Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 1: Sa Unang Halik

Share

The Price of Her Love After Divorce
The Price of Her Love After Divorce
Author: Rigel Star

CHAPTER 1: Sa Unang Halik

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-05-30 12:10:05

RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon.

Hindi siya nananaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata.

Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito...

Dama niya na ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang buong mundo.

Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang.

Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya.

“Masaya ka ba?”

Tanong ni Lucian na mabilis niyang tinanguan.

Walang pumapagitna na musika sa kanila, ngunit bakit iisa ang ritmo ng katawan nila? Tila kapwa saulado ang indayog sa ibabaw ng kama. Napakalamig ng kwarto ngunit pawisan sila dahil sa kanilang pag-iisa.

Dahil sa paraan ng pagtingin ni Lucian, hindi niya na naman maiwasang huwag magpaubayang muli rito...

Naipikit ni Sunset ang mga mata habang dinadama ang kahabaan ng asawa sa loob niya. Naiyakap niya na lamang sarili sa matipunong dibdib nito upang tanggapin ang bawat ritmong ginagawa ng asawa.

“Lucian…” basag na boses na tawag niya sa asawa. “Lucian…”

Habang habol ang paghinga at mapuno nito ang kanyang bukana, umalis sa pagkakaibabaw niya si Lucian matapos halikan ang kanyang noo. Hindi niya maiwasang huwag maibaling ang tingin sa asawa kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.

Mahal na ba siya neto? Nagbunga na ba ang panalangin niya sa loob ng limang taong pagsasama nila?

Sa pagpunas niya ng kanyang luha, inihilig niya ang ulo sa dibdib ng asawa. Habang nakapikit ang kanyang mga mata, dama niya ang pintig ng puso nito.

“Lucian, bubuo na ba tayo ng pamilya?” nakangiti at inosente niyang tanong sa asawa. Kahit matagal na silang nagsasama, hindi niya maramdaman na misis siya nito. Mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagiging alila ng asawa.

“Alam mo, tatatlo na lang kami sa aming pamilya. Nakaratay pa ang itay. Kung kailan siya magigising ay hindi pa namin alam…”

Hindi maiwasang mapangiti ni Sunset. Sa matagal na pagsasama nila ng asawa, iniiwasan niyang umasa na magkakaroon ng anak dahil sa pagiging baldado ni Lucian. Ngunit sa ikalimang taon ng kanilang pagsasama, at pagtitiyaga niya sa therapy nito, himalang nakalakad itong muli.

“Alam mo, pangarap ko na magkaroon ng limang anak. Ayaw kong mag-isa, nakakalungkot iyon.”

Mahal na mahal niya si Lucian. Hindi niya nakikita ang sarili sa iba. Mula una nang ibigay niya ang puso rito hanggang sa hinaharap, ang asawa lang ang nakikita niyang kasama.

“Nagulat ako nang yayain mo ako rito sa resort. Heto ang unang beses na namasyal tayo—ang daldal ko ba?”

Masayang-masaya siya. Kulang ang salitang iyon upang ipaliwanag ang nadarama niya.

“Ngayong magaling ka na at nakakapaglakad, may mga gusto ka bang puntahan? Pwede kitang samahan, Lucian. Maraming magagandang lugar dito sa atin. Naisip ko kase, kapag lumalabas tayo, puro physical therapy mo ang ginagawa natin. Ngayon, pwede na tayong mamasyal. Para naman kung magkakaroon na tayo ng anak, may maikekwento tayong magandang memorya—”

“Let’s get divorce, Gale.”

Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian.

“Let’s get divorce.”

Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa.

Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig.

Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura?

“Hindi magandang biro iyan, Lucian—”

“You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko ngayong magaling na ako?”

Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot.

“M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…”

Nagsimula nang tumulo ang kanyang luha sa naging paraan ng pagtingin ng asawa. Nang hahawakan niya ang kamay nito, malakas na tinabig iyon ni Lucian.

“Huwag mo akong artihan, Gale! Alam mong sa simula pa lang, hindi na kita gusto pero hanggang ngayon para ka pa ring langaw na hindi makatiis na makisalo sa iba!”

Tila pinipiga ang puso niya. Sa mahabang panahon na pagsasama nila ng asawa, hindi ito nabigong iparamdam sa kanya kung gaano siya kababa. Hanggang sa huli, nakikita pa rin siya nito bilang isang mangmang na probinsyana na nagpakasal sa lalaki para sa pera.

Mabilis ang naging pagpunas ni Sunset ng kanyang luha.

“Bigyan mo ako ng dahilan!” matapang niyang sabi sa asawa.

“Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa—bakit ba ako nagpapaliwanag? Tapos na ang usapan. Maghihilaway tayo sa ayaw mo’t gusto!”

Sa dinami-rami ng sinabi ng asawa, hindi alam ni Sunset kung paano niya pa nakuhang ngumiti.

“Naiintindihan ko…”

Nanakit man ang nasa pagitan ng kanyang mga hita, nagawa pa ring tumayo ni Sunset sa kama nang taas-noo.

Wala pa ang sakit na iyon sa labis na pagkadurog ng kanyang puso. Dignidad na lamang bilang babae ang mayroon siya. Hindi niya na hahayaang kunin pa iyon ng iba lalo na ng kanyang asawa.

“Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?”

“Hindi mo ba nakikita?”

May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya.

“Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” bahagyang ngumisi si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”

Total, oportunista na rin naman ang tingin ng asawa niya sa kanya, paninindigan niya na.

“Sa akin ito ‘di ba? Kukunin ko na.”

Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya kay Lucian habang hawak ang tseke sa kaliwang kamay bago tumalikod.

Nang makatapat sa pinto ng kanilang silid, mula siyang lumingon sa asawa. Matagal din ang naging pagtingin niya rito. Sa takot na mabasa nito ang nadarama niya, kaagad siyang nagsalita.

“Naghihirap ka na ba, Lucian? Kulang ang limang milyon. Dagdagan mo,” sabi niya rito bago talikuran ang asawa para kunin ang mga gamit niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Fredo Fuerte Jr.
Ako parin 'to, author(Arlynne Celestial) gamit account ni hubby sa phone nya. Tatambakan ko ng gems to. Hahaha
goodnovel comment avatar
Arlynne Celestial
Hello,once again author!Promise,sasamahan pa rin kita hanggang dulo.Gusto ko rin ang tema na kwentong 'to,panibagong aabanga ang bawat update mo.Actually,nasa chapter 7 na ako,nai excite na akong malaman kung cino ang magiging hero ni Sunset sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 84: Pag-asang Pinanghahawakan

    MATINDING KABA ANG bumabalot kay Sunset habang pababa ng hagdan. Halos hindi niya na makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang tumatabing sa kanyang mga mata. Ganoon na lang din ang matinding kaba na kanyang nararamdaman dahil sa maaaring kalagayan ng ama.May isang doktor at dalawang nurse na naroon nang makababa siya. Kanina’y nagmamadali siya na makarating sa kwarto nito ngunit ngayong narito naman siya ay hindi niya maipaliwanag takot ng paglapit dito.“A-anong nangyari?” tanong niya nang magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.Nakangiti ang nurse nang humarap sa kanya. Hawak pa nito ang kanyang kamay bago magsalita.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” masayang pagbabalita nito sa kanya.Mas naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya alam kung nililinlang lamang siya ng kanyang pandinig o tama ang naging balita sa kanya.“Gising na ang tatay mo, Sunset!” ulit muli ng nurse.Sa pagtulo ng mas marami pang luha ang mahigpit na pagyakap naman nito sa kanya.“Congratulatio

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 83: Isang Himala

    HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 82: Biyaya sa Kalangitan

    NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 81: Parusa sa Sarili

    “UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

    “ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

    “HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 78: Bilang Isang Magulang

    NORMAL NA YATANG nakangiti parati si Sunset kung ang asawa niya ang bubungad sa kanya na katabi niya sa paggising. Kahit na matagal niya na itong nakakasama, hindi niya pa rin maiwasang huwag maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya ngayong ganito siya kalapit kay Lucian.Isiniksik niya pa ang sarili upang makadikit nang husto sa asawa. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Dahil sa paggalaw niyang iyon ay naalimpungatan na tuloy ang asawa niya.“Good morning, Love,” garalgal ang boses na bati ni Lucian sa kanya.“Good morning,” nakangiti niya ring sagot kaagad.Mas niyakap siya nito nang mahigpit bago siya nito halikan sa noo. “Five minutes…” sabi pa nito na naging dahilan ng kanyang pagngiti.Sa pagpikit ng mga mata ni Lucian, malayang napagmasdan ni Sunset ang mukha ng kanyang asawa. Nakikita niya nang malapitan ang mahaba nitong pilikmata na nakadaragdag sa pagiging magandang lalaki nito. Nakikita na rin ang kakarampot na big

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 77: Pamilya Robles

    “WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” heto na naman ang pagdagundong ng boses ng ama ni Eveth sa kabuuan ng kanilang mansyon.“I don't know what youre talking about, Dad.”“At magsisinungaling ka na rin ngayon!” galit pa ring sambit ng dad niya. “You cannot fool your dad.”“Dahil wala naman akong ginagawa!” mas mataas din na boses niya ang sumagot sa kanyang ama. “Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?” galit na tanong ng dad niya.“Isipin mo na ang mga gusto mong isipin, Dad. Pagod ako—”Pagalit na itinapon ng dad niya ang mga larawan sa center table ng bahay. Doon, tumambad sa kanya ang maraming larawan ng nangyaring kaguluhan sa kanila ni Lucian sa airport. “Magde-deny ka pa rin?” Hindi makatingin si Eveth sa kanyang ama. Hindi niya na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ngayong nabisto nito ang pagsisinungaling niya.“Alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi lang pangalan ko ang masisira, damay ang mama mo at maging ang angkan natin! Hindi ka ba titigil hanggang hindi nalalagay

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 76: Malalim na Pagkakakilala

    MATAGAL PA NA nanatili sina Sunset at Lucian sa loob ng sasakyan. Hinintay nila ang pina-deliver na pagkain na pagsasaluhan dahil walang kahit na sinong katulong sa bahay nila na maaaring magluto ng pagkain. Habang naroon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto. Iyong makakapag-usap sila ng hindi siya tinataasan ni Lucian ng boses nito at kalmado lamang siya sa matagal na oras na magkasama. Wala rin siyang nararamdaman na kahit na anong hinanakit sa asawa. Iyon ang labis na nakapagpapagaan sa loob niya ngayon.Masarap pala sa pakiramdam. Tila napakalaya ng puso niya na gawin ang mga bagay na gusto at pinangarap kasama ang kanyang asawa. Ngayong malaya na siya na gawin ang lahat ng gusto sa harapan nito ay mas nagiging magaan na ang lahat sa kanya na gawin ang nararapat.Nang dumating ang pagkain, saka lamang sila pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala, napahinto sa paglalakad si Sunset dahil sa panunumbalik ng mga alaala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status