Share

Chapter 4. “The Man in the Painting”

Chapter 4. “The Man in the Painting”

Lee Yu-Jun’s POV

Kasabay ng paglubog ng araw ay siya namang kasiyahan sa akin dahil nagkakaroon ako ng oras upang kumawala sa mala-kulungan na ipinintang larawan na ito. Tanda ko pa rin ang pangyayari sa nakaraan kung bakit ako nakulong sa larawang ito.

“Suk-jeong, hindi! Wag mo akong iiwan!” Sigaw ko sa aking tagapag-bantay. Hingal na hingal kami sa pagtakbo upang makatakas sa mga nais kumitil sa akin.

“Kamahalan, kailangan niyo pong mabuhay. Kailangan niyong makatakas!” Sagot niya sa akin. “Soo-hyun, dali na samahan mo ang kamahalan. Magtago na kayo, ako ang haharap sa mga kalaban.”

Hinawakan ako sa braso ni Soo-hyun. “Kamahalan, kailangan na po nating magtago.” Sabi sa akin ni Soo-hyun. Hindi ko man gustong iwan si Suk-jeong pero sumama ako kay Soo-hyun para magtago.

Nagtungo kami ni Soo-hyun sa isang tagong-kwarto sa palasyo. Tambakan ito ng mga kagamitan na ginagamit sa tuwing may pagdiriwang sa palasyo. Habang nagtatago kami ni Soo-hyun ay narinig namin ang pagdating ng mga kalaban.

“Wala po sila rito.” Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Malalim ang paghinga namin ni Soo-hyun at tahimik lamang habang magkatitigan. Kita ko ang labis na takot sa kanyang mga mata.

“Sunugin ang buong lugar.” Nanlaki ang mga mata ni Soo-hyun nang marinig namin ang utos ng mas nakakataas. At sa isang iglap lang ay sumilab ang apoy sa paligid ng kwarto. Nataranta ako nang makita ang mabilis na pagsilab ng apoy. Ngunit napahinto ako at napatingin kay Soo-hyun nang hawakan niya ang aking kamay.

“Kamahalan, alam niyo po kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa inyo. Kayo po ang dahilan kung bakit po ako nabubuhay ngayon. At handa akong ibuwis ang aking buhay maprotektahan lang kayo.” Aniya na pinagtaka ko. At doon kinuha niya ang isang larawan.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita nang magsalita si Soo-hyun ng isang dasal kasabay nito ay naglabas ito ng kakaibang liwanag sa kanyang kamay. Hinaplos niya ang kanyang kamay sa aking noo pababa sa aking pisngi. Pagkatapos ay malakas niya akong tinulak patungo sa larawan siya ring humigop sa akin paloob sa larawan.

Ilang daang taon na rin akong nabubuhay mula sa larawang ito. Ilang museo na rin ang pinaglipatan ko sa aking bansa. At tuwing lulubog ang araw ay nakakalabas ako sa larawang ito at sa muling pagsapit ng araw ay muli akong babalik dito.

Sa pagtagal ng panahon na lumalabas ako sa larawan na ito tuwing gabi ay walang nakakakita sa akin sa museo. Hanggang isang gabi, paglabas ko sa larawan ay wala na ako sa museo. Nasa isang hindi ko alam na lugar ako, at doon ko nakilala si Elizabeth. Isang pintor na bumili sa aking larawan nang isubasta ang larawan ko at napag-alam ko ring wala na ako sa aking bansa.

Noong una ay hindi siya makapaniwala nang makita niya akong lumabas sa larawan ngunit sa pagtagal ng panahon ay nakilala niya ako at naging maayos at matagal ang aming pagsasama. May mga nalaman din ako noong nakilala ko si Elizabeth. Hindi ako maaaring mabasa ng ulan. Iyon lang ang isang bagay na hindi ko maaaring hawakan, ang tubig ulan. Dahil kapag hinawakan ko ito ay mabubura ako sa larawan at kapag nabura ang aking kabuuhan ay maaaring ito ang magiging sanhi ng aking kamatayan. Tinuruan din ako ni Elizabeth na magsalita ng kanilang wika.

Ang akala ko noon ay pamhabang-buhay ko nang makakasama si Elizabeth, ngunit dumating ang oras na palagi siyang nagkakasakit at labas-balik sa ospital. Hanggang isang gabi, paglabas ko sa larawang ito ay hindi ko na siya makita at nasa isang hindi ko na namang alam na lugar ako naroon.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuhan ng lugar. Hindi ito ang tirahan ni Elizabeth. Napansin ko naman ang isang babaeng nakahiga sa higaan at natutulog. Agad na gumuhit sa aking labi ang isang masayang ngiti at nilapitan ang babae ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon nang makita kong hindi si Elizabeth ang babaeng natutulog.

“Elizabeth…” malungkot kong sambit sa kanyang pangalan.

