Share

Chapter 3

F*ck! Where the hell am I?!

Tinignan ko ang buong paligid ko. Puro matatayog na puno, para akong nasa gubat. Napakamot ako sa noo ko, habang pinaiikot ko ang tingon ko. 

Sa pagkakatanda ko, humiga ako sa kama para ipahinga ang katawan ko dahil sa matinding sakit. 

"Aries! T*ngina, wala ka talagang kwenta!" Sigaw ni daddy sa akin at sinuntok pa ang panga ko. 

Agad naman akong nilapitan ni mom, "Hon! Pleade stop! Don't hurt your son!" Sigaw ni mom habang nakayakap sa akin. 

Dinuro siya ni dad, "You two, get out of my sight! You pests!" Sigaw ni daddy at umakyat sa ikalawang palapag. 

Sinundan ko siya ng tingin, at halos manlumo ako ng makita na nakatingin sa amin ang nakababatang kapatid ko. Umiiywk siya habang nakahawak siya sa railings ng hagdan, at bahagya pa siyang umiwas ng dumaan si dad sa tabi niya. 

"Aries, let me see," malumanay na sabi ni mom sa akin, at tinignan ang panga ko kung saan ako sinuntok ng magaling kong ama. 

Tinabig ko ang kamay niya dahil nakaramdam ako ng kirot sa pag hawak niya, "Mom, it hurts." 

Malungkot niya akong nginitian saka ako niyakap, "I'm sorry that you need to go through this," bulong niya sa tainga ko at hinagod pa ang likod ko. 

Hindi kasal sila dad at nag sasama lang sila sa iisang bahay. Wala ata silang plano mag pakasal, dahil hindi naniniwala si dad sa salitang kasal. 

Dumagdag pa na nag sasama lang silang dalawa para sa pera. Si dad kasi, maihahalintulad ko siya sa isang demonyo, dahil wala siyang puso. Pineperahan na nga niya si mom, ginagahasa pa. Kaya kami nabuo ng kapatid ko.

Mabuti nga tumigil siya sa pag gahasa kay mom nang dumating si Leo sa mundo. Pero, sinasaktan naman niya kaming magkapatid. Ako na nga ang sumasalo sa pag mamalupit niya kay Leo, dahil bata pa ito. 

Matagal ko na ngang sinabi kay mom na umalis na at iwan nalang yung demonyo dito, pero ayaw niyang iwan si dad. She said that if we will leave, siguraduhin namin na hindi niya kami mahuhuli, na malaking imposible sa mundo. Makapangyarihan si dad, at kaya niyang paikutin ang mga tao sa kanyang mga kamay lamang. 

In short, we're stuck in this so called house, na impyerno naman. 

"Tulong!" "May tao ba dito?!" 

Agad akong kumaripas ng lakad patungo sa lugar kung saan ko narinig ang boses na iyon. I'm not the only one who is stuck in this island. I'm not alone. 

Naabutan ko yung babae na nasa may dulo ng dagat, at nag sisisigaw. Napailing iling nalang ako at namulsa. Silly, we're going to be stuck here. There's no other people aside from us, darling. 

That girl is wearing a simple white dress and that's it. No footwear, just like me. Her hair is color brown and it's wavy. Panigurado, maganda ito sa malapitan. Likod palang, alam ko ng maganda siya. 

Maganda nga, maingay naman. 

"Tsk, ang ingay mo! Kababaeng tao," There I finally said it. 

She immediately looked at my direction, at nakita ko kung paano nabuhayan ang mukha niya ng makita ako. Siguro pareha rin kami ng nasa isip. 

Hindi kami nag iisa. 

Nag lakad siya ng dahan-dahan palapit sa akin, "S-sino ka?" Kunot noo'ng tanong niya. 

Bumuntong hininga ako bago nag lakad para salubungin sita, "Sino ka rin? Anong pangalan mo?" 

Nag lahad siya ng kamay sa akin, "Raven Cleophas De Leon, ang aking pangalan," pakilala niya sa kanyang sarili na may ngiti sa kanyang labi

Ngumiti ako ng tipid sa kanya, saka kotinanggap ang kamay na nilahad niya, "Aries Timothy De Guia." 

Halos masuka ako ng sambitin ko ang pangalang De Guia. Kung may kakayahan lang akong palitan apelyido ko, ginawa ko na matagal na. Nakakasuka. 

"So, ibig mo bang sabihin na ikaw ay half Irish, half Filipino?" Tanong ni Raven sa akin habang nag lalakad kami dito sa kagubatan kung nasaan ako kanina. 

Nag iiwan ako ng mga marka sa bawat puno na dinadaanan namin ni Raven, para makabalik kami sa mismong tabing dagat. Mahirap na, at baka mawala kami dito sa gubat at hindi na makabalik. 

