Se connecter
BINILANG ko ang perang na sa aking kamay at marahas na nagpakahawala ng hininga. Ito lang ang perang kinaya ko sa loob ng isang kinsenang pagtatrabaho. Six thousand pesos. Ngunit malaking halaga na ito para mabili ko ang mga gamot na dapat kong bilhin para sa kapatid ko.
“Ang sipag mo talaga, Asli. Bilib na bilib ako sa sipag mo,” puri sa ‘kin ng isa kong kasama sa trabaho.
I glanced at her and forced a smile. Kahit na gaano kalapad ang ngiti nito sa labi, unang tingin ko pa lang as kanya ay alam kong ayaw niya na sa akin. For what reason? Hindi ko alam. Hindi ko na rin inabala ang aking sarili na magtanong. It’s not my business.
“Di ba?” wika naman ni Leah. “Maganda na, masipag pa! Swerte ng lalaking mapapangasawa mo, Asli.”
Mahina akong natawa at umiling. Kinuha ko na ang aking bag at lumapit na sa guard para magpa-frisking bago nilingon ang mga kasamahan sa trabaho. “Mauuna na muna ako sa inyo.”
I waved my hands. Hindi ko na pinansin pa ang babaeng katabi nito. Kahit naman wala itong imik ay ramdam na ramdam ko ang tinatago nitong inis para sa ‘kin. Hindi ko rin naman tinatanong kasi baka masabihan pa akong assuming.
Bago ako magtungo sa terminal, dumaan muna ako sa pharmacy para bilhin ang gamot na para sa ‘king kapatid.
“Magkano po ‘yan?” I asked.
“Two thousand pesos po,” sagot ng pharmacist na ikinaawang ng aking bibig.
“Po?!” wala sa sarili kong bulaslas nang marinig ang sinabi nito. “S-sigurado po ba kayo? Hindi po kayo nagkakamali ng pagkabasa?”
“Mahal po talaga itong nakasulat sa reseta niyo po. Pero pwede po kayong lumapit sa DSWD para manghingi ng tulong para sa pagbili nito,” sagot naman niya.
It felt like the world is on my shoulders as I listened to what the pharmacist said. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at pinilit ang sariling tumango. “Sige po, kukunin ko na.”
The pharmacist nodded her head and packed the medicines. Dumiretso agad ako sa terminal at sumakay sa tricycle pauwi sa aming bahay.
As much as I wanted to text my brother that I am coming home, wala akong load. At saka, ‘yung perang ipapa-load ko, mas mabuting ibili ko na lang ng aming uulamin, mabubusog pa kami ng kapatid ko.
Medyo napaaga ang pag-uwi ko ngayon dahil payday. Makakapaglaba ako nang maaga.
Pagdating ko sa aming lugar ay agad akong sinalubong ng mga catcalling ng mga tambay at iilang nakakakilala sa ‘kin na ngumingiti.
“Maaga ka yata nakauwi ngayon, Asli!”
“Hi, Asli! G ka ba mag-balot mamaya?”
Umiling ako sa mga ito at hilaw na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila, inaaya ako kahit hindi naman ako sumasama.
Pagdating ko sa bahay ay balak ko sanang surpresahin ang kapatid ko dahil paborito niyang ulam ang dalaga ko. Ngunit na sa sala pa lang ako nang marinig ko ang mahinang hikbi mula sa silid. At sigurado akong sa kapatid ko ‘yon.
Nanlamig ang aking mga kamay at nagmamadaling nagtungo sa silid kung saan ko naririnig ang mga mahihinang hikbi.
“Ano?! Sa tingin mo papanigan ka ng ama mo?! Hindi! Kasi wala kayong kwentang anak!”
I pushed the door open and saw how my stepmother hit my younger brother with a belt. Isang mahinang daing ang pinakawalan ng kapatid ko. Dahil siguro sa impact ng pagkakatulak ko sa pinto ay napalingon sa akin ang aking madrasta.
