Partager

Chapter 7

last update Date de publication: 2026-01-23 07:45:46

"Ms. Lira," 

Napalunok si Lira nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa kaniyang balikat. Mabilis na umikot si Lira roon at itinutok ang payong sa lalaki. Mabilis namang nagtaaas ng parehong kamay ang lalaki at seryosong tumingin si Lira roon.

"Sino ka? Anong kailangan mo at bakit mo ko sinusundan?" tanong nito.

"Tauhan po ko ni Don Roberto. Gusto ko lang sabihin sa inyo na matagal na kayong pinapahanap ng amo ko. Kayong dalawa ng anak nyo. Gusto niyang bumalik kayong dalawa sa mansion," sagot nito.

Ibinaba ni Lira ang kanyang payong at mabilis na nag-iwas ng tingin mula roon. 

"Tahimik na ang buhay namin ni Janna. Isa pa may asawa na ang anak ko at magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Ayokong magulo pa ulit ang buhay namin dahil sigurado akong nasa paligid pa rin ang pumatay kay Anton at nagtangka sa buhay naming mag-ina,"

"Handa raw kayong protektahan ni Don Roberto. Mas magiging ligtas daw kayo ngayon sa puder nila lalo pa at ang anak ninyo ni Sir Anton ang magiging susunod na tagapagmana ng mga Guzman," 

Umiling si Lira mula roon bago muling nagsalita.

"Pakisabi kay Don Roberto na maraming salamat sa pag-aalala niya para sa amin. Pero sa ngayon ang desisyon ko ay dito lang kami ng anak ko. Walang makakaalam nang totoo na isa siyang Guzman. Ayokong malagay pa sa panganib ang buhay ng anak ko. Kaya kung pwede lang ay umalis ka na at huwag mo na kaming susundan," saad nito bago pumasok sa loob ng bahay.

Sa isang private island ay naghanda naman ng isang candlelight dinner si Francis para sa kanilang dalawa ni Carrie.

Kinuha ni Francis ang isang pulang kahon at ibinigay iyon kay Carrie. 

"What's this?" tanong ni Carrie at ngumiti si Francis doon.

"My gift, open it."

Nakangiting binuksan ni Carrie ang kahon at agad namangha nang makita ang isang mamahaling kwintas doon.

"For real? Wow!" 

Tumayo si Francis doon at kinuha ang kwintas bago naglakad papunta sa likuran ni Carrie upang isuot ang kwintas. 

"You like it?" tanong nito.

Hinawakan ni Carrie ang pendant at ngumiti.

"Of course, I even love it! Thanks babe!" aniya at binigyan siya nito ng isang mabilis na halik sa labi.

Bumalik sa kaniyang upuan si Francis at nag-umpisa silang kumain doon.

"I really can't wait for you to dump that woman,"

"Chill, Carrie. Once I get my inheritance, I will easily discard her. Good thing na I haven't touched her yet. Nothing will come out from us kaya wala siyang magiging habol." 

Ilang araw ang lumipas na magkasama si Carrie at Francis sa private island. They really did spend their time together on that island like a real couple. Walang kaalam-alam si Janna sa pagtataksil na nangyayari lalo pa at abala rin ito kasama ang kaniyang ina na si Lira at maging sa trabaho nito.

Kasalukuyan nagtatrabaho sa coffee shop si Janna nang biglang lumapit rito ang isang kasamahan nito.

"Janna, may naghahanap sa'yo," saad nito at agad lumingon si Janna roon.

Natanaw ni Janna si Francis mula roon na may dala na isang malaking bouquet ng mga tulips. Napangiti si Janna roon at agad na pinuntahan si Francis sa kinatatayuan nito.

"Hon! You're here! I miss you!" saad nito bago niyakap ang asawa.

Francis gave her the flowers while smiling, and she immediately accepted them.

"I miss you too, honey. Anyways, dito agad ako dumiretso after the client meeting. Nagpa-reserve ako ng dinner for us on your favorite restaurant. Ipapasundo kita mamaya sa driver, dumaan lang ako rito para ibigay sa'yo ito. Since kailangan ko pang bumalik sa office to finish some errands."