"Yeah," tipid kong sagot at yumuko pa para makaiwas sa branch ng puno. Tinignan ko si Raven, at agad akong nag lahad ng kamay sa kanya, "Here, let me help you." 

Tinignan ko siya sandali habang nag lalakad, "How about you?" Tamong ko dahil base palang sa itsura niya, alam mo na may lahi siya. 

"Ako? Anong ako?" Nag tataka niyang tanong habang nakaturo pa sa sarili. 

Hindi ko maiwasan pag tawanan siya. She looks so innocent and she's so pure, "Silly, what I mean is," nag lakad ako palapit sa mga branches na nakita ko at kumuha doon, "Ikaw, may lahi ka ba?" 

"Hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam sino tatay ko eh," sagot niya kaya agad akong napalingon sa gawi niya. 

"I'm sorry, I didn't know," mahina at nahihiyabko pang sabi at yumuko. 

Marami-rami rin kaming napagkwentuhan, at masasabi kong isa siya sa mamayan ng Pilipinas na simple at walang arte sa katawan. Yung iba kasi, andaming arte, akala naman nila may maiaambag sila. 

Madali rin siyang pakisamahan dahil napaka bait niyang tao. Tinulungan pa niya ako kung paano ang tamang pag gawa ng apoy gamit ang kahoy lamang. 

Nang tuluyan ng mawala ang araw, napansin ko na parang paikot ikot si Raven sa isal at hindi mapakali. Bigla naman kumulo ang tiyan ko, kaya agad akong nag angat ng tingin kay Raven. 

Mukhang nag hahanap siya ng makakain. 

"Susubukan ko lang humuli ng isda, para may makain tayo," paalam ko sa kanya sak ako tumayo mula sa pagkakaupo dito sa kahoy. 

Agad niya akong tinignan at nakita ko ang malapad na ngiti sa labi niya, "Talaga?! Salamat!" 

Pumunta ako sa may dagat at lumusong para mamingwit. Kahit isa lang makuha ko, ay ayos lang. Ibibigay ko nalang kay Raven ang halos lahat, para hindi siya magutom. 

Pero ilang oras na akong sumusubok kumuha ng isda, ay wala akong makuha. Palahing dumudulas sa kamay ko, sa tuwing nahahawakan ko iyon. 

"Yes! At last!" 

"Nakakauha ka na!" 

Agad kong tinaas ang isdang nahuli ko at tumingin sa gawi ni Raven, "Yes!" Sigaw ko at nag lakad pabalik sa buhanginan, "Ihawin na natin!" 

Habang nag lalakad ako, ay may nakita akong kumikinang sa tubig. Taka ko iyon tinignan ngmatagal, para kumpirmahin kung ano ba iyon. Nang makita kong isang bracelet iyon na gawa sa pearls, ay dahan-dahan ko iyon kinuha sa ilalim ng tubig. 

"Yehey, kakain na," masayang sabi ni Raven habang pinaiikot namin ang isda sa apoy. 

Kunot noo niya akong tinignan at nangalumbaba pa, "Hati tayo sa isda, Aries. Sayo yung isang part, sa akin yung kabila," nag thumbs up siya sa akin, "Ayos ba?" 

Tumango ako sa kanya ng nakangiti, "You can have almost the whole fish. Kaunti nalang ang kakainin ko," subestiyon ko pero agad siyang umiling. 

"Hindi. Pwede," mariin niyang sabi, "Dapat pantay tayo ng kakainin. Ano, ako enjoy na enjoy sa pagkain, tapos ikaw gutom?" Umiling iling siya, "Aba, hindi pwede iyon pars." 

Tipid akong tumawa, at binasa pa ang labi ko. Nang makapa ko sa bulsa ng shorts ko ang bracelet na nakuha ko kanina, nilabas ko iyon at nilahad kay Raven. 

Agad kumunot ang noo niya, "Ano iyan? Saan mo nakita iyan?" Turo niya sa bracelet na hawak ko. 

Tinuro ko namna ang likod ko kung nasaan ang dagat, "Nakita ko lang na nakabaon sa buhanginan sa ilalim ng tubig, kinuha ko nalang," sagot ko at tumango naman siya bago niya kinuha ang bracelet ay suotin. 

"Mukhang, mayaman ang may ari nito ah," sabi niya habang pinagmamasdan niya ang bracelet at nakangiti pa. 

Tumango ako, "Maganda nga," sabi ko habang nakatingin sa kanya. 

Nakita kong namula ang pisngi ni Raven, at sabay kaming umiwas ng tingin sa isat isa. 

"Kumain nalang tayo," suhestyion ko at inalis na sa pagkakaibabaw ng isda sa apoy. 

Tumango tango siya, "Oo nga. Mabuti pang kumain nalang tayo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status