Share

Chapter 3. “Caught in the act”

Chapter 3. “Caught in the act”

Elyse’ POV

            Mabilis kaming naglalakad ni Emerald papunta sa cafeteria. Venice again? Is this really how shallow she is?

            “Bakit naman may mga pulis?” tanong ko.

            “Sinisisi niya ‘yong worker sa cafeteria na nag-upload nong video niya sa internet to gain symphathy. Tapos pinapahuli siya sa mga pulis for cyber-bullying.” Emerald explained.

            Pagdating sa cafeteria ay maraming students ang nagkukumpulan. Sumingit kami ni Emerald to face Venice, at doon ko nakita siya na may kasamang dalawang pulis at nakaharap sa kanya ang isang babae na worker sa cafeteria.

            “This is right for you for ruining me!” Sigaw ni Venice sa babae. Napatingin ako sa babae na sinigawan niya at halos idikit na nito ang mukha sa sahig dahil sa pagyuko niya.

            “Ma’am sorry po, pero hindi po ako ang nag-post ng video. Wala nga po akong cellphone, Ma’am.” Paliwanag ng babae.

            “You liar!” Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Venice. “My mom and dad were so mad at me because of you!” Nagpanting ang tainga ko at napataas ako ng kilay sa narinig kong sinabi niya. She was about to slap the girl when I go near her and grab her arm to stop her. Matalim siyang napatingin sa akin at ginantihan ko rin siya ng masamang tingin.

            “Enough, Venice.” I said with my greeted teeth. “You’re the one who ruined yourself and it is your faulth why your parents are mad at you. So stop pointing your mistakes to anybody.” Mariin kong sabi.

            “What do you think you’re doing you il—“ Napahinto siya. Nanlaki ang mga mata ko nang muntik na niyang masabi ang salitang iyon. “Arrest her!” utos niya sa mga pulis pero pinigilan ko sila.

            “Show your warrant first.” I demanded. Nagkatinginan ang dalawang pulis at walang naipakitang warrant sa akin. “So, you don’t have the right to arrest her.” Sabi ko. “Or did Venice paid you to do this?” Kita ko kung paano umatras ang dalawang pulis sa harap ko. Binalikan ko ng tingin si Venice at kita ko ang nanlilisik niyang mata at nanggagalaiti niyang mukha.

            Matagal kaming nagtitigan at nagpalitan ng masamang tingin sa isat’ isa bago niya ako irapan at padabog na naglakad paalis. Sumunod naman sa kanya ang dalawang pulis na kasama niya. Nang makaalis si Venice ay umalis na rin ang mga nagkukumpulang students sa cafeteria.

            Huminga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko. How brave of me to do that to Venice? Alam kong magagalit siya at ako naman ang pagdidiskitahan niya. Napabuntong-hininga na lang ako at nilapita ako ni Emerald.

            “Okay ka lang, besh?” tanong niya sa akin. Tumango-tango lang ako at nginitian siya. “Tiklop naman pala siya e. Alam mo besh, lodi na talaga kita.” Natatawang sabi ni Emerald kaya natawa rin ako pero napahinto ako nang makarinig ng paghagulgol. Nilingon ko ang babaeng ipapaaresto sana ni Venice at nilapitan.

            “Are you okay?” tanong ko sa kanya at saka inabot ang panyo ko. Tumingala siya sa akin at kinuha ang panyo.

            “Salamat po, Ma’am.” Aniya sa pagitan ng paghikbi niya.

            “Ate, Weng!” Napalingon naman kamin sa lalaking sumigaw at palapit sa amin nang manlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

            “My God, besh!” Kinikilig na sabi ni Emerald. Lumapit siya sa babaeng umiiyak sa harap ko.

            “Are you okay, Ate Weng?” tanong niya sa babae. Bigla naman siyang tumingin sa akin ng masama. “How could you this to her?” sigaw niya sa akin na kinabigla ko.

            “Arkin, wag kang magalit sa kanya.” Tawag sa kanya ng babae. Nilingon niya ulit ang babae. “Hindi siya.” Sabi ng babae sa kanya.

            Tumingin naman sa akin si Arkin ulit at kita ko kung paano namula ang mukha niya sa hiya.

            “I’m sorry, I thought it was you who bullied, Ate Weng.” He apoligized. Tumango-tango naman ako.

            “A-ayos lang.” Sabi ko. Bigla ko namang naramdaman ang pagsiko sa akin ni Emerald.

            “Salamat pala, sayo ganda sa pagtatanggol mo sa akin sa babaeng ‘yon.” Sabi sa akin ni Ate Weng. Nginitian ko naman siya.

