Share

The President’s Illiterate Wife
The President’s Illiterate Wife
Penulis: Michelle Vito

CHAPTER 1

Penulis: Michelle Vito
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-01 12:20:33

(PAUNAWA:  Ang nobelang ito ay kathang isip lamang.  Alam ko pong sa totoong buhay, hindi qualified maging president ng Pilipinas ang isang twenty seven years old.  But since fiction lang ito, hayaan nyo pong gumana ang ating mga imagination.  Parang ang pangit kasi kung masyadong matanda na ang gagawin kong leading man sa aking kwento.}

NAGISING na lamang si Millet na hubo’t hubad katabi ng kanyang amo na si Mr. Gabrielle Dizon, at gaya niya ay wala rin itong saplot sa katawan.  Nangangatal ang katawan na bumangon siya at nagmamadaling nagbihis.  Para siyang maiiyak lalo pa at wala siyang matandaan kung paano siyang napunta sa kwarto nito.  Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay maraming camera ang kumuha ng larawan niya, pati na rin sa amo niya na kasalukuyang mahimbing pa ang tulog.

Tinakpan niya ang kanyang mukha at patakbong nagtungo sa servant’s quarter ngunit may ilan sa mga reporters ang sumunod sa kanya.

Samantala, naulinigan ni Gabrielle ang ingay na nagmumula sa kwarto niya, pagmulat ng kanyang mga mata ay nagulat siya nang makita ang maraming reporters na kinukuhanan siya ng picture.

“What the fuck!!!” sigaw niya.  Mabuti na lang at dumating kaagad ang kanyang mga staffs at mabilis na pinagtabuyan ang mga reporters palabas ng kanilang bakuran.  Nagmamadali siyang nagbihis.  Paglabas niya ng kanyang kuwarto ay nakita niya ang kanyang ama, hinihintay siya sa salas at hindi maitago ang galit sa ekspresyon ng mukha nito.

Kung hindi siya nakaiwas ay baka tinamaan siya ng ibinato nitong vase. “Anong katarantaduhan  itong ginawa mo?  Alam mong gagawin ng mga kalaban ang lahat para mabutasan ka.  Bakit hindi ka nag-iingat?”

Hindi siya makapagsalita.  Ang tanging natatandaan lang niya, lasing siya kagabi at nag-iinit ng husto ang kanyang katawan kung kaya’t hinila niya papasok ng kuwarto ang pinakamaganda niyang katulong.  Natandaan pa niyang nagpumiglas ito ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay wala na siyang maalala pa.

“Pinagpipiyestahan ka na ngayon sa lahat ng social media platforms.  Ang ganda na ng ratings mo pero sa nangyaring ito, tiyak na bubulusok ka pababa,” Sabi ni Atty. Lianela Mendez, isa sa kanyang mga advisers pagdating sa kanyang political career.  Iniabot nito sa kanya ang hawak na phone at ipinakita ang mga eskandalosa niyang larawan pati na rin ng kanyang maid.

“Ang bilis naman nila,” hindi makapaniwalang sabi niya. Nang lingunin niya ang ama, nakita niyang madilim ang mukha nito.

Napatiim bagang siya.  Alam niyang may sumasabotahe sa kanya.

“Huwag ka nang mabigla kung bumulusok pababa ang iyong ratings ngayong araw na ito,” sabi pa ng dalaga.

Nilapitan siya ni Don Miguel at sinampal ng ubod lakas, “Putang ina mo.  Malaki na ang naipuhunan natin dito, ngayon mo pa sisirain?  Talaga bang hindi mo kayang kontrolin yang kakatihan mo?”

Hindi siya makapagsalita.

Parang nanghihinang napaupo si Don Miguel.  Inabutan siya ng isang basong tubig ng assistant nito. 

“Tawagin mo ang babaeng iyon!” utos ni Don Miguel sa tauhan nito.  Kaagad namang tumalima ang lalaki.

NAKATUNGO SI MILLET at hindi alam kung paano titingnan ang kanyang mga amo lalo na at kilala niya kung papaano magalit ang matandang don.  Tiyak niyang siya ang sisihin nito sa mga nangyari kahit na wala naman siyang kalam-alam.  Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung papaano siyang napunta sa kwarto ni Sir Gabrielle.

Napahiga siya sa sahig nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kanya.  “Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, hindi ba? Binayaran ka ng kalaban ni Gabrielle kaya ka pumayag na maikama niya?” Bulyaw nito sa kanya.