“Walang hiya ka!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Agad kong tinulak palayo ang aking madrasta at lumuhod sa sahig para yakapin ang aking kapatid na yakap ang tuhod at humihikbi. Napupuno ng pulang marka ang katawan nito, at hinuha niya ay galing ito sa sinturon na pinapalo rito.
Galit ang mga mata kong binalingan ng tingin ang aking stepmother.
“Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko?!” galit kong sigaw.
“Dahil wala kayong kwenta! Pati paghuhugas ng pinggan ay hindi magawa!”
“May sakit si Yael! Mahuhugasan ko naman ‘yan kapag nakauwi na ako!” Ramdam ko ang nagbabagang galit sa aking dibdib. “Ang sama-sama mo! Ikaw ang walang silbe sa pamamahay na ito!”
Hindi na ako nakaiwas nang angatin nito ang sinturon at sa pagkakataong ito, sa akin na ito tumama. Pilit kong ininda ang sakit at niyakap nang mahigpit ang aking kapatid, pilit itong iniiwas para hindi ito madamay.
“Ikaw ang walang kwenta rito! Kayo ng kapatid mo!” galit din nitong wika. “Lumayas kayo sa pamamahay na ito. Isang pagkakamali ang tanggapin kayo dahil pareho kayong walang silbe! Ikaw, ang kapatid mo, at ang nanay mo! Puro kayo walang silbe!”
“Anong nangyayari rito?”
Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita si Papa. Sa halip na magkaroon ng pag-asa ay parang mas lalo lamang akong nanghina. Alam ko na kung saan papanig si Papa. Ngunit kahit ganon ay sinusubukan ko pa rin.
“Papa.” Tumayo ako. “Inaapi ni Aling Norma si Yael! Pinapalo niya gamit ang sinturon!”
“Talagang papaluin ko ‘yang kapatid mo! Hindi mautusan dito sa bahay!” pasigaw na wika ni Aling Norma, ang madrasta namin. Ang girlfriend ni Papa na nakitira na sa bahay na ito.
“Bakit naman hindi nagpapautos ‘yang si Yael?” tanong ni Papa.
“Pa…” I called. Mababahiran ng pagod ang tinig ko. “May asthma si Yael. May maliit na butas ang dibdib niya. Kailangan niyang magpahinga!”
“Aba’y kung ayaw niyong magpautos…”
Napatingin ako kay Aling Norma nang lumapit ito sa cabinet naming na inaanay. Agad akong naalarma nang isa-isa niyang kinuha ang mga damit namin ng kapatid ko at tinapon ito sa labas ng bintana.
“Aling Norma…”
“Lumayas kayo sa bahay na ito!” anito at habang patuloy pa rin sa pagtatapon ng mga damit namin. “Layas!”
Lumapit ako rito at sinubukan itong pigilan. Ngunit dahil na rin siguro sa pagod ko dahil sa buong araw na pagkakatayo sa counter bilang cashier, mabilis lang akong naitulak ni Aling Norma at napaupo ako sa sahig.
“Ate!” agad na sigaw ni Yael at nilapitan ako kahit na paika-ika itong maglakad. Nang makalapit ito sa akin ay agad ako nitong niyakap. “Ate, tama na po. H’wag na po tayong sumuway kay Aling Norma.”
“Hindi kami lalayas!” malakas kong sigaw. “Amin ang bahay na ito! Sampid ka lang at kabit ka lang ni Papa!”
“Anong sinabi mo?!”
Bago ko pa man maulit ang aking sasabihin ay napasinghap ako nang isang kamay ang humigit sa aking braso at hinila ako patayo. Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi at ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking pisngi.
“H’wag na h’wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Norma! Kayo ang sampid sa pamamahay na ito! Kaya kayo iniwan ng ina niyo dahil wala kayong kwenta!” sigaw ni Papa sa mukha ko. “Tama si Norma. Lumayas na kayo!”
With that, he pushed me off using all his strength. Napahakbang ako ng ilang beses bago tuluyang napaupo sa lapag. Narinig ko ang pag-iyak ni Yael, at ganoon din ako. Gusto kong maiyak ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili.
Muling lumapit si Yael sa ‘kin habang umiiyak at niyakap ako. He’s having a hard time to breathe and I can feel it.
“Ate, tama na,” humihikbing wika nito. “Umalis na tayo rito, Ate. A-ayoko na rito…”
Ang marinig ang pagkabasag ng tinig nito ay parang bumabasag din sa ‘kin. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at niyakap ang aking kapatid. May kung anong bikig sa aking lalamunan habang masamang nakatingin sa aking ama na ngayon ay galit na nakatingin sa amin.
Niyakap ko nang mahigpit si Yael na ngayon ay umiiyak habang nakayakap sa ‘kin. Hinaplos ko ang likod nito.
“Tahan na,” I whispered. “H’wag kang mag-alala, aalis na tayo rito. Aalis na tayo sa impyernong ito.”
Okay lang sa akin na ako ang inaapi. Saktan na nila ako’t lahat, h’wag lang ang kapatid ko. Dahil hinding-hindi ko sila mapapatawad sa oras na may masamang mangyari kay Yael.
At sana ay tama itong magiging desisyon ko.
Wala sa sarili akong napalunok habang naglalakad kami ni Sir Axton palabas ng venue.Kakatapos pa lamang ng event at parang sobrang na-drain yata ang buo kong katawan. Kahit ang paghakbang ng aking mga paa ay hirap ako. Hindi rin nakakatulong ang suot kong heels. Feeling ko, isang maling apak, matutumba na ako.Sa kalagitnaan ng aming paglalakad, nagtaka ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Sir Axton. Wala sa sarili ko itong nilingon at kumunot ang aking noo. Wala akong sapat na lakas ng loob pa para magtanong kung ano ang meron at bakit ito tumigil sa paglalakad.Tumingin lang ako rito na may halong pagtataka.“Give me your purse,” wika nito sa mababa at malamig na tinig.“B-bakit…” Agad akong napangiwi nang mapansin ko ang malamig at matalim nitong tingin. “S-sige po.”Wala sa sarili ko itong binigay sa kanya kahit na hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaka.Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ako nitong binuhat gamit ang isang braso. Wala sa sarili akong napayakap sa kan
“Andreev?” wala sa sarili kong sambit. “K-kaano-ano mo si Axton?”Ngumisi ito sa akin na para bang alam niya kung sino ako. Agad namang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Hindi pa nga nagsisimula ang pagpapanggap ko ngayong gabi, nabuking na ba kaagad ako?“I’m his twin,” sagot nito na mayroong mapaglarong ngiti sa labi. “Bakit parang kinakabahan ka?”Wala sa sarili akong napalunok. “Uh—”“Don’t worry.” Binaling nito ang atensyon sa salamin sa harap namin. “I am not telling a thing.”Tinapat pa nito ang hintuturo sa harap ng nakangusong labi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang mukha.Ang ganda niya. Yung natural niyang makapal at pormadong kilay, ‘yung hugis oval niyang mukha, tas ‘yung pagiging maputi niya na para bang araw-araw nililigo sa gatas…ang ganda niya talaga! Hindi na ako magtataka kung totoo ang iniisip kong araw-araw itong naliligo sa gatas dahil mayaman naman sila.Pero back to the topic nga. Anong ibig niyang sabihin.“Hindi mo sasabihin ang alin?” Magpa
