Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 2: Limang Milyong Halaga

Share

CHAPTER 2: Limang Milyong Halaga

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-05-30 12:11:21

“POR DIOS POR Santo! S-sunset Gale, ikaw nga!” gulat na bulalas ng kanyang madrasta nang makita siya nitong parang basang-sisiw na naghihintay sa tapat ng kanilang bahay sa probinsya.

“Alam mo ba kung anong oras na? Alasdos na ng madaling-araw! Napakalakas pa ng ulan. Ano bang nahithit mo ng ganito kaagang bata ka? Atsaka bakit narito ka? Akala ko ba magbabakasyon kayo ng asawa mo? Ngayon ka lang inilabas ng asawa mo kaya—”

Nahinto sa pagsasalita ang madrasta niya nang yakapin niya ito nang mahigpit. Sa yakap nito, hindi napigilang pakawalan ni Sunset ang luhang akala niya’y tapos na sa pagtulo.

“G-gale, bakit?”

Sa simpleng tanong na iyon ay mas kinuwestyon ni Sunset ang kanyang sarili.

Bakit? Bakit sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ni Lucian ay hindi siya nito nakuhang mahalin? Habang si Eveth na first love nito ay hindi nakalimutan ng asawa. Kulang pa ba? Napakarami niyang isinakrepisyo para sa asawa. Ang career niya, ang panahon niya, ang pangarap sa buhay at ang kalayaan na maging masaya. Kaya kung siya ang tatanungin, ano pang kulang para hindi siya mahalin nito?

Hindi ka si Eveth…

Kaagad niyang sagot sa isipan habang wala sa sariling pumasok sa kanilang kusina.

“Hija, kinakabahan na ako sa ‘yo. Napapano ka ba?”

“Tiyang Lorna, saan nakalagay ang lambanog natin?” patukoy niya sa sikat na alak sa kanilang probinsya.

Naguguluhan man, kinuha pa rin iyon ng kanyang tiyahin at ipinatong sa kanilang mesa. Kumuha rin ito ng tagayan at pulutan.

Kinuha niya sa dalang sling bag ang tseke na ibinigay ng asawa para iabot sa kanyang tyahin.

“L-limang milyon? Napakalaki nito, Gale! Bakit bibigyan ka ng asawa mo ng—”

“Para sa pakikipaghiwalay niya sa akin, Tyang. Limang taon. Limang milyon, iyon lang ba ang halaga ko?” mapait siyang napangisi sabay tagay sa alak. “Noong baldado siya at hindi makalakad, ako itong nasa tabi niya. Ngayong maayos na siya, ang kapal ng mukha niya para magpunta sa kabit niya—Tyang!”

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang kanyang madrasta na kinukuha ang itak nito.

“Nasaan ang Lucian na iyan? Mahirap tayo pero hindi paaapi. Ituro mo sa akin, Gale! Puputulan ko na ng paa—”

“Tyang, naman!” dahil sa reaksyon nito, tuluyan ng umurong ang kanyang luha.

“Huwag mo akong pinipigilan, Sunset Gale! Katulad ng pangalan mo, nagsisimulang mandilim ang paningin ko riyan sa asawa mo!”

“Talo mo pa ang sasabak niyan sa giyera, Tyang! Huwag kang mag-alala, sinabihan ko namang maliit ang etits niya kahit hindi totoo tapos sabi ko dagdagan ang ibinigay niya! Hindi lang ganoon ang presyo ko ‘no!”

“Dapat lang!” galit na napainom ang madrasta niya ng alak. “Iyang asawa mo, walang utang na loob. Nakakapaglakad nga pero naging bulag naman!”

“Mukhang pera naman na ang tingin sa akin, Tyang. Nilubos-lubos ko na. Kaya, kalma na!”

“Hindi kita inalagaan para apihin lang. Kung alam ko lang talaga na gagawin kang caregiver niyang asawa mo, tinutulan ko talaga ang kasalang iyan!”

Tipid lamang siyang ngumiti nang nabaling ang tingin sa kwarto kung saan naroon pa rin ang walang malay niyang tatay. Dahil sa pagliligtas nito sa lolo ni Lucian kaya nabuo ang arrange marriage sa pagitan nila.

“Kung hindi naman naaksidente iyang tatay mo, hindi ka papayag,” naiinis na sabi nito. “Ewan ko ba riyan kay Rudi! Kahilig-hilig tumulong, iyan tuloy ang napala!”

Limang taon na rin, ganoon na katagal na nasa comatose stage ang kanyang ama. Katulad ng hindi niya pagsuko kay Lucian, ganoon din ang nadarama niya sa kanyang tatay.

“Magigising din ang itay, Tyang Lorna…” sabi niya pa kasabay ng pagpisil sa kamay ng madrasta.

MATAPOS NANG PAG-UUSAP nila, hindi na magawang lumabas ni Sunset sa kanyang kwarto. Kung ano ang suot niyang damit noong makapagpalit ay iyon pa rin iyon sa mga nakalipas na araw.

Dama niya ang kawalan ng ganang mabuhay. Kahit kumain ay hindi niya magawa. Alam niyang nag-aalala na sa kanya ang Tyang Lorna niya ngunit pinababayaan pa rin siya nito.

“Siguro, magkasama na kayo ng kirida mo, Lucian…” wala sa sarili niyang wika. “Masaya ka na ba ngayong nasa piling mo na siya?”