Napaiyak siya, “Wala po akong alam sa sinasabi nyo.” Mahinang tugon niya rito.  Hahampasin sana siya ng tungkod ng matanda nang pigilan ito ni Gabrielle.

“Stop it, Dad.  Pinilit ko sya kaya nangyari ito,” sabi ni Gabrielle dito.

Nangangatal sa galit ang don, nilingon nito si Atty. Lianela Mendez, “Ayusin mo to!  Ayokong pumalpak ang candidacy ni Gabrielle nang dahil lang sa katarantaduhang ito!” Sabi nitong nagmamadali na silang tinalikuran.

Napakagat labi si Millet.  Pakiramdam niya ay napakarumi niyang babae dahil ibinigay niya ang kanyang sarili sa kanyang amo at ni wala siyang maalala sa mga nangyari.

NAPANGISI si Aling Norma nang abutan siya ng fifty thousand pesos ng sekretarya ni Don.Sebastian Africa, ang isa sa mga mabangis na kalaban sa politika ng mga Dizon. 

“Marami pong salamat, Ma’m Nenita,” sabi nitong nagbigay pugay sa matandang babae na siyang tumatayong kanang kamay ng don.

“Paunang bayad pa lang yan.  At inaasahan kong walang ibang makakaalam ng tungkol dito, maliwanag ba?” Paniniyak ni Nenita sa kanya habang nakatingin ito sa kanya nang matiim, “Kapag maganda ang iyong serbisyo at hindi ka papalpak, makakatanggap ka ng sahod buwan-buwan.”

Parang pumalakpak ang mga tainga ni Aling Norma sa sinabi ng babae sa kanya.  Malaking tulong ito sa nagkukumahog niyang pamilya sa probinsya.  Mabuti na lamang at tatanga-tanga ang kanyang pamangkin.  Sinasabi na nga ba at mapagkakakitaan niya ito.

Ang balak niya nuon ay ipasok ito sa isang cabaret since maganda ang pamangkin niya. Ngunit nang mangailangan ng karagdagang katulong ang mga Dizon ay ipinasok na lamang niya ito duon.  Mas mainam na kaysa sumabit pa siya.  Kalahati ng sinasahod nito ay isinusubi niya at wala itong kamalay-malay duon.  Ang buong akala nito, ten thousand lang ang buwanang matatanggap nito sa pangangatulong since siya ang tumatanggap at pumipirma sa sinasahod nito.

Kung siya lang ang masusunod, sosolohin na lamang niya ang kinikita nito.  Kaya lang ay baka magtaka naman ang Kuya Solomon niya, ang ama ni Millet, kapag hindi ito magpadala ng sweldo lalo pa at nagpapagamot ito.  Baka magkagulo pa at lalong mawalan siya ng kickback.

Ni hindi nakatuntong ng elementary si Millet dahil bata pa lamang ito ay nagtratrabaho na kung kaya’t hindi ito marunong sumulat at bumasa.  Kaya naman napakadali nitong magpasamantalahan.

Hanggang dumating ang pagkakataong makilala niya si Miss Nenita Baysa nang mamukhaan niya ito sa isang coffee shop.  Madalas na niya itong makita sa tv kasama ng mga Africa.  Naisip niyang baka mapagkakitaan niya ang mga ito at hindi nga siya nagkamali.

Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ito.  Nuong una ay hindi pa siya nito pinapansin ngunit nang sabihin niyang nangangamuhan siya sa mga Dizon, bigla itong nagkainteres sa kanya.  Syempre, alam niya kung bakit.  Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makagawa ng pera.

Halos lingo-linggo ay may update siya kay Miss Baysa tungkol sa mga Dizon.  Gusto niyang makuha ang tiwala nito kaya pakitang gilas siya.  Alam niyang tumatakbo rin sa pagka-Presidente ang apo ni Don Sebastian, at ito ang mahigpit na kalaban ng amo niyang si Gabrielle.

Kaya naman inalam lahat ni Miss Nenita ang mga kahinaan ng kanyang amo.  Actually, suggestion niya ang eskandalong nangyari kina Gabrielle at sa pamangkin niya.  Si Miss Nenita lamang ang nagprovide ng mga gamot, pero halos siya ang gumawa ng mga plano at kung kailan iyon magaganap.

