“PUMAYAG na ako sa plano mong pakasalan ang babaeng iyon, Lianela, ano na naman ba itong gusto mong mangyari?” Hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Gabrielle habang magkakausap sila ng ama at ni Lianela.
“Tama si Atty. Mendez, Gabrielle. Mas mainam na tumira muna kayo ni Millet sa isang condominium. At least mas secured kayo duon at walang media na basta-basta na lang makakapasok sa loob ng bahay. Besides, maitatago natin sa mga katulong ang totoong sitwasyon ninyo ng babaeng iyon since kayong dalawa lang ang magsasama sa condo. Alalahanin mong nasa paligid lang ang mga kalaban. Ayoko ng bigyan na naman sila ng pagkakataong mabutasan ka. Nakita mo ang effect ng pagpapakasal mo ng babaeng iyon? Tumaas ang tiwala ng taong bayan saiyo!”
Hindi umimik si Gabrielle.
Nilingon ni Lianela si Don Miguel, “Please address her as Millet, hindi babaeng iyon, Don Miguel. Or else, lalabas na hindi mo gusto ang ideyang pinakasalan ni Gab ang isang hampas lupa at walang pinag-aralang babae na iyon!”
Napatawa ang matanda, “Magaling ka talaga, Lianela. Kaya tiwalang-tiwala ako saiyo!” papuri niya sa dalaga. Muli nitong tiningnan si Gabrielle, “Tapos na ang usapan, lilipat kayo ni Millet sa bago nyong tirahan bukas na bukas din. At ayokong may ibang makaalam ng tungkol dito.”
“Wala kayong dapat na ipag-aalala Don Miguel, mahigpit ang security sa condominium na lilipatan nila.”
Napapailing na lamang si Gabrielle habang nakikinig sa usapan ng ama at ni Lianela. Kahit kailan ay wala na talaga siyang say sa sarili niyang buhay. Napahinga siya nang malalim saka tumayo, “Well, I guess nakapagdesisyon na kayo, so wala na pala tayong dapat na pag-usapan pa,” aniyang tila nag-give up nang ipilit pa ang kanyang gusto. “By the way Dad, pinag-aralan ko iyong reports. . .”
“Gabrielle, since tumatakbo ka sa pagka-Presidente, huwag mo na munang pakialam ang lahat ng may kinalaman sa ating mga negosyo. Mag-focus ka lang muna sa iyong political career, okay? Let me handle everything. Mapagkakatiwalaan ang lahat ng ating mga tauhan.”
“Yes Dad,” iyon na lamang ang nasabi niya sa ama.
HINDI NA NAGTANONG pa si Millet nang ipaalam sa kanya ni Atty Lianela Mendez na kinakailangan nilang tumira sa condominium ni Gabrielle.
“Huwag ka ng mag-impake ng mga gamit mo since hindi mo na rin naman mapapakinabangan ang mga iyon. Inutusan ko na ang personal shopper ko para ipamili ka ng mga bagong gamit mo. Gusto kong maging presentable ka para naman hindi kahiya-hiyang matawag na Mrs. Dizon ka. Imagine, ang guwapo-guwapo ng asawa mo pagkatapos mukha ka lang basahan,” may sarcasm na sabi ni Atty. Lianela Mendez sa kanya.
Napakagat labi lang siya sa masakit na tinuran ng babae pero tagos sa dibdib niya ang pagyurak nito sa kanya.
“And by the way, kabisaduhin mo iyong script na ibibigay ko saiyo. Bukas may darating na reporter para interbyuhin ka.”
Kinabahan siya sa sinabi ng abogado, “Reporter?”
“Don’t worry, binayaran ko iyon kaya hindi sya magtatanong ng makakasira sa reputasyon ni Gabrielle. Basta kabisaduhin mo lang ang script na ibibigay ko. . .” bigla itong natigilan, “Oh, hindi ka nga pala marunong magbasa!” Tila inis na sabi nito, tiningnan siya nito na tila gusto siyang pagtawanan, “Akalaing mong may mga taong kagaya mo na,” hindi n anito itinuloy pa ang sasabihin pero ramdam niya ang tila punyal na tumarak sa kanyang dibdib habang tinitingnan siya nito na punong-puno ng pandidiri.
Namumula ang kanyang mukha. Hindi man sabihin ni Atty Lianela Mendez ang lahat ng nasa isip nito, alam niyang masakit lahat iyon. Pero totoo namang mangmang siya. Katawa-tawa man na sa edad niyang disi-nuebe ay hindi pa siya marunong bumasa at sumulat pero iyon ay isang katotohanan.
“Anyway, may papupuntahin ako dito para basahin sa harapan mo ang lahat ng isasagot mo. Hindi ka magpapahinga hangga’t hindi mo nakakabisado ang lahat ng kailangan mong sabihin bukas sa interbyu.” Sabi nitong parang nakikipag-usap lang sa bata, “Maliwanag ba?”
Tumango na lamang siya. Hindi na umimik pa si Atty. Lianela Mendez hanggang talikuran siya. Lumapit ang isa sa mga tauhan nito at iginiya siya patungo sa kotse.
“Ma’m, sumakay na po kayo.” Anang lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung kikiligin siya nang i-address siya nito bilang ‘ma’m.’ Masarap pala sa pakiramdam na makarinig ng respeto mula sa ibang tao kahit na alam niyang kunwari lamang naman iyon. Kanina ay narinig niyang sinabihan lahat ni Atty. Lianela Mendez ang lahat ng staffs nito na sa tuwing kakausapin siya ay tawagin siyang ‘ma’m’.
“Pero ‘wag kang masanay,” babala ng abogado sa kanya, “Alam mo namang palabas lang ang lahat ng ito,” halos pabulong pang sabi nito.
Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda