Share

Chapter 1

"Raven! Wala ka ng ibang ginawa kundi mang peste dito sa bahay!" 

Naitakip ko nalang ang parehong palad ko sa mga tainga ko. Kahit nandito ako sa kwarto, rinig ko ang sigaw ng aking ina galing sa labas. Paano ba naman kasi, gawa na nga sa light materials itong bahay namin, kung makasigaw pa eh napakawagas.

Rinig tayo sa kapit-bahay sis!

"Nay, hayaan niyo munang mag pahinga si bunso," rinig ko ang pagkamalumanay na sabi ni ate. 

"Huwag mong matawag-tawag na bunso iyan, dahil hindi mo namna iyan kapatid!" Sigaw ulit ni nanay at narinig ko pa ang pagkalampag ng pinto ng kwarto.

Agad akong nanginig at nagtalukbong nalang basta ng kumot na manipis. Mamaya eh kung makapasok si nanay dito sa kwarto, ay basta nalang niya akong kaladkarin palabas.

"Kahit kailan! Kinupkop ka na nga dito, dahil yung put*ngina mong ina, na pr*stitut* ay iniwan ka dito!" Patuloy niya sa pag sigaw.

Impit akong napaiyak habang nakayakap sa mga tuhod ko, at ang isang palad ay nakatakip sa bibig. Sinisiguradong walang ingay na magagawa ang iyak ko.

"Kung tutuusin, dapat pinabayaan nalang kita noon palang, at hindi ka na kinupkop dahil pabigat ka lang naman!" Dagdag pa niya bago ako nakarinig ng mga papaalis na yabag.

Naisubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko, at doon humagulgol ng tuluyan. Ang kanina kong pag pigil ng iyak, ay tuluyan ko ng nailabas. Ang sakit pala sa dibdib mag pigil ng iyak? Yung tipong hindi ka na makahinga ng maayos, at naninikip ang dibdib mo.

Oo, anak ako ng isang pr*stitut*. Nabuo ako dahil sa isang NAPAKALAKING pagkakamali isang gabi. One night stand sa bar, kung tawagin ng iba. Kumbaga, hindi naman ako pinaghandaan. Hindi inaasahan. Basta nalang nabuo.

Ang totoong ina ko kasi, binebenta ang katawan niya para may pangkain sila ng pamilya niya. Oo, ganon kahirap ang buhay namin, ang buhay ng buong angkan namin. Na sa sobrang hirap, binebenta na ang sarili para pagkakitaan. Nakatira nga lang kami sa gilid ng riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila. Dikit-dikit na mga bahay. Pinagtagpi-tagping mga kawayan o mga lona, masabi lang na may masisilinungan sa tuwing sasapit ang ulan, at sa tuwing matindi ang sikat ng araw. Ganon ang buhay namin. Mahirap na nga kami, dinagdagan nabuhay pa ako.

Kaya, hindi ko rin sila masisisi. Hindi ko rin masisisi yung totoong ina ko kung niluwal niya lang ako dito sa mundo, at basta nalang akong iniwan. Basta nalang akong binura sa kanyang isipan. Hindi ko rin masisisi kung bwisit na buwisit sa aking si tita, na tinuturing kong nanay. Napilitan lang namna siyang patirahin ako sa bahay nila, dahil iniwan nga ako ng totoo kong ina.

Automatiko akong nag angat ng ulo, nang marinig ko ang pag bukas ng pinto. May tunog kasi iyon dahil luma na, kaya alam mo kahit hindi ka nakatingin, na may nag bukas ng pinto. Niluwa non si ate, na nakasuot ng puting sando at gusot-gusot pa ito, at may kaunting butas pa. 

Nag lakad ng dahan-dahan si ate palapit sa akin, saka naupo sa tabi ko, "Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin habang ang kamay niya ay nasa buhok ko. 

Tumango ako saka tipid na ngumiti, "Oo naman ate," mahinang sambit ko. 

Binasa ni ate ng bahagya ang pangibabang labi niya, "Pag pasensyahan mo iyon si nanay, alam mo naman na," dumukwang siya palapit sa tainga ko, "Menopause na," bulong niya kaya humagikgik kami pareha. 

Tumigil ako sa pagtawa, at bigla namna sumeryoso, "Ayos lang," nag baba ako ng tingin sa mga daliri ko, "naiinintidhan ko naman kasi," dugtong ko pa.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag iling ni ate. Hindi sinasang-ayunan ang sinabi ko, "Kahit na hindi ka niya anak, kadugo ka namin, kaya wala siyang karapatan na tratuhin ka nyang ganon."

Sarkastiko akong napangiti ng palihim. Sa pamilyang ito, walang kadugo-kadugo. Ang talagang pinahahalagahan lang, ay yung immediate family. Kapag pamangkin ka lang, asahan mong parang alipin ka kung tratuhin.

