LOGINHe lives in silence. She lives in struggle. Mute billionaire Axton Andreev never believed love could find him... until Lina, a struggling poor maid desperate fo work, stepped into his quiet world. Their silent connection turned into a secret romane, one built on trust, touch, and the langauge of the heart. But when lies and fear drive Asli away, she vanishes into the night carrying Axton's unborn child. Years later, when he finally finds her, the truth will test the limits of forgiveness, and prove that some loves are destined to return, no matter how far they run.
View MoreBINILANG ko ang perang na sa aking kamay at marahas na nagpakahawala ng hininga. Ito lang ang perang kinaya ko sa loob ng isang kinsenang pagtatrabaho. Six thousand pesos. Ngunit malaking halaga na ito para mabili ko ang mga gamot na dapat kong bilhin para sa kapatid ko.
“Ang sipag mo talaga, Asli. Bilib na bilib ako sa sipag mo,” puri sa ‘kin ng isa kong kasama sa trabaho.
I glanced at her and forced a smile. Kahit na gaano kalapad ang ngiti nito sa labi, unang tingin ko pa lang as kanya ay alam kong ayaw niya na sa akin. For what reason? Hindi ko alam. Hindi ko na rin inabala ang aking sarili na magtanong. It’s not my business.
“Di ba?” wika naman ni Leah. “Maganda na, masipag pa! Swerte ng lalaking mapapangasawa mo, Asli.”
Mahina akong natawa at umiling. Kinuha ko na ang aking bag at lumapit na sa guard para magpa-frisking bago nilingon ang mga kasamahan sa trabaho. “Mauuna na muna ako sa inyo.”
I waved my hands. Hindi ko na pinansin pa ang babaeng katabi nito. Kahit naman wala itong imik ay ramdam na ramdam ko ang tinatago nitong inis para sa ‘kin. Hindi ko rin naman tinatanong kasi baka masabihan pa akong assuming.
Bago ako magtungo sa terminal, dumaan muna ako sa pharmacy para bilhin ang gamot na para sa ‘king kapatid.
“Magkano po ‘yan?” I asked.
“Two thousand pesos po,” sagot ng pharmacist na ikinaawang ng aking bibig.
“Po?!” wala sa sarili kong bulaslas nang marinig ang sinabi nito. “S-sigurado po ba kayo? Hindi po kayo nagkakamali ng pagkabasa?”
“Mahal po talaga itong nakasulat sa reseta niyo po. Pero pwede po kayong lumapit sa DSWD para manghingi ng tulong para sa pagbili nito,” sagot naman niya.
It felt like the world is on my shoulders as I listened to what the pharmacist said. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at pinilit ang sariling tumango. “Sige po, kukunin ko na.”
The pharmacist nodded her head and packed the medicines. Dumiretso agad ako sa terminal at sumakay sa tricycle pauwi sa aming bahay.
As much as I wanted to text my brother that I am coming home, wala akong load. At saka, ‘yung perang ipapa-load ko, mas mabuting ibili ko na lang ng aming uulamin, mabubusog pa kami ng kapatid ko.
Medyo napaaga ang pag-uwi ko ngayon dahil payday. Makakapaglaba ako nang maaga.
Pagdating ko sa aming lugar ay agad akong sinalubong ng mga catcalling ng mga tambay at iilang nakakakilala sa ‘kin na ngumingiti.
“Maaga ka yata nakauwi ngayon, Asli!”
“Hi, Asli! G ka ba mag-balot mamaya?”
Umiling ako sa mga ito at hilaw na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila, inaaya ako kahit hindi naman ako sumasama.
Pagdating ko sa bahay ay balak ko sanang surpresahin ang kapatid ko dahil paborito niyang ulam ang dalaga ko. Ngunit na sa sala pa lang ako nang marinig ko ang mahinang hikbi mula sa silid. At sigurado akong sa kapatid ko ‘yon.
Nanlamig ang aking mga kamay at nagmamadaling nagtungo sa silid kung saan ko naririnig ang mga mahihinang hikbi.
“Ano?! Sa tingin mo papanigan ka ng ama mo?! Hindi! Kasi wala kayong kwentang anak!”
I pushed the door open and saw how my stepmother hit my younger brother with a belt. Isang mahinang daing ang pinakawalan ng kapatid ko. Dahil siguro sa impact ng pagkakatulak ko sa pinto ay napalingon sa akin ang aking madrasta.
“Walang hiya ka!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Agad kong tinulak palayo ang aking madrasta at lumuhod sa sahig para yakapin ang aking kapatid na yakap ang tuhod at humihikbi. Napupuno ng pulang marka ang katawan nito, at hinuha niya ay galing ito sa sinturon na pinapalo rito.
Galit ang mga mata kong binalingan ng tingin ang aking stepmother.
“Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko?!” galit kong sigaw.
“Dahil wala kayong kwenta! Pati paghuhugas ng pinggan ay hindi magawa!”
“May sakit si Yael! Mahuhugasan ko naman ‘yan kapag nakauwi na ako!” Ramdam ko ang nagbabagang galit sa aking dibdib. “Ang sama-sama mo! Ikaw ang walang silbe sa pamamahay na ito!”
Hindi na ako nakaiwas nang angatin nito ang sinturon at sa pagkakataong ito, sa akin na ito tumama. Pilit kong ininda ang sakit at niyakap nang mahigpit ang aking kapatid, pilit itong iniiwas para hindi ito madamay.
“Ikaw ang walang kwenta rito! Kayo ng kapatid mo!” galit din nitong wika. “Lumayas kayo sa pamamahay na ito. Isang pagkakamali ang tanggapin kayo dahil pareho kayong walang silbe! Ikaw, ang kapatid mo, at ang nanay mo! Puro kayo walang silbe!”
“Anong nangyayari rito?”
Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita si Papa. Sa halip na magkaroon ng pag-asa ay parang mas lalo lamang akong nanghina. Alam ko na kung saan papanig si Papa. Ngunit kahit ganon ay sinusubukan ko pa rin.
“Papa.” Tumayo ako. “Inaapi ni Aling Norma si Yael! Pinapalo niya gamit ang sinturon!”
“Talagang papaluin ko ‘yang kapatid mo! Hindi mautusan dito sa bahay!” pasigaw na wika ni Aling Norma, ang madrasta namin. Ang girlfriend ni Papa na nakitira na sa bahay na ito.
“Bakit naman hindi nagpapautos ‘yang si Yael?” tanong ni Papa.
“Pa…” I called. Mababahiran ng pagod ang tinig ko. “May asthma si Yael. May maliit na butas ang dibdib niya. Kailangan niyang magpahinga!”
“Aba’y kung ayaw niyong magpautos…”
Napatingin ako kay Aling Norma nang lumapit ito sa cabinet naming na inaanay. Agad akong naalarma nang isa-isa niyang kinuha ang mga damit namin ng kapatid ko at tinapon ito sa labas ng bintana.
“Aling Norma…”
“Lumayas kayo sa bahay na ito!” anito at habang patuloy pa rin sa pagtatapon ng mga damit namin. “Layas!”
Lumapit ako rito at sinubukan itong pigilan. Ngunit dahil na rin siguro sa pagod ko dahil sa buong araw na pagkakatayo sa counter bilang cashier, mabilis lang akong naitulak ni Aling Norma at napaupo ako sa sahig.
“Ate!” agad na sigaw ni Yael at nilapitan ako kahit na paika-ika itong maglakad. Nang makalapit ito sa akin ay agad ako nitong niyakap. “Ate, tama na po. H’wag na po tayong sumuway kay Aling Norma.”
“Hindi kami lalayas!” malakas kong sigaw. “Amin ang bahay na ito! Sampid ka lang at kabit ka lang ni Papa!”
“Anong sinabi mo?!”
Bago ko pa man maulit ang aking sasabihin ay napasinghap ako nang isang kamay ang humigit sa aking braso at hinila ako patayo. Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi at ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking pisngi.
“H’wag na h’wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Norma! Kayo ang sampid sa pamamahay na ito! Kaya kayo iniwan ng ina niyo dahil wala kayong kwenta!” sigaw ni Papa sa mukha ko. “Tama si Norma. Lumayas na kayo!”
With that, he pushed me off using all his strength. Napahakbang ako ng ilang beses bago tuluyang napaupo sa lapag. Narinig ko ang pag-iyak ni Yael, at ganoon din ako. Gusto kong maiyak ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili.
Muling lumapit si Yael sa ‘kin habang umiiyak at niyakap ako. He’s having a hard time to breathe and I can feel it.
“Ate, tama na,” humihikbing wika nito. “Umalis na tayo rito, Ate. A-ayoko na rito…”
Ang marinig ang pagkabasag ng tinig nito ay parang bumabasag din sa ‘kin. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at niyakap ang aking kapatid. May kung anong bikig sa aking lalamunan habang masamang nakatingin sa aking ama na ngayon ay galit na nakatingin sa amin.
Niyakap ko nang mahigpit si Yael na ngayon ay umiiyak habang nakayakap sa ‘kin. Hinaplos ko ang likod nito.
“Tahan na,” I whispered. “H’wag kang mag-alala, aalis na tayo rito. Aalis na tayo sa impyernong ito.”
Okay lang sa akin na ako ang inaapi. Saktan na nila ako’t lahat, h’wag lang ang kapatid ko. Dahil hinding-hindi ko sila mapapatawad sa oras na may masamang mangyari kay Yael.
