Share

Chapter 6. “Thank you for saving me”

Chapter 6. “Thank you for saving me”

Elyse’ POV

            “Hello, sister.” Bati sa akin ni Venice habang maangas na nakangiti at nakataas ang kilay. “I told you, we’re not over yet.”

            Seryoso ko siyang tiningnan at ang mga kasama niyang lalaki na tumatawa habang nakatingin sa akin. Natakot ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang mga hawak nilang maso at martilyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko, I know Venice will do this after what I did to her. This is her revenge.

            Hindi ako nagsalita at tiningnan lang sila ng seryoso. Hindi rin naman ako makakahingi ng tulong dito sa parking dahil wala gaanong tao. I should prepare myself for this. I didn’t expect na ngayon sila at hindi sa school gagawa ng gulo. Naglakad palapit sa akin si Venice at pinanlisikan ako ng mata.

            “Game over, sister.” Sigaw niya saka sampal ng malakas sa akin. Bigla namang sumugod na ang mga kasama niya. Ang akala ko ay ako ang sasaktan nila ngunit halos gumuho ang mundo ko nang makita kong paghahampasin nila ng maso at martilyo ang kotse ko.

            “Stop it!” Sigaw ko sa kanila pero hinila lang ako ni Venice at muli akong sinampal.

            “Don’t you dare to do that again to me you illegitimate child!” Malakas na sigaw niya sabay sabunot sa akin. Gumanti ako ng sabunot sa kanya pero ang mga kasama niya ay patuloy pa ring sinisira ang kotse ko. Rinig na rinig ko ang alarm ng sasakyan ko habang walang habas nilang hinahampas.

            Nang makawala ako sa pagkakasabunot ni Venice. Tiningnan ko siya ng masama habang hingal na hingal.

            “Sige, sirain mo. Magsaya ka sa pagsira ng kotse ko, Venice kasi you know what? Your damn father will buy me new one anyway!” Sigaw ko. Kitang-kita ko naman ang pagkapikon niya sa sinabi ko.

            “You bitch!” Sigaw ni Venice saka kinuha ang hawak na martilyo ng kasama niya. Nanlaki ang mga mata ko at maluha-luha siyang tiningnan. She’s really an evil, napakasama niya!

            Akmang hahatawin niya ako ng martilyo nang mapapikit ako at hinintay ang sunod na mangyayari nang hindi ako nakaramdam ng sakit o ng pagtama ng martilyo sa akin ay dumilat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Tila bumagal ang oras ng mga oras na iyon habang kita ko siyang hawak ang braso ni Venice na may hawak na martilyong ipupukpok niya sana sa akin.

            “Ikaw?” sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tiningnan naman niya ako at seryoso siyang nakatingin sa akin. Inalis niya ang tingin sa akin at tiningnan si Venice at saka tinaboy ang braso ni Venice at humarang sa akin.

            “Anong ginagawa niyo mga kutong lupa?” maangas at mayabang na sabi niya kay Venice at sa mga kasama nito. Kita ko ang panggagalaiti sa mukha ni Venice.

            “Boys! Attach him!” Utos niya sa mga kasamang lalaki at doon ay sinugod nila ang lalaki sa painting na siya namang nakipaglaban sa mga ito.

            Namangha ako dahil hindi makaganti ang mga kasamang lalaki ni Venice sa kanya at panay suntok at sipa ang natatanggap ng mga ito mula sa kanya. Tumilapon rin ang iba sa kanila at di na nagawang bumangon pa. Umakto namang nag-unat ng braso at ng leeg ang lalaki sa painting at hinamon pa ang mga lalaki.

            “Mga mahihinang nilalang.” Rinig kong sabi niya sabay ngisi sa mga ito.

            “You’re all stupid!” Inis na sigaw ni Venice sa mga lalaking kasama niya nang lahat sila ay nakahandusay na sa sahig. Binalikan naman ako ng tingin ni Venice at pinanlisikan ng mata. “Hindi pa tayo tapos, Elyse. Hindi pa!” Mariin niyang sabi bago naglakad paalis na siya naman sunod sa kanya ng mga kasama niyang lalaki.

