Share

Chapter 01: Job Offer

Author: SenyoritaAnji
last update Last Updated: 2025-10-21 17:55:49

“PASENSYA ka na talaga Belinda,” paghingi ko ng paumanhin sa aking kaibigang parte ng LGBT. “Wala kasi talaga kaming malapitan, e.”

“Ano ka ba!” wika nito at ngumiti. “Mas mabuti nang dito ka lumapit. At saka, ilang beses na rin kitang pinagsabihan na lumayas na kayo sa pamamahay na ‘yan. Halata naman kay Aling Norma na aapihin lang kayo niyan.”

Tipid akong ngumiti sa sinabi nito. “Okay pa sana kung ako lang. Kahit ako na lang ang saktan niya. H’wag lang ang kapatid ko. Hindi ko maatim isipin na kaya nitong saktan si Yael.”

Sumang-ayon naman sa ‘kin si Belinda. “Yael is a sweet kid. Kawawang bata.”

Mariin kong kinagat ang ibabang labi. Gamit ang natitirang lakas at kapal ng mukha, hinarap ko ang aking kaibigan. “Belinda, pasensya na talaga sa abala. Pero… wala talaga kaming matutuluyan—“

“Asus!” pagpuputol nito sa akin at ngumiti. “You can live here. Dumito muna kayo habang wala pa kayong mapagtitirhan. Wala naman akong kasama rito sa bahay. Ako lang mag-isa. Dito muna kayo habang naghahanap pa kayo ng matitirhan.”

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko matapos marinig ang sinabi niya. Tears started forming on my eyes that I immediately brush away. “Maraming salamat, Belinda. Tutulong ako sa mga groceries para hindi ka masyadong mabigatan. Maraming salamat talaga!”

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. “H’wag ka naman masyadong magpasalamat ng ganyan. Masaya akong nandito ka. Bakante ‘yung silid sa kanan. Doon muna kayong dalawa ng kapatid mo. Magpahinga na kayo. Mukhang hirap pa naman huminga si Yael.”

I nodded my head. Muli akong nagpasalamat at inakay na ang aking kapatid patungo sa silid kung saan kami matutulog. Hindi pa rin ito tumitigil sa paghikbi kaya naman pilit koi to inaalo.

“Hindi na po ba tayo babalik doon?” mahinang tanong nito habang nakahiga sa kama at nakatingin sa akin.

“Hindi na.” Hinaplos ko ang buhok nito at ngumiti. “Mamumuhay tayo na wala sila. Itataguyod kitang mag-isa. Malalampasan din natin itong lahat, Yael. Magtiwala ka lang kay Ate.”

Sunod-sunod itong tumango. “Hindi na po mahalaga sa akin ang mawalay kay Papa. Ang mahalaga po ay hindi ka mawala sa akin. Maraming salamat, Ate. Mahal po kita.”

Muling nanubig ang aking mga mata. “Mahal na mahal din kita, Yael. Hindi magbabago ‘yan. Magpahinga ka na. H’wag ka nang umiyak, okay?”

Ngumiti ito sa akin saka tumango. Yael closed his eyes, letting himself take a rest.

That night, hindi ako makatulog. Nakatitig lamang ko sa aking kapatid at sa kawalan, iniisip kung paano ko magagawan ng paraan ang susunod na magiging buhay namin.

Kinaumagahan ay maagad akong gumising. Pinagsaing ko sila at pinakain ko muna si Yael bago ako nagpaalam na magtatrabaho na. Cashier ako sa isang coffee shop. Below minimum wage lang ang pasahod ngunit okay lang naman dahil may sixty-nine pesos naman kaming overtime. Doon na lang ako bumabawi.

Pagkatapos ng duty ko, diretso akong umuwi sa bahay ni Belinda dahil alam kong naghihintay sa akin ang kapatid ko.

“Ano ‘to?” wala sa sarili kong tanong nang makita ang dalawang eco-bag na nasa sala.

“Tinapon ‘yan dito ni Aling Norma. Mabuti na lang tulog ang kapatid mo nang dumating dito. Sabi niya h’wag na raw kayong umuwi,” sagot naman ni Belinda habang busy sa paglalagay ng kolorete sa mukha.

I bit my lower lip. “Mukhang wala na nga talaga kaming babalikan ni Yael.”

“Anong gagawin mo ngayon?”

“Hindi ko alam.” Pagod akong umupo sa kanyang sofa at napahilamos ng mukha. “Mahirap kitain ang pera kasi ang mura ng sahod ko tapos mahal ng maintenance na gamot ni Yael. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera.”

Humarap ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Agad akong na-conscious sa ginawa nito. Sinapo ko ang aking dibidb at kinunutan ito ng noo. “Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Hindi ikaw ang tipo ko.”

