"Oh, hayan pinirmahan ko na, sana naman maging masaya na kayo"
pabagsak na inilapag ni Azariah sa mesa ang annulment papers nila nang asawa matapos niya itong permahan. Tahimik naman na nakatitig lamang si Damon sa annulment papers habang si Ciara naman ay hindi maipag kakaila ang malawak na pagkaka ngisi nito. Tila ba'y tuwang tuwa ito na sa wakas ay ma a-annulled na ang dalawa. Kalalabas niya pa lamang nang hospital ay kaagad siyang umowi nang bahay para ayusin ang mga gamit niya. Ngayon na wala na ang nag iisang mag bubuklod sa pamilyang pinangarap niya ay wala na ring saysay pa na manatili siya roon. Lalo pa't matagal na siyang isinusuka nang sarili niyang asawa. Too bad, kung kailan na wala ang anak niya ay doon niya lang na realize ang worth niya bilang babae. Sana noon niya pa naisipang bitawan ang lalaking wala namang ibang ginawa kundi ang saktan siya at tapak tapakan ang kaniyang pag katao. Naging bulag siya sa katotohanan dahil sa labis niyang pagmamahal sa kaniyang asawa. "Azariah" Mahinang sambit ni Damon. Alam niyang nag dadalamhati parin ang babae dahil sa pagka wala nang magiging anak nila. Hindi alam ni Damon kung bakit nang nga oras na 'yun ay parang na sasaktan siya dahil sa ginawa nitong pag perma sa annulment papers na dapat sana ay ikatuwa niya dahil iyon naman ang kagustohan niyang mangyare. "I already signed the annulment papers. Malaya ka na, iyon naman ang gusto mong mangyare dati pa hindi ba?" Mababakas ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. She was also holding back her tears, she don't want to cry in front of them. Ayaw niyang kaawaan siya nang mga ito. "Mabuti naman at natauhan kana rin na kahit ano pang___" "Manahimik ka. Sinabi ko bang mag salita ka?" putol niya sa iba pang sasabihin ni Ciara. Nakita niya namang napa tiim bagang ito at ma dilim ang mga tingin na ipinupukol sa kaniya. Pero wala na siyang pakialam pa roon. Tinaponan niya pa nang tingin ang mga ito bago siya tumalikod bitbit ang kaniyang mga gamit. Nang tuloyan siyang maka labas nang bahay ay kaagad siyang pumara nang taxi. Nag pahatid siya sa bahay na tinutuloyan ni Paolo, na isipan niyang doon muna siya pansamantalang manunuloyan. Ayos lang naman iyon sa kaibigan dahil nakapag usap naman na din sila. Nalaman na din nito ang nangyareng pagka wala nang sanggol sa sinapuponan niya. Wala pang alam ang mga magulang niya patungkol sa kaniyang kalagayan at sa pagkawala nang sanggol sa sinapuponan niya. Madami nang problemang kinakaharap ang kaniyang pamilya, ayaw niya nang dumagdag pa roon. Kaagad siyang bumaba nang taxi matapos mag bayad. Kumatok siya sandali hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Paolo na naka suot pa nang apron at may hawak na sandok. Halatang nag luluto ito. Nilakihan nito ang pagkaka bukas nang pinto nang makita kong sino ang panauhin. "Mabuti naman at umalis kana roon" Sambit nito nang tuloyan nang makapasok si Azariah. Sandali nitong isinara ang pinto. "Ewan ko ba sayong babae ka at hinayaan mo munang mawala ang anak mo bago ka natauhan at iwanan ang demonyo mong asawa" pangaral nito sa kaibigan habang nag lalakad patungong kusina. Tahimik namang naka sunod dito si Azariah. "Hindi ko din alam Pao, siguro dahil sa kagustohan kong bumuo nang isang kompletong pamilya ay nag tiis ako lahat sa mga maling pag trato ni Damon sa'kin" "Tignan mo ang nangyare, nang dahil sa pagiging martir mo nawalan ka nang anak" sa sinabing iyon nang kaibigan ay biglang nanubig ang mga mata ni Azariah. Alam niya sa sarili niya na kasalanan niya kung bakit nawala ang anak niya. Dahil sa matindi niyang pag mamahal sa asawa at sa kagustohan niyang magkaroon