KINABUKASAN, NANG makita kaagad ni Don Miguel ang bagsak na rating ni Gabrielle ay kaagad niya itong pinuntahan.

“Paano mo aayusin ang nangyari?  At inakusahan ka pa nilang rapist ngayon?” sita ng matandang don sa anak.  Alam niyang napipilitan lamang itong tumakbo ng pagka-Presidente ng bansa ngunit kailangan nitong sumunod sa mga yapak niya.  Ito ang mabisang paraan para manatii sila sa kapangyarihan at maprotektahan ang kanilang mga negosyo.  Bumaling ito kay Atty. Lianela Mendez, “Ano nang naiisip mong paraan ngayon?”

Matagal bago nagsalita si Lianela, “You have to marry her.”

Sabay na napalingon sina Don Miguel at Gabrielle sa magandang abogado.  Maya-maya ay may pait sa mga labing napangisi si Gabrielle, “Nagbibiro ka lang, di ba?”

“I’m sorry pero iyon ang solusyong nakikita ko para matigil na ang eskandalong ito.” Sagot ni Lianela kay Gabrielle saka huminga ng malalim, “Na-back ground check ko na ang babaeng iyon.  She is illiterate.  Ni hindi marunong bumasa at sumulat, madali lang natin syang mapaglalaruan.”

“Gusto mong paglaruan ang buhay ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabrielle sa babae, “This is insane!  No, hindi ako papayag!” Nagproprotestang sabi niya rito.

Tahimik lang si Don Miguel habang pinag-aaralan ang lahat ng mga sinasabi ni Atty. Lianela Mendez.

Kalmado naman si Lianela habang nagpapaliwanag sa mag-ama, “This is your opportunity to shine, Gabrielle.  Sino ang mag-aakalang ang isang kagaya mo ay magpapakasal sa isang katulong n ani hindi nakatuntong ng elementary?  You will fill up the gap between the AB crowd and the CD crowd.  Mamahalin ka ng masa.  Iisipin nilang pwede ka pala nilang malapitan. . .na possible palang magmahal ng isang mangmang ang gaya mo!”

“Which is hindi naman totoo!!!” sigaw ni Gabrielle dito.

Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Don Miguel saka pumalakpak, “Bravo Atty. Mendez, akalain mong naisip mo pa yan,” masayang sabi nito sa dalaga saka bumaling kay Gabrielle, “Kailangang pakasalan mo ang babaeng iyon habang mainit pa ang eskandalong ito.  Samantalahin natin ang pagkakataon na pinag-uusapan ka.  Gugulatin natin ang mga kalaban.”

“No way Dad!” Napapailing na sabi ni Gabrielle. 

“Tapos na ang usapan.  Magpapakasal ka ngayon din sa babaeng iyon!” Giit ni Don Miguel sa anak.

UMIIYAK SI MILLET habang kinakausap ni Atty. Lianela Mendez.  Pinangakuan siya na wala siyang dapat na ipag-aalala, sa mata lang naman ng mga tao sila magiging mag-asawa ni Gabrielle. 

“Bukod sa malaking sahod buwan-buwan na matatanggap mo, maipapagamot rin namin ng maayos ang tatay mo at mapag-aaral ang mga kapatid mo.  Hindi lang iyon, pati ikaw, mabibigyan namin ng scholarship para makapag-aral.  I heard na pangalan mo lang ang kaya mong isulat?”

Napatungo si Millet. Hiyang-hiya siyang nalaman nito na hindi siya marunong bumasa at sumulat,  “Hindi ko na po pinangarap mag-aral d-dahil bata pa lang ako may sakit na si tatay. . .hindi naman kasya ang paglalabada ni Nanay para mabuhay kami.  Kung hindi nyo po naitatanong, pito kaming magkakapatid.”

“I know,” tipid na sagot ni Lianela habang pinagmamasdan si Millet.  Naisip niyang kung mabibihisan at maayusan lamang ang dalaga, tiyak na walang sinabi ang mga babaeng nakarelasyon ni Gabrielle.  Parang may kumurot sa dibdib niya nang marealize na hindi naman imposibleng magustuhan ito ni Gabrielle lalo pa at kilalang-kilala na niya ito mula ulo hanggang paa.

