NAPALUNOK si Millet nang tumutok ang camera sa kanya. Kinakabahan siya na natatakot na hindi niya maintindihan. Parang babaligtad ang sikmura niya at gusto niyang tumakbo at magtago sa kuwarto ngunit sa tuwing nakikita niya si Atty. Lianela Mendez na nakatingin nang matalas sa kanya, para na lamang siyang dahon na hinahayaang matangay kung saan siya dalhin ng hangin.
“Oho, h-hindi ako marunong bumasa at sumulat,” pumipiyok ang boses niya habang kaharap ang isa sa pinakasikat na reporter ng bansa, “N-ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan namin ng dati kong amo. N-naniniwala po kami pareho na hindi hadlang ang kawalan ng pinag-aralan para sa tunay at wagas na pag-ibig. S-sa katunayan po, ipinaramdam sa akin ni Gabrielle na pantay lang kami. . .na hindi ako isang mangmang na babae sa paningin niya.” Napalunok siya nang makalimutan ang ilang linya kaya nag-adlib na lamang siya ng sasabihin, “Kaya mas lalo ko pong minahal si Gabrielle. Alam ko pong nagulat ang lahat sa bilis ng mga pangyayari. Maski ako, nagulat rin pero ganito naman po talaga ang pag-ibig, walang pinipiling antas sa buhay, hindi po ba?”
Kumunot ang nuo ni Atty. Lianela Mendez nang marealize na lumilihis na si Millet sa script na ginawa niya. Napahinga siya ng malalim ngunit naisip niyang mabuti na ring nag-adlib ito. Basta sa ikagaganda ng imahe ni Gabrielle ay gagawin niya ang lahat. Kahit tumututol ang damdamin niya lalo pa at habang tinititigan niya si Millet ay mas lalong nagnining-ning ang inosenteng kagandahan nito.
Natatakot siyang baka maulit na naman ang nangyari sa dalawa. May kahiligan pa naman sa babae si Gabrielle. Ngunit sa ngayon ay gusto muna niyang iwaksi sa utak niya ang tungkol sa mga bagay na iyon.
Kailangang makuha ni Gabrielle ang simpatya ng masa. At mapaniwala ang mga ito sa palabas nila. Sabagay, hindi naman sila mahihirapang gawin iyon. Napakadali namang paglaruan ng mga botante. Kaunting drama lang, kumakagat na sila. Bihira na ang gumagamit ng critical thinking. Ngayon pa lang ay naamoy na niya ang panalo ni Gabrielle lalo pa at very entertaining sa kanila ang nangyayaring ito.
Mala-cinderella kuno ang love story ni Millet at Gabrielle. Napangisi siya. Parang gusto niyang matawa sa napakagaling na ideya niyang ito. Kung hindi niya ito naisip, baka sa kangkungan pupulutin ang political career ni Gabrielle. Napaliyad siya. Tinitiyak niyang isa siyang asset sa pamilya Dizon. Alam naman siguro ng mga ito ang halaga niya.
Nilingon niya ang isa sa kanyang mga staffs, tingin pa lang niya ay alam na nito kung ano ang gagawin. Sinundo nito sa dressing room si Gabrielle para isalang sa interbyu kasama ni Millet.
Napag-usapan na nila ito kaya hindi na siya nagulat pa nang umupo si Gabrielle sa tabi ni Millet at hawakan nito ang isang kamay ng dalaga.
Bahagya siyang napangisi. Alam niyang labag sa kalooban ni Gabrielle ang lahat ng ito ngunit para lang itong isang tuta na sunod-sunuran sa sasabihin ng ama. Hindi niya alam kung bakit pagdating kay Don Miguel, parang bahag ang buntot nito.
Nawitness niya kung paano magpatakbo ng kompanya si Gabrielle and in fairness, napakagaling nito. Pero never pa nitong kinontra si Don Miguel kahit na sa anong desisyon ng don.
Kaya naman naisip niyang si Don Miguel ang gagamitin niya para maningil sa lahat ng pinaghihirapan niyang ito.
Sumilay muli ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos ng lahat ng ito, titiyakin niyang maniningil siya.
“THAT WAS BULLSHIT!” Bulyaw ni Gabrielle kay Lianela pagkatapos ng kanilang interbyu, asar na hinubad niya ang suot na necktie at itinapon sa sofa , “Para akong masusuka sa mga sinasabi ko kanina sa interbyu. Don’t you think this is too much? Bakit kailangan kong gumimik ng ganito para lang. . .”
“Inaayos lang natin ang problemang ikaw ang gumawa,” kalmadong paalala ni Lianela sa kanya.