            “Sige takbo mga kutong lupa!” Natatawang sabi ng lalaki sa painting. Napaupo naman ako sa sahig at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

            Napatingin ako sa kotse kong yupi na at sira na dahil sa ginawang pagpukpok nila ng maso at martilyo. Nilapitan naman ako ng lalaki sa painting.

            “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya at kita ko ang nag-aalalang expression sa kanyang mukha. Tumayo ako kahit ramdam ko pa ang pangangatog ng tuhod ko dahil sa takot kanina. Akala ko ay mamamatay na ako. Kung sakaling hindi siya dumating at napukpok ako ni Venice, for sure makakasama ko na si Mommy sa kabilang buhay.

            Lumapit ako sa kotse ko at hinawakan ang yuping parte nito. Huminga ako ng malalim at nakaramdam ako ng panghihinayang.

            “Hays, sinira nila ang karuwahe mo?” inis na sabi niya. Napakunot naman ako ng noo at natawa sa sinabi niya.

            “Anong karuwahe? Kotse ang tawag dito, may kabayo ka bang nakikita?” sabi ko sa kanya at saka binuksan ang compartment ng kotse ko at inilabas ang mga pinamili ko.

            “Daebak! Pagkain ‘yan?” manghang sabi niya nang makita ang mga grocery na nilabas ko mula sa compartment.

            “Yes, kasi may isang PG na inubos ang pagkain ko sa ref.” Sabi ko sa kanya saka siya inirapan.

            “Oy, bigyan mo ako ngayong gabi. Iniligtas kaya kita sa mga kutong lupang ‘yon.” Bilib niyang sabi. Napatigil naman ako at tiningnan siya ng seryoso. Nakangiti naman siyang nakatingin sa akin.

            “Thank you.” Sabi ko sa kanya pero nakita kong kumunot ang noo niya. “Ibig kong sabihin—“

            “Salamat.” Nabigla ako nang tapusin niya ang sasabihin ko.

            “Paano mo nalaman?” Tanong ko. Ngumisi naman siya at kumpiyansa akong tiningnan.

            “Naririnig ko kasi yan dati kay Elizabeth, at nalaman kong salamat ang ibig sabihin non.” Paliwanag niya. Napaisip naman ako sa pangalan na sinabi niya. Elizabeth? Sino naman siya?

            Naglakad na kami pabalik sa unit ko. At habang pabalik kami, panay ang tingin niya sa kung ano-anong makita niya sa building. At agaw atensyon din siya sa mga tao sa loob ng building dahil sa kakaiba niyang pananamit. He is still wearing his traditional Korean dress.

            Nang nasa harap na kami ng elevator, kitang-kita ko kung paano ngumanga ang bibig niya dahil sa pagkamangha nang bumukas ang pinto ng elevator.

            “May mahika ba ang pinto ng silid na ito?” tanong niya sa akin. Napakunot ako ng noo at tiningnan siya ng masama. Pinagtitinginan kami ng mga taong lumabas ng elevator dahil sa sinabi niya.

            Nang makalabas na ang mga tao sa elevator ay pumasok na ako. Pagpasok ko ay sumunod naman siya. Sumara na ulit ang pinto ng elevator at tulad kanina, manghang-mangha pa rin siya. Pero ang mas nakakainis ay nang bigla siyang mataranta nang biglan nang umandar paakyat ang elevator.

            “Hoy, saan tayo nito dadalhin?” Napapikit ako dahil sa inis dahil sa kanya. Nakahawak pa siya sa balikat ko.

            “Pwede bang kumalma ka lang?” inis kong sigaw sa kanya. Umayos naman siya ng tayo. “Kung takot ka sa elevator paano ka nakapunta sa park kanina?” tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako at ngumiti.

            “Naglaho ako.” Agad niyang sagot na kinagulo ng isip ko.

            “Ano?” pag-uulit ko.

            “Naglaho ako. At may naramdaman akong panganib para sayo kaya doon ako napunta.” Paliwanag niya.

            “Do you mean, you can teleport?” tanong ko pero hindi nga pala siya nakakaintindi ng English. “Sige nga maglaho ka nga.” Sabi ko sa kanya at sa isang iglap lang ay bigla siyang nawala. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. At pagbukas ng elevator ay naroon na siya sa labas nakangiti at kumakaway pa.