Nag angat ako ng tingin para ilibot ko ang paningin ko sa buong kabuoan ng bahay. Nakita kko rin nan nag angat ng tingin si ate, at nilibot ang paningin sa barong-barong namin na bahay. Sabay namin ni ate pinagmasdan itong maliit na kwartong kinalalagyan namin ngayon. Kung tutuusin maliit lang talaga na ispasyo lamang ito sa buong bahay. Dalawang palapag, at hindi hindi direkta na nakatirik sa lupa, nakaangat iyon. Para makapasok ka sa bahay mismo, ay kailangan mong umakyat sa kawayan na hagdan.

"Balang araw," biglang sabi ni ate kaya nilingon ko siya habang nakakunot ang noo, "Gaganda rin itong bahay natin," nakangiti niya akong sinulyapan, "Titira tayo sa isang malaking bahay, at sa pribadong subdisiyon (subdivision), at makakapag aral ka sa pang malakasan na eskwelahan," sabi ni ate habang nakangiti sa akin. 

Hindi ko maiwasan na mapangiti rin. Balang araw. Gigising ako tuwing umaga, sa isang malambot na kama. Yung masarap talun-talunan. Ang mga kwarto ay may erkon (aircon) sa loob upang hindi ako maiinitan. May magandang salas, at kusina na malaki at malinis. Balang araw, makakapag bakasyon ako sa ibat ibang lugar. 

Mga bagay na nasa imahinasyon ko lamang 

Pero sana, balang araw, magkatotoo ang mga nasa imahinasyon lamang

Nang marinig namin ang tunog ng tren di kalayuan, ay dali dali kami ni ate lumabas ng bahay. Delikado kasi kung nasa loob kami ng bahay, habang dumadaan yung tren. Hindi namin alam, baka gumiba iyon habang nasa loob kami. Tuwing dadaanan kasi ang tren, literal na yayanig ang mundo namin dito sa tabing riles. Parang may 'mini earthquake' kasi palagi, kaya kailangan namin na lumabas ng bahay lalo na at hindi naman iyon matibay. Mabuti na ang sigurado, kaysa naman maging dehado sa dulo, hindi ba?

"Mare! Asan iyong dalawa mong nag gagandahan na dilag?" Rinig kong sabi ng isa naming lalaking kaibigan, na parang lasing na. 

Aba, eh anong oras pa lamang ah, lasing na agad itong mga sugarol na ito?

Buhay iskwater nga naman

Nakita kong umirap si nanay habang nakahalukipkip, "Dencio! Iisa lamang ang anak kong babae. Yung isa," tumingin sa gawi ko saglit si nanay, "Hindi ko iyon anak! Anak iyon ng kapatid kong binebenta ang katawan niya!" Sabi ni nanay at tumawa pa ito, kay nakitawa rin ang ibang nakarinig non. 

May nakakatawa ba sa sinabi ni nanay? Alam kong mali ang pamamaraan na ginawa, o ginagawa ni nanay pero at least kahit papaano ay nagkakapera. Hindi tulad sila na, walang ginawa kung hindi mag sugal ng mag sugal ng pera, bumili ng alak, pero mga walang silbi naman sa pamilya. Paano sila uunlad? Aasa nalang ba palagi sa swerte? Sa lucky number? Sa kulay ng damit?

Sayang, mga tinagurian pa naman silang ama o ina mga walang silbi naman

"Ganon ba? Akala ko pa naman anak mo iyon," tumawa ng bahagya yung isang lalaking nakainom na ng marami, "kay gandang dalaga ba naman, mukhang nalahian!" Tawang dagdag niya, at nakipag tagayan ulit kay manong Dencio. 

Tumawa rin si nanay at naki-inom sa mga alak na nasa mesa nila, "Ewan. Siguro. Alam mo naman iyong si Rusbelt (Roosevelt), kung kani-kanino pumapatong!" Tumawa si nanay, "kaya siguro, hindi niya alam sino ang ama nitong anak niya," turo niya sa akin.

Marami ng nakikipag chismisan sa tabi-tabi, at palihim akong pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.  Matunog akong bumuntong hininga, bago tumalikod para lumapit sa may bandang paanan ng bahay namin, para madaling umakyat papasok sa bahay mamaya pagdaan ng tren. Pero bago ako makatalikod ng tuluyan, ay naramdaman kong hinawakan ako ni ate sa magkabilang balikat ko.

 "Ayos ka lang?" Bakas sa boses ni ate ang pag aalala, kaya nag thumbs up naman ako sa kanya bilang sagot. 