“Ew! Baliw!” Mahina siyang natawa kaya’t natawa na lang din ako. “May alam kong pwede mong gawing sideline. One thousand per night.”

“Baka bentahan ng laman ‘yan, Belinda,” nakangiwing usal ko.

“Hindi!” anito. “Magtitinda ka lang ng sigarilyo sa mga mayayamang nagsusunog ng pera sa mga bar.”

I frowned. “Ganon lang? Magbebenta lang ng sigarilyo? Seryoso ka?”

Tumango siya. “Oo naman! Maganda ka. Matangkad at maputi. Pasok ka sa standard. Ano? Gusto mong sumubok? Iba rin ‘yung tips na binibigay nila sa ‘yo na mapapasa ‘yo rin pagkatapos ng gabi.”

Agad akong nakaramdam ng pagka-enganyo. Hindi naman siguro masama ang sumubok, ‘di ba? Pera na ‘yan. At saka, hangga’t sa hindi sila gumagawa ng mga bagay na labag sa batas, okay lang sa kanya.

“Sige!” wika ko rito.

Wala akong uurungan. Para sa amin ng kapatid ko.

Agad akong pinagbihis ni Belinda ng isang masikip na damit at nilagyan niya rin ng kaunting kolorete ang mukha ko. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Belinda ang ganitong klaseng damit. Parang dancer ni Kuya Willie Revillame lang, e.

“Si Yael?” nag-aalala kong tanong.

“Papunta naman dito ang kapatid kong si Buknoy. Siya na ang bahala kay Yael. Binilinan ko na ‘yon.”

I nodded my head. Kilala ko naman si Buknoy. Ka-edad lamang ‘yon ni Yael at magkaibigan din sila. Kaya naman kahit papano ay napapanatag ako.

Isang van ang sumundo sa amin. Medyo nakaramdam pa ako ng pagkailang dahil sa ikli ng damit na suot ko. Yung lamig ng aircon sa silid ay parang nanunuot sa balat ko.

“Galingan mong magbenta ngayong gabi,” wika niya. “Para marami kang magiging kita.”

Tumango ako rito.

Hindi nagtagal ay tumigil na ang sasakyan at lumabas kaming dalawa. Nauunang maglakad sa akin si Belinda dahil medyo nahihiya pa ako. At higit sa lahat, sobrang uncomfortable ng suot ko ngayon.

“Yan na ba ang bagong recruit mo?” tanong ng isang bakla na sumalubong sa aming dalawa.

Inakbayan ako ni Belinda na may ngiti sa labi. “Oo. Ito na.”

Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nakaramdam ako ng hiya lalo na nang taasan ako nito ng kilay.

“Maganda. Siguraduhin mong maraming kita ‘yan ngayong gabi,” anito.

“Makakaasa ka, sis.” Kumindat pa si Belinda.

“Ayusan na siya. Five minutes, aalis na ang van.”

Umalis na ang bakla at naiwan na kaming dalawa ni Belinda. Hinarap niya ako at ngumiti.

“Hindi ka ba aatras?” tanong nito.

“Ito lang ba ang susuotin kong damit?” I asked.

Tumango siya. “Oo ‘yan lang. Yan ang susuotin mo sa pagbebenta ng mga sigarilyo. Magpapatuloy ka pa rin ba?”

Gusto kong humindi. Ngunit ang isiping makakatulong ito para sa kapatid ko, wala akong ibang choice kundi ang tumango.

“Oo, Belinda. Tutuloy ako. Para sa kapatid ko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 04: The Boss?

    “Gagaling pa po siya, ‘di ba?” I asked with trembling hands.“Your brother was having a severe respiratory distress, where the patient experiences extreme shortness of breath, inability to speak in full sentences, and is using accessory muscles, the neck or abdomen to try and pull air in. He was rushed here in the hospital but luckily, he was saved on time,” wika nito.He started explaining things I don’t understand. Undergraduate ako at wala akong alam sa medisina. Siguro sa fashion industry, oo. Ngunit sa ganitong bagay, wala. Hindi ito ang pinag-aralan ko bago ako mag-drop out sa kolehiyo.“M-magagamot naman po siya, ‘di ba?”“Yes,” wika nito. “And his Atrial Septal Defect is not helping at all. A severe asthma attack is critical because it dramatically increases pressure in the lungs, which, in turn, raises the pressure in the right side of the heart, I’m talking about the right atrium.”Para akong nanghina sa narinig. “G-ganon po ba ang nangyari sa kapatid ko?”“Unfortunately, ye