Nilibot ko pa ang ibang parte ng tirahang ito. Mas maliit ito kumpara sa tirahan nila Elizabeth. Tahimik ang buong lugar hanggang sa gumawa ng ingay ang aking tiyan. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako kumakain buong araw. Hinanap ko ang kusina sa bahay na ito at namangha ako nang makita ko ang silid ng pagkain. Punong-puno ito ng maraming pagkain. Hindi na ako naghintay pa at agad na kumain.

Pagkatapos noon ay bumalik ako sa kwarto habang hawak ang isang hati ng tinapay. Babalik na sana ako sa larawan nang bigla akong makaramdam ng lamig. Napatingin ako kung saan nanggagaling ang hangin at nakita kong nakabukas ang malaking pinto. Nagtungo ako rito at halos malula ako sa taas ng kinaroroonan ng tirahang ito. Kitang-kita mo rin ang kabuuhan ng siyudad at ang mga kumikislap na ilaw ng mga nagtataasang gusali at mga ilaw ng sasakyan. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin.

Nagpasya na akong bumalik sa loob ngunit nang babalik na sana ako sa larawan at nataranta ako nang biglang gumalaw ang babaeng natutulog kaya naman natisod pa ako sa isang bagay at naramdaman ang sakit ng aking hinliliit sa paa na gumawa ng ingay. Mabuti na lamang at kagat-kagat ko ang tinapay kaya napigilan ko ang sumigaw. Tiningnan ko ang babae at pabangon na ito. Nanlaki ang aking mga mata at naihulog ang kagat na tinapay saka mabilis na bumalik sa larawan.

“S-sino ka?” halos mapako ang aking katawan sa kinauupuan ko nang makita ko ang isang hindi ko kilalang babae na nasa harap ko habang hawak ang isang gitara at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla kong nailuwa ang kinakain kong tinapay at napaiwas ng tingin sa babae. “Sumagot ka! Sino ka!” Malakas niyang sigaw.

Itinaas ko ang aking dalawang palad at tinakpan ang aking mukha. “Meow…meow…pusa ako…meow…” pang-gagaya ko sa tunog ng pusa. “maniwala ka pusa ako, meow.”

“What?” rinig kong inis na sabi ng babae. “Tatawag na ako ng pulis.” Napapitlag ako sa sinabi niya. Kung hindi ako maaaring magkamali ang pulis ay parang gwardiya sa palasyo na dumadakip sa mga taong lumabag sa batas.

“Sandali.” Pagpigil ko sa babae at tumayo.

“Sino ka? Bakit ka nasa bahay ko! At saka ano ‘yang suot mo!?” Sunod-sunod na sigaw ng babae. Napatakip ako ng tainga at napapikit sa sinabi niya. Nakakainis naman ang isang ito. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Pwede wag mo akong sigawan?” Inis kong tugon sa babae. At nakita ko ang nakabukas na bote ng mantika. Napasinghap ako sa inis at saka siya tiningnan. “Ikaw ba ang nagkalat ng mantika rito?” Maangas kong tanong sa babae. Kita ko naman kung paano siya magtaka sa mga sinasabi ko.

“Sandali, at sino ka para tanungin ako sa sarili kong pamamahay?” sagot ng babae. Napaurong ako sa sinabi niya. Humalukipkip ako at hinarap siya.

“Oo na, aalis na po.” Sabi ko at inikutan siya ng mata at naglakad pabalik sa silid niya. Narinig ko pang hinabol niya ako.

“Sandali!” Tawag niya akin. Nilingon ko siya habang nakataas ang isang kilay. “Bakit diyan ka papunta sa kwarto ko?” naguguluhan niyang tanong.

Taimtim ko siyang tiningnan at marahang nilapitan. “Gusto mong makita?” sabi ko at pang-asar na ngumiti sa kanya at saka siya tinalikuran at nagpatuloy sa pagtungo sa kanyang silid.

Pagdating sa kanyang silid, huminto ako sa harap ng larawan. Muli ko siyang tiningnan at bakas pa rin ang labis na pagtataka at pagkagulo sa kanyang mukha.

“Ikaw?” Narinig kong sinabi niya. Napangisi na lamang ako at saka muling bumalik sa larawan.

Elyse’ POV

            Nakaupo ako sa aking kama habang malalim na iniisip ang mga nakita ko kanina. Kinakabahan ako pero hindi naman ako natatakot. I can’t believe it. Did the guy just go inside the painting? Am I dreaming? Tama! Panaginip! Panaginip lang ito. Muli akong napatingin sa painting at naroon na muli ang lalaki. Inisip kong muli ang mga nangyari kanina, he is actually real. Nagsalita siya at sumagot sa akin. Naglakad siya at biglang pumasok sa painting. How could he do that?

            Tiningnan ko ang painting at maigi itong pinagmasdan. May sumpa ba ang painting na ito? O baka naman siya ang artist nito at namatay kaya siguro multo siya sa loob ng painting?

            “Tama!” sigaw ko at saka lumabas sa kwarto ko at naghanap ng kandila. Habang hinahanap ko ang kadila sa drawer, napatingin ako sa orasan at mag-aalas-dos na ng madaling araw. Pagkakuha ko sa kandila ay sinindihan ko ito at tinitik sa tapat ng painting.

