akong client meeting sa araw na 'yon. I think I won't be there to accompany you, pero wag kang mag-alala I'll send some gifts to tita. I-kamusta mo na lang ako sa kanya, okay?"

Tumango na lamang si Janna roon matapos siyang bigyan ng halik nito sa kaniyang labi. Bago niyakap roon.

"Ang sarap ng luto mo kanina. I just hope I can always come home early para matikman ang luto mo." 

Ngumiti si Janna roon at marahang hinaplos ang braso ng asawang nakayakap dito. 

"Palagi kitang ipagluluto ng dinner. Sana nga maaga ka na lagi umuuwi. Hindi pa tayo nagkakaroon ng oras na tayong dalawa lang," ani ni Janna.

Bumuntong-hininga si Francis doon at iniharap si Janna sa kanya.

"Hon, alam mo naman na ginagawa ko ito for our future family right? I need to work harder for us lalo na ako din naman ang mamumuno ng family business namin."  Malambing na ani ni Francis rito at tumango na lamang si Janna.

"Naiintindihan ko, hon," saad niya at ngumiti si Francis doon.

Bumaba si Janna mula sa trisikel nang pumarada ito sa harapan ng dati nilang bahay. 

"Ma!" tawag ni Janna at mabilis na lumabas si Lira roon.

"Janna! Anak!" masiglang sinalubong ni Lira ang anak doon at niyakap ito.

"I miss you, Ma," saad ng dalaga bago kumawala sa yakap nito. 

Nagpalinga-linga naman si Lira sa paligid bago ibinalik ang tingin sa anak. "Nasaan si Francis? Ang asawa mo?" tanong nito.

Ngumiti lamang si Janna bago sinagot ang tanong ng ina.

"May kailangan po kasing asikasuhin sa trabaho kaya ako na lang po muna pumunta. Pero huwag kayong mag-alala kinamusta niya naman kayo," sagot nito at tumango na lamang si Lira doon.

Pinapasok ni Lira ang anak sa loob ngunit kasabay niyon ay ang kaba nang muling makita ang misteryosong lalaki na nakamasid ngayon sa kanila. Mabilis na pumasok si Lira sa loob kasunod ni Janna at agad na isinara ang pinto roon.

"Ma? Okay ka lang? Bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Janna.

Mabilis na umiling si Lira doon at hilaw na ngumiti bago iginaya ang anak paupo sa salas,

"Ha? Wala 'to medyo napagod lang siguro ako kanina," saad Lira at naupo si Janna sa sofa.

"Sigurado ka, Ma? Baka kaya mo ko pinatawag dito dahil may sakit ka? Okay ka lang ba?" nag-aalalang ani ni Janna at sinubukan hipuin ang noo ni Lira.

Mabilis na umiwas si Lira doon at ngumiti habang nakatingin sa anak.

"Okay lang ako, ano ka ba? Ano, pagod lang ito saka namimiss na din kasi kita anak, kaya pinapunta kita rito. Kung nandito nga si Francis ay ipagluluto ko din iyon ng paborito niya."

Ngumiti na lamang si Janna pero bakas pa rin ang pag-aalala sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ito at hinayaan ang ina sa mga gagawin nito.

Mabilis naman tumakbo si Carrie papunta kay Francis nang salubungin siya nito mula sa daungan. Agad niya itong niyakap habang tuwang-tuwang pinagmamasdan ang malaking yate roon.

"Is this for real?" tanong ni Carrie at tumango si Francis doon.

"Of course, wala si Janna sa bahay umuwi sa mama niya kaya we can have all the time for ourselves right now. This is a vacation for us," sagot ni Francis.

Mabilis na ngumiti si Carrie doon at isinukbit ang braso nito sa leeg ng lalaki bago ito hinalikan.

"You're the best, babe!" aniya at ngumiti roon bago naunang sumakay sa yate.

Sumunod si Francis doon at agad na binayaran ang caretaker.

"Siguraduhin mong walang makakaalam kung nasaan kami. Tatawagan kita kapag pabalik na kami," utos nito at tumango ang caretaker doon.