Segundo lang ang binilang bago dumaan yung tren. Kasabay ng pagdaan ng tren, ang pag hangin ng buhok at damit ko, kaya agad ko iyon inayos at tinakpan ang ilong ko para hindi gaano makalangahap ng usok. Pagkadaan ng tren, ay pumasok na rin kami ni ate sa loob ng bahay. Pinauna niya ako, paakyat at hinintay siya sandali upang masiguro ko na nakaakyat siya ng maayos, bago dumeretso ako sa kwarto, habang si ate ay dumeretso sa banyo. Maya-maya lang, ay narinig ko na ang boses ni nanay sa loob ng bahay. 

"Reyben! (Raven!)" SIgaw niya kaya agad akong lumabas ng kwarto, "mag luto ka na dito, tapos mag laba ka na at mag plantsa!" utos niya sa akin saka niya sinindihan ang kanyang yosi na nasa pagitaanng kanyang bibig

"Opo," nakayuko kong sabi at pasimpleng tinakpan ang ilong ko ng dumaan ako sa pwesto niya, dahil hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo. 

"Ayan!" Gulat kong nilong si nanay, "sa wakas nag karoon ka rin ng silbe!" humthit siya sa kanyang sigarilyo at bumugha,  "pag patuloy mo iyan!" Sabi ni nanay at nag lakad na siya palayo. 

Habang nag hihiwa ako ng sibuyas, ay napatingin ako sa maliit at basag basag na salamin sa harapan ko. Kung tutuusin, hindi diretso ang buhok ko, may pagka kulot ito at kulay tsokolate ang kulay. Maski ang kulay ng mata ko ay kulay abo na may pagka tsokolate. 

"Oh," tinignan ko ang gilid ko ng marinig ko ang gulat na boses ni ate. Nag lakad siya papalapit sa akin, at sinandal niya ang likod sa lababo, "anong lulutuin mo?"

Nag kibit balikat ako, at pinunasan ang luha sa mata ko dahil sa pag hiwa ng sibuyas, "Ewan? Kung anong mabingwit ko dyan sa tabi-tabi, edi iyon nalang," biro ko at tumawa ng bahagya.

"Balik na ako sa kwarto ah," paalam ni ate at tinapik ako sa balikat, "tawagin mo ako kung may kailangan ka," ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Payapa at tahimik lang akong nag hihiwa ng mga igigisa, nang marakarmdam ako ng hilos. Naipikit ko ang mga mata ko, at napatigil ako sa pag hiwa para humawak ng mahigpit sa hamba ng lababo. Hinilot ko lang ng hinilot ang sentido ko, nag babakasakaling mawala ang hilo kapag ginawa ko iyon.

Ngunit............hindi pala

Basta nalang nandilim ang buong paligid ko, at ng bumalik ang paningin ko, ay bumungad sa akin ang puting buhangin, at mala crystal na kulay ng tubig. Mga matatayog na puno ng niyog, at maraming mga ibon na lumilipad sa kalangitan. Sobrang taas pa ng sikat ng araw, kaya itinakip ko ang palad ko sa mga mata, para hindi gaano masilaw.

"N-nasaan ako?" Naguguluhan kong habang tinitignan ko ang paligid. 

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko, at halos mapaatras at lumundag ang puso ko sa kaba at sa kalituhan, nang mapagtanto ko na iba ang suot ko. Kulay puti na bestida ang suot ko, habang wala naman akong suot para sa paa. Automatiko kong hinawakan ang buhok ko, at laking ginhawa ko ng wala akong makapa na pagbabago sa buhok ko. 

"Shuta! Anong nangyayari?!" Taranta kong sabi habang nag paikot ikot ng lakad, habang sinasampal sampal ang pisngi ko. 

"Nananaginip ka lang Raven!" Kausap ko sa sarili ko

"Yari ka kay nanay, pag nakita ka niyang tulig, kaya gumising ka na!" Tinampal ko ang pisngi ko.

Tumakbo ako palapit sa dagat, "Tulong!" Kumaway kaway pa ako sa kalangitan, "May tao ba dito?! May nakakarinig ba sa akin?!" 

"Tsk, ang ingay mo. Kababaeng tao." 

Natigil ako sa pag sisisigaw nang makarinig ako ng boses. Dahan dahan akong tumingin sa likod ko, at nakakita ako ng isang binatilyo na nakatayo di kalayuan sa akin. May suot siyang khaki shorts, at puting button down long sleeves at nakabukas pa ng bahahya ang butones niya sa itaas, at nakatupi pa ang sleeves nito hanggang siko niya. Kulay blonde pa ang buhok niya, at gaya ko ay wala siyang suot na sapatos. 

Dahan dahan ako nag lakad palapit sa kanya, "S-sino ka?" 

Nag lakad din siya palapit sa akin para salubungin ako, "Sino ka rin? Anong pangalan mo?" 

"Raven Cleophas De Leon, ang aking pangalan," pakilala ko at nag lahad ako ng kamay sa kanya. 

Ngumiti siya sa akin ng tipid bago niya tinanggap ang kamay na nilahad ko, "Aries Timothy De Guia."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status