Actually, kung siya lamang ang masusunod, hindi niya gustong mangyari ito kahit pa sabihing kunwari lamang naman ang magiging pagsasama ng dalawa.  Nuon pa man ay may lihim na siyang gusto kay Gabrielle at hindi naman siguro kaila dito na halos ibigay na niya ang buong oras niya mapag-lingkuran lamang ito.

Kung tutuusin, mas malaki ang offer ng mga malalaking kompanya sa kanya ngunit pinili pa rin niyang manatili sa poder ng mga Dizon at pangalagaan ang political career ni Gabrielle.  Sa kanyang utak ay iniisip niyang siya ang magiging end game ng lalaki.  And this marriage, sisiguraduhin niyang pagkatapos ng lahat ng ito ay maghihiwalay rin ang dalawa.

Na mananatiling palabas lamang ang pagsasama ng babaeng ito sa kanyang si Gabrielle.  But for the meantime, gagamitin niya ang pagkakataong ito para matiyak ang panalo ni Gabrielle ngayong darating na eleksyon.

“M-maari nyo po ba akong bigyan ng ilang araw para makapag-isip?” Halos paanas lamang na tanong ni Millet sa babae, bahagya pa siyang pumiyok sa takot na baka magalit ito.  Alam niyang wala siya sa posisyon para komontra sa anumang plano ng mga ito.  Makapangyarihan ang mga Dizon at kahit labag sa kanya ang magpakasal sa lalaking ni hindi nga siya minamahal; ngayon pa lang ay parang tinanggap na niya ang kanyang magiging kapalaran.

“Wala ng time para dito, Millet.  Ngayong araw ring ito ay magpapakasal kayo ni Gabrielle sa huwes at maraming reporters ang darating.  Tinawagan ko na rin ang stylist ko para ayusan at bihisan ka.”

“Ho?”

“Anong gusto mo, makulong ka or makipag-cooperate ka na lang sa amin?” Tila nanakot na tanong ni Atty. Mendez sa kanya.

“M-makukulong ako?”

“Hindi mo ba alam na malaking kasalanan ang ginawa mong conspiracy?” anang abogado, “Pwede kang makulong ng ilang taon dahil sa ginawa mong pakikipagsabwatan sa mga kalaban sa politico ni Gabrielle.”

“Hindi ho ako nakipagsabwatan sa. . .”

“May mga ebedensya akong pwedeng magpatunay na conspiracy ang ginawa mo.”

Napalunok si Millet.  Hindi niya naiitindihan ang ibig sabihin ng conspiracy at mas lalong hindi niya naiintindihan ang tungkol sa mga batas at karapatan.  Napakagat labi siya.  Naisip niyang napakahirap nga palang maging mangmang lalo na kung mahirap ka lang.

“Huwag ka ng umarte pa as if napakaimportante mong tao!” May sarcasm na sabi sa kanya ni Atty. Lianela Mendez, tumayo na ito at tumalikod sa kanya.  Sunod-sunod na dumaloy ang mga luha  ni Millet.

Ni hindi niya maiisip kung paano siya nalagay sa ganitong sitwasyon.  Ang gusto lang naman niya ay magtrabaho at matulungan ang kanyang pamilya.

HINDI MAKAPANIWALA SI ALING NORMA nang mabalitaan niyang maraming darating na press people sa bahay ng kanyang amo na si Gabrielle para sa gaganaping civil wedding ng kanyang pamangkin at ni Gabrielle.

“Papakasalan ka ni Sir Gabrielle?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Aling Norma sa pamangkin.

Tumango si Millet.  Kinausap siya ni Atty. Lianela at sinabihang walang maaring makaalam ng tungkol sa kanilang naging kasunduan.  Kapag lumabas raw iyon sa media, walang ibang mananagot kundi siya.  Kaya kahit sa kanyang tiyahin ay hindi niya ipinaalam ang katotohanan sa biglaang pagpapakasal nil ani Gabrielle.

“Akalain mong. . .” natawa si Aling Norma.  “Napabuti pa pala ang nangyari saiyo,” anito habang nakatingin sa kanya.  May naramdaman siyang inggit.  Kung naging maganda lang sanang kagaya ni Millet ang kanyang panganay na anak na si Susan, baka may pag-asang ito ang makatuluyan ng kanyang amo.  Magiging maganda sana ang buhay nila hindi gaya ngayong kailangan pa niyang mangatulong para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Tiningnan niya ito ng matiim, “Umamin ka, pinilit ka ba nila? Binayaran ka nila para manahimik?  Nasaan ang pera?”