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 03: Another Problem

    “Kamusta ang unang gabi?” bungad na tanong sa akin ni Belinda nang mababa ito.Busy ito sa pagpupunas ng basang buhok nito. Mukhang kakatapos lang nitong maligo. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya at sumimsim sa hawak kong kape.“Okay lang din naman. Nakabenta naman ako kahit papano,” sagot ko. “Pinagtimpla nga pala kita ng kape.”“Salamat,” wika nito at umupo sa upuang kaharap ko. “Galingan mo kasi next time. Konting lambing, konting himas sa braso, bibigay na ang mga ‘yan. Lalo na ‘yung mga anak ng politicians at mga artista. Mahilig magsunog ng pera sa mga bar. Yun ang puntiryahin mo.”Konting himas? Konting lambing? Mahawakan pa nga lang ako sa braso parang tumitindig na ang balahibo ko sa pagkadisgusto!Pero may choice pa ba ako? Pinasok ko ang trabahong ‘yon at alam ko ang magiging resulta kung sakali. I took the risk, so I have no rights to complain. Mabuti na lang talaga at agad na napaatras ang lalaki kagabi—wait… sino kaya ‘yung lalaking ‘yon?“Oy. Ayos ka lang?” Pinitik ni

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 02: Damsel in Distress

    UNA KAMING tumigil sa isang kilalang bar na puno ng high end customers. It was hard for me. I was really having a hard time. Hindi ako marunong manlambing ng mga customers katulad ng ginagawa ng mga kasamahan ko. Pagkababa pa lang nila ay mayroon na kaagad bumibili.May nakita akong isang lalaki sa tabi na nakatitig lamang sa baso. Medyo nakakasilaw at nakakahilo ang nagpapatay-sinding ilaw, ngunit balewala lamang ‘yon sa akin. Mas mahalaga sa ‘kin ngayon ang kumita kaysa i-entertain ang pagkahilo ko.“Sir, do you smoke?” I asked him, pulling him out of his reverie.And it was a success. Nagbaling ito ng tingin sa akin. Nagulat pa ito nang magkatagpo ang aming mata mata. I smiled sweetly at him—o baka naman imagination ko lang na matamis akong ngumiti.“Yeah,” he replied. “Gold.”That brought a smile to my face. At last, nakapagbenta na rin ako!Maligalig kong binigay sa kanya ang isang kaha ng sigarilyo. Binigyan niya naman ako ng isang blue bill. Ngunit agad akong napangiwi nang ma

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 01: Job Offer

    “PASENSYA ka na talaga Belinda,” paghingi ko ng paumanhin sa aking kaibigang parte ng LGBT. “Wala kasi talaga kaming malapitan, e.”“Ano ka ba!” wika nito at ngumiti. “Mas mabuti nang dito ka lumapit. At saka, ilang beses na rin kitang pinagsabihan na lumayas na kayo sa pamamahay na ‘yan. Halata naman kay Aling Norma na aapihin lang kayo niyan.”Tipid akong ngumiti sa sinabi nito. “Okay pa sana kung ako lang. Kahit ako na lang ang saktan niya. H’wag lang ang kapatid ko. Hindi ko maatim isipin na kaya nitong saktan si Yael.”Sumang-ayon naman sa ‘kin si Belinda. “Yael is a sweet kid. Kawawang bata.”Mariin kong kinagat ang ibabang labi. Gamit ang natitirang lakas at kapal ng mukha, hinarap ko ang aking kaibigan. “Belinda, pasensya na talaga sa abala. Pero… wala talaga kaming matutuluyan—““Asus!” pagpuputol nito sa akin at ngumiti. “You can live here. Dumito muna kayo habang wala pa kayong mapagtitirhan. Wala naman akong kasama rito sa bahay. Ako lang mag-isa. Dito muna kayo habang nag

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Exordium

    BINILANG ko ang perang na sa aking kamay at marahas na nagpakahawala ng hininga. Ito lang ang perang kinaya ko sa loob ng isang kinsenang pagtatrabaho. Six thousand pesos. Ngunit malaking halaga na ito para mabili ko ang mga gamot na dapat kong bilhin para sa kapatid ko.“Ang sipag mo talaga, Asli. Bilib na bilib ako sa sipag mo,” puri sa ‘kin ng isa kong kasama sa trabaho.I glanced at her and forced a smile. Kahit na gaano kalapad ang ngiti nito sa labi, unang tingin ko pa lang as kanya ay alam kong ayaw niya na sa akin. For what reason? Hindi ko alam. Hindi ko na rin inabala ang aking sarili na magtanong. It’s not my business.“Di ba?” wika naman ni Leah. “Maganda na, masipag pa! Swerte ng lalaking mapapangasawa mo, Asli.”Mahina akong natawa at umiling. Kinuha ko na ang aking bag at lumapit na sa guard para magpa-frisking bago nilingon ang mga kasamahan sa trabaho. “Mauuna na muna ako sa inyo.”I waved my hands. Hindi ko na pinansin pa ang babaeng katabi nito. Kahit naman wala ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status