Share

CHAPTER 03

Halos dalawang oras lang ang biyahe namin mula Masinloc hanggang Olongapo City. Lambo ba naman ang sasakyan at daig pa ang eroplano kung magmaneho ang driver ng talipandas na katabi ko. Kaya naman heto, hanggang sa opisina ni Alexis Montemayor ay tila lutang pa rin ako

And yes, naghuhumiyaw na Alexis Montemayor ang pangalan ng talipandas na lalaking ito na akala ko'y bakla! Ang bilis talaga ng karma.

Wala pa rin kaming imikan, ni salubungin nga ang tingin niya ay hindi ko magawa. Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko ng tumalon sa bintana para takasan ang lalaking ito. Hindi ko kasi alam kung magkano ang utang na sisingilin niya sa akin at kung magkano ba ang danyos sa nagawa kong pagpukpok sa kanyang ulo.

"Minzireth, right?" malamig at salat sa emosyong tanong niya.

Todo tango lang naman ako pero hindi pa rin lumilingon sa kanya.

"Simula ngayon kung nasaan ako ay naroon ka rin dapat."

Saka pa lang ako nagtaas ng mukha at tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "As in? Bakit naman?"

"Yes..." sagot niya bago tumayo mula sa kinauupuan niyang swivel chair. "I'm a busy man that's why I need a personal secretary who's flexible and can perform any task, and do the assigned job without any complaint."

"Paano kung may family dinner kayo ng pamilya mo? Alangan naman naroon din ako, kasi nga sabi mo, kung nasaan ka ay naroon din ako-"

"Yes," aniya at hindi na ako pinatapos pa.

Napakamot ako sa aking pisngi saka muling nagtanong sa kanya. "Eh kung tumatae ka? Naliligo? Baka naman kailangan pa kitang samahan? Aba, mahiya ka naman!"

"Puwede ka rin naman sa loob. Only if you want to join me inside the bathroom. But yeah... naroon ka pa rin, sa labas ng banyo kung iyon ang ikapapanatag mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Tao ba talaga 'tong Alexis na 'to o sadyang gago lang?!

"And how about your love life? Kung may date-"

"I don't date," agap niya.

Confirm... gago nga siya!

Humugot ako ng malalim na paghinga saka sinalubong ang titig niya. "Baka pati sex life mo kasama pa rin ako? 'Wag mong sabihin na habang inaabot n'yo ng ka-sex mo ang r***k ng tagumpay ay naroon ako at nakatunghay sa inyo... scorer na rin ang peg ko?"

"That's why I hired you as my personal secretary. Pleasuring me is your job too, and you'll be that woman whom you called ka-sex while reaching that r***k ng tagumpay when I can't find one-"

"What the pak-yu!" bulalas ko at tumayo na rin mula sa kinauupuan ko. "Ano ako? All around?! Matindi pala talaga ang tagas ng utak mo eh! Hindi ako nag-apply bilang personal secretary mo-"

"But you signed the contract, right?" agap niya saka ngumisi ng nakakaloko.

Natigilan naman ako. Bakit ba kasi hindi ko na muna binasa ang kontrata bago ako pumirma kanina?! Langya, minsan nakakabobo talaga ang tawag ng pangangailangan!

Lumapit sa akin si Alexis ng nakangisi saka pinagkrus ang magkabila niyang braso sa kanyang dibdib. Kung wala lang saltik ang talipandas na ito, papasa na talaga siyang modelo. Mas guwapo pa nga siya sa mga modelo na nakikita ko sa t.v at magazines.

"Done admiring the view?" Nakangising tanong niya pa rin.

Napairap na lang ako dahil sa kahambugan niya, pero oo, busog na ang mga mata ko. "Oo! Ganda ng view, sarap ngang sunugin hanggang makalbo!"

Muli siyang umupo sa swivel chair niya paharap sa akin saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang sa baywang ko. Nakakailang ang titig niya, pakiramdam ko ay nahuhubaran ako.

His midnight-black eyes were staring at me as if he was staring at my very soul. Idagdag pa ang mapupula niyang labi na bahagyang nakaawang habang pinapasadahan ako ng tingin. Shutabels! Baka hindi ako makapagtimpi, makurot ko siya sa pisngi.

Mayamaya ay tumikhim siya kasabay ng paghawak niya sa ballpen na nasa mesa. "Anyway, Minzi, how old are you?"

Ito na yata 'yong question and answer na dapat kong ipasa para sa interview.

Humugot na muna ako ng malalim na paghinga saka sumagot sa kanya. "23-"

"Highest educational attainment?" muli niyang tanong ng nakatitig sa akin.

"Vocational lang, two years grad-"

"Do you have a boyfriend?" 