            “Wala po ‘yon, Ate.” Sabi ko bigla naman akong napatingin kay Arkin at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Napatitig ako sa kanya ng matagal at ganoon din siya sa akin.

            “I remember.” Aniya na pinagtaka ko. “Ikaw ‘yong kahapon, the girl with a painting.” Natahimik ako sa sinabi niya. I know I am not that kind of girl that will make a mark to a man’s eye. But it is still good that he remembers me.

            “Yes, that’s me.” Natatawa kong sabi nang bigla na naman akong sikuhin ni Emerald.

            “I’m Arkin by the way.” Pagpapakilala niya.

            “Oh, we know you.” Nanlaki ang mga mata ko sa biglang sabat naman ni Emerald. Napatingin sa kanya si Arkin na nagtataka. “I’m Emerald.” Pakilala niya rin kay Arkin.

            “You…know me?” Arkin asked.

            “Yes, you’re popular here in the campus, the mighty Arkin Vercel—Aray!” sigaw ni Emerald ng kurutin ko ang tagiliran niya. Nakita ko namang naguluhan si Arkin sa sinabi ni Emerald.

            “Oh, no. Don’t get confused. What she mean is that, you’re popular since you are a varsity.” I explained. Napatango-tango naman si Arkin.

            “Yeah. Thank you, and your name please?” tanong niya at ngumiti sa akin.

            “Elyse.” Sabi ko.

            “Naku, thank you po Ma’am Elyse ah.” Sabi naman ulit ni Ate Weng.

            “Wala po ‘yon.”

            Habang naglalakad kami ni Emerald papunta sa first class namin ay sumabay na si Arkin sa amin. Si Ate Weng pala ay nagtatrabaho sa kanila at binilin siya ng parents niya siya kay Ate Weng to be his personal maid pero since nasa school naman lagi si Arkin, he let Ate Weng to work in the cafeteria then, sabay silang pumapasok at umuuwi. Nang humiwalay na sa amin si Arkin, bigla namang tumili si Emerald kaya pinagtinginan kami ng mga students.

            “He so pogi plus besh ang tangkad pero ang pinaka-cool talaga ay ang bait niya besh!” kinikilig na sabi ni Emerald. Natatawa na lang ako sa pinagsasabi niya but I am agree to all of what she said. Arkin is really a good-looking guy with good heart.

            Paglikod namin sa pasilyo papunta sa room namin ay napahinto kami nang humarang siya. She is now with her bitch friends. Masama siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Nagtago sa likod ko si Emerald. Lumapit siya sa akin at nilapit ang bibig niya sa tainga ko.

            “You will regret that my dear half-sister. This is not over yet.” Bulong niya sa akin at muling humarap sa akin at pang-asar na ngumiti. With that, she left and followed by her bitch friend who also smirking at me.

            Natulala ako nang malagpas na sila sa amin ni Emerald. Huminga ako ng malalim at mariing naipikit ang mga mata ko.

            Naging maayos naman ang buong araw ko. Pero aaminin kong kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Venice at ng mga bitch friends niya sa akin. At isa pa, baka idamay pa nila si Emerald. Pagtapos ng last period namin, minabuti na namin ni Emerald na umuwi dahil baka may plan pa sila Venice sa amin. Pag-uwi ko ng condo ko, tinawag ako ng security namin dahil sa report ko kanina. Pinakita nila sa akin ang CCTV footage kagabi.

            “’Yon Ma’am wala naman po kaming nakitang umaaligid o pumasok sa unit niyo Ma’am at wala na rin pong nakitang tao sa hallway at elevator nang ala-una ng madaling araw.” Paliwanag ni Kuya sa security.

            “Sige po, salamat po, Kuya.” Sabi ko at nagtungo na sa elevator. Nagtaka naman ako dahil walang nakita sa CCTV. Pero sana hindi na maulit ang nangyari kagabi.

            Akmang pasara na sana ang elevator nang may biglang pumigil dito at nagulat ako nang makita ko si Arkin. Sabay kaming nabigla nang makita ang isat’isa.

            “You?” Sabi niya. Natawa naman ako.

            “Are you living here?” tanong ko. Pumasok siya sa elevator at tuluyan nang sumara ang elevator. Nagkadikit pa ang aming kamay nang sabay naming pindutin ang same number ng floor kung saan kami bababa. Nagkatinginan pa kami at natawa sa nangyari.

            “Kakalipat ko lang actually today.” Sabi niya.

            “Ah, ikaw pala ‘yung bagong lipat sa unit sa tabi ko.” I concluded and he was amazed.

            “Really? We’re neighbors?” sabi niya at saka tumawa.

            “How’s Ate Weng?” tanong ko. Bigla naman siyang huminga ng malalim.

            “She was really scared of what happened today.” He said. Bigla naman nang bumukas ang elevator sa floor kung saan kami patungo. Lumabas na kami at naglakad.

            Nang makarating kami sa tapat ng unit niya, niyaya niya pa akong pumasok sa loob but I refused him and told him to cherish his first night in his unit. Pumasok na ako sa unit ko at nang i-lock ko ang pinto, nagulat ako nang makarinig ako ng malakas na yapak na para bang tumakbo. Napalingon ako sa likod ko pero wala akong nakita o nahagip man lang. Bigla akong kinabahan dahil baka mayroong tao sa loob ng unit ko. Huminga ako ng malalim at lumabas ng unit ko ulit.

            Nasa tapat ako ng pinto ng unit ni Arkin. Huminga ako ulit ng malalim at pinindot ang door bell. Mabilsi naman na bumukas ang pinto.

            “Oh, Elyse? Why?” bungad niya sa akin. I sighed and tried to give her a sweet smile.

            “Wala naman, uhm Arkin I just have a favour,” pag-uumpisa ko. Nakita ko namang nagtaka siya sa sinabi ko at hinihintay ang pabor na hihingin ko. “Pwede mo ba ako samahan saglit sa unit ko?”

            Na-kwento ko sa kanya yung weird feelings ko habang papunta kami sa unit ko. He also asked if I reported the incident to the security and I said yes. Nasa tapat na kami ng unit ko nang siya ang magbukas ng pinto at naunang pumasok sa akin. Pagpasok niya ay sumunod na rin ako. Arkin checked my place and he didn’t notice anything weird. I also check my belongings and it is all here.

            “Baka naman imagination mo lang, Elyse.” Natatawa niyang sabi at muling nilibot ang unit ko. “You have a good and cozy unit huh.” He complimented.

            “Thank you.” Sabi ko and I asked him if he wants something to drink pero tumanggi siya at nagmamadaling umalis kasi naglalaro para siya ng PS4 nang tawagin ko siya kanina. I said sorry for disturbing him.

            Pag-alis ni Arkin, naligo na ako at pumunta sa kusina para maghanda ng dinner ko, pero pagbukas ko ng refrigerator ko. Nagulat ako sa nakita ko. Ang gulo ng mga pagkain ko sa fridge at bukas ang mga food containers ko.

Pagtapos kong kumain at gawin ang night routine ko. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko mahuhuli ang magnanakaw na ‘yon. Or maybe an animal.

            Ginawa ko muna ang documentation namin ni Emerald about sa trip namin noong isang araw. I also answered some emails of client. I also prepared my things for work for tomorrow’s work. And this time, ihahanda ko na ang trap ko.

            Naglagay ako ng oil sa ilang part ng sahig ng kitchen ko at balat ng saging. I know this is a weird trap pero sana gumana. Napatingin ako sa orasan ko at pasado mag-aalas-dose na ng gabi. Pumunta na ako sa kwarto ko pero hindi para matulog kundi magkukunwari akong tulog para mahuli kung sino ang nasa condo ko.

            Pinatay ko na ang ang lamp shade ko at nagtalukbong ng comforter. Nababalot ng katahimikan ang buong kwarto ko. Ilang minuto na marahil ang nakalipas pero wala pa rin akong naririnig na yapak ng paa. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok nang papikit na sana ako nang makarinig ako ng boses na nagsalita.

            “Dangsin-eun johgo jago issseubnida.” (Mabuti naman at tulog ka na.) nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng boses ng lalaki pero hindi ko siya maintindihan.

Narinig kong naglakad na siya palayo. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang gitara ko para gawing paghampas sa magnanakaw. Pagtayo ko lalabas na sana ako ng kwarto ko nang mapahinto ako sa napansin ko. Tiningnan ko ang painting at halos mahulog ang mga mata ko sa sahig sa nakita ko. Wala ang lalaki sa painting! Kasabay noon ay bigla naman akong nakarinig ng malakas na pagbagsak ng mga kaldero. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kusina.

“Aish! Apayo! Wae badag-e gileum issseubnikka!” (Hays! Ang sakit ah! Bakit naman may mantika sa sahig!) rinig kong sigaw ng isang lalaki. Pagpunta ko sa kusina, nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sahig at nakasuot ng Korean costume at may kagat na tinapay sa bibig niya.

“S-Sino ka?” nanginginig ang boses ko. Napalingon ang lalaki sa akin at kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status