Sumakay si Francis sa loob ng yate at nag-umpisang umandar ito. Ang mga sumunod na nangyari ay ang mapupusok na halik mula sa dalawa habang nasa loob ng isang kwarto roon. 

Francis immediately removed his clothes and went on top of her as his hands travelled around her body.

Sumapit ang gabi at natapos na ang hapunan sa bahay ni Lira. Tumulong si Janna sa pagliligpit nang mapansin ni Lira na nasa labas muli ang misteryosong lalaki. 

"Anak, may pupuntahan lang ako saglit. Ikaw na muna ang bahala diyan ha," utos ni Lira sa anak.

"Sige, Ma. Ingat ka," saad ni Janna bago dinala ang kanilang mga pinagkainan sa loob ng kusina.

Lumabas si Lira ng bahay dala ang isang mahabang payong bilang proteksyon na rin mula sa hindi kilalang lalaki. Lumingon siya sa paligid dahil bigla itong nawala sa kinaroroonan nito.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Lira nang matantong baka umalis na nga ang lalaki.  Nagdesidido na itong bumalik sa kanilang bahay nang bigla itong matigilan sa isang malalim na boses.

"Ms. Lira," 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 6

    Labis ang kaba ni Lira matapos makalayo ang sinasakyang jeep mula sa terminal kung saan naiwan doon ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, maaaring isa iyon sa mga nagbanta sa buhay nila noon o hindi kaya ay tauhan ng pamilya ng kaniyang asawa.Matagal nang naputol ang komunikasyon ni Lira sa mga Guzman. Tahimik na rin ang buhay nilang mag-ina at gusto niyang panatilihin na lamang iyon sa ganon.Isinara ni Lira ang pintuan at agad tinawagan ang anak upang mas makasiguro. "Ma? Bakit po?" sagot ni Janna mula sa kabilang linya."W-Wala naman, kamusta ka na? Kamusta kayo ni Francis?" tanong nito pilit pinapakalma ang sarili."Ayos naman po, medyo busy lang si Francis sa trabaho kaya madalas po ginagabi na siya ng uwi."Tumango si Lira roon at saglit na nag-isip bago muling nagtanong sa anak."Anak, may gagawin ka ba sa susunod na linggo?" "Wala naman po, bakit po?" "Baka puwedeng samahan mo muna ako? May pupuntahan lang tayo," sagot nito."Sige Ma, sasabihan ko si Francis."

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 5

    Naiilang na tumingin si Janna sa dalawang kaibigan. Malaki ang ngiti ni Sofia habang hindi naman makapagsalita si Adrian doon,"Ang ganda mo girl!" saad ni Sofia at ngumiti si Janna roon."Tingin mo magugustuhan ni Francis ito?""Ano ka ba? Oo naman! Di ba Adrian?" saad ni Sofia at tumango si Adrian doon."O-Oo, maganda... ang ganda mo," sagot nito at ngumiti si Janna roon."Salamat. Hindi na ko makapaghintay na maisuot ito kapag lumabas kami ni Francis. Alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko dahil kahit abala siya sa trabaho ay ipinaparamdam niya sa akin tuwing gabi. Napakalambing niya at palagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako," nakangiting ani ni Janna.Sa kagustuhan man ni Adrian na sabihin ang totoo ay hindi na nito magawa sa ngayon lalo pa nang makita kung gaano kasaya ang kaibigan. Iniisip nito na ayaw niyang masira ang araw na iyon kaya naman sa ibang araw na lamang niya siguro ipagtatapat ang tungkol sa nakita niya.Nakabalik na rin ang pamilya ni Elton sa

