Share

Chapter 4: Caught

(After a few months)

Nandito ako ngayon sa kuwarto namin ni Ace at nakahiga, mag aalastres na ng madaling araw at hanggang ngayon ay wala parin siya, tinatawagan ko siya pero hindi naman siya sumasagot, natatakot na tuloy ako kung ano na kaya ang nangyari sa Asawa ko.

Kaya’t naman bumangon muna ako sa aking pagkakahiga at tinawagan ko ito ulit, ngunit walang sumasagot kaya pinatay ko nalang ang tawag, maya maya lamang ay may bumukas ng pintuan sa sala kaya’t alam ko na siya na yun kaya naman ay humiga na ulit ako sa kama at dali dali kong pinikit ang aking mga mata, para magpanggap na ako ay tulog, hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng kuwarto namin at nanatili parin nakapikit ang aking mga mata, naramdaman ko itong humiga at hinalikan ako sa pisngi habang ako naman ay nakapikit parin, pagkatapos akong halikan nito ay humiga na ito ng tuluyan sa kama namin, kaya’t naman habang naka side view ang pagkakahiga, ay iminulat ko ang aking mga mata at tinanong ko ito.

“Love saan ka galing?” tanong ko dito habang naka side view ang pagkakahiga ko, naramdaman ko na nagulat ito dahil sa pagkakaalam niya ay natutulog na ako.

“Oum love ano kasi eh nag overtime ako kasi may pinagawa yung boss ko sa akin” sagot nito sa akin.

“Ah ganon ba” tanging sabi ko lang dito, naramdaman ko na niyakap ako nito habang nakatalikod ang pagkakahiga ko sa kanya.

“Love sorry ah, kung hindi ko nga pala nasasagot yung mga tawag mo, lalo na’t wala na akong oras kasi kailangan ko na talaga tapusin yung mga pinapagawa sa akin ng boss ko” saad ni Ace at niyakap ako at hinalikan ako sa aking leeg.

“Sorry talaga” sabi nito habang patuloy na hinahalikan ang leeg ko.

“Oum hayaan mo na yun love, okay lang” sabi ko dito habang naka side view parin ang pagkakahiga ko.

Nandito ako ngayon sa Bake Shop ko kasama ko si Ivonne ang half sister ko nagkuwentuhan kami habang umiinom ng kape at kumakain ng cupcakes.

“Ivonne kamusta ka naman” pagkakamusta ko dito

“Okay lang naman ikaw kamusta ka na?” nakangising sabi sa akin ni Ivonne.

“Ito ayos lang din naman” sabi ko dito

“Kamusta naman kayo ng family mo?” tanong sa akin ni Ivonne

“Okay lang naman kami, kaso si Ace parang laging napapagabi ang uwi niya, minsan nga napapaisip baka nambabae na siya” mahinahon na sabi ko dito.

“Hindi naman siguro at tsaka hindi niya yun kayang gawin sa yun noh” sabi ni Ivonne at uminom ng kape ngunit sa hindi inaasahan ay nabuhos ito sa damit niya.

“Ayyy” saad nito at kaagad na napatayo, kaaagad naman akong kumuha ng tissue para punusan ito.

“Oum thanks” pagpapasalamat nito, binigyan ko lamang ito ng malapad na ngiti.

Nandito ako ngayon sa sala at nakaupo upang hintayin ang asawa, mag aalasdose na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi.

“Mommy?” narinig ko ang mga boses na iyun sa aking at nagulat ako ng makita ko si Tanisha na gising pa.

“Oum anak bakit gising ka pa?” tanong ko dito at kaagad akong tumayo sa aking ikinauupuan at nilapitan ito.

“Ano kasi Mommy eh nag cra-crave ako ng chocolates na nasa refrigerator natin” nang marinig ko iyun ay gusto kong matawa, ibig sabihin bumaba siya dito para lang kumain ng chocolates.

“Sige na anak, kumuha ka na ng chocolates sa ref natin” nakangising sabi ko dito, kaagad naman itong pumunta sa kusina kung nasaan ang ref namin at kumuha ito ng mga chocolates.

“Ikaw Tanisha, kain ka ng kain hindi ka naman tumataba” pabirong sabi ko dito.

“Mwehehehehe” nakangising sabi nito

Bago pa ito tumaas ng kuwarto ay nagtanong ito sa akin.

“Oo nga pala Mommy kayo po bakit naandito pa po kayo, hindi po ba dapat ay natutulog na po kayo?” tanong nito sa akin.

“Oum hinihintay ko pa kasi Daddy mo eh” mahinahon na sabi ko dito.