sila nang buong pamilya. Hindi niya naman sukat akalain na mawawala ang sanggol sa sinapuponan niya nang dahil lang sa pag pupumilit niyang mabigyan ito nang isang buong pamilya. "Alam ko namang kasalanan ko ang nangyare e, pero kahit mag sisi pa ako hindi naman na non mababalik ang isang buhay na nawala sa'kin" malayang nagsi landas ang masaganang luha sa kaniyang pisngi habang sinasabi ang mga salitang yon. Bilang isang ina masakit para sa kaniya na mawalan nang anak, ni hindi man lamang niya ito nakita o nahawakan man lang. Subra siyang nag sisi nang dahil sa kaniya ay nawala ang anak niya. Sana noon niya pa binitawan ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Pero kahit na ano pang pagsisisi ang gawin niya nangyare na ang nangyare. She already lost her child. "Oh, siya tama na yan mabuti pa ay kumain na muna tayo. Alam ko hindi kapa kumakain" ani Paolo matapos hubarin ang suot na apron at isinabit iyon sa bakanteng upoan. Nag lagay na rin ito nang mga plato at kubyertos para sa kanilang dalawa. Samantala sa bahay naman nang dating asawa ni Azariah ay walang pasabi na dumalaw ang matapobreng ina ni Damon. As usual, may kasama na naman itong body guard. Hindi yata nito kayang lumabas nang walang kasamang body guard. Paulit ulit nitong pinindot ang doorbell sa labas habang kunot noong naka masid sa loob. "My God! bakit naman ang tagal ang init pa naman dito sa labas. Ano ba kasing ginagawa nang bruhang iyon?" Irita niyang sambit ang tinutukoy ay si Azariah. Hindi nito alam na wala na doon ang babae. Maya maya pa ay bumukas ang front door nang bahay at iniluwa niyon si Ciara na kunot noong nakatingin sa labas nang gate. Puno naman nang pag tatakang sinipat ng tingin nang ina ni Damon si Ciara. Hindi ito pamilyar sa kaniya, sa isip-isip niya ay baka kumuha nang katulong ang kaniyang anak. Pero impossible dahil sa klase nang pananamit nito ay hindi naman ito mukhang katulong. Mas katulong pa nga ang hitsura ni Azariah kaysa sa babaeng nasa harapan niya ngayon. "Who are you?" Takang tanong niya nang makalapit na si Ciara sa gate maging ito ay nag tataka kong sino ang ginang na nasa labas nang bahay nang kaniyang nobyo. Noon niya lamang ito nakita. "Kayo, sino naman kayo?" sa halip na sagotin ay tanong din ang ibinato nito sa ginang. Kita naman kaagad ang pagka irita sa mukha nang ina ni Damon. "I am Damon's mother. E, ikaw? sino ka at bakit na rito ka sa bahay nang anak ko? are you one of his maids?" She said while raising her brows. Nataranta naman bigla si Ciara nang marinig na ina pala ito ni Damon. Aligaga nitong binuksan ang gate. "Kayo po pala ang ina ni Damon?" Tanong naman ni Ciara matapos buksan ang gate. Malapad ang ngiting ibinigay niya sa ginang na ngayon ay mataman lamang na nakatitig sa kaniya na para bang pinag aaralan nito ang buong pagkatao nang babaeng kaharap. Nasa ganoon silang tagpo nang lumabas si Damon. Bahagya pa itong nagulat nang makita roon ang ina. Dali-dali itong nag lakad papalapit sa dalawa. "Mom, why you didn't inform me na bibisita pala kayo ngayon" anito. Dahil sa pagdating nang lalaki ay doon lang inalis nang ginang ang tingin nito kay Ciara na ngayon ay nakangiti parin. "Sino naman itong babaeng 'to anak? hindi ko alam na ganitong klase na pala nang katulong ang kinukuha mo. Baka mag selos ang asawa mo n'yan. Aba'y mas presentable pa manamit ang isang 'to kaysa doon sa asawa mong maka luma" walang ka gatol-gatol na turan nito. "Mom, she's not my maid" ani pa ni Damon habang napapakamot sa batok. "I'm his girlfriend po and soon to be his wife" proud pa na sambit ni Ciara na sumingit sa usapan nang mag ina. Dahil sa sinabi nito ay