“Damn!” Gusto niyang magwala, yamot na nilingon niya si Millet na nakatayo lang sa kanilang likuran, “Ikuha mo ako ng alak,” utos niya rito. Kaagad namang tumalima ang babae.
“Gabrielle, ilang beses ko bang sasabihin saiyong hindi ka pwedeng maglasing,” sabi ni Lianela sa kanya.
“Pati ba naman iyon ipagbabawal mo na rin?” Singhal niya rito.
“Gusto ko lang ingatan ang image mo. Baka malasing ka na naman at makagawa ka na naman ng bagay na pagsisihan mo later on. . .” Paalala nito sa kanya.
Napahinga siya ng malalim.
“Ginusto mo ito, hindi ba? Sabi ko naman saiyo, hindi madali ang career na tatahakin mo,” sabi ng abogada sa kanya.
Mapakla ang naging tawa niya, “Alam mong hindi ko ito ginusto, hindi ba?”
“Then bakit hindi mo kinontra ang kagustuhan ni Don Miguel?” Tanong nito sa kanya.
Hindi na niya ito sinagot. Hanggang ngayon ay wala itong alam sa mga pinagdaanan nila ng Daddy niya nang layasan sila ng ina at sumama ito sa ibang lalaki. Ayaw na niyang mapahiya pa ang ama. Sapat na ang mga sakit ng kaloobang pinagdaanan nito nuon.
“Anyway, nandito na ito at kung gusto mong manalo sa darating na election, you have to win the people’s heart. Kailangan mong manuyo. Kailangan mong ipakita na iba ka sa mga kalaban. Na nasa masa ang puso mo.”
“Oo na, oo na!” tila nayayamot na sabi niya saka mabilis nang tumayo at pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
Nang bumalik si Millet sa salas ay si Atty. Lianela Mendez na lamang ang naroroon. Ibabalik na lamang sana niya sa kusina ang dalang alak ngunit tinawag siya nito.
“Ako na lang ang iinom nyan. Ipagluto mo na ng dinner si Gab. Pihadong gustom iyon mamaya paggising. . .” sabi nito saka biglang nagbago ang isip, “Ah never mind. Sa labas na lang tayo magdi-dinner.”
“K-kasama po ako?” Takang tanong niya.
Napaismid ito, “Natural. Sa mata ng mga uto-u***g botante, mag-asawa kayo at hindi ka nya katulong. Maliwanag ba?”
Tumango siya.
Itinaas nito ang mga paa sa sofa, “Pero kapag tayo lang ang magkakaharap, maid ka pa rin at pinapasweldo ka lang dito kaya imassage mo ang mga paa ko,” utos nito sa kanya.
Hindi kaagad siya kumibo.
Pinandilatan siya nito ng mga mata, “Ano pang itinatanga-tanga mo dyan? Don’t tell me hindi ka lang marunong bumasa at sumulat, may problema ka rin sa pandinig mo?” Nang-iinsultong tanong nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi imassage ang mga paa nito.
PINASADAHAN ng tingin ni Lianela si Millet. Bahagya siyang nagulat nang mapagtantong mas lalong lumutang ang ganda nito sa suot nitong pink floral dress. Kung may oras lang sana ay pagpapalitin niya ito ng damit dahil mas lalong napaghahalata ang malaking age gap nila ng babae sa ayos niya.
Nilingon niya si Gabrielle na tahimik na tahimik lang, ni hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito pero huling-huli niya ang mga mata nito nang pasadahan nito ng tingin si Millet. At ayaw man niyang aminin, nakita niyang napa-second look pa ito nang mapagmasdan ang itsura ng katulong. Napaismid tuloy siya.
“Let’s go, nagugutom na ako,” nauna na siyang lumabas ng condominium. Marami siyang hindi gusto pero kailangang gawin para lang sa imahe ni Gabrielle. Nilingon niya ang dalawa.
Nanlamig ang mga talampakan ni Millet nang hawakan ni Gabrielle ang isang kamay niya. “Palabas lang ang lahat ng ito,” bulong pa nito sa kanya nang papalabas na sila ng elevator.
Parang gusto na niyang hilahin ang kamay niyang hawak ni Gabrielle ngunit tiyak niyang mapapagalitan siya ng mga ito kapag ginawa iyon. Waring babaligtad ang sikmura niya sa pinaghalo-halong kaba at takot. Hindi naman kasi ganuon kadaling umakting lalo pa at maraming mga mata ang nakamasid sa kanila.