Tumango si Janna roon sa sinabi ni Francis at pakiramdam niya ay mahal na mahal siya ng asawa para puntahan kaagad matapos ang ilang araw na pag-alis nito.

"Sure, Hon. Uuwi ako agad para makapag-prepare." 

Ngumiti naman si Francis doon bago hinalikan si Janna.

"I'll see you later," aniya at nagpaalam na roon.

Bumalik si Janna dala ang mga bulaklak at halos magtilian ang mga kasama niya roon.

"Grabe, ang sweet ng asawa mo Janna."

"Oo nga, sana ganoon din mapangasawa ko! Gwapo na, mayaman at sobrang mapagmahal pa," ani naman ng isang babae.

Ngumiti lamang si Janna roon bago dinala ang mga bulaklak sa loob ng kanilang locker room. May mga ilang customers rin ang dumating kung kaya't bumalik na rin sila sa kanilang trabaho.

Sumapit ang gabi at dumating ang sasakyan at driver na pinadala ni Francis na susundo kay Janna. Sumakay si Janna roon at nagtungo ang mga ito sa isang kilalang hotel. 

Sinalubong si Janna roon ng isang bellboy at iginaya patungo sa kwartong pinareserba ni Francis. Habang naglalakad patungo sa hotel room ay lumabas si Carrie mula sa isang kwarto roon at naglakad patungo sa kaniyang direksyon.

"Carrie?" tawag ni Janna at bahagyang nagulat si Carrie roon.

"Janna! Hi!" pagbati ni Carrie.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Janna.

"Oh, my boyfriend and I are staying here. Lumabas lang ako to buy something outside. Ikaw?" nakangiting aniya.

"May dinner date kami ni Francis sa restaurant, mamaya baka nga nandoon na iyon e, mag-aayos lang siguro ako." sagot nito.

Tumango si Carrie roon bago tumingin sa bellboy at pabalik kay Janna. 

"Well, anyway, I have to go. Say Hi to Francis for me, okay?" aniya at naglakad na paalis doon.

Dumiretso naman sina Janna sa hotel room at katabi lamang iyon ng kwartong nilabasan ni Carrie kanina. Lingid sa kaalaman ni Janna na nasa loob ng kabilang kwartong iyon ang kaniyang asawa. 

Nag-ayos si Janna roon at siguro ay hindi na mawawala pa ang malaking ngiti sa kaniyang labi habang iniisip ang mga mangyayari sa gabing iyon.

Habang abala sa pag-aayos ay inihatid naman ni Francis si Carrie sa parking lot. 

"I'll see you again, next time." saad nito bago hinalikan si Carrie roon. 

Pumasok si Carrie sa loob ng sasakyan at muling tumingin kay Francis.

"I'll miss you," ani ni Carrie at ngumiti si Francis doon. 

Nagmaneho si Carrie paalis doon bago nagtungo si Francis papunta sa restaurant. Pagkarating ay agad niyang natanaw si Janna roon suot ang damit na pinili niya para rito. 

Ang kaniyang buhok ay nakataas at may kaunting make-up rin itong nilagay sa mukha. Kung tutuusin ay maganda si Janna. Singkit ang mga mata, matangos na ilong, mapulang labi at mala-porselanang kutis. 

"Hon," tawag ni Francis nang makalapit sa asawa.

"Hon!" masiglang tawag ni Janna nang makita ito. 

He kissed her cheek before letting her sit back on her chair. "Kanina ka pa?" tanong nito.

Umiling si Janna roon at naupo naman si Francis sa harapan.

"Kakarating ko lang," sagot ni Janna.

Tumango si Francis doon bago sinenyasan ang waiter para umorder. Dumating ang waiter para kuhanin ang mga orders nila matapos iyon ay umalis din ito.

