Napamulat ako ng mga mata ng tumunog ang alarm clock ko kaya napakamot ako ng ulo at nagtalukbong ng kumot ko.
"Ano ba Sonata yang alarm mo." Narinig ko na reklamo ni Carla kaya napilitan ko itong kinuha at pinatay. Napamulat ako at napakamot na lang ng ulo, antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog marahil ay alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako. "Maliligo ka na ba?" Tanong ni Carla na may hawak na tuwalya kaya inaantok ko siyang tinitigan. "Sige na ikaw na muna." Sabi ko sa kanya kaya pumasok na ito sa banyo kaya napakamot ulit ako at muling pumikit. Panay ang hikab ko habang inaayos ko ang mga plato dito sa mahabang lamesa. "Grabe ang antok mo Sonata." Napatignin ako kay Ate Yoly na inilapag sa gitna ang umuusok na sabaw. Naamoy ko ito at pakiramdam ko ay gutom na gutom ako. "Ate may sabaw ka pa na natira?" Bulong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nakangiti na tumango. "Opo meron pa tinirhan kita." Sagot niya kaya napangiti na rin ako at inayos ng mabuti ang mga nilalagay ko na plato sa lamesa. "Yoly hindi na ako mag-aagahan dito may meeting ako ng maaga." Napatingin ako sa amo namin na inaayos pa ang necktie. Napatingin siya sa akin at bigla akong kinabahan sa titig niya kaya napayuko ako. "Sige Sir. Dito ba kayo maghahapunan?" Narinig ko na tanong ni ate. "Hindi na siguro susunduin ko ang mga bata mamaya." Sagot nito oo nga pala ngayong araw pala ang dating ng mga anak nito. Napatingin na lang ako sa papalayong bulto ng amo namin saka lang ako nakahinga ng maluwag. "Hindi kakain dito si Sir Gabriel kaya kumain na tayo." Sabi ni Ate Yoly saka kinuha ang sabaw at nauna na sa akin bumalik sa kusina. Masaya kaming nag-agahan at kanya-kanya silang topic ng kwentuhan ako naman ay ti-next ko ang kapatid ko kung kumusta sila. Ayos naman raw sila kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. "Kumusta ang pamilya mo hija?" Napatingin ako kay tiya at ngumiti. "Ayos naman raw po sila tiyang." Sagot ko na nakangiti kaya tumango na rin siya. Humigop ako ng corn soup at kumuha ng kanin at tocino at nagsimula na akong kumain. Napakasarap talaga lagi ng agahan namin buti na lang at hindi tipid ang pagkain namin dito, dito kahit kailan mo gustuhin na kumain ay pwede dahil masyadong galante ang amo namin. Maswerte ako dahil kahit papaano ay hindi ako napunta sa malupit na amo at hindi ako nagkaroon ng kasama sa trabaho na pangit ang ugali kaya napangiti na lang ako at nagpatuloy sa masarap na pagkain. "Ikaw Sonata anong sikreto mo? Kahit malakas kang kumain ay hindi ka tumataba." Reklamo ni Ate Yoly na nagrereklamo na nadagdagan na naman ang timbang kaya tumawa ako. "Akyat-panaog lang ako sa hagdan at nakikipaghabulan kay Ringo tuwing umaga at hapon." Sagot ko sa kanya kaya tumawa na lang ang mga kasama ko. "Bata pa kase si Sonata kaya wag ka nang magtaka hindi katulad mo na kaunting lakad lang pagod agad." Sabi sa kanya ni tiya kaya nagtawanan na lang kaming lahat. Habang naghuhugas ako ng mga plato ay nakita ko na pumasok si tiya na tila may problema kaya pinatay ko ang gripo at napatingin sa kanya. "May problema po ba?" Tanong ko kaya napatingin sa akin si tiya. "Naiwan raw ni Gabriel ang dokumento niya at pinapahatid sa opisina niya." Sagot niya kaya napatango lang ako. "Pwede ba na ikaw ang maghatid nito Sonata?" Natigilan ako ng magtanong si tiya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Syempre naman po ako na po sandali po at magbibihis ako." Napangiti na lang si tiya at tumango. Hindi naman ako mahihirapan na pumunta sa kumpannya ni Sir Gabriel dahil ihahatid ako ni Manong Tony. At saka gusto ko rin makarating sa opisina ng gwapo ko na amo kaya medyo na excite ako. "Malayo ba ang kumpanya ni Sir Gabriel?" Tanong ko kay manong na natawa. "Hindi naman hija malapit lang." Nakangiti niya na sagot kaya napatango na lang ako at napatingin sa dinaraanan namin. Nalula ako bigla sa napakataas na mga building sa harap ko at may nakasulat na napakalaking arko sa harap. G. San Diego Corporation. Ito ang nakalagay at napakataas na building na ito. "Wow!" Mangha ko na turan kaya napatawa si manong. "Ang taas at malaki diba?" Tanong ni manong kaya napatingin ako sa kanya at tumango. "Opo sobra ilang floor po ang building na ito?" Tanong ko kay manong kaya nag-isip pa ito. "Sa pagkakaalam ko ay thirty-eight floor yan." Sagot niya kaya napatango na lang ako at bumaba na. "Basta lumapit ka lang sa reception area at sabihin mo sa opisina ng CEO." Bilin sa akin ni manong kaya naparango ako, alam na raw dito na may ihahatid ako kay Sir Gabriel. Nang makapasok ako ay agad akong pumunta sa reception area at nakangiti akong binati ng dalawang babae. "Sa opisina po ng CEO may ihahatid po ako." Magalang ko na sabi sa babae na nakangiti. "Oo hinihintay ka ng boss sakay ka sa private elevator at pindutin mo na lang ang C button at may nag-iisang pintuan doon ang opisina ng CEO." Sabi ni ate kaya tumango ako at pumunta na sa elevator. Ang galing may sariling elevator papunta sa opisina ng CEO kaya nakakamangha, ganito ba talaga ang mga mayayaman? Hindi ako makapaniwala. Habang hinihintay ko na huminto ang elevator at kinipkip ko ng mabuti ang envelop na dala ko. Napatingin ako sa pinto ng huminto ito at bumukas kaya lumabas na ako at namangha ako sa ganda ng hallway. Napakaliwanag at kitang-kita ang labas at mga kalapit na building na ito napakaganda. Pero dahil may ihahatid lang ako at hinanap ko ang pinto raw na nag-iisa at lumakad na ako papunta rito at nakita ko ang nakasulat sa gilid. Pumindot lang ako ng tila doorbell at may tumunog at nagulat ako ng bumukas ito kaya napatingin ako dito kung may tao ba pero wala naman kaya pumasok na lang ako. "Did you bring my document Sonata?" Nagulat ako ng may magsalita sa lamesa at nakita ko ang amo ko na tila hinihintay ako. "Opo Sir ito na po." Agad kong binigay sa kanya ang envelop na agad naman niyang kinuha at agad itong inilabas at binasa. "Hows your tour in my company?" Narinig ko na tanong nito sa akin kaya napangiti ako. "Napakalaki at napakataas po ng building niyo at nakakalula pero maganda talaga." Excited ko na sagot sa kanya kaya narinig ko siya na tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "I'm glad you like it." Maikli niya lang na turan kaya napatingin ako sa kanya. "You can roam around at my office if you want." Sabi niya kaya nagulat ako. "Pero baka po hanapin na ako sa mansyon." Sabi ko sa kanya kaya tumayo siya kaya napayuko ako. "I will tell them come on." Sabi niya at kinuha ang cellphone niya. Napangiti ako habang naglilibot sa napakalaking opisina ni Sir Gabriel may kausap ito kanina pa at halos hindi ko maintindihan. Napalapit ako sa bintana na kitang-kita ang karagatan kaya napangiti ako. "Sonata okay lang na maiwan muna kita? May meeting ako babalik ako agad." Napatingin ako sa amo ko na nakalapit na pala sa akin kaya napatingala ako sa kanya. "Sige po Sir." Sagot ko na lang kaya napatitig siya sa akin. Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo ko at napatingin na lang ako dito at hinawakan ko ang noo ko na hinalikan niya. Napangiti ako at parang gusto ko tuloy tumalon sa kilig. Nainip ako bigla at naghanap ng pwede kong gawin kaya ginawa ko ay inayos ko na lang ang mga papeles ng amo ko na nagkalat sa lamesa niya na sobrang laki. Nawili ako sa ginagawa ko at para hindi malito si sir ay pinagsama-sama ko ang magkakaparehong mga papeles at sinalansan ko sa lamesa ng maayos. Linagyan ko rin ng sticky notes para madali niyang ma identified ang mga ito. Nang matapos ako ay inayos ko naman ang kabilang lamesa na may mga libro pati ang isang shelve na may mga libro. Nakita ko na hindi na ito maayos kaya pati ito ay inayos ko na rin, nagwalis rin ako ng buong silid dahil may nakita ako na dustpan at walis tambo sa maliit na kusina dito. Napahinga ako ng maluwag ng makita ko na naging parang malinis na opisina na ang buong silid, hindi tulad kanina ay magulo at maraming nagkalat na papel. Ang kusina naman niya ang inayos ko may tatlong tasa ang nasa lababo kaya hinugasan ko ito, pati ang balat ng mamahalin na tsaa ay tinapon ko sa basurahan dahil basta lang itong nolapag dito sa sink. May panis na pagkain sa styro kaya sumama ang mukha ko at tinapon ko rin ito. Marahil ay limot na niya ito kaya napailing na lang ako at nilinis ko na lang ito. Napahikab ako at napaupo sa sogmfa ng matapos ako dito sa kabilang bahagi ng opisina at humiga ako. Inaantok talaga ako akala ko ay mawawala ito pero napagod ako ng slight lang kaya napapikit ako. Nakakapagod rin pala na mag-ayos ng mga papeles niya kaya medyo sumakit ang balikat ko. Napapikit ako at napangiti sa inaantok ko na diwa ay may humaplos sa pisngi ko at isang mainit na labi ang dumampi sa akin kaya napangiti ako lalo.Nakaupo lang si Xerxes sa harap ko at walang planong magsalita.Gusto kong mapatawa sa itsura nito, pero pinigil ko ang sarili ko.Ayokong bigyan ng pagkakataon ang lalaking ito na makita ang kahinaan ko.Pero i need to do something, i really want to see Gael. Gusto kong ipaalam dito na magiging ama na ito.I remember when i told him that i can get pregnant, i taught he will said something before.Pero sinabi nito ang mga salutang iyon na lalo akong napamahal dito.He wants a child, he really want to have his own family. Yong aalagan nito at poprotektahan.At napakasaya ko kasi nakikita niya ang sarili niya na kasama ako sa mga bubuo nito.Pero nagkahiwalay kami, ang rebelasyon na nalaman ko ay hindi pa rin sapat upang mawala ang pagmamahal ko dito.Nang mapatingin akong muli kay Xerxes ay naisipan ko na sabihin dito ang tinuro sa akin ni Xanty.It was a reverse phycology."Let me go now Xerxes, kung ayaw mong isang araw ay paglamayan niyo na lang ako." Bulong ko dito mayamaya.Maraha
Habang nasa byahe kami papunta ng lugar kung saan ko sinabi kay Gael kanina sa telepono na magkikita kami ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan."Relax, kayanin mo. Magtanong ka na sa kanya ng lahat ng gusto ko mong malaman pa." Sabi ni Xanty sa akin kaya napatingin ako dito.Pero hindi ako nagsalita at pigil ko ang pagbigat na naman ng dibdib ko.Anong sasabihin ko? Paano ko sisimulan ang lahat ng ito?Makakapagsalita ba ako? O ititikom ko na lang ang bibig ko.Dahil sa sobra akong nag-iisip ay nanginginig ang buo kong katawa.Natatakot ako sa maaari kong malaman mula kay Gael, ang mga sinabi nina Xerxes ay masyadong mabigat na paratang.I love Gael, but i don't know now how to do.Nang makarating kami sa lugar ay natanaw ko na ang dalampasigan, ang lugar kung saan kami laging nagkikita ni Gael.I love this place, but now natatakot na ako sa lugar na ito.May mga masasayang sandali kami na binuo dito ni Gael, pero ngayon tila nawalan ako ng gana.Nang iparada ni Xanty ang kotse nito