Kaunting pagkakamali lang niya, tiyak na magwawala sa galit si Atty. Lianela Mendez. Nang makarating sa restaurant ay magiliw na iginiya siya ni Gabrielle sa upuang katabi nito. Sa galing nitong umakting ay parang gusto na niyang maniwalang totoo nga silang mag-asawa ng lalaki.
Napalunok siya nang iabot sa kanya ng waiter ang menu. Hindi niya alam basahin ang mga nakasulat duon.
“Oh, I’m sorry, pwede bang pakibasa sa kanya ang mga nakasulat sa menu, paki-explain na rin, kung hindi mo naitatanong, illieterate ang napangasawa ni Sir Gabrielle Dizon,” magiliw na sabi ni Atty. Lianela Mendez sa waiter.
Pinamulahan si Millet ng mga pisngi. Kulang na lang ay isigaw ng abogado sa buong restaurant kung gaano siya katanga.
“It’s alright,” sabi ni Gabrielle sa waiter, “Ako ng bahala um-order para sa kanya.”
Matapos makuha ng waiter ang mga order nila at makaalis na ito ay muli siyang kinausap ni Atty. Lianela Mendez, “May kailangan kang kabisaduhing speech. From now on, kailangang kasama ka na ni Gabrielle sa lahat ng mga campaign rally nya.”
“Ho?”
Pinagtaasan siya ng isang kilay ng babae, “Kailangan bang ulit-ulitin ko saiyo ang lahat ng sasabihin ko?” may kasungitang sabi nito.
“Lianela. . .” saway ni Gabrielle dito saka tumingin sa kanya, “I’m sorry kung pati ikaw nadamay sa sitwasyon ko.” Paghingi nito ng paumanhin sa kanya.
“Wow, Gabrielle, baka nakakalimutan mong pumayag siyang makisiping saiyo ng gabing iyon kaya tama lang na madamay siya sa sitwasyong ito!” may sarcasm sa tonong sabi ni Lianela.
Napayuko siya. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit natatakot siya.
“LIANELA, don’t you think this is too much?” Tanong ni Gabrielle sa abogado nang makauwi na sila ng bahay at sila na lamang ni Lianela ang nasa salas, “Bakit kailangang kasama ko pa si Millet sa kampanya? Alam mo namang hindi siya nakapag-aral, paano kung magkalat lang siya duon? Paano kung mapahiya lang siya, alam mo naman kung gaano karumi ang laro ng politika.”
“Well, pumayag siyang mapasok sa sitwasyong ito kaya dapat lang na makipag-cooperate siya. Besides, the more na malalaman ng tao kung gaano kaignorante ang napangasawa mo, the more na makakarelate ang masa saiyo. Mas mamahalin ka ng mga tao!”
“At her expense?” Hindi makapaniwalang sabi ni Gabrielle sa abogado.
Napangisi si Lianela, “Yeah, at her expense? May problema ba tayo dun? Gab, baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit mo siya pinakasalan?” Paalala nito sa kanya.
“Pero. . .”
“Naniniwala akong may nagsabotage saiyo kaya nangyari ang gabing iyon, Gab. Let’s use that to your advantage. By the way, pina-iimbestigahan ko na kung sino ang nasa likod ng eskandalong nangyari.”
Napakunot nuo si Gabrielle. Iyon rin ang kutob niya. May sumabotahe sa kanya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit bigla na lamang niyang nagawa ang mga bagay na iyon kay Millet. Never pa siyang namilit makipagtalik sa kahit na kaninong babae ngunit nang gabing iyon, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya at bigla na lamang niya itong pinuwersang makipag-sex sa kanya. Nanlaban ito, natatandaan niya. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na niya maalala pa.
HINDI MAKATULOG SI MILLET ng gabing iyon dahil iniisip niya ang sinabi ni Lianela na kailangan niyang sumama at magsalita sa mga campaign rally ng kanyang amo. Lalabas sana siya ng kuwarto para kumuha nang tubig nang marinig niya ang tinig ni Atty. Lianela Mendez sa kusina habang kausap nito si Gabrielle.
May gusto raw sumabotahe sa kandidatura ng kanyang amo? Ang natatandaan lang niya, dinalhan niya ng alak sa kuwarto nito. Nakailang balik rin siya duon dahil inuutusan siya ng Tiya Norma niya na magdala ng yelo para sa inumin nito. Iyong ika-tatlong balik niya, bigla na lamang siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat at pinilit na halikan. Nanlaban siya ngunit ewan kung bakit bigla na lamang siyang nahilo. Ang sumunod na mga pangyayari ay nang magising na lamang siyang hubo’t hubad katabi nito.
