Share

CHAPTER 01

"S-Sir sandali lang ho..." Nakataas ang dalawang kamay kong awat sa lalaking dahan-dahang lumalapit sa akin. "M-May gusto lang ho muna akong linawin bago mo ako kainin -- este, gawing dinner."

"What?" kunot ang noong tanong niya.

Ang sungit, biscuit!

"Hired na ba ako?" nakangiting tanong ko, umaasa na sana nga ay pasok na ako sa trabahong ito. Kailangan ko kasi talaga ng pera. Hindi lang basta pera kun'di malaking halaga ng pera!

Malaki ang magagastos para sa operasyon ng Mama ko, at ni singkong bulag ay wala ako ngayon. Nagmamakaawa na nga rin ang isang daan sa wallet ko, bukod sa nanginginig na, ayaw pa yatang pahugot sa pitaka.

Lalo namang kumunot ang noo ng lalaki, mukhang hindi naintindihan ang pinupunto ko. Pinasadahan niya rin ako ng tingin mula sa boobs ko pababa sa legs. 'Di naman sa pagmamayabang, pero sagana naman ang bulubundukin ko at higit sa lahat, mala-kutis Anne Curtis ang balat ko, kaya naman proud ako kahit anong titig pa ang gawin niya sa'kin. Alaga kasi ako sa sebo de macho noong kabataan ko kaya wala akong peklat at hindi rin naman galisin.

Ipinagpapasalamat ko talaga sa Mama ko na inalagaan niya ang kutis putaragis ko noong kabataan. Kaya naman may gandang hindi ka-aka-akala ako ngayon.

"Puwede na..." salat sa emosyong sagot niya.

Umawang ang bibig ko dahil sa tuwa. Gusto kong tumalon at magtitili dahil sa wakas, may trabaho na ako! Hindi ito panaginip, at hindi rin ako binabangungot. May trabaho na nga talaga ko! 

"You can be my personal sex-retary," dugtong pa niya na hindi ko na masyadong inintindi pa.

Ang mahalaga lang naman ay ang sagot niya sa tanong ko kanina. May sasahurin na ako tuwing kinsenas at katapusan para may ipangtustos sa magulang kong may sakit.

"What's your name?" tanong niya sa akin bago siya umupo sa kama habang mariing nakatitig sa akin, lalo na sa boobs ko. Pasimple ko ngang tinakpan at baka mausog.

Mahirap na, napaka-rare pa naman ang magkaroon ng natural na boobs sa panahon ngayon.

"Minzireth ho. But you can call me Minzi-"

"Now Minzi, come here," agap niya. 

Kaagad naman akong lumapit at tumayo sa harap niya. Siguro mga tatlong ruler ang layo. 

"Can you dance?"

"Ho?"

"Marunong ka bang sumayaw?" ulit niya saka hinilot ang kanyang sentido. 

Naintindihan ko naman ang tanong niya, sadyang nabigla lang talaga ako. Hindi naman kasi ako nakapagpraktis ng pangmalakasang intermission number na gagawin ko ngayon. Malay ko ba naman kasi na pasasayawin nga talaga ako rito.

"Ah, S-Sir... a-ano ho bang sayaw ang gusto mo? Tap dance? Hip hop? Folk dance? O ballrom?" balik tanong ko sa kanya.

Bahala na si Batman! Magagawan ko naman siguro ng paraan yan.

Kumunot ang noo niya at tila hindi ata makapaniwala na ganoon ako katalented. Kahit nga magharlem at ballet pa ako sa harap niya, keri lang. Basta ba ipagagamot niya ako sakali mang mabalian ako ng tadyang.

"How about..." Tumayo siya at lumapit sa akin. Inikutan niya pa ako na para bang gusto niya yatang partner kaming dalawa sa pagsasayaw. "Sexy dance? You can strip in front of me while swaying your hips seductively," dugtong niya bago walang pakialam na hinablot ang manipis na strap ng damit ko.

Gawa ng dalawa 180 lang naman ang presyo ng damit kong may tatak na LV sa harap, ayon... nawasak! Lumitaw ang noo ng mount fuji at doon natutok ang paningin ng hambog na lalaki.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa pinipigil na inis. Hindi naman kasi porket siya ang magiging boss ko ay may karapatan na siyang sirain ang damit ko. Pinag-ipunan ko pa naman ang pinambili ko nito.

"Sir, alam mo bang LV ang damit ko?" sambit ko saka siya pinamaywangan. Tutal litaw na ang boobs ko na hindi na yata maitatago sa size 34B kong bra, much as well na lumiyad na lang ako para mas lalong ipamukha sa kanya ang kahambugan niya. 

