Share

CHAPTER 02

NANGINIG ANG MGA TUHOD KO...

Para akong itinulos sa kama kung saan ako nakasubsob habang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko rin na bahagya niyang inangat ang baywang ko saka hinawakan ang garter ng underwear ko upang ibaba. Ngunit bago niya pa magawa 'yon ay kaagad akong bumalikwas paikot at buong puwersa siyang tinulak.

"Ano ba?!" Abot-abot ang kaba sa dibdib ko ng tanungin siya. "Anong problema mo? Bakit basta-basta ka na lang nanghihipo at balak mo pa yatang pag-intiresan ang panty ko?!"

Hindi naman siya sumagot at lumapit ulit sa akin. Pabalya niya akong tinulak na sa pagkakataong ito ay hindi na sa kama kun'di sa mesa.

Tulad ng kanina ay nakatalikod ako sa kanya. Mariin akong napahawak sa magkabilang kanto ng mesa ng tumama ang tuhod ko sa paanan niyon. Mas lalo tuloy akong kinabahan at pinanginigan ng katawan. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang balak niyang gawin sa akin. Kung may balak ba siyang gawin akong trumpo o punching bag?!

"Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho mo ngayon?" tanong niya sa akin bago walang pakialam na hinablot ang likurang bahagi ng suot kong dress. Sa rupok niyon ay narinig ko pa ang tunog ng pagkasira niyon.

"Ano bang tinira mo? Nag a-adik ka ba?!" balik tanong ko naman sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya sumagot. "Narito ka sa silid na ito para paligayahin ako. Limang oras lang Minzi, and after that puwede ka ng lumabas ng nakangiti."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung anong kagaguhan ang pinagsasabi niya. At hindi ako pinanganak kanina para hindi malaman kung para saan ang limang oras na sinasabi niya. Tindi niya naman, limang oras talaga?! Wala na bang tawad 'yon? As in sagad na 'yon?

Nang mahimasmasan ako at mapagtanto ang sinabi niyang 'yon, hindi na ako nagdalawang isip pa. Kaagad akong bumalikwas paikot at hinablot ang bote ng alak na tinungga ko kanina saka malakas na hinataw sa ulo niya. Sa lakas ng tama niyon bumulagta siya, malamang na next year pa siya makakabangon.

Nang bumaling ako sa gawi niya ay saka pa lang nag sink-in sa isip ko ang nagawa ko. Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang kalahati ng bote na nabasag at bumagsak pa sa kanyang noo.

Jusmio marimar!

Napakamot ako sa aking pisngi ng makita ang dugo sa ulo niya at ang biglaang pamumula ng noo niya. "S-Sir... Patay ka na ba? Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi, bigla-bigla mo na lang akong tinutulak patuwad! Sinira mo na nga ang damit ko, balak mo pa yatang sirain ang itinatagong yaman ng aking perlas ng silangan!"

Dahan-dahan akong lumuhod at itinapat ang tenga ko sa kanyang dibdib. Humihinga pa naman, so ibig sabihin ay buhay pa siya.

Hinawakan ko rin ang leeg niya at pinakiramdaman ang pulso niya. "Tulog ka muna, sana pag gising mo... limot mo na ang ginawa ko sa'yo."

Matapos kong sabihin 'yon ay dali-dali na akong lumabas mula sa pribadong silid niya at nilisan ang Dark Room. Hindi na rin ako pumunta sa front desk na sinasabi kanina ng babae upang kuhanin sa kanya ang suweldo ko. Baka pag nalaman niya kung ano ang nangyari sa boss niya, kulang pa ang sasahurin ko ngayon para ipangpiyansa!

Walastik! Kung alam ko lang na manyakis pala ang lalaking 'yon na pinagkamalan ko pang bakla, hindi na sana ako nagtagal pa sa silid na 'yon. Hindi ko sana naranasan ang patuwarin ng dalawang beses, at hindi ko rin siya mapapalo ng bote sa ulo by choice!

I'm innocent until proven guilty. 'Di ko naman sinasadya, nagipit lang talaga!

*****

TATLONG ARAW makalipas ang nangyari sa Club-V at ang pagpukpok ko ng bote sa ulo ng lalaki, heto ako ngayon, tulala habang nakatitig sa diyaryo. Namumuti na ang mga mata ko ay wala pa rin akong nakikitang bakanteng trabaho.

Hindi rin naibalita o naradyo ang ginawa kong krimen. Hindi siguro kilala ang lalaking iyon na tinamaan ng magaling kaya walang pumansin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Minzireth!"

Mula sa kinauupuan kong ratan ay napatayo ako nang dahil sa lakas ng sigaw ni Mama. Dumungaw ang ulo niya sa bintana ng aming maliit na sala ng may matingkad na ngiti sa kanyang labi.

"Bakit, Ma?" kuryosong tanong ko.

"May naghahanap sa'yo rito, ayusin mo ang sarili mo at mukhang artista ang mga naghahanap sa'yo!" sagot niya naman.

Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Kung ang manliligaw kong si Carding naman ang nasa labas, malamang na hinabol na ng itak ni Mama 'yon 'di pa man lumalapat ang paa sa gate namin. Bukod pa sa hindi naman artistahin ang Carding na 'yon, nunkang pagbuksan ni Mama ng gate ang hangal na 'yon.

"Minzireth! Ano ba't napakatagal mo riyan?!" sigaw ulit ni Mama, halatang nayayamot na sa paghihintay.

Hindi na ako nagpalit ng damit. Tamang suklay at pulbo na lang bago ako nagmamadaling lumabas.

"Sino ho ba-"

"Hi, good afternoon," bati ng babae sa akin na ikinatigil at ikinalaki ng mga mata ko. "Minzireth, right?"

Sunud-sunod lang ang pagtango ko sa kanya dahil hindi na ako makahagilap pa ng sasabihin. Umurong yata ang dila ko ng makita siya. Siya kasi 'yong babaeng nagpapasok sa akin sa Dark Room ng Club-V sa Olongapo. Pero ano naman ang ginagawa niya rito?

"I'm here to inform you about your contract signing-"

"Teka, anong contract signing yan?" Nagtatakang putol ko sa kanya. "Wala akong natatandaan na kumuha ako ng hulugang appliances ah! Wala rin akong utang. At mas lalong wala akong-"

"Your contract to Mr. Alexis Montemayor as his secretay," agap niya naman.

So ibig sabihin...

"May trabaho na ako?" Nagtataka pa ring tanong ko. "Saan? Kaylan ako nag-apply? Bakit tunog yayamanin ang pangalan na sinabi mo?" sunud-sunod ko pang tanong.

"Yes, may trabaho ka na. Ang kailangan mo lang gawin ay pumirma ng kontrata para makapagsimula ka na bukas na bukas din. Libre rin ang tutuluyan mo kaya hindi mo na kailangan pang alalahanin ang titirahan mo." Ngumiti siya at inabot sa akin ang puting folder. "So? When are you going to read and signed the contract?"

Kaagad ko namang hinablot 'yon sa kanya kasabay ng ballpen sa isa pang kamay niya. Hindi ko na binasa pa ang kontrata, pumirma na ako kaagad at muling binalik sa kanya ang folder.

"Done, Ma'am. Kaylan ako magsisimula?"

Awang ang bibig ng babae na tinitigan ako. "Hindi mo binasa-"

"Hindi na kaylangan. Ang mahalaga lang naman sa akin ay may trabaho na ako." Ngiting-ngiting putol ko sa kanya. "So? Kaylan nga ako magsisimula?"

Mula sa pagkakaawang ng kanyang bibig ay isang malawak na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. "Ngayon din," aniya saka ako inakay pasakay ng kotse na nakaparada sa gilid ng bahay namin.

Hindi ko na nagawa pang magpaalam kay Mama. Wala rin naman siya, malamang na nasa loob ng bahay at nagtitimpla ng kape kahit katanghaliang tapat. Iyon lang naman ang ma-i-aalok niya sa bisita namin.

Hanggang sa makapasok ako sa backset ay tila tulala ako at walang nakikita. First-time kong sumakay sa isang itim na Lamborghini. At ang isa pa sa nagpapawindang sa aking kaisipan ay ang kaalamang magsisimula na ako ngayon bilang isang secretary.

Ni hindi ko na rin nga napansin ang nakaupo sa backseat dahil lumilipad talaga ang isip ko sa pagkakalkula ng sasahurin ko bilang sekretarya. Basta lang ako umupo doon. At saka lang din ako lumingon sa katabi ko ng tumikhim siya at magsalita.

"I'm glad that Denise found you... Maniningil na kasi ako ng utang mo."

Natigilan ako, kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko.

That voice seems familiar...

With my eyes wide open, I look at the man who's comfortably sitting beside me, only to realize that he was the man whom I beat using the bottle inside the Dark Room.

I'm doomed!

*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status