At sana ay tama itong magiging desisyon ko.
PAGDATING KO sa room namin ay saktong gising na ang mga kasamahan ko para sa aming pagbalik sa Maynila. Hindi ko na magawang matulog pa at agad na niligpit ang aking mga gamit. Agad akong sumakay sa van at doon ko na lang naisipang umidllip.Saglit lamang ‘yon dahil nang maidilat ko ang aking mga mata ay na sa Alabang na kami. Agad akong tumuwid sa pagkakaupo at nagpadala ang text kay Yael na malapit na ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagkaroon ako ng eight thousand sa loob ng isang araw. May mga naging commission din kasi ako sa pagbebenta ng alak, e. Hindi ko ito sasayangin.“Thank you, girls. We will contact you again kapag mayroon na ulit tayong project. Magpahinga na kayo.”Agad na nagsialisan ang mga kasamahan ko, habang kami ni Belinda ay dumiretso sa bahay niya. Nagbihis muna ako ng damit at binilang muna ang pera sa aking kamay. Sapat na ‘yon pambayad sa hospital bills.Nakaramdam ako ng pagkagalak. At least nagbubunga ang hirap ko. Medyo kampante na a
NAKATAYO sa aming harapan ang aming head. Tapos na ang even ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung paano ako sinubukang sagipin ni Sir Ethan mula sa babaeng ‘yon.And weirdly, bakit kaya nagkatagpo ang mga landas namin? At dito pa talaga sa lugar na ito? At sa lahat ba naman ng taong sasagip sa akin, ang mga lalaking ‘yon pa?“Dapat kayong magpasalamat kay Asli, lalong-lalo ka na, Mia,” pangangaral sa amin ng aming head. “Pero, Asli, h’wag mo nang uulitin ang bagay na ‘yon. Kung hindi mo pa kakilala ang mga dumating, paniguradong napahamak ka na.”I bit my lower lip.May point ito. Mabuti na lang talaga at mabait si Sir Ethan. Dahil kung hindi ay goodbye na lang talaga sa akin. Mauuwi pa nga ang lahat sa wala, mapapahia pa ako.Nagpasalamat sa akin si Mia dahil sa nagawa ko para sa kanya. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil at least hindi ito naging aso sa harap ng isang mayamang puro pera lamang ang takbo ng isipan.“Hindi ka na ba sasabay sa am
LAHAT KAMI ay nakatitig lamang sa mga pangyayari. Pawang mga takot na makisali sa gulo. Gustuhin ko mang tumulong ngunit kahit mismo ang manager ay panay ang iling sa akin dahil kahit ito mismo ay hindi pinakikinggan ang mayamang babae.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot para sa kasamahan namin.Paano kung katulad ko rin siyang walang matinong tulog at marami ring problemang iniisip? Paano na lang kung magiging dagdag pa ito sa mga suliranin niya? Hindi ba’t masyado namang nakakaawa?Lahat kami rito sa backdoor ay nakatingin lamang sa aming kasamahan, mababakas ang awa sa mata ng bawat isa. At nang muli ko itong tignan, pansin kong nakayuko na ito at pasimpleng pinupunasan ang luha sa mga mata.“P-pasensya na po. Hindi ko po kayang bayaran ang halaga ng gown niyo. L-lalabhan ko na lang po.” Rinig na rinig ang basag nitong boses sa kabila ng maingay na paligid.Other guests didn’t seem to mind what’s happening. Parang normal lang sa kanila ang mga ganitong bagay. May iilang
“Be careful. Yan lamang ang magiging payo ko sa inyo. Kapag tingin niyo ay wala sa mood ang nakakasalubong niyo, agad kayong tumabi at padaanin sila. We’ve encountered a lot of guests like them and they’re all not a good. Are we clear?”“Yes, Ma’am!” halos sabay-sabay naming sagot.Pagkatapos kaming bilinan ay nagsimula na kaagad kami mag-ayos sa pagkain.May iilang mga naglalagay ng backdrop sa likod ng mga pinaglagyan ng pagkain at mga designs. Hindi ko maiwasang punahin ang mga styles na ginagawa nila ngunit hindi ako umimik. I am only here to serve foods. Ayokong maghanap ng iba pang problema at sakit sa ulo.Hindi pa nagsisimula ang event. Ang sabi ay alas otso pa raw magsisidatingan ang mga guests kaya’t dali-dali ang mga ginagawa naming pagsasaayos. Medyo nalilito pa ako kung kanino ako tutulong at kung saan ako pupunta. And after a few observations ay agad akong naka-adapt sa kung ano ang kailangan kong gawin.“Doon niyo ilagay. Make sure maayos at hindi makalat tignan. May mg












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews