Share

The Nerdy Secretary
The Nerdy Secretary
Penulis: Athan_san

Prologue

Penulis: Athan_san
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-15 02:11:09

Nasa trabaho ngayon si Kassel at nagsimula siyang mag-serve sa mga customer sa bistro. Wala yata siyang kapaguran dahil tila may enerhiya pa siyang dala-dala ngayon sa kaniyang trabaho. Parang hindi napagod sa maghapong pag-aaral nito sa Saint Bernard College.

"This is your order ma'am! Enjoy your night!" masiglang sabi ni Kassel sa customer.

Bumalik siya sa kusina para kunin ang ibang order nang makasalubong niya ang kaibigan na si Ella.

"Uy, tulungan na kita bruha," sabay kuha nito sa isang tray na hawak ng kaibigan.

"Wow! Salamat. Ang bait mo yata ngayon, impakta?" patawa-tawang sabi nito.

"Ay hindi! Masungit ako!" pilosopong sagot nito.

Naglakad na siya paalis at hindi na pinansin ang sasabihin ng kaniyang kaibigan.

Habang nagbibigay siya ng mga order ay aksidente niyang nakabangga ang business tycoon na si Ruzzel

"Ay! Sorry, sir. Hindi ko po sinasadya," paumanhin nito.

"What the fuck?!" inis na usal ng binata.

Umangat ang tingin nito at napakagat labi siya dahil hindi niya alam kung artista o diyos ang nasa harap niya.

"Tanga ka ba? Bulag ka ba?! Huh?! Hindi ka na sana nag-waitress kung tanga tanga ka!"

Napabalik wisyo siya sa malamig na boses ng binata. "Hindi po, sir. Pasensya na po. Pupunasan ko na lang," sabay kuha niya sa isang malinis na pamunas sa bulsa nang suot niyang uniporme.

"Damn. Stupid!" singhal sa kaniya ng binata tsaka naglakad paalis.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

" Stupid? Ako? Napaka-arogante naman ng gagong iyon! Hindi ko naman sinasadya. Tsk! Marangal naman ang pagiging waitress ko, ah," inis niyang sambit sa sarili.

Dumating naman ang kaniyang manager kaya't namutla siya wari'y matatanggal pa yata siya sa trabaho niya. Tumingin ito sa mga basag na pinggan na nagkalat sa sahig.

Napayuko na lamang siya nang pinasunod siya sa opisina ng manager niya.

"Ano na naman itong ginawa mo, Kassel? Ilang beses ko bang sasabihin na mag-ingat ka?!" sigaw sa kaniya ng kaniyang manager.

"Hindi ko naman po sinasadya, ma'am," nakayukong sagot niya.

"Dahil sa ganito na naman ang nangyari. Tatanggalin na kita dito. I don't want an employee that is not efficient" saad ng manager.

Namutla si Kassel sa desisyon ng manager nito. Bagsak ang balikat niyang humingi ng tawad dito. " P-pasensya na po sa hindi pagiging efficient na empleyado, ma'am."

Iniabot naman ng manager nito ang huling sahod at agad niya itong kinuha.

"Maraming salamat po, ma'am! Aalis na po ako."

Nagpaalam na siya at lumabas sa opisina. Naabutan niya ang kaibigan at malungkot itong gumanti ng ngiti. Nagtungo siya sa locker area para kunin ang gamit niya para na rin makauwi siya.

Lumabas na siya nang bistro at nag-abang ng masasakyan sa kalsada. Pasado alas otso pa lang naman kaya't sigurado siyang may masasakyan pa siya.

Ilang minuto pa ang lumipas may humintong taxi sa harap niya at laking pasasalamat niya rito ng makarating siya sa apartment na tinutuluyan niya.

Nang makapasok siya sa apartment niya ay nag-ayos na siya ng kaniyang sarili. Humiga siya sa kama niyang maliit at tumingin sa kisame.

"Wala na akong trabaho. Paano ako mabubuhay nito? Ang pag-aaral ko? Isang semester na lang ga-graduate na ako," malungkot nitong himutok.

"Hayst! Nakakainis naman kasi! Dahil pa sa lalaking iyon kaya ako natanggal sa trabaho!"saad niya habang kinukutusan ang kaniyang ulo.

Tumagilid siya nang higa at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi niya namalayan ang oras at tuluyan na nga siyang nagpadala sa kadiliman. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Nerdy Secretary   Chapter 17

    " Ayos ka lang, Kassel? You look sick," tanong sa akin ng isa kong ka-trabaho. Umiling ako. " No, I'm fine. Don't w-worry," sagot ko.Tumango na lamang siya at bumalik sa kinauupuan niya. Nakatulala pa rin akong naupo sa aking pwesto bago tinignan ang mga papeles na kailangan kong gawin. Katatapos pa lamang ng ibang report may dumagdag na naman.Lumipas ang ilang oras na pagtratrabaho ay may lumapit sa akin na balingkinitan ang katawan, matangkad at maputi. Hindi naman masyadong kagandahan kung ikukumpara sa akin. Kilala ko ang babaeng ito dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang maarte niyang pag-uugali." Hey,Bitch!" tawag niya sa atensyon ko.Tama ba ang dinig ko, tinawag niya akong bitch? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Putangina!" W-what do you need mam?" I asked politely. Tinaasan niya ako ng kilay. " Is your boss here?" tanong niya. " Try mong katukin ang pinto kung pagbuksan ka niya." I said sarcastically. " Saying something?" diin niyang tanong. Bakit niya hin

  • The Nerdy Secretary   Chapter 16

    Kassel's POV Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa aking paanan at may mga kamay na nakapulupot sa aking bewang. I tried to lift my head up at laking gulat ko nang masilayan ang abnormal kong amo peacefully sleeping beside me. " Fuck!" mura ko at naitulak siya kaya't ang kinalabasan ay nahulog ito sa kama. " Shit! My back hurts!" masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. My gosh, it's not my fault naman. Bakit kasi siya ang una kong mabubungaran sa aking paggising. " Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko at ikaw pa mismo ang nabungaran ko paggising ko?" mataray kon tanong sa kaniya. " The fuck woman!" singhal niya. " I take care of you tapos ito ang isusukli mo sa akin?" bulalas niya. " Who told you to take care of me?" taas kilay kong tanong sa kaniya. I roam around my eyes at dumako iyon sa aking suot. Fuck?! " D-did you change my clothes?" I stuttered. He smirk. " What if I am? Got problem with that?" nangunguyam nitong sagot. Pinulot ko ang unan na nasa aking paanan at

  • The Nerdy Secretary   Chapter 15

    Ruzzel's POVAfter my business meeting dumiretso ako sa apartment ni Kassel to check her up if she's okay. Nag-alala talaga ako sa kaniya kanina kasi napansin kong namumutla at nanghihina siya pinipilit lamang nito ang sarili upang magtrabaho. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya sa opisina, akala niya siguro ay hindi ko iyon mapapansin.I was worried sick knowing that she's not feeling well. Namumula rin ang kaniyang mukha kanina noong nasa sasakyan kami at napapansin ko ang ngiting sumisilay sa kaniyang labi.Sabi ko hindi na ako babalik sa maalinsangan, madumi at masikip na lugar nila ngunit nagbago ang ihip ng hangin. Tipong gusto ko siyang makita palagi at ayaw ko siyang makita sa aking paningin. Hindi ko alam kung bakit but there is something inside of me that I want to know her more.Kumatok ako sa pinto niya ng tatlong beses. Nagbukas naman ang pinto nito at nasilayan ko ang aking sekretarya na nakabalot ng kumot. " Are you okay? Should I call a doctor?" I asked worriedly.Um

  • The Nerdy Secretary   Chapter 14

    Kassel's POVLumabas na ako sa opisina nang amo ko at nagtungo sa restroom. Naghilamos ako dahil ramdam ko ang init ng aking katawan. Tiyak kong hindi niya napansin ang aking panghihina sa harap nito habang nagsasagutan kami.Totoong nasaktan ako dahil hindi man lang niya ako ipinagtanggol ngunit naalala ko, bakit niya ako ipagtatanggol, hindi naman ako ang mahal niya? Bakit niya ako ipagtatanggol kung pagpapanggap lang naman ang lahat sa amin.Namamaga ang aking mata na lumabas sa restroom at nanghihinang nagtungo sa aking lamesa para ipagpatuloy ang aking pagtratrabaho. Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking ulo dulot na nabasa ako nang ulan kagabi.Hinilot ko na lamang ang aking sentido at tumunog naman ang intercom ulit. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka sigawan o tanggalin niya ako sa trabaho dahil sa pag walkout ko kanina. Nahihiya rin ako dahil nagpakita ako ng kahinaan sa kaniya.Sa huli, sinagot ko pa rin ito kahit nanginginig ang aking kamay at nan

  • The Nerdy Secretary   Chapter 13

    Ruzzel's POV Hindi ko alam ang una kong gagawin, kung hahabulin ko ba si Kassel o ang manatili sa tabi ni Aliya at sabihin ang totoo. Sa huli, napagdesisyunan kong sundan na lamang si Kassel na siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. " Shit!" mahinang mura ko. Sana ay maabutan ko pa siya at sa labasan at sana hindi pa nakakalayo ang babaeng iyon. I told her not to do stupid things but she didn't listen. Sinabi kong manatili siya sa aking tabi ngunit hindi ko napansin ang kaniyang pag-alis dahil hindi man lang ito nagpaalam. Marahil ay nakatutok lamang ang aking tingin kay Aliya. Hindi man niya sinaktan si Aliya sa pisikal ngunit sinaktan naman niya ito sa kaniyang binibitawang salita. Natauhan rin ako sa kaniyang sinabi at napagtanto kong may mali ako. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman ngayon. Nang makita ko ang mukha ni Kassel na parang humihingi ng tulong ay nanatili lamang ang malamig kong tingin sa kaniya kanina. Basa na rin ako dahil sa lakas nang ulan kaya't nagmadali n

  • The Nerdy Secretary   Chapter 12

    Kassel's POV Araw ng huwebes ngayon at maaga pa akong pumasok ng opisina kahit may dadaluhan kaming party mamayang alas sais ng gabi. Naabutan ko ang amo ko papasok sa kaniyang elevator. Mukhang napansin naman niya ako ngunit huli na dahil kusang sumara ang elevator nito. Pumasok na lamang ako sa kabilang elevator na para sa employees at mabuti na lamang wala akong kasabay. Nakahinga ako ng maayos nang magbukas ang pinto ngunit nabawi iyon dahil sumalubong sa akin ang abnormal kong amo na naka-kunot noo. Tuloy-tuloy akong lumabas at sinadya kong lagpasan ito ngunit nahablot nito ang kanang braso ko. Mahigpit niya itong hinawakan at ramdam kong tila mawawalan ito ng daloy ng dugo. " M-magandang umaga, sir." malugod ko pang bati rito kahit ramdam ko na ang sakit ng aking braso. Tumaas ang kilay nito. " There's no good in the morning kapag ikaw ang nabungaran ko." asik naman nito. Anak ng tinapa! Talipandas pala ang lalaking ito, e. Ang higpit ng hawak nito sa aking braso tapos iy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status