            “Lord, please give him a peaceful journey—“ Hindi ko pa natapos ang aking dasal nang mapadilat ako at napasigaw nang makita ko ang lalaki na nakalabas ang kalahati ng katawan sa painting at masamang nakatingin sa akin. “Multo!” sigaw ko at saka napalayo sa kanya.

            Ngayon at kitang-kita ko ang paglabas niya sa painting. Nang tuluyang makalabas ang buo niyang katawan sa painting at padabog niyang hinipan ang kandila at muli akong tininang ng masama.

            “Hindi pa ako patay!” inis na inis niyang sigaw sa akin napapasinghap pa ito ng ilang beses habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. “Kakaiba ka sa kanya.” Aniya.

            Umayos naman ako ng tayo at dahan-dahan siyang nilapitan. Kung tama ang nasa isip ko, kung multo siya dapat ay hindi ko siya nahahawakan. Nang makalapit ako sa kanya ay dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa braso niya at saka ito hinawakan. Nanlaki ang mga mata ko at napabuntong-hininga nang mahawakan ko siya.

            “Ano ba! Bitawan mo ko!” suplado niyang sabi sakay alis ng kamay ko sa braso niya. Tiningnan ko naman ang mukha ng lalaki. Bakas ang pagkainis sa kanyang mukha.

            “Bakit mukhang ikaw pa ang inis dyan? Ngayon kung hindi ka multo? You’re still a stranger!” Napakunot ang noo niya.

            “Anong lingwahe yan?” tanong niya. Pero hindi ko siya pinansin. Naglakad ako paikot sa kanya at tinitingnan ko ang suot niyang damit. Pagtapos non ay muli ko siyang tiningnan sa mukha.

            “Korean ka?” tanong ko sa kanya. “Magnanakaw na koreano?” dagdag ko pa. Muli na naman siyang napasinghap at naningkit ang kanyang mga mata sa inis.

            “Oo, galing akong Korea at hindi ako magnanakaw.” Pagtatama niya.

            “But you are stealing my food since—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maalala ko ang slice ng tinapay na nakita ko kagabi. “Since yesterday! You thief!” sigaw ko.

            Nakatingin lang siya sa akin na salubong ang kilay at kunot ang noo.

            “Ano?” inis niyang tanong sa akin. Hindi ba siya nakakaintindi ng English?

            “Ang sabi ko ninanakaw mo ang pagkain ko! Ano ka pusa!” Sigaw ko ulit sa kanya. Bigla ko namang naalala ang ginawa niya kanina na umarteng pang pusa. “At hindi ka magaling sa pag-arte bilang pusa.” Dagdag ko.

            Muli siyang napasinghap at napaiwas ng tingin sa akin. “Binibini, hindi ako masamang tao. May babae lang akong hinahanap.” Aniya sa akin.

            “Pasensya na, pero hindi ako hanapan ng nawawalang babae. Bumalik ka na sa painting at itatapon ko na ang painting.” Sabi ko saka siya tinalikuran.

            “Ang sama ng ugali.” Rinig kong bulong niya.  Napalingon ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

            “Ano?!” Bulyaw ko. Maangas naman niya akong tiningnan pabalik.

            “Sabi ko ang sama ng ugali mo. Hindi mo ba kilala kung sino ako? Baka kapag nalaman mo kung sino ako lumuhod ka pa sa harap ko.” Mayabang na sabi niya.

            “Wala akong pakialam. Umalis ka na. At mamayang itatapon ko na ang painting na yan. Baka may malas ka pang dala.” Sagot ko sa kanya.

            “Hays, napakasama talaga. Alam mo siguro kaya mag-isa kasi masama ang ugali mo!” nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko at saka siya tiningnan ng masama. Naikuyom ko ang aking kamay at mabilis ko siyang sinugod ng suntok pero agad niya itong naiwasan at saka niya hinawakan ang kamay ko at ni-lock ang buo kong katawan sa braso niya.

            “Pasensya, binibini pero tinuran ako kung paano makipaglaban.” Mayabang na sabi niya at ramdam ko ang pagngisi niya. Nakakainis na ang isang ito!

            Malakas akong pumalag sa kanya dahilan para madulas siya dahil sa pagkakatapak sa mahabang niyang damit kaya naman bumagsak siya sa kama at napadagan akong sa kanya.  Sobrang lapit nang mga mukha namin. Kitang-kita kong ang kabuuhan ng kanyang mukha habang bakas ang pagkabigla sa nangyari. Agad akong tumayo mula sa pagkakadagan sa kanya saka siya tinalikuran. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Muli ko siyang nilingon at pagtingin ko sa kama ko ay wala na siya. Mabilis akong napatingin sa painting at doon ay nakita ko siyang ulit. Nilapitan ko ang painting at may napansin akong kakaiba.

            Bakit mapula ang mukha niya sa painting?

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status