Share

Nightingale

 

 

Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang pagsi-simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming tao

Ngayong gabi hindi muna siya ang pangkarinawang Euphie na madalas pag-guhit at pagtugtog lang ng piano ang alam. Dahil sa panahong ito, binigyan siya ng isang panibagong pangalan upang itago ang totoo niyang pagkatao at yun ay si.. Agatha.

Suot ang isang magarang damit at makikinang na alahas ay mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan at mas nagpakinang sa kaniya ngayong gabi. Ang kaniyang boses na lubhang bumabagay sa kantang may mahinahon at malumanay na pakiramdam ay wari mo'y umaakit sayo papalapit sakaniya. Para bang pinanganak talaga siya sa panahon na ito ngayon at nagagawa niyang makibagay sakanila ng walang kahirap hirap.

Isa isang nagsisitayuan ang bisita upang sumayaw at sumabay sa malumanay na romantikong tugtugin sa bumabalot sa silid ngayon. Nang matapos na ang kantang may pamagat na The Nearness Of You ay sinundan na naman niya ito ng isa pang kilalang kanta na kung tawagin ay I Know Why (So Do You) na natatandaan niyang naging paborito rin ng lola niya. Pagkatapos ay agad naman niya itong sinundan ng medyo masiglang kanta na sinabayan niya ng kaunting idayog. Kasabay ng pagpalit ng tugtog ay ang pagpalit rin ng emosyon ng mga manunuod. Napatayo silang lahat at napagpasyahan na sumabay na rin sa indayog ng kanta. Nang makita ito Euphie ay napangiti na lang siya't mas dinama pa lalo ang kanta.

Natapos ang kaniyang pagkanta sa isang malaking ngiti at masigabong palakpakan mula sa mga manunuod. Nagpasalamat siya't bumaba na upang makilala ang mga bago niyang tagahanga.

“Hindi mo pa nga pala siya naipapakilala sa amin, Nadia. Nais naming malaman ang kaniyang pangalan.” masayang bati agad ng isang parokyano sakanila.

“Paumanhin mga ginoo, heto at ipinapakilala ko sa inyo ang bago naming mang-aawit.. Si Agatha.” masayang pakilala naman ni Nadia sakanila.

“Kumusta ho kayo, Mga ginoo.” magalang na bati naman ni Euphie sakanila.

“Ikinagagalak ka naming makilala, Agatha! Napakaganda ng iyong boses! Pakiramdam ko