“Mommy pumunta ka na po sa kuwarto mo at matulog kana po, uuwi din po iyun” nakangising sabi ni Tanisha sa akin, sa totoo lang ayoko na mag aalala pa sa akin ang anak ko kaya naman sinunod ko nalang ang sinabi niya na matulog na lang ako.

“Oo nak matutulog na ako” nakangising sabi ko dito.

“Okay Mommy goodnight, taas na po ako sa kuwarto ko” saad ni Tanisha at tumaas na ng kuwarto niya.

Mukhang na pra praning na ako, bakit ko pa siya pag iisipan na may Babae eh baka naman totoo ang sinasabi nya na nag oovertime siya sa office nila, kaagad naman akong pumunta sa kuwarto namin at nagsimulang matulog.

Nandito ako ngayon sa Bake shop ko kung saan nagbebenta ako ng mga Cupcakes, sa totoo lang hindi ako makapaniwala na sa pagbabake ko ay magkakaroon ako ng sarili kong Bake shop, habang nakaupo ako sa upuan at tahimik na kumakain ng cupcake ay biglang pumasok sa Bake shop ko ang kaibigan ko na si Melissa.

“Hi Faith, kamusta ka na?” pagkamusta nito sa akin.

“Oum okay lang naman ako, ikaw kamusta ka na?” nakangising sabi ko dito.

“Okay lang din, oo nga pala may sasabihin ako sayo” bulong na pagkakasabi ni Melissa sa akin.

“Hmm ano yun?” tanong ko dito.

“May nakita akong babae na kasama ni Ace” bulong nito sa akin, nang marinig ko ang mga salitang yun, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi.

“Melissa sigurado ka ba, baka naman namalikmata kalang?” tanong ko dito.

“Hindi ako pwedeng magkamali, hindi naman pwedeng ikaw ang babaeng kasama niya lalo na't, hindi ka naman palagi pumupunta sa Kompanya nila” saad nito.

“Saan mo sila nakita at kailan?” tanong ko dito.

“Kagabi lang, sa labas sila ng Kompanya nila nag uusap”

“Nag uusap lang naman pala eh, baka naman kaibigan niya lang yun?”

“Kaibigan eh nag kiss eh, bago sila umalis nag kiss sila” nang masabi ni Melissa ang mga salitang binitawan nito kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako mapaiyak, parang gusto kong umiyak at magwala nang mga oras na yun.

“Melissa oum pwede ba umalis ka muna” sabi ko dito habang pinipigilan ko ang mga luha ko na tutulo sa aking mga mata, hindi ko alam kung bakit ba ako naiiyak ngayon, eh baka naman hindi totoo ang sinasabi ni Melissa, pero hindi eh kahit isang beses hindi pa nagsisisnungaling si Melissa sa akin, dahil sa sinabi ko kay Melissa ay umalis na ito ng Bake shop.

8: P.M.

Siguro namalikmata lang si Melissa kagabi, ayan ang mga salitang isinaisip ko ngayon kasi alam kong hindi ako kayang lokohin ng asawa ko, naandito ako ngayon sa labas ng kompanya nila Ace at may dala akong cake upang sopresahin lamang siya, at habang papasok ako sa company nila Ace ay ang daming mga kotse na naka part sa gilid ko hanggang may isang kotse na naka agaw ng atensyon ko.

“Teka kotse yun ni Ace ah” bulong ko sa aking sarili, kaya naman nilapitan ko ito dahil maaring naandito ngayon si Ace, sa di kalayuan ay may nakita akong dalawang tao sa loob ng kotse na naghahalikan, nang makita ko yun ay hindi ko napansin na may tumutulo na pala na luha sa aking mga mata, hindi ko alam kung sino ang babaeng kahalikan ni Ace dahil nakapatay ang ilaw ng kotse, kaya hindi ko makita ang mukha ng babaeng kahalikan niya, hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung pano niya itong nakayang gawin sa akin, pero ang alam ko lang ngayon ay ang taong pinakamamahal ko ay sinaktan ng sobra ang damdamin ko, parang sinaksak ang puso ko nang makita sila ng naghahalikan, ayokong sumugod doon at mag eskandalo ayokong sabihin nang mga tao na wala akong pinag aaralan kaya't naman nagpipigil ako ngayon sa nararamdaman ko.

“Ang kapal ng mukha mo, pano mo ito nagawa sa akin, lahat naman ginawa ko maging mabuting Ina at Asawa lang ako at ito lang ang igaganti mo sa akin, ito ang ipapangako ko saiyo magbabayad ka at aalamin ko kung sino ang babae mo at magbabayad kayong dalawa sa akin sa pangloloko niyo sa akin,” nanginginig ang boses ko nang binitawan ko ang mga salitang iyun, habang ang luha ko naman ay patuloy na tumutulo sa aking mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status