napa taas naman nang kilay ang ginang. "Hindi mo ba alam na nakatali na itong anak ko?" "Wala naman na po sila nang asawa niya, nagka permahan na po nang annulment papers" Sambit pang muli ni Ciara na ikinagulat naman nang ginang. Nagpalipat lipat ang tingin nito kay Ciara at sa anak nito na tahimik lamang sa tabi. "Is it true son? annulled na kayo ni Azariah? How? Kailan pa? Bakit wala akong ka alam-alam" Hindi parin makapaniwala na tanong nito habang naka upo sa pang isahang sofa nang maka pasok na sila sa bahay. Hindi niya alam kong papaanong napa payag nang anak niyang pumerma sa annulment papers ang babaeng 'yon. She knew na kapit na kapit ito sa anak niya. "Kanina lang mom" maikling sambit naman ni Damon. Maya maya pa ay masayang pumalakpak ang ginang na animo'y na sisiyahan ito sa nangyareng hiwalayan nang dalawa. Sa wakas ay nataohan na ang anak niya na hindi ang katulad ni Azariah ang babaeng makaka tuloyan nito. Sa pagkakataong iyon ay pwede niya na itong ipares sa anak nang kaibigan niya na siyang ka sosyo din nila sa negosyo. "Hays, mabuti naman at hiwalay na kayo nang babaetang 'yon" masayang aniya. "Yes, tita. Ngayon na wala na sila nang babaeng yon may chance na kaming dalawa ni Damon na mag sama, right hon?" Biglang singit naman ni Ciara na nakangiti pang binalingan si Damon sa tabi na hindi man lamang umimik. Tinaasan naman nang kilay nang ginang si Ciara dahil sa sinabi nito. Hindi niya naibigan ang mga salitang lumabas sa bibig nito. "And what do you think...na papayag akong ikaw ang maka tuloyan nang anak ko? Ni hindi ko nga alam kong saang lupalop ka nang galing" mataray na ani nito na siya namang ikina tahimik ni Ciara, tila'y napahiya ito sa ina nang lalaki. Hindi naman niya sukat akalain na matabil pala ang dila nang isang ito. "May kilala akong mas babagay para sa anak ko, yung magagawa kong maipag malaki sa mga kaibigan ko at yung kapareho nang katayuan namin sa buhay" Alanganing napatitig si Ciara kay Damon. Hindi niya sukat akalain na ganito pala ang pag uugali nang ina nang lalaki. Ang buong akala niya na kapag nagka hiwalay si Damon at ang asawa nito ay mapapadali na ang plano niyang maikasal sa lalaki pero mukhang hahadlangan pa yata iyon nang ina nito. Hindi siya makaka payag. "Ano ba ang trabaho nang mga magulang mo hija?" Usisa pa nang ina ni Damon. Nahihiya namang napayuko si Ciara mukhang ma ha hot seat ata siya nang isang ito. Bahagya muna siyang sumulyap kay Damon bago sumagot sa ina nito. "A-ah wala na po akong parents, yung mama ko po ay namatay noong four years old pa lang ako at ang tatay ko naman ay____" "May trabaho ka ba ? Anong natapos mo?" Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Nakapag aral ka ba nang college?" Dagdag pa nito nang hindi agad nakapag salita si Ciara. "Mom, that's enough" saway naman ni Damon. "What? I'm just asking her" "H-high school lang po ang natapos ko dahil___" "So , wala kang trabaho?" Daretsahang sambit nang ina ni Damon. Napapailing na lamang ang anak nito. "D-dati po meron" nahihiyang sagot ni Ciara. "Anong klaseng trabaho naman 'yun?" Pang uusisa pa nito. She wanted to know the background of this girl. Malay niya ba kong saan-saan na naman ito napulot nang kaniyang anak. "Mom, tumigil na kayo, naiilang na si Ciara" ani Damon sa ina. Nag kibit balikat naman ang ina nito na animo'y wala lamang iyon para sa kaniya. "What's wrong? I'm just interrogating her. Masama ba na kilalanin ko ang bagong nobya nang anak ko?" Saad nito na pinaka diniinan pa ang salitang 'bagong nobya' "Pero personal na masyado ang mga tanong ninyo" protesta pa ni Damon. "Oh, okay. By the way, na saan na nga pala iyong asawa