Nagising ako na may tumatawag sa akin, kaya agad kong kinapa ang cellphone ko. Inaantok pa ako nang sagutin ko ito. "Where are you? Can i see you today?" Boses ng isang lalaki ang narinig ko at napamulat ako ng wala sa loob. Kinabahan ako dahil si Xerxes ang tumawag sa akin. "Busy ako." Sabi ko dito kaya natahimik ng ilang sandali ang nasa kabilang bahagi ng telepono. "So you are defying me now?" Tanong ni Xerxes sa seryosong boses kaya kinabahan ako. "Bukas makikipagkita ako sayo, pero ngayon hindi pwede kasi busy ako." Sabi ko dito saka ko pinatay ang tawag. Napahinga ako ng malalim at kinabahan ng husto, natatakot talaga ako na baka malaman nito na nagkikita kami ni Gael. Although wala naman akong pakialam kung malaman nito, pero ayokong mapag-initan nito si Gael. Baka mamaya ay gamitin nito ang kapangyarihan nito bilang mafia, ayokong mapahamak si Gael ng dahil sa akin. Dito ko naramdaman ang mahigpit na yakap ni Gael sa likuran ko. "Bakit ka nakatayo dito?" Malambing n
Nagising ako na masakit ang buong katawan, at nang maalala ko ang nangyari kagabi ay namula ng husto ang pisngi ko.Binaon ko sa unan ko ang mukha ko at hindi makapaniwala sa nangyari, napakabilis pero napakasaya ko.Nagulat ako dahil may gumalaw sa tabi ko, napatingin ako sa kabilang bahahi ng kama at nakita ko si Gael na nakadapa at mahimbing pa ang tulog.Napalunok ako dahil ang kalahati ng katawan niya ay nakatambad sa akin, ang ibabang bahagi naman ay may kumot.Pero nakahubad baro ito, napakaganda ng katawan nito at moreno.Ang may kahabaan nitong buhok ay nakatabing sa kalahati ng pisngi nito."Good morning." Nagulat ako dahil nagsalita ito at agad akong napausog."Good morning din." Mahina ko na bati rin dito, gumalaw ito at kinabig ako bigla kaya napangiti ako.Niyakap ako nito at narinig ko ang mahina nitong ungol.Oh, gosh hindi naman ganito ang inaasahan ko pero bakit pakiramdam ko ay isa na ako sa pinakamaswerteng babae na nabubuhay sa mundong ito."Bumangon na tayo, ihah
Tapos nang simulan na ng mga kasamahan namin ang misyon kanina ay dito na nga nagkaputukan.Buti na lang may isang lalaking gwapo ang tumulong sa akin, ang he is cooking now for me.Kinikilig ako habang nakatitig sa nakatalikod nitong likod, he is so manly. Walang nagbago dito, napakagwapo pa rin niya. I saw his brother one time before.That man is also handsome, but Gael is more handsome than any other man i saw."How do you like the adobo, with chili or without chili?" Tanong ni Gael kaya napatigil ako sa pag-iisip at napatingin dito.Kiryuu is one of my favorite friend, he is good at cooking and his adobo is the most delicious iever taste."I like it with chili and csn you fried the potato, and don't add laurel. I don't like it." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at saka ito tumango."Kailan ka pa natutong magluto?" Tanong ko dito mayamaya habang naggigisa na ito ng bawang at sibuyas.Base sa nakikita ko ay isasangkutsa muna niya ang manok.Well, Kiryuu did that too kaya nga
I am Amaris Regner an orphan, my family got killed in car accident when i was just ten years old.Pero hindi naman aksidente talaga ang ikinamatay ng pamilya ko, they got killed. Because my father is a former intelligence officer.Ang pumatay sa pamilya ko ay ang kalaban ng daddy ko sa negosyo, namatay ang daddy, mommy ko at ang dalawa kong nakababatang kapatid.And me, i am miraculously alive even i have been in coma for two years.When i was finally awake, ang una kong nakita ay mukha ng isang binatilyo marahil na gulat na nakatitig sa akin.The boy whom i always saw in my dream, isang pambihirang pagkakataon o kung ano man na penomena pero ito ang dahilan kung bakit ako nagising.Pero bigla na lang itong nawala nang tuluyan na akong gumaling.Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nito, he is Gael San Diego.The boy who is bestfriend of the son of my ninong, the man who took care of me when i was in coma.And now, i am gonna see him atlast for how many years of trying to meet hi