Habang ako tahimik lang at naghihintay ng sasabihin niya. Then she turned to me. “Kat, base sa kinuwento mo, I think arrange marriage ang meron sa kanila.” Nakatingin lang ako sa kanya, tila pinaprocess ‘yung sinabi niya. “Arrange marriage?” wala sa sariling sagot ko. “Yeah,” sagot niya. “Think about it. ‘Yung mga sinabi ni Zach at nung Celestine, may mention ng family, sinabi ni Zach na napag-usapan na nila ang bagay na ‘yon, umuwi siya ng pinas kahit hindi pwede, sinundan siya ni Celestine dito para kausapin at dahil malapit na ang engagement party nila, chances are, hindi siya ang may gusto ng setup. Maybe si Zach, he’s forced into it. Alam niyo naman sa business world, uso yang arrange marriage na 'yan.” Napaisip ako sa sinabi ni Jems, may punto lahat. Pwedeng ganon nga, Arrange Marriage lang lahat.“P-pero bakit hindi niya sinabi? Hindi niya sinabi ‘yung totoo sa akin?” tanong ko, halos pabulong. “Bakit kailangan niyang itago?”“Maybe he was trying to protect you,” sagot
Katalina’s point of view Pagdating ko sa condo, agad kong isinara ang pinto, binagsak ang bag sa sahig saka sumandal sa pinto. Nanghihina ako at namumugto ang mga mata. “Katalina?” nag-angat ako ng tingin nakita ko sa sala si Jems at Fia na abala sa kanilang laptop, Nandito pala sila, Akala ko pumasok sila sa trabaho. “What are you doing here? Bakit ang aga mo—” hindi natuloy ni Fia sa sinasabi, nagulat siya nang makita ang itsura ko, namumula at mugto ang mga mata saka nanginginig ang labi. “Oh my God, girl…” mabilis siyang tumayo saka lumapit, hinawakan niya agad ako sa braso ko. Nakasunod naman sa kanya si Jems na nag-aalala din. “What happened? Bakit mugto ang mata mo? Nag-away ba kayo ni Zach?” Sunod-sunod na tanong ni Fia. Umiling ako. Hindi ako makapagsalita.Ang hirap. Parang may bara sa lalamunan ko.Parang kahit gusto kong magpaliwanag, walang boses na lumalabas. Nakatingin lang ako sa kanila, tapos ‘yung mga luha ko unti-unting tumulo. “Hey, hey…” hinawakan ni F
Next Day Ganon pa rin ang routine ko. work, reports, meetings, lunch, nap and uuwi.. Ang kaibahan lang, I kept catching myself watching him. Kapag nakatingin siya sa computer, Kapag nagbabasa ng reports, kapag may kausap sa team, o kapag seryoso siya sa calls, every moment, gusto kong sabihin na magiging tatay na siya. Pero lagi akong nauudlot.Hindi ko alam kung paano uumpisahan. “Baby,” tawag niya habang nasa meeting room kami. Katatapos lang ng meeting at naiwan kaming dalawa dito. “You okay?”“Yeah,” ngiti ko. “Just sleepy.”“Hmm. Lagi ka na lang sleepy ah. Parang lagi kang puyat? May problema ba or bumabagabag sa’yo?” Tanong niya. Damn, halata na ba? “Wala naman Baby, talagang sleepy lang.” Sagot ko. Seriously Katalina? “You sure you’re not hiding something?” tanong ulit niya habang seryosong nakatingin na sa akin. Natawa ako pero pilit.“What could I possibly be hiding?” At the back of my head, napa-facepalm ako sa sarili ko.Shit, Katalina. Did you really just say tha
Pag-uwi namin sa condo galing sa pag-go grocery, umupo agad ako sa couch habang ‘yung dalawa abala sa pagpasok ng mga pinamili namin. Hindi nila ako pinagbuhat o pinaghawak kahit ano, kahit magaan ayaw nila.. Sa pag-iikot naman sa super market mas pinili nilang maupo na lang ako malapit sa counter kesa sumama sa kanila sa pag iikot. Baka daw matagtag ako at mapagod. Kaloka, sabi ko sa kanila pwede naman ako kumilos dahil sabi ni Doc okay naman ang pagbubuntis ko. Kaso hindi talaga sila pumayag. Akala ko ok na pero hindi pa rin mapakali ‘yung dalawa. Si Jems pagkatapos ilagay sa ibabaw ng counter ang grocery agad siyang nagbukas ng laptop, nag-search ng “Foods for twin pregnancy,” habang si Fia naman busy maglista ng mga bawal. Akala ko ok na ‘yung pagbili nila ng vitamins at foods na sobrang OA sa dami kaso hindi pa pala. “Okay, bawal muna coffee. Bawal softdrinks. Bawal junk food. Bawal ang stress!” sabi ni Fia, parang doktor habang naglilista. “At bawal din ang overtime,
Katalina's point of view Ilang minuto lang inabot niya sa akin ‘yung maliit na ultrasound photo na may maliit na shadow, May kasamang papel ‘yun. Hindi pa rin ako makapaniwala, twins ang baby ko.Pagbalik ni Dr. Liza, naglabas siya ng isang folder. “Okay, Ms. Suarez. Here’s what you need to know, ha?”Tahimik akong nakinig.“Una, vitamins.” Kinuha niya ‘yung reseta at sinulat habang nagsasalita. “Bibigyan kita ng Folic acid (800 mcg) once a day. Importante ‘yan para sa brain and spine development ng babies.”“Next, prenatal multivitamins — isa rin sa umaga, kasabay ng pagkain para hindi sumakit ang tiyan.” Tapos, tumingin siya sa akin nang seryoso. “Now, let’s talk about what to avoid. Bawal muna ang caffeine in large amounts kung dati 2-3 cups ng kape, bawasan mo to one cup a day or decaf kung kaya. Bawal din ang alcohol, cigarettes, at kahit exposure sa secondhand smoke.”Tumango ako. “Sige po.”“Sa pagkain naman,” dagdag niya, “avoid raw food no sushi, no undercooked me
Kalahating oras lang nasa OB-GYN na kami nina Jems at Fia. Habang nag-aantay, Kinakabahan ako sobra. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nailipat-lipat ‘yung tingin ko sa wall clock ng clinic. 10:32 a.m. pa lang, pero pakiramdam ko ilang oras na akong nakaupo rito. Parang ang bagal ng oras, at bawat segundo, lalong bumibigat ‘yung kaba sa dibdib ko.“Relax, gurl. Baka kung ano ano ng iniisip mo ‘dyan.” sabi ni Fia, sabay abot ng bottled water. Tumingin lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Ewan ko, Fia. Parang… parang ang bilis ng lahat. Hindi ko masabi ‘yung nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ‘yung emosyon.” “Kalma lang ok? Baka naman may mangyari sa’yo niyan. Kalma, nandito kami ni Jems. kung ano man ‘yung result mamaya, at least alam mo na ‘di ba?” Huminga ako nang malalim. She’s right. kailangan kong malaman. Para maging aware na din ako sa mga kilos at kinakain ko.