"Kung makahablot ka ng damit parang ikaw ang bumili nito ah! Sinabi mo na lang sana na type mo ang damit ko, willing naman akong ipahiram 'to sa'yo. Hindi 'yong ganito na aabot pa tayo sa puntong kailangan mong hablutin hanggang sa mapunit!" gigil kong sabi ng tila wala lang sa kanya ang ginawa niyang paninira ng pag-aari ng iba.

"And who told you na type ko ang damit mo?" kunot noo at tila inosenteng tanong niya.

"Action speaks louder than words, duh!" sagot ko naman. "Kahit 'di mo sabihin, naaamoy kita."

Lalong nagsalubong ang kilay niya, tila galit na galit na siya sa akin at handa ng manakit. Hindi ko naman siya masisisi kung nabuko ko ang sekreto niya. Napakadali naman din kasing hulaan na isa siyang baklush. Hindi man lang kasi natinag sa namamakyu kong boobs. 

"What do you mean?" kuryosong tanong niya sa akin.

Maang-maangan pa ang gagah!

Napairap na lang ako sa kawalan saka siya matapang na hinarap. "Bakla ka..." Tinuro ko pa siya sa kanyang mga mata. "Aminin mo na!"

"What the fuck?!"

"Don't worry, marunong akong mag-keep ng secret. Safe ang budhi mo sa akin." Kampanteng sabi ko saka baliwalang lumapit sa maliit na mesa sa tabi ng kama.

Edi nanahimik si akla. Daming kuda, sarap ishoot sa banga! 

Kinuha ko ang alak na naroon sa mesa at sinipat 'yon. Apat na klase na ng alak ang natikman ko kanina sa labas bago ako pumasok sa Dark Room. Hindi naman siguro masama kung titikman ko rin ang alak ng boss ko ngayon? Masarap din kaya ito?

Nakangiting bumaling ako sa kanya saka itinaas ang bote. "Sir, puwede ko ba itong tikman?"

Pinasadahan niya naman ako ng tingin saka naiiling na tumango. Kahit naman hindi siya pumayag ay titikman ko pa rin ito. 

Hindi na ako gumamit ng baso at tinungga na lang ang laman ng bote. Nang sumayad sa lalamunan ko ang pinaghalong tamis at pait ng alak ay napapikit ako. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito at masarap pala. 

Kaya siguro marami ang manginginom sa amin dahil nasasarapan din sila sa alak. Pero hindi tulad ng alak na iniinom ng mga bartekero's sa lugar namin, itong alak na tinungga ko ay kakaiba ang hagod. Para bang hinihikayat akong ubusin ko siya. Hindi naman masama ang lasa, katunayan nga ay masarap talaga. Malamang mahal 'to!

Magkano kaya ang suweldo ko rito? Makakabili rin kaya ako ng alak na ganito?

"So? Tingin mo ilang minuto pa ang kaylangan mo bago mo gawin ang serbisyong dapat mong gawin para sa akin?" untag sa akin ng baklang hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

Tumaas ang isang kilay ko bago napa-auto lingon sa kanya ng marinig ko ang tila kasing lamig ng yelo niyang boses. Naputol na rin tuloy ang pagmumuni-muni ko, pangit naman kasi kabonding ni Sir! 

Para napasarap lang ako ng kaunti, mukha na siyang magdidiklara ng ika pitong gera. Anong klaseng serbisyo ba kasi ang gusto ng bruhang ito ng magtigil na?! Isa pa, kung magpapaturo siya sa akin ng sayaw... keri niya kaya? 

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, bago muling bumalik sa mga mata niya.

Sayang talaga ang lahi. Guwapo pero baklush!

"What?" naiinip niyang tanong saka tumayo.

Binaba ko na muna ang bote bago dahan-dahang lumapit sa kanya. "Kaya mong sumayaw ng naka-heels? Kasi kung hindi... pareho lang tayo. Ang hirap kayang magsayaw ng tatlong pulgada ang taas ng takong. Isa pa-"

"What the hell are you talking about?!" sigaw niya na ikinatigil ko. 

Napaatras ako ng kaunti at napatitig sa kanya. Sasagot pa sana ako, pero tila naumid ang dila ko ng makita ko ang pananalim ng mga mata niya.

Sheyms, seryoso na ba sya?!

"Do you really want to dance?" He asks and smirk.

"S-Sir-"

Hindi ko na natapos pa ang nais kong sabihin lalo na ng bigla niya akong tinulak sa kama. Sa gulat ko'y nasubsob ako roon, mabuti na lang malambot ang foam.

Ngunit ganoon na lang din ang pag-awang ng bibig at panlalaki ng mga mata ko ng bumulong siya mula sa likuran ko bago walang pakialam na itinaas ang laylayan ng dress na suot ko.

"Let's dance then! I will teach you how to Dougie!"

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status