“Why are you with Axton?”Bakas sa hitsura ng mga ito na hindi sila basta-bastang mga babaeng matatagpuan lang sa mga event. They looked like they come from prominent families. At sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.Bakit ko nga ba hindi naisip ang ganitong bagay? Of course, gwapo si Sir Axton. Kung may babaeng aaligid sa binata ay paniguradong magiging puntirya ng mga babaeng matagal nang may gusto sa kanya.Ano ba naman ‘yan, Asli!“Uh…” Napakamot ako ng kilay.Ano ba dapat ang sabihin ko? Na girlfriend niya ako? Dapat ko bang banggitin ‘yung salitang pretend? E ‘di sobrang tanga ko na non? Ano ba ang tamang salitang isasagot ko?Na sa kalagitnaan ako ng pakikipagdebate sa sarili ko nang bigla nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Wala sa sarili akong napasinghap sa sakit. Kung makatingin ito sa ‘kin ay para bang babalatan na ako nito ng buhay.“B-bitiwan mo ako,” mahinang sambit ko.“Answer me, bitch. Why are you with him? Yaya ka ba niya?”Yaya?Bahag
A pretend girlfriend?Kaya ko bang gawin ‘yon? At isa pa, itong hitsura kong ‘to? May maniniwalang girlfriend ako ni Sir Axton? Grabe naman. Compliment ba ito? Anong isasagot ko?Sa dami ng mga tanong na umiikot sa aking isipan, iba ang lumabas sa aking bibig.“Bakit ako?” wala sa sarili kong tanong. “H-hindi naman po sa nagrereklamo ako. Pero baka po pumalpak ako. Baka hindi sila maniwalang kasintahan ako ni Sir Axton. Hindi naman po ako maganda at hindi ko mapapantayan ang mga babaeng nakapalibot kay Sir—”“Don’t worry,” pagpuputol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ko. “Let’s just trust Mr. Axton’s judgment, okay? Basta, maging natural ka lang. Minsan lang manghingi ng tulong ang taong katulad ni Mr. Axton. Let’s help him as much as we can.”Wala sa sarili akong napalunok at tumango.Ngayon lamang nag-sink in sa ‘king isipan na nagiging reklamador pala ako. Ako na nga itong tinulungan, dapat kahit papano ay masuklian ko ang pagmamagandang loob nito sa ‘kin. Wala rin akong dapat
Tahimik lamang akong nakaupo habang kinakalikot ng mga tauhan ni Miss Catarina ang buhok ko at mga daliri ko. May abala rin sa paglalagay ng makeup sa ‘king mukha at panay pa ang panliliit ng mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.Wala nang tao sa loob ng shop nito. Amoy na amoy ko ang mga damit na bagong design ni Miss Catarina na suot-suot ng mga manikin dito sa loob.“Why aren’t you taking care of yourself?” tanong ni Catarina sa ‘kin habang pinapanood akong ayusan ng kanyang mga tauhan.Lumunok muna ako bago hilaw na ngumiti. “A-ano po kasi…”“Kaano-ano mo si Mr. A?” muling tanong nito na hindi man lang hinintay na makasagot ako sa nauna nitong tanong. “Why are you getting dolled up. Are you his girlfriend?”“Po?” Wala sa sarili akong napakurap. Hindi naman ako pwedeng makailing dahil may naglalagay ng contour sa ‘king mukha. Baka masira ko pa ang momentum niya. “H-hindi po. Ano niya lang po ako…maid.”Agad na nanliit ang mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin. Bakas sa mukha n
Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba kahit saglit?” tanong nito.Bakas ang pagmamadali sa boses nito, kaya naman agad akong naalarma.“B-bakit po? May problema po ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang pag-aalala ko.“Mukhang kailangan tayo ni Sir Axton ngayon.”“K-kailangan—ay! Saan po tayo?”Wala sa sarili akong napasinghap nang bigla nitong hilahin ang aking pulso at binuksan ang backseat ng sasakyan. Wala sa sarili naman akong napahakbang papasok at umupo sa isang bakanteng upuan.Sumunod naman sa akin si Sir Oli na agad sinarado ang pinto. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa kaba habang nakatingin dito. Hindi ko alam kung ano una kong sasabihin o itatanong.Bago ko pa man mabuksan ang aking bibig para sa mga katanungan, may