mo? I mean dating asawa?" Usisa nang ina ni Damon. Napayuko sandali ang lalaki, pagkatapos ay muling nag angat nang tingin sa ina na mataman lamang na nag aantay sa sagot nito. "She left already" mahina at halos pa bulong lang na sambit ni Damon. Napa tango tango naman ang ina nito. "That's good to hear then, bueno, aalis na ako. I want you to come home tomorrow, I will introduce to you sa unica hija ni Samuel. I'll bet na magugustohan mo siya" walang pakundangang sambit nito na pahapyaw pang tinapunan nang tingin si Ciara na tahimik lamang sa tabi ni Damon. Pero sa loob-loob nang babae ay hindi niya nagugustohan ang ina nito. "Huy! sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan? pwede namang dumito ka na lang muna sa bahay. Alam ko hindi kapa okay dahil sa mga nangyare" nag aalalang sambit ni Paolo kay Azariah nang malaman nito na balak mamasukan nang kaibigan sa isang kilalang kompanya. Paolo knew that she's not totally healed patungkol sa mga nangyare sa buhay nito lalo na ang pagka wala nang anak nito. Bumuntong hininga si Azariah matapos lingunin ang nag aalalang kaibigan. Siguro nga hindi pa siya gaanong okay dahil sa mga nangyare pero hindi naman pwede na palagi na lamang siyang mag momukmok at umiyak nalang sa tabi. She needs to move forward para sa sarili niya. "Ano ka ba naman Pao, nakaka bagot kayang mag stay dito at isa pa ayaw ko namang maging pabigat at palamunin mo, ano?" Masyadong mabait ang kaibigan niya at ayaw niya namang abusohin iyon. Kaya nga nag hahanap siya nang bagong trabaho para naman makatulong din siya dito kahit papano. "Diyos ko ka! hindi ka naman pabigat sa akin e" palatak naman nang kaibigan nitong bakla. Napa buntong hininga na lamang si Azariah pero gayunpaman buo na ang desisyon niyang mag apply sa isang sikat na kompanya kong saan sigurado siya na matatanggap siya. "Pao, desidido na ako. I need to find a job para naman malibang ko ang sarili ko at makalimutan ang mga nangyare" Paolo heaved a sigh. "Kung sa bagay, oh siya sige na. Basta ba mag iingat ka ha" anito sa kaibigan. Tipid na ngiti lamang ang itinugon ni Azariah dito bago tuloyang nag paalam sa kaibigan. Samantala galit na pinag babato ni Ciara ang lahat nang mga gamit na mahawakan niya. Wala siyang pakialam kahit pa mamahalin ang mga iyon. She wanted to let out her anger. Pilit naman siyang inaawat ni Damon. "Ciara, that's enough! ano bang nangyayare sa'yo?" Kunot noong tanong nito sa kasintahan na wala paring tigil sa ginagawang pamamato nang mga gamit niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya nang tingin ni Ciara. "Tinatanong mo ako kong anong nangyayare sa'kin? really Damon?" "Ano ba kasi ang problema?" Naiinis nang tanong ni Damon dahil hindi niya maintindihan kung saan nang gagaling ang galit nito at bigla-bigla na lamang itong mag wawala. " Yang mommy mo ang problema!" Singhal ni Ciara na ikina kunot naman nang noo ni Damon. "Alam niyang gf mo ako. Pero bakit mas gusto pa niyang ipakilala ka sa ibang babae? hindi lang yun, ininsulto niya pa ang pagka tao ko!. Bakit ganyan ang magulang mo ha? masyadong mata pobre" she let out a cry habang sinasabi ang mga salitang 'yun. Hindi naman mapigilang mahabag ni Damon dahil sa sakit na nakikita nito sa kasintahan. Kaya naman lumapit siya at niyakap ito nang sa ganon ay maibsan man lamang niya ang sakit na nararamdaman nito. "Shhh, I'm sorry" tanging na sambit niya na lamang habang hinahagod ang likod nito na patuloy parin sa pag tangis. "Ano, pupunta ka ba bukas sa bahay nang mom mo? Gusto mo din bang ma meet yung babaeng sinasabi niya?" Bumitaw sa pagkakayakap si Damon at hinarap si Ciara na puno nang pag aalala ang mukha na baka nga ay pumunta roon ang nobyo. Pag nagkataon ay tapos na ang mga plano niya. "Hindi ako pupunta roon" "T-talaga? oh, baka naman niloloko mo lang ako" "Nope, seryoso ako sa'yo at ayaw ko nang humanap pa nang iba kasi nandiyan ka na eh. At ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay" Sambit nito na puno nang sinsiredad. Kaya naman napangiti si Ciara at kaagad na yumakap dito. Kuhang-kuha niya na talaga ito kaya mas lalong lumapad ang pagkaka ngiti niya. "Ano na Ciara, tuloy pa ba ang plano? Oh, baka naman tuloyan ka nang nahulog diyan sa lalaking 'yan at kinalimutan mo na ang totoo mong pakay kong bakit ka lumapit sa lalaking 'yan" Boses iyon nang isang babae mula sa kabilang linya. Kasalukuyang nasa labas nang bahay si Ciara para sagutin ang kong sinong bigla na lamang na tumawag sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapalingon-lingon sa bukana nang bahay dahil baka bigla na lamang sumulpot sa tabi niya si Damon. "Ma, naman kaunting pagtitiis na lang. H'wag kayong mag alala tuloy parin naman ang plano. Nagawa ko na ngang pag hiwalayin sila nang asawa niya. Pero may kaunting problema" "Ano na namang problema?" "Yung nanay niyang matapobre, siya nalang ang sagabal sa mga plano ko na maikasal kay Damon" na iinis niyang pag susumbong dito. "Edi gumawa ka nang paraan, kong kinakailangang suyoin mo iyang ina niya gawin mo" desperados nang ani nang nasa kabilang linya. "Tsk! hindi ko alam kong papaano ang gagawin ko para naman lumambot ang puso non sa'kin" "Ah, basta dapat maikasal kayo ni Damon dahil kong hindi tapos ang maliligayang araw natin" Ciara just rolled her eyes. "Oo, na ma. Hindi ako papayag na hindi maikasal kay Damon marami na akong isinakripisyo" "Aba'y dapat lang ano?" "Oh, sige na ma, ibababa ko na ito" aniya sa kabilang linya nang marinig niya ang mga yabag na papalapit.--- After 3 years ---"Uyy! Dela Vega, may dalaw ka." Anang pulis habang tinatanggal ang pagkaka kandado ng selda nila Damon. Si Damon na naka higa sa kaniyang higaan ay nag mamadaling tumayo. Bakas sa mukha ang tuwa ng marinig ang sinabi ng pulis na mayroon siyang dalaw. Kailan nga ba ang huling beses na may dumalaw sa kaniya? matagal-tagal narin iyon. Sino nga kaya ang dalaw niya. 'Sana isa kanila Edmond o Ciara.' bulong niya sa kaniyang sarili. Alam niyang hindi naging maganda ang relasyon nila ng pinsan niya mag mula ng maipakulong siya ni Patricia. Huling dalaw naman ni Ciara sa kaniya ay iyong mga panahong pinag tutulakan niya ito. Sa itinagal-tagal niya sa kulongan marami siyang na realize. Mga pagkaka mali niya, mga kasalanang na gawa niya sa mga taong malalapit sa kaniya lalo na sa mag ina niya. Sa matagal na panahong lumipas na hindi niya nakikita ang mga ito ay mas lalo siyang nananabik na muling masilayan ang kaniyang mag ina. "Sino po ang dalawa ko?" Tanong niya sa
Nang maka balik na sa cottage sina Azariah at Laurence ay na roon na rin ang mga magulang nito. Napag pasyahan muna nilang kumain. Medyo marami-rami rin ang mga pagkaing in-order ni Laurence. Pagkatapos nilang kumain ay nag simula ng maligo ang dalawang kambal. "Doon ka sa pam bata kasi hindi ka naman marunong lumangoy." Ani Nico sa kakambal niyang si Nica na may halo ng pang-aasar. Iningosan lamang ito ni Nica bago nag dadabog na nag lakad papunta sa swimming pool kong saan may iilang toddlers ang naliligo kasama ang kanilang mga magulang. Tatawa-tawa naman si Nico na nag lakad papunta sa adult part ng naturang swimming pool. Nilingon pa ito ni Nica pagkatapos ay siniringan niya ang kambal kahit na hindi naman ito naka tingin sa kaniya. Na roon siya gilid ng swimming pool na para sa mga bata lamang. Gusto niya na talagang maligo kaso nakakahiya naman siguro kong makikisali siya sa mga bata. She's already fifteen. Sa huli ay napapa buntong hininga siya na nag tungo parin doon. Baha