Heto na naman ang kanyang luha sa pagbuhos na akala niya’y tuluyan ng naubos.

“Tyang, ayos lang ho ako!” sabi niya na naman dito nang kumatok ito para maghatid ng pagkain.

Dahil napalaki ang pagbukas ng pinto, ay siya namang pagpasok ng pusang alaga nila. Akmang kukunin na iyon ng kanyang Tyang Lorna nang mahila ang kurtina na naging dahilan upang kumalat ang matinding liwanag sa kanyang kwarto.

“Kakulit mo talaga, Pechay!” kastigo ng kanyang Tyang Lorna sa pusa. “Nga pala, Gale, natatandaan mo pa si Vincent? Iyong apo ni Nanay Martina na may-ari na ngayon ng panadirya na palugi na? Hinahanap ka nga pala. Tinatanong kung hindi mo pa rin daw nagagalaw ang ibinigay sa ‘yo ng lola—”

“Tyang, naman eh! Napakahirap namang magdrama sa bahay na ito. Nakikita mo ng umiiyak pa, sisingitan mo kaagad ng tsimis!”

“Hoy, phaks iyon. Katotohanan. Tumayo ka na kaya riyan! Ilang araw ka ng walang paligo. Tatalab pa ba ang sabon—”

“Tyang, naman!” malakas niyang bulyaw sa madrasta na dali-dali naman ang paglabas ng kwarto.

Sa pagbaliktad ni Sunset ng higa sa maliwanag na bintana, hindi niya inaasahan ang makikita, ang papasikat na araw ang bumungad sa kanya.

“Pinapatay ko ang sarili ko… hindi ako ito…"

Kailangan niya ng ayusin ang buhay niya. Sa ganoong paraan lamang siya makakapagpatuloy.

NATAGPUAN NA LAMANG ni Sunset ang sarili sa tapat ng saradong factory. Kung hindi niya nakilala si Lucian, maaaring nasa lugar na ito siya at ipinagpapatuloy ang nasimulan ng namayapang Olivarez. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit sa kanya nito ipinagkatiwala ang recipe na hawak ng pamilyang iyon sa matagal na panahon.

“Hoy, Sunset!”

Matagal-tagal niya ring pinakatitigan ang dating nobyo sa hayskul hanggang sa tuluyan itong makilala.

“V-vincent?” hindi niya pa siguradong tanong. “Ikaw nga!”

“Really, Sunset? Aray ha!”

“Hindi kita nakilala. Gumwapo ka kase!”

“Baka nakakalimutan mong naging nobyo mo ako!”

Kumawala ang malakas na tawa ni Sunset. “Kase naman, patpatin ka pa noon. Feeling ko nga, ginayuma mo lang ako noon kaya nagkagusto ako sa ‘yo.”

“Wow!”

“Pero real talk, deserve mong masabihan ng pogi sa palengke!” natatawa niyang pangbubuska rito.

“Sunset…”

Natawa na lamang siyang muli saka nagseryoso. Bago magtungo sa pagawaan ng tinapay, sinigurado niya munang buo na ang loob sa gagawing desisyon. Pangarap niya ito na naudlot at gustong balikan ngunit natatakot siya.

“Lugi na ang pabrika. Sa tingin mo, kakayanin ko na masalba pa ito?” may pagdududa niyang tanong dito. “Ako ang dahilan kung bakit ito nagkaganito. Bakit bibigyan mo pa ako ng chance?”

“Sa 'yo iniwan ito ni grandma. Walang dapat na magmay-ari nito kung hindi ikaw lang, Sunset…”

Marami pa ring agam-agam na naglalaro sa kanyang isipan ngunit mas nanaig pa rin sa kanya ang pangarap na bumawi sa mga taong na-dissapoint niya nang umibig kay Lucian.

Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ni Sunset bago maging buo ang loob na tawagan ang asawa. Noong sagutin nito ang tawag, walang paligoy-ligoy na sinabi niya ang pakay dito.

“Pumapayag na akong mapawalang-bisa ang kasal natin. Let’s get divorce, Lucian…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 84: Pag-asang Pinanghahawakan

    MATINDING KABA ANG bumabalot kay Sunset habang pababa ng hagdan. Halos hindi niya na makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang tumatabing sa kanyang mga mata. Ganoon na lang din ang matinding kaba na kanyang nararamdaman dahil sa maaaring kalagayan ng ama.May isang doktor at dalawang nurse na naroon nang makababa siya. Kanina’y nagmamadali siya na makarating sa kwarto nito ngunit ngayong narito naman siya ay hindi niya maipaliwanag takot ng paglapit dito.“A-anong nangyari?” tanong niya nang magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.Nakangiti ang nurse nang humarap sa kanya. Hawak pa nito ang kanyang kamay bago magsalita.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” masayang pagbabalita nito sa kanya.Mas naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung nililinlang lamang siya ng kanyang pandinig o tama ang naging balita sa kanya.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” ulit muli ng nurse.Sa pagtulo ng mas marami pang luha ang mahigpit na pagyakap naman nito sa kanya.“Congratulatio

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 83: Isang Himala

    HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 82: Biyaya sa Kalangitan

    NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 81: Parusa sa Sarili

    “UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

    “ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

    “HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status