            Pumasok na kami sa unit ko. Pagpasok namin ay nainis ako sa kanya dahil feel at home na ang lalaking ‘to sa bahay ko. Pumunta na ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko. Pagbukas ko ng refrigerator, may mga hinanda na namang meal si Yaya Miding na nasa food container. Napangiti ako pero agad na nawala ang ngiti ko nang katabi ko na pala ang lalaking ito at nakatingin din sa mga pagkain sa fridge.

            “Ang daming pagkain.” Masigla niyang sabi. Sinara ko bigla ang refrigerator at sinamaan siya ng tingin.

            Inayos ko na ang mga pinamili ko at pumunta sa kwarto ko. Hindi naman sumunod ang lalaki sa akin at nang tingnan ko ang painting ay wala nga siya rito. Muli akong lumabas para hanapin siya at nakita ko siyang nakaupo sa sala habang nililingon ang buong paligid ng unit ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagbihis na ng damit pambahay ko. Pagkabihis ko ay lumabas na ako para maghanda ng dinner. Nakita ko siyang nasa sala pa rin at tiningnan niya ako.

            “Bumalik ka na sa painting, itatapon ko na ‘yong painting na ‘yon.” Sabi ko sa kanya na kinabigla niya. Napatayo siya at lumapit sa akin.

            “Sandali, huwag.” Pigil niya sa akin. Naging seryoso ang mukha niya maging ang tono ng boses niya.

            “Bakit? Hindi ka pwede sa bahay ko.” Sabi ko. Kitang-kita ko ang takot at lungkot sa kanyang mukha.

            “Uulan ngayong gabi.” Sabi niya na pinagtaka ko. “At kailangan ko pa siyang makita.”

            “Sino?” tanong ko.

            “Si Elizabeth.”  Natahimik ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang sama ko. Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko sa kanya sa ginawa niyang pagtulong sa akin kanina. Kung hindi siya dumating kanina, malamang ay wala na ako.

            Huminga ako ng malalim at iniwan siya sa sala. Naghanda na ako ng makakain ko. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa dining table. Napaikot ako ng mata at naghanda ng dalawang plato. Kinuha ko ang isang meal na hinanda ni Yaya Miding at menudo pala ito.

            “Kain na. Yan na ang bayad ko sa ginawa mong pagtulong sa akin.” Sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain. Kumain na rin siya at kitang-kita ko kung paano niya i-enjoy ang pagkain. Habang kumakain, hindi ko maiwasan ang magtanong tungkol sa kanya at sa mga kakaibang pangyayaring nasaksihan ko. “Pwede magtanong?” pagsisimula ko. Napatingin naman siya sa akin.

            “Sige.” Aniya habang ngumunguya pa.

            “Sino ka? Saan ka galing? Paano ka napunta sa painting? Paano ka nakakalabas sa painting? Sino si Elizabeth?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

            “Isa-isa lang naman!” Inis niyang sabi sa akin. Tiningnan ko ang suot niyang damit at naalala ko ang sinabi ni Emerald kanina tungkol sa pinapanuod niya, kaparehas ng suot na damit ng lalaking ‘to yung crown prince sa palabas kanina.

            “Prinsepe ka ba?” tanong ko na kinabigla niya. Matagal siyang natahimik at natulala sa akin. “Okay, start your story now.” Sabi ko pero tulad ng palaging nangyayari, hindi niya ako naintindihan. “Magkuwento ka na.”

            Huminga siya ng malalim at saka ako tiningnan ng seryoso. “Ako si Prinsepe Lee Yu-jun, panganay na anak ng hari kay sa mahal na Reyna Han.” Pag-sisimula niya. “Sa maniwala ka man o sa hindi, ilang daang taon na akong nabubuhay sa mundo.” Nabigla ako sa sinabi niya at mas naging interesado sa kanya.