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 4

    Lumapag ang eroplano mula sa Morocco at kasunod niyon ay naglalakad ang isang babae at lalaki papalabas ng airport. Sa likod ay ang mga bodyguards ng mga ito habang may ilan na napapatingin dahil sa dami ng mga bantay ang nakasunod sa mga ito. Sumilay ang ngiti ng babae nang makita ang asawa sa kabilang dulo. Mabilis itong nagtungo roon at agad itong niyakap."I miss you so much, Elton." saad nito at ngumiti roon."Dad," bati ng lalaki at ngumiti si Elton doon."Dalton! How's my boy!" masiglang ani ni Elton at niyakap ang binata. "Let's go home? Alam kong naghihintay na si Papa," ani ni Cristine at nauna nang maglakad roon.Sumakay ang tatlo sa isang Rolls Royce at doon ay muling nagsalita si Cristine."Nahanap na ba si Lira at iyong anak nila ni Anton?" tanong nito."Yes, pero hindi ko pa nasasabi kay Papa," sagot ni Elton dito."Why, Dad? Is there a problem?" tanong naman ni Dalton."Apparently, Lira and Anton's daughter is now married.""What?!" gulat na ani ni Cristine habang n

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 3

    Matapos ang trabaho sa coffee shop ay naghanda na pauwi si Janna. Sa isang di kalayuang hotel naman ay parehas na walang kahit anong damit ngayong suot ang dalawa habang nakahiga sa isang malaking kama."Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?" Carrie asked him."I told her, I'll be coming home late kaya sigurado akong mamaya tulog na 'yon pag-uwi." Ngumiti si Carrie mula roon at bahagyang umangat para tingnan ang mukha ng lalaki. "I can't wait for you to get your inheritance and annul that woman," dagdag niya.Francis just smirked at her and kissed her lips while smiling."Just be patient, babe. Once na makuha ko ang mana ko. I will discard that woman from our lives." sagot nito.Nakauwi si Janna sa mansion ng mga De Villa at sinalubong ng mga kasambahay roon. "Kakain na po ba kayo, ma'am?" tanong ng kasambahay at tumango si Janna roon.Saglit na naligo at nagbihis si Janna para sa hapunan at pagkababa ay naroon na ang kaniyang biyenan na kumakain sa lamesa."Good evening po, Papa..." b

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 2

    Nakangiting nagmamaneho si Anton habang ang kanyang asawa na si Lira ay hinehele ang kanilang sanggol na anak na si Jea o mas kilala ngayon bilang si Janna.“Sinabihan mo na ba si Papa?” tanong ni Lira.“I called him a while ago. He wants to meet our daughter,” sagot naman ni Anton.“I’m sure he’s excited,” ani naman ni Lira.Sa kalagitnaan ng biyahe ay ilang putok ng baril ang tumama sa kanilang sasakyan dahilan para madiskaril ito at mawala sa linya.“Anton!” malakas na sigaw ni Lira.Mabilis na iniwasan ni Anton ang mga balang tumatama habang hawak naman ni Lira ang kanilang anak at pinoprotektahan ito. Dahil sa bilis ng pagtakbo at pagdiskaril ng sasakyan sinasakyan nila ay malakas na bumangga ang sasakyan sa isang malaking poste.Nawalan ng malay si Lira sa aksidente habang nakayakap ito sa anak na umiiyak. Isang anino naman ng tao ang makikita sa di kalayuan ang nakatingin sa bumanggang sasakyan at kalaunan ay umalis din ito. Ang sasakyan naman ay nagkaroon ng matinding pinsala

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 1

    Hindi mapakali si Janna habang nakaharap sa isang malaking salamin. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magpapakasal na siya sa kaniyang nobyo. "Handa ka na ba, anak?" tanong ni Lira sa kaniyang anak. Tipid na ngumiti si Janna sa kaniyang ina at tumango rito."Dito rin naman po kami papunta hindi po ba?" sagot nito.Niyakap na lamang ni Lira ang anak habang tinitingnan ito sa harapan ng salamin. Sa totoo lang ay hindi pa rin makapaniwala si Janna na magpapakasal na sila ni Francis. Isang taon pa lamang sila bilang magkarelasyon ngunit isang araw ay bigla na lamang siya inaya ng binata na magpakasal."Janna, will you marry me?" tanong ng lalaki habang nakaluhod ito sa harapan ng dalaga at sa kamay ay ang isang mamahaling singsing."Oo, Francis! Pakakasalan kita!" masayang sagot nito.Malaki ang ngiti na isinuot ni Francis ang singsing at mahigpit na niyakap si Janna mula roon. At ngayon ay dumating na nga ang araw ng kasal. Ilang sandali pa ay isang katok sa pinto ang narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status