Nang sumapit ang umaga, maagang na gising si Laurence. Naupo siya sa malambot na kama. Nang tumingin siya sa kaniyang tabi ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi ng makitang mahimbing parin na natutulog ang kaniyang mahal na asawa. Sa tabi naman ng kama nila ay nakalagay ang isang crib kong saan mahimbing din na natutulog ang kanilang anak. Kay ganda lamang nilang pag masdan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkaka upo. Inayos niya muna ang pagkaka kumot kay Azariah kapagkuwan ay nilapitan niya ang anak at ma suyog ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Ang cute naman ng baby, tulog na tulog parin ah" sambit niya pa habang may matamis na ngiting naka paskil sa kaniyang mga labi. Kapagkuwan lang ay lumabas siya sa kanilang silid at mabilis na nag tungo sa baba. Masyado pa namang maaga kaya naman lumabas muna siya ng bahay nila. Napag pasyahan niya na pumunta sa tabing dagat para mag abang ng mga mangingisda na dadaong sa mga oras na yun. Balak niyang bumili ng isda n
"Na ayos mo na ba lahat ng dadalhin?" Ani Azariah kay Laurence habang inilalagay nito ang kanilang mga gamit sa likod ng kotse. Siya naman ay kalong-kalong ang anak nila na mahimbing na natutulog. "Oo, sinigurado kong wala tayong naka limutan" sambit naman ni Laurence. "Rafael...yung isa ko pang maleta bitbitin mo" wika ni Cynthia sa asawa na nasa likuran naman nito bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang maleta. "Bakit naman kasi ang dami-dami mong dinalang gamit. Pwede namang iwanan na lamang tong iba rito" reklamo naman ni Rafael habang hila-hila ang malalaking maleta. Para tuloy silang mag a abroad sa lagay na 'yun. Kaagad namang tinulongan ni Laurence ang ama na ilagay ang mga gamit ng mga ito sa likod ng kotse. Kapagkuwan ay muling bumalik sa loob ng bahay si Rafael para kuhanin ang isa pang maleta. Napapa iling na lamang si Laurence habang naka ngiti.Kasi kahit na anong iutos ng ina nito sa kaniyang ama, mag reklamo man ito ay susunod parin ito. Matapos masigurong wala n
Abala si Azariah sa pamimili ng ilang mga groceries na dadalhin niya sa probinsya nila dalawang araw mula ngayon. Mag isa lamang siya na pumunta para mamili ng mga pasalubong. Marami pa kasing inaayos sa kompanya si Laurence para wala na itong aalalahanin pa kapag nag bakasyon sila sa Santa Monica. Nasa mga chips section na siya ng biglang may bumangga sa push cart niya. "Ayy...sorry, hindi kasi ako tumitingin sa---" Napahinto sa pag sasalita ang babae ng mag tama ang kanilang mga mata. Hindi naman sukat akalain ni Azariah na mag ko cross ang landas nila doon. "Ciara?" Sambit niya sa pangalan nito. Ngumiti naman ang babae ngunit halata sa mukha nito ang pagka ilang. "Kamusta?" Sambit niya pa sa babae. "O-okay lang naman, ikaw kamusta? mukhang nasa maayos kanang kalagayan ngayon" aniya na para bang ang awkward niyon sabihin matapos ng mga ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit wala na rin naman iyon kay Azariah. Matagal na yun and she already moved on. Napa tawad niya narin naman ang
Halos magka sabay lang na dumating sa presento ang patrol car ng nga pulis at ang sasakyan nila Edmond. Hila-hila ng mga pulis ang lalaki at si Damon papasok sa loob ng presento. Sa interrogation room kong saan ay na roon ang lalaki. Naka upo ito sa plastic na upoan, naka tungo ang ulo habang naka posas naman ang mga kamay nito. "Sino ang nasa likod ng pang ho hostage mo sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?" Ma riing tanong ng pulis sa lalaki. "Hindi niyo ako mapapa amin" ma tigas na Saad ng lalaki habang naka tungo parin. Nagkatinginan naman ang mga pulis na naroon habang sina Patricia naman at Edmond ay nasa tabi lamang at tahimik na pinag mamasdan kong papaanong paaminin ng mga pulis ang lalaki sa kong sino ang master mind sa pag dukot kay Damon at kong ano ang motibo ng mga ito para gawin iyon. "Mag sasalita ka ba o hindi, kahit hindi ka mag salita makukulong ka parin" Sambit ng pulis. "Edi ikulong ninyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko sasabihin kong sino a
Kumikislap ang mga mata ni Laurence at matamis ang ngiti habang naka tingin sa maliit na sanggol na lalaki na kalong-kalong niya sa kaniyang braso. Masuyo nitong hinimas ang maliit na ulo ng sanggol. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi."Ang gwapo naman ng baby na 'yan" masaya namang saad ng ina nito habang marahang kinukurot ang pisngi ng sanggol na mamula-mula pa ang balat. "Syempre naman mom, nag mana yata sa'kin to, gwapo din" ani Laurence na natatawa. Kaya natawa nalang din ang asawa at ang ina nito. "Hello, baby...ka mukha mo ang Daddy" naka ngiting ani Laurence habang nilalaro ang maliliit na daliri ng sanggol. Ngumiti naman ito kaya mas lalo siyang ng gigil lalo pa ng makitang may biloy ito sa magka bilang pisngi. "Hmm...'yan talaga ang napaka unfair ano? yung tipong tayo ang nag dala ng siyam na buwan tapos pag labas kamukha lang ng mga asawa natin" Kunwari ay inis na sambit ng ina ni Laurence na ikina tawa naman ni Azariah. "Oo nga po mom, subrang unf
Pagkarating nila sa hospital ay kaagad na binuhat papasok si Ciara ng driver na sinakyan nila. Kaagad naman din silang inasikaso ng mga nurses na naroon. Namimilipit na sa subrang sakit si Ciara ng ipasok siya ng mga ito sa Emergency Room. "Na kilala mo ba kong sino ang lalaki?" Tanong ni Patricia kay Edmond ng ikwento nito ang nangyare sa bahay nila kahapon. Hindi niya alam kong nakuha ba ng lalaking yun ang pinsan niya. "Hindi eh, ano sa palagay mo...may kaugnayan ba ang lalaking iyun tungkol sa nangyare kay Damon dati" "Siguro, baka napag alaman na nilang buhay ang pinsan mo at bigla siyang binalikan... para tuloyang burahin sa mundo" giit naman ni Patricia. "Mukhang may taong malaki ang galit sa pinsan mo" dagdag pa nito. "Ewan ko...na saan na kaya yun ngayon" Sa isang lumang bahay na malayo sa lungsod ay doon dinala si Damon ng lalaki. Hinila siya nito pababa ng sasakyan at itinulak sa isang maalikabok na sulok. Kaagad namang naka singhot ng alikabok si Damon bagay na ikina
"Nay, Tay. Mag iingat po kayo " naluluhang ani Azariah sa kaniyang mga magulang habang nasa labas sila ng airport. Ngayong araw kasi ay uuwi na ang mga ito sa Santa Monica dahil kailangan na ring mag enroll ng kambal. Ilang araw na lamang ay mag papasukan na at kailangan nilang humabol. Hindi naman napigilan ng ina ni Azariah ang maiyak dahil uuwi na sila at magkaka hiwalay na naman. Ilang buwan pa ang bibilangin bago sila muling magkita. "Kayo rin anak, mag iingat kayo" madamdaming Sambit nito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag bagsak. "Nay, naman bakit kayo umiiyak? na iiyak na rin tuloy ako" ani Azariah habang nag sisimula na ring manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Muli silang nag yakapan hanggang sa bumitaw na ang mga ito para pumasok sa loob. "Sige na po nay, tay baka ma Iwan kayo ng flight ninyo" Ani Azariah habang nag pupunas ng luha. Yumakap naman ang kambal sa kaniya, pati ang mga ito ay naiiyak na rin. "Ma mi miss ka namin ate" Sambit ni Nico. "M