"Anyways, nakita ko nga pala si Carrie kanina," saad ni Janna at agad na napatingin si Francis doon.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 36

    Tahimik na kumakain ang lahat at paminsan-minsan ay nagpapakiramdaman ang mga ito. Naunang tumayo si Dia mula roon at lumingon ito kay Adrian."Follow me to the study," utos nito at tumango si Adrian.Ilang minuto ang nakalipas at tumayo na rin si Adrian at sumunod dito.Marahan itong kumatok bago pumasok sa loob kung saan naghihintay ang kaibigan. Inabot ni Dia ang isang folder sa kanya at agad niyang kinuha iyon."Gusto kong paunti-unti silang sirain at kakailanganin ko ang tulong mo," aniya at binuksan nito ang folder.Sa loob niyon ang mga updated information tungkol sa dalawa, personal at pati sa negosyo. Kabilang na rin ang iba nilang mga koneksyon at lahat ng mga kailangan nilang malaman."Paano mo naman gagawin iyon?" tanong ni Adrian rito."Of course, uumpisahan natin sa sumira ng relasyon namin." Tumingin si Dia sa litrato ni Carrie na nakapaskil sa isang board kung saan kinuha nito ang isang punyal at mabilis na inihagis iyon patungo sa litrato. Ngumisi ito at hinarap ang

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 35

    Nang makauwi si Francis ay mabilis nitong niyakap at hinalikan si Carrie sa labis na tuwa. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Carrie."I think our company will have a chance for a partnership with the Guzmans," masayang ani nito."What? How?" "Gusto raw akong makausap ni Mr. Dalton Guzman, he's the second-in-command of the CEO. Oras na magustuhan tayo ni Mr. Dalton, paniguradong malaki na ang chance natin na maging partner sila sa negosyo, Kapag nangyari iyon, mas magiging makapangyarihan tayo," saad nito."That's great news! For sure, lalong matutuwa si Tito!" masiglang ani ni Carrie.Ilang sandali pa ay dumating ang kasambahay nila bitbit ang isang kahon."Sir, may nagpadala po kanina," saad nito.Napatingin sila sa kahon at kinuha ni Francis iyon."Kanino galing?" "Hindi ko po alam, nakita ko na lang din po na nasa labas na at nakapangalan sa inyo," sagot ng kasambahay."Ano naman iyan?" tanong din ni Carrie.Nagkibit-balikat si Francis doon at unti-unting binuksan ang ka

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 34

    Hindi mapigilan ni Carrie ang tuwa sa nalalapit nilang engagement ni Francis. Kasama ang kanilang anak, nagtungo silang dalawa sa mall para mamili ng ilang bagong damit. Nasa stroller ang anak nilang si Franco habang abala naman siya sa pagpili ng mga damit roon."I'll take this," saad niya sa saleslady at inabot ang isang damit doon. "And also this one," dagdag niya pa.Tulak ang stroller, nag-ikot si Carrie roon habang nakasunod naman ang saleslady rito dala ang pushcart na naglalaman ng kaniyang mga napiling damit. Binilhan nya rin ang anak doon. Samantala, si Francis naman ay kasalukuyang isa sa namumuno sa kanilang kumpanya.Bilang bagong CEO ng De Villa Corp. naging abala siya rito kung saan pinagtuunan niya ito ng pansin."I heard that the Guzman heiress just came back," ani ng kaibigan niyang si Jared. "Guzman? The richest family?" tanong ni Francis at tumango ang kaibigan."Yes, I heard they are expanding their business. Ang sabi, magaling ito at may balita na naghahanap sil

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 33

    One year later...Isang engrandeng party ang idinaraos ngayon sa Italya, kabilang roon ang mga kilala at sikat na mayayamang negosyante at pamilya sa iba't ibang bansa. "I heard the heiress is making her appearance tonight," saad ng isang bisita."Well, the Guzmans took more than twenty years to find her," ani naman ng isa.Ang klasikong tugtugin ay tumutugtog habang nag-uusap ang ilan sa mga naroon. Lahay ay nakasuot ng mamahaling suit at dresses at ang ilan ay may mga hawak na champagne flute. Idinaraos ang nasabing party sa isang kilala at prestihiyosong hotel sa Italya. Sa harapan ng hotel, pumarada ang isang Rolls-Royce limousine. Mula roon, naunang bumaba si Dalton, suot ang isang dark grey suit and tie. Inilahad nito ang kamay sa kasama, at naman nito iyon.A woman in her long white-gold mermaid dress walks out of the limo. Her long red burgundy hair flows as she confidently walks inside.Dalton is at her side as they enter the party. Everyone looked as they stood by the entr