“Tanda ko pa ang gabi nang mapunta ako sa larawan na ‘yon lang ang tanging naging dahilan para mailigtas ako mula sa mga taong nais kumitil sa aking buhay. Ngunit nang muli akong lumabas sa larawan, isang gabing ‘yon ay tuluyan ng nasakop ang buo naming kaharian. Dumaan ang ilang taon at naging saksi ako sa pagbabago ng mundo. At napag-alaman kong sa tuwing paglubog lang ng araw ako maaaring makalabas sa larawan. Para sa aking, isa itong sumpa ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko si Elizabeth.” Napaisip ako sa sinabi niya at naalala ko ang babae noon sa museum, ‘yong nagbigay sa akin ng painting niya.

“Isa siyang pintor na binili ang larawan ko noong nagpunta siya sa Korea sampung taon na ang nakakalipas. At siya ang kauna-unahang taong nakaalam ng kalagayan ko. Ikaw ang pangalawa. At isang gabi, paglabas ko sa larawan ay narito na ako sa tahanan mo.” Pagtatapos niya.

“Paano ka napunta sa painting?” tanong ko sa kanya.

“Sa larawan? Hindi ko alam kung uso pa ba sa panahong ito pero noon ay may mga gumagamit ng mahika, at isang matalik na kaibigan ko ang naglagay sa akin sa larawan gamit ang kanyang mahika. Kasabay noon, ay napag-alaman ko na kaya ko ring maglaho tuwing nasa labas ako ng larawan.” Paliwanag niya. “Makinig ka, maaari mo naman akong itapon ngunit nais ko munang makita si Elizabeth sa huling pagkakataon.”

“Huling pagkakataon?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Oo, hindi ba itatapon mo ako? Nakita ko sa kalangitan na magiging malakas ang pagbuhos ng ulan sa mga susunod na araw.” Sabi niya pero naguguluhan pa rin ako.

“Ano naman?” tanong ko. Naging seryoso ang kanyang mukha at taimtim akong tiningnan.

“Ulan. Ulan lang ang makakapagbura sa larawan at siyang tatapos sa aking buhay.”  Sandali akong natahimik at ganoon din siya dahil sa kanyang sinabi. At doon ko naalala ang sinabi niya sa note kanina.

Tinapos na namin ang kinakain namin at pagtapos ay nagpunta kami sa sala. Inayos ko na ang mga ginamit ko kanina sa photoshoot para itabi. Hindi naman siya nagsasalita at pinapanuod lang ako. Pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay tumayo na ako para maglinis ng katawan. Papasok na sana ako sa bathroom nang may maalala ako. Bumalik ako sa sala at tiningnan siya ng masama. Nagtaka naman siya sa titig ko sa kanya.

            “Bakit?” nagtatakang tanong niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya ng masama habang nakataas ang kilay.

            “Kapag ba nasa painting ka ay buhay ka pa rin o nakikita ang mga nasa paligid mo?” tanong ko sa kanya. Kita ko namang napaiwas siya ng tingin at napayuko pa. Napasinghap ako sa inis. “Ibig sabihin? Nakita mo noong nagbibihis ako sa kwarto ko!?” Sigaw ko sa kanya. Napatakip pa siya ng tainga dahil sa sigaw ko.

            “Hindi ko naman sinasadya. Doon mo ako sinabit e.” Pagdadahilan niya pa. Napahawak ako sa dibidb ko.

            “Manyak ka!” Sigaw ko at saka padabog na naglakad papunta sa bathroom.

            Pagtapos kong maligo at mag-apply ng skin care ko ay hinanap ko ang manyak na lalaki sa sala pero wala siya roon. Tiningnan ko rin sa kusina at baka sakaling nagnanakaw na naman siya ng pagkain ko pero wala rin. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko para tingnan ang painting pero wala rin siya sa painting. Nang pagtingin ko sa pinto ng balcony ay nakabukas ito. Pumunta ako sa balcony at doon ko siya nakita. Napatingala siya sa langit. Tiningnan ko ang langit at nagtaka ako dahil nakatingala siya sa langit pero wala namang mga stars.

            “Anong pangalan mo?” napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa langit. Huminga ako ng malalim at sinagot siya.

            “Elyse, ako si Elyse.” Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumiti.

            “Elyse, maaari mo ba akong tulungang hanapin si Elizabeth?” tanong niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status