“Wala hong pera.  Gusto lang akong pakasalan ni Sir Gabrielle para panagutan ang nangyari sa aming dalawa.”

“Sigurado ka ba dyan?” Pinandilatan siya ng mga mata ng tiyahin, “Hindi ka binayaran?”

Umiling siya.  Kanina lang ay nalaman niyang twenty thousand pala ang kanyang sinasahod at kalahati niyon ay napupunta lamang sa kanyang tiyahin.  But since ayaw na niya ng gulo, nanahimik na lamang siya tungkol duon.

Nangako si Atty. Lianela Mendez na may matatanggap siyang singkwenta mil buwan-buwan kapalit ng pananahimik niya at pagpapayag na gumanap bilang asawa ni Gabrielle sa mata ng mga tao.

Hindi niya alam kung ano ang buhay na pinasok niya sa piling ni Gabrielle.  Pero sapat na ang singkwenta mil para maging maayos ang buhay ng kanyang pamilya.

PINAGPIYESTAHAN ng media ang naganap na kasalan sa pagitan niya at ng kanyang bagong maid.  Masamang-masama ang loob niya.  Bagamat hindi siya naniniwala sa pag-ibig, para sa kanya ay hindi laro ang pag-aasawa.  Ngunit wala siyang choice kung hindi’y masisira ang kanyang political career.

Hah, may pait sa mga labing napangisi siya.  Ni hindi niya pinangarap ang career na ito ngunit pinagbibigyan niya ang kanyang ama maging masaya lang ito.  All his life, wala na siyang ginawa kundi ang maging masunuring anak para sa kanyang ama.

Gusto lang niyang mapunan ang mga kasalanang ginawa dito ng Mommy niya.  Muli na namang nabalik sa kanyang ala-ala ang ginawa ng ina twenty years ago.  Pitong taong gulang lang siya nuon nang sumama sa ibang lalaki ang Mommy niya.

Na-witness niya kung paano nasaktan nang husto ang Daddy niya sa ginawang pagtataksil ng ina.  Gabi-gabi ay nakikita niya itong umiiyak at nagpapakalunod sa alak.  Nagwawala habang parang nasisiraan ng bait na tinatawag ang pangalan ng Mommy niya.  Ang sakit-sakit niyon para sa kanya ngunit wala naman siyang magawa.  May isang beses pa ngang muntikan na itong magpatiwakal dahil sa matinding sama ng loob na nararamdaman.  Kadarating lang niya mula sa school.  Inabutan niya ang Daddy niya sa library, nakatutok ang baril sa sentido nito.

Tumakbo siya sa ama, umiiyak na nagmakaawa habang nakaluhod sa harapan nito.

“Huwag nyo po akong iiwan Daddy.  Kalimutan nyo na po si Mommy. . .nandito pa naman po ako.  Promise, hindi ko kayo bibigyan ng sakit ng ulo.  Promise, magiging masipag na po akong mag-aral.  Hindi ko na po aawayin ang mga classmates ko.  Hindi na ako magiging pasaway. . .lahat ng sasabihin mo, I’ll listen. . .basta Daddy, wag nyo po akong iiwan.  I love you so much, Daddy. . .”

Napatingin sa kanya ang Daddy niya.  Unti-unti nitong binitiwan ang baril at umiiyak na niyakap siya nang mahigpit.

“I’m sorry son. . .I’m sorry kung nakalimutan kita sa sobrang sakit na ginawa sa akin ng Mommy mo.  But you’re right, nandito ka pa and from now on, tayo ang magiging magkakampi habang buhay. . .”

And since then, ipinangako niya sa sariling susundin lang niya ang Daddy niya sa lahat ng sasabihin nito sa kanya.

Tumunog ang kanyang phone.  Parang gusto niya iyong ibato nang makita sa screen ang pangalan ni Lianela.  Muli niyang tinungga ang hawak na bote ng alak saka sinagot ang tawag nito.

“Ano na naman ba ito?”

“May nahanap na akong condominium na lilipatan nyo ni Millet,” sabi nito sa kanya.

“What?” aniyang napakunot ang nuo, “Lilipat ako sa condo kasama ng babaeng iyon?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 11

    Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 00010

    NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0009

    KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPER 8

    TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 7

    HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 6

    ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0005

    “ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0004

    NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0003

    NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status