Share

Chapter 8 (Pathetic nerd)

Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area. 

"Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken.

"Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie. 

"Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin."

"Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn. 

"Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy. 

"Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status