S***a, dami namang keme nito!

"Single, pero may mga manliligaw naman-"

"I don't care," muli niyang putol na kinataas ng isang kilay ko. "Hindi ako interesado sa mga manliligaw mo, ang tinatanong ko ang sagutin mo."

"Wala nga! Ay apo, ang kulit! Kung kurutin kaya kita sa singit?!" naiirita kong sagot.

Napangisi naman siya saka kampanteng sumandal sa sandalan ng swivel chair niya bago muling nagtanong.

"Are you still a virgin?"

Napapalatak ako at halos bumagsak ang panga sa kaprangkahan ng tanong niya. Tama bang pati 'yon ay itanong niya pa? Kasama ba 'yon sa SOP at qualifications na hinahanap niya sa mga empleyado niya?

"What?" He smirked, at tila naiinip. "Are you still a virgin or not-"

"Hoy!" Dinuro ko siya sa mata kaya naman natigilan siya. "Aminado akong maganda ako, pero hindi naman ako kaladkarin 'no!"

Ang kapal ng kalyo sa mukha ng gago! Tingin niya sa akin? Basta na lang kumakalampag sa kung sinu-sino?! Kahit naman madali akong maakit sa mga guwapo, lalo na sa malinis at mabango na parang tulad lang niya ay nakapagtitimpi pa rin naman ako. 

Kalmado pa rin si pempem!

"Why? May mali ba sa tanong ko? I was just curious." Napangisi siya saka muling hinagod ang kabuoan ko ng may malisya na halatang halata naman sa kanyang mga mata. "Don't worry, sa una lang naman masakit, pero sasanayin kita hanggang sa ikaw na ang magkukusa-"

Hindi na ako nakapagpigil pa at ibinato sa kanya ang suot kong sandalyas. "Hindi ka lang pala gago, pilingerong palaka rin!" sigaw ko habang nakatayo at nakaduro ang kamay sa mismong mukha niya. "Mahalaga sa aming mga babae ang iniingat-ingatan naming puri! Palibhasa kasi kayong mga lalaki, basta na lang tuhog ng tuhog! Pasok ng pasok ng walang iniisip na hakbang at walang plano pagkatapos makaraos! Uulitin ko sa'yong hangal ka na mahalaga ang aming-"

"Bakit? Mapapakain ka ba ng puri mo?" baliwalang tanong niya ng nakakunot ang noo. Sa kamay niya naman ay ang isang pares ng sandalyas kong ibinato sa kanya. "Can you ride a taxi and pay the taxi driver the puri that your'e talking about? Or, makakapag-grocery ka ba ng walang pera at ma-ikakaskas ang puri mo para makabayad ka?"

Tengene talaga!

Bakit ba sa dinami-rami ng taong puwede kong makasama sa loob ng malawak at magandang opisina ngayon, ay ang hayop na Alexis Montemayor na 'to pa?! Kung pukpukin ko kaya siya ulit ng bote ng alak ng mahimasmasan siyang letse siya?!

"Kung ako sa'yo, 'wag mo ng gawin ang nasa isip mo dahil lalaki lang ang utang mo at kulang pa ang puri mo bilang pambayad," malamig niyang sabi habang tiim bagang na nakatitig sa akin ng mapansin niyang masama ang tingin ko sa bote ng alak na nasa gilid niya.

Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko kinakaya ang kagaguhan ng lalaking 'to. Kailangan kong i-save ang energy ko dahil baka kung ano na naman ang maisip niya at itulak na naman ako ng patuwad sa lamesa!

"Look at me Minzi," utos niya, imbes na simpleng lingon lang ay tinitigan ko siya ng masama. "May nakahalik na ba sa'yo?" seryosong tanong niya na ang mga mata ay sa labi ko na nakatutok.

Nakaramdam ako ng ilang dahil sa klase ng titig niya. Lalo na ng sumilay ang pinong ngiti sa mapupula niyang labi.

"Since your face turns red and looks flustered..." He smirked. "I guess, wala pa."

Akmang sisinghalan ko siya dahil sa kahambugan niya pero hindi ko na nagawa pa. Naging mabilis ang pangyayari, namalayan ko na lang na nasa harap ko na siya at mariing hawak ang aking baba. Gahibla na lang ang agwat ng labi niya sa labi ko at tila hindi na rin ako makahinga dahil sa bilis ng pangyayari.

And then he smile. 

Dahan-dahang bumababa ang labi niya palapit sa akin. At ng malapit ng magkadikit ang labi namin ay saka pa lang siya nagsalita.

"Masarap akong humalik. 'Di naman siguro masama kung ako ang magiging first kiss mo. Anyway, kasama sa trabaho mo 'to para lang alam mo."

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status