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 32

    Ilang araw minanmanan at sinundan nina Adrian at Janna sina Francis at Carrie, kung kaya unti-unti rin nalaman ni Janna ang mga sumunod na hakbang ng mga ito. Kasabay niyon ay ang paghahanda ni Janna bilang tagapagmana.Nag-aral ito muli na may kinalaman sa negosyo at bukod doon ay pinag-aralan din nito ang iba't ibang klase ng martial arts at maging ang paghawak ng baril o armas. "Ha!" sigaw nito matapos ang isang malakas na pagsipa.Umatras ang trainer nito at bumalik ito sa kaninang puwesto. Kasabay niyon ay dumating din doon si Dalton, kaya naman agad itong napalingon doon. Ilang buwan na rin ang nakalipas at ramdam niya ang ilang pagbabago sa kaniyang sarili.Her anger and thirst for revenge against the two became her motivation. She had already killed the soft-hearted person she was back then. Noong nahulog siya sa bangin at sa malamig na karagatan noong gabing iyon, pinatay na rin niya ang babaeng minsan nagmahal nang buo sa isang lalaki."Carrie just gave birth to their child

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 31

    Tumikhim si Dalton mula roon at bahagyang lumapit kay Janna."Ako nga, matagal ka na naming minamanmanan dahil matagal ka nang hinahanap ng pamilya," sagot nito.Malamig ang tingin ni Janna rito, tila ba sinusukat kung dapat niyang pagkatiwalaan ang lalaki sa harapan. Minsan na siyang nagtiwala noon, pero sa huli ay pagtatraydor ang isinukli nito."Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa pamilyang ito," aniya, at tumango si Dalton doon.Ipinakilala nito ang pamilya at ang mga negosyo at ari-ariang pagmamay-ari nila. Maging ang mga kasosyo sa negosyo ay ipinakilala rin ni Dalton. Matapos iyon ay muling nagtanong si Janna, ngayon ay tungkol sa matagal niyang pagkawala."Anong nangyari habang wala akong malay?" tanong nito."Your husband and his mistress staged a public mourning, declaring you dead in public. We also found you weeks later after the incident. May mag-lola na nagligtas at kumupkop sa'yo."Janna smiled without humor after hearing what Dalton had said. "Talagang atat na atat

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 4

    Lumapag ang eroplano mula sa Morocco at kasunod niyon ay naglalakad ang isang babae at lalaki papalabas ng airport. Sa likod ay ang mga bodyguards ng mga ito habang may ilan na napapatingin dahil sa dami ng mga bantay ang nakasunod sa mga ito. Sumilay ang ngiti ng babae nang makita ang asawa sa k

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 3

    Matapos ang trabaho sa coffee shop ay naghanda na pauwi si Janna. Sa isang di kalayuang hotel naman ay parehas na walang kahit anong damit ngayong suot ang dalawa habang nakahiga sa isang malaking kama."Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?" Carrie asked him."I told her, I'll be coming home late kay

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 2

    Nakangiting nagmamaneho si Anton habang ang kanyang asawa na si Lira ay hinehele ang kanilang sanggol na anak na si Jea o mas kilala ngayon bilang si Janna.“Sinabihan mo na ba si Papa?” tanong ni Lira.“I called him a while ago. He wants to meet our daughter,” sagot naman ni Anton.“I’m sure he’s

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 1

    Hindi mapakali si Janna habang nakaharap sa isang malaking salamin. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magpapakasal na siya sa kaniyang nobyo. "Handa ka na ba, anak?" tanong ni Lira sa kaniyang anak. Tipid na ngumiti si Janna sa kaniyang ina at tumango rito."Dito rin naman po kami papunta

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status