Nakuyumos niya ang kanyang mga kamay. Maari ngang may gustong sumabotahe sa kandidatura ng kanyang amo at siya ang ginamit nito para maisakatuparan ang masamang balak. Natatandaan niyang sabi ng kaibigan niyang si Janet na nagtrabaho sa isang club sa Thailand, may inilalagay raw sila sa inumin ng kanilang mga customer para mawala ang mga ito sa sarili. Ang sabi pa nga nito, kung malakas lang ang loob niya, bakit hindi siya sumama ditong magtrabaho sa Thailand. Tiyak raw na marami siyang magiging parokyano. Pero hindi niya kayang ibenta ang katawan para lang magkapera kaya hindi siya sumama.
Posible kayang iyon ang ipinainom ng kung sinuman kay Gabrielle kaya nawala ito sa wisyo ng gabing iyon? At baka napainom rin siya ng pampatulog kaya bigla na lamang siyang nanghina ng gabing iyon.
Pero sino ang gagawa niyon?
Bigla niyang naalala ang kanyang Tiya Norma. May kinalaman kaya ito? Pero imposible. Ano naman ang magiging motibo nito? Wala naman itong koneksyon sa mga kalaban ng kanyang amo sa politika.
Oo, mahirap pagkatiwalaan ang kanyang Tiya Norma pagdating sa pera ngunit hindi naman siguro ito ganuon kasama para ipahamak siya.
MAAGANG GUMISING SI MILLET para maghanda ng almusal. Nagulat siya nang pasabayin siya ng kanyang amo sa pagkain. Medyo hesitant pa siya ngunit sinabihan siya nito na dapat masanay raw siya dahil parte iyon ng kanilang palabas. From now on raw ay huwag niyang isiping katulong siya nito.
Iyon rin ang sabi ni Lianela sa kanya. Para at least ay sanay siyang sa harap ng ibang tao ay komportable siyang kasama si Gabrielle at hindi mahahalatang palabas lamang ang lahat ng ito.
Napilitan tuloy siyang saluhan itong mag-almusal.
“Hindi mo dapat isinasawsaw ang slice bread sa kape,” sabi ni Gabrielle sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya. Kumuha ito ng slice bread at pinahiran iyon ng butter gamit ang bread knife saka nilagyan iyon ng cheese at ham sa ibabaw, “This is how you eat bread.”
“Hindi naman po kasi ako sanay kumain ng cheese at ham sa tinapay. Saka mas sanay ako sa sinangag at tortang talong sa almusal.” Paliwanag niya rito.
“Well, you can cook friend rice and egg if you want. Hindi naman kita pinagbabawalang galawin ang kahit na anong pagkain sa fridge. I just find it annoying na makitang isinasawsaw mo ang tinapay sa kape,” anitong napakibit balikat, “It’s just me.”
Tumango na lamang siya kahit kalahati sa sinabi nito ay di naman niya naiintindihan dahil nag-e-English ito.
“By the way, nang gabing may mangyari sa atin, ano ang naalala mo?” Tanong ni Gabrielle sa kanya.
Namula ang mga pisngi niya. Naalala niya nang hawakan nito ang magkabila niyang balikat at halikan siya nito. Naalala niya ang pakiramdam at ang lasa ng mga labi nito. Para siyang kinukuryente na hindi niya maintindihan. At ang mga labi nito, kahit lasang alak ay parang nagustuhan niya.
Siguro talagang magaling lang itong humalik kaya naapektuhan siya. Ngunit maliban duon ay wala na siyang maalala.
“Millet, are you with me?” Tanong ni Gabrielle nang tila malayo ang takbo ng utak ng kausap niya.
“Ho eh. . .”
Nakita ni Gabrielle ang pamumula ng mukha nito. At ewan kung bakit biglang sumagi sa alaala niya ang gabing hinalikan niya ito. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring nanunuot sa kanyang gunita ang pakiramdam nang malasahan niya ang matamis nitong mga labi. Aminado siya, marami na siyang nahalikang mga babae ngunit parang bago sa kanyang pakiramdam ang inihatid ng mga labing iyon ni Millet.
“A-ang totoo po, wala akong maalala p-pagkatapos ninyo akong halikan. . .”
“So, naalala mo nang halikan kita?”Matiim na tanong ni Gabrielle, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. At bakit ba parang nag iinit ang kanyang buong katawan habang nakatingin sa magandang mukha nito?
Napilitang tumango si Millet.
Napalunok si Gabrielle.
Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda