Share

Chapter 2. “The Painting She Left”

Chapter 2. “The Painting She Left”

Elyse’ POV

            “Okay ka na ba talaga, Elyse?” tanong ni Ma’am habang nasa bus kami. Tumango-tango ako at naupo na lang sa upuan ko. Ang sabi nila nawalan daw ako ng malay at nakita nilang nakahandusay kanina sa museum. Mabuti na lamang at tinawag ni Emerald si Ma’am.

            “Elyse, dito na lang muna itong painting na ito ha? Hindi kakasya ‘to dyan sa compartment.” sabi ni Ma’am na pinagtaka ko. Napatayo ako sa sinabi ni Ma’am.

            “Painting po?” Naguguluhang tanong ko.

            “Yes, ito oh.” Sabi ni Ma’am saka pakita ng bagay na ‘yon. Natahimik naman ako at biglang naalala ang nangyari kanina.

            “You seem so kind and beautiful and I guess he deserve to be with you now. Iiwan ko na siya sayo.”

            So that’s a painting. That mysterious girl left that painting. But what makes me think even more is that.

            “Siya?” Naguguluhang tanong ko.

            “Uy,” napalingon naman ako kay Emerald nang kalabitin niya ako. Umupo ulit ako at nagtataka siyang tiningnan.

            “Bakit?” tanong ko. Tiningnan naman niya ako na parang pinapaamin niya ako. “What’s with that look, besh?” naiilang kong sabi.

            “Hoy, beshie ninenok mo ‘yong painting ‘no?” Nabigla ako sa sinabi niya.

            “What? Hindi ‘no?!” I exclaimed. “Something really just happened in the museum earlier, besh. Kahit ako nagtataka.” Sabi ko sa kanya.

            “Sinong nagbigay sayo ng painting?” tanong niya. Bigla ko na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.

            “Isang babae, besh. A really weird-mysterious girl.” Sabi ko kay Emerald. Natahimik naman siya sa sinabi ko.

            “Baka artist ‘yon don sa museum, besh tapos kakatapos lang niya i-paint yung painting and she asked the museum if they can take it but the museum declined then she just gave it to you.” Emerald concluded. Magaling talaga siyang mag-analyze ng mga pangyayari.

            “Siguro nga, but what makes me wonder is, ano kayang painting ‘yon, besh?” tanong ko. She shrugged.

            “Pero kung worth it ibenta, besh ibenta natin.” Natatawang sabi niya at natawa na lang din ako.

            Madilim na nang nakarating kami sa school. Nakasakay na rin si Emerald pauwi sa kanila habang ako naman ay nag-aabang ng taxi dito sa tapat ng school. Ang mas nakakainis lang ngayon ay bitbit ko itong pagkalaki-laking painting na ‘to. Nasinghap na lamang ako sa inis. Nang may humintong taxi na sa harap ko ay mabilis kong binuhat ang painting pero dumaplis sa kamay ko kaya muntik na mahulog mabuti na lamang nang may umalalay sa akin. Napatingin ako sa taong sumalo sa painting ko at halos mapako ang tingin ko sa kanya.

            “This is too heavy for a girl. Let me help you.” Sabi niya at binuhat mag-isa ang painting. Abot-tainga naman ang ngiti ko.

            “Salamat.” Sabi ko.

            “You’re welcome.” Sagot niya at pinasok ang painting sa may backseat ng taxi. “Take care.” Paalam niya pa bago tuluyang umalis.

            Sumakay na ako ng taxi at habang nasa biyahe, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Emerald.

            “You will not believe what just happened, besh.” Kinikilig na sabi ko.

            “What’s with the vibes, besh? Nakauwi ka na ba? Nasa biyahe pa ako.” Aniya.

            “Nope, nasa taxi na ako.” Sabi ko. “Besh!” Sigaw ko at pigil na tumili. “Arkin Verceluz and me have met earlier.”

            “What?” Malakas na sigaw ni Emerald sa kabilang linya. “You mean? The Arkin Verceluz na senior na nasa engineering building?” Tumango-tango ako at nakagat ang lower lip ko.

            “Dala ko kasi ‘yung painting tapos pasakay na ako sa taxi tapos tinulungan niya ako na isakay ‘tong painting sa taxi. I guess this painting is quite lucky for me.” Natatawa kong sabi at tiningnan ang painting sa may backseat sa rearview mirror.

            “Well, enjoy beshie! Mag-iingat ka.” Sabi ni Emerald.

            “Ikaw din. See you tomorrow.” Sabi ko at binaba na ang tawag.

            Pagdating sa condo, tinulungan naman ako ng utility staff na iakyat sa unit ko ang painting. Pagpasok ko, naupo muna ako sa couch at nagpahinga. Habang nagpapahinga, binuksan ko ang TV at saktong news na ang palabas pero ang mas kinabigla ko ay nang lumabas na sa news ang tungkol sa video ni Venice kanina sa cafeteria. Napailing-iling ako.

            “You’re the one who will ruin your father’s reputation. Not me.” Seryoso kong habang nakatingin sa TV. Mariin ko ring naikuyom ang aking kamay pero huminga ako ng malalim at mariin na pinikit ang aking mata. Pagmulat ko napatingin naman ako sa nakabalot na painting na nakasandal sa wall. Matagal kong tiningnan ang painting at inalala ang nangyari kanina. And every time that I look to this painting, it makes me feel strange.

            Hindi ko na lang pinansin kung ano man ang naiisip o nararamdaman ko. Baka dala lang ng init kaya mabuti pang maligo na ako. Pagtapos kong maligo, nagtungo na ako sa kusina para maghanda ng dinner ko, pero pagbukas ko ng refrigerator ay nabigla ako nang may mga cooked foods na nasa sealed container. Napangiti ako.

            “Thank you, Yaya Miding.” Sabi ko at kinuha ang isang container at nilagay sa microwave. Habang nasa dining table at kumakain ng afritada na niluto ni Yaya Miding ay nakatutok ako sa laptop ko para i-transfer ang mga pictures na kinuha namin ni Emerald ngayong araw sa trip. I also approved one of a client’s requests this Saturday for my photography work.

            Maya’t maya ang ngiti ko habang nag-i-scan ng mga pictures ni Emerald kanina sa heritage house. Namangha naman ako sa mga shots ko sa modern-class building at sa factory kanina. Habang kumakain at nag-i-scan ng picture sa laptop ko. Napahinto ako sa pagnguya at napatingin sa sala nang may marinig akong punit ng papel. Tumayo ako at pumunta sa sala at baka may pusa or something pero wala naman. Ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko at nagsalubong ang kilay nang makitang may punit ang harap na parte ng painting sa gawing taas.

            Hindi ko na ito pinansin at baka napunit lang kanina habang dala ng utility staff paakyat dito sa unit ko. Bumalik na ulit ako sa dining table at pinagpatuloy ang pagkain at pag-i-scan ng pictures sa laptop ko. Habang nag-i-scan ng picture akmang isusubo ko na ang pagkain sa kutsara ko nang matigilan ako sa nakita kong picture ko sa may museum. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinuon ang atensyon sa screen ng laptop ko.

            I zoomed my picture and it’s really her. The girl, who gave me the painting, was on the picture with me. Nanlalaki ang aking mata at napatingin sa sala kung nasaan ang painting. Pinagpatuloy ko ang pag-scan sa mga pictures ko sa museum at sa lahat ng picture kung nasaan ako ay naroon din ang babae na nagbigay ng painting. Napasandal ako at natakot sa mga nakita ko. This is really creeping me out. I fold my laptop and release a deep-sigh. Maybe I was just tired and emotionally depressed because of what I heard about them.

            Napatingin ako sa sala at agad na tumayo at nagtungo doon. Pagpunta ko sa sala, binuhat ko ang painting at inilagay sa sofa. Huminga ako ng malalim at taimtim na pinagmasdan ang painting at saka ito dahan-dahan na tinanggalan ng balot. Habang pinupunit ko ang papel na nakabalot sa painting, unti-unti kong nakikita ang makulay at kamangha-manghang ganda ng painting. And in a few minutes, I removed the cover of the painting and I am amazed and attracted to the painting. Marahan kong pinagmasdan ang painting maging ang stroke ng brush na ginawa sa painting. It was neatly and amazingly done. It is a painting of a handsome guy wearing a traditional Korean dress. Nakatalikod at bahagyang nakatingin sa gilid ang lalaki sa painting. The painting is mixed with blue, green, red, pink and black colours. Pinagmasdan kong maigi ang painting hanggang sa matingnan ko ang mata ng lalaki sa painting. Ang weird dahil habang tinitingnan ko ang mata ng lalaki sa painting, pakiramdam ko, he is also staring back at me.

            Nilibot ko naman ng tingin ang buong sala ko at naghanap kung saan ko ba isasabit ang painting na ‘to pero wala akong makitang magandang puwesto. Muli ay binuhat ko ang painting at dinala sa kwarto ko. At doon, nakakita ako ng perfect place para isabit ang painting, sa harap ng kama ko.

            Pagtapos kong isabit ang painting, I started doing my night routine. I washed my face and applied my skin care. Nahiga na ako sa kama at kinuha ang isang libro na nasa side table ko at sinimulan itong basahin para antukin ako. Tanging lamp shade na lang na nasa side table ko ang bukas kong ilaw sa kwarto. Habang nagbabasa ako ay bigla akong napatigil ako. Hindi ko alam pero may kakaiba akong pakiramdam. I feel like someone is watching me. Parang may matang nakatingin sa akin. Sinara ko ang binabasa kong libro at nilibot ng tingin ang buong kwarto ko. Nang wala naman akong makitang kung sino o ano sa paligid ay pinatay ko na ang lamp shade at natulog na lang.

“Get out of here now! You mistress!” sigaw ng isang babae kay Mama at saka siya malakas na sinampal.

            “Veron, stop!” awat naman ng isang lalaki at nilapitan si Mama.

            “At talagang pinagtatanggol mo ‘yang kabit mo, Reynaldo!” sigaw muli ng babae. And I was there, standing beside my mother crying. Tuluyan na ring bumuhos ang malakas na ulan noon kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

            “I told you, wala silang pupuntahan ngayon, Veron.” The man said to his wife.

            “I don’t care, basta hindi dito sa pamamahay natin, Reynaldo! I accepted your horrible mistake! Wag mo nang dagdagan pa!” malakas na sigaw ng babae. “Or else, papipiliin kita ngayon.”

            The man was shocked and can’t believe of what his wife said. “What?”

            “You know, Reynaldo that if the people know about this, you damn political ambiton will be gone!” his wife exclaimed.

            “No, Veron. No!”

            “Then, iwan mo sila.”

            I was there and I witness how evil they are. My mom begged him for the sake of me but then, he abandoned us without even saying a word. No, I remembered what the only he said that night.

            “I’m sorry.”

            My mom and I drive away to find a shelter to sleep that night. She was crying. She was so devastated.

            “Mommy…” tawag ko sa kanya. She wiped her tears.

            “Baby, don’t cry, okay? We will find a place to sleep.” She said and gave me a bitter smile.

            “Did Daddy leave us, Mommy?” umiiyak kong tanong kay Mommy. And with that, question about him make my mom burst to tears again.

            Naaalala ko kung paano pa ni Mommy pinalo-palo ang manebela ng sasakyan habang umiiyak at sumisigaw. I was so scared and sad that time. “Mommy…”

At isang liwanag ang malakas na umaninag sa amin at isang malakas na pagbangga na langa ng huli kong naaalala.

            “Mommy!” Sigaw ko nang magising ako sa isang masamang panaginip. Palagi kong napapanaginipan ang pangyayaring ‘yon. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko habang mabilis na himihinga. Rinig ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

            Akmang hihiga na ako ulit para ituloy ang pagtulog ko nang may marinig akong pagyapak ng paa. Mabilis akong napabangon at nilibot ng tingin ang kwarto ko. Binuksan ko ang lamp shade at muli tiningnan ang buong paligid ng aking kwarto pero wala akong makita. Tumayo ako sa kama at binuksan ang glass door ng terrace pero wala rin namang tao sa labas.

            Naglakad na lang ako palabas ng kwarto ko nang mapahinto ako nang paglakad ko sa painting na nakasabit ay nakaramdam ako ng kakaibang ihip ng hangin. Parang may dumaan sa gilid ko. Tiningnan ko ang painting na nakasabit. Pero ang mas pinagtaka ko ay nang may makita akong isang slice ng loaf bread sa sahig sa ilalim ng painting. Naupo ako at kinuha ang tinapay na nasa sahig.

            “Ano ‘to?” naguguluhang tanong ko at napatingin sa paligid ko. Kung tama ako ng naiisip ko, alam kong hindi ako nag-iisa sa condo ko dahil may kagat pa ang slice ng loaf bread na naiwan niya.

The next day, my head is aching because I didn’t have a decent sleep last night. Nag-ayos na ako para pumasok sa school. Napatingin ako sa trash bin na nasa tabi ng salamin ko kung saan ko tinapon ang slice ng loaf bread na nadampot ko kagabi. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. It is really weird and quite scary if that is a thief. I-re-repot ko na lang mamaya sa security ng condo.

            Kumain lang ako ng hinandang meal ni Yaya Miding at nag-iwan ng note sa refrigerator na itapon ni Yaya ang trash bin ko sa kwarto na may slice ng loaf bread. I also checked everything in my unit at sa tingin ko wala namang nawala sa mga gamit ko. Even my laptop na naiwan ko sa dining table kagabi naroon pa rin naman. My phone in my side table was also there. That’s really a weird kind of thief.

            Lumabas na ako ng unit ko at ni-lock ng maayos ang pinto. Nagtaka naman ako nang maingay ang hallway at doon ko nakita ang ilang lalaki na may mga dalang gamit patungo sa katabi kong unit. Ngayon pala may lilipat sa kabilang unit. Nagtungo na ako sa elevator, pagdating sa ground floor ay lumapit ako sa security para i-report ang nangyari kagabi sa condo ko. At sabi nila, they will check the CCTV later if someone entered in my unit that night. 

            Pagdating sa school ay bumungad si Emerald sa akin na hingal na hingal. Nabigla naman ako sa kanya.

            “What happened?” nag-aalalang tanong ko. Tumayo naman siya ng maayos at kinalma ang sarili.

            “Besh, your wicked sister again, she is in the cafeteria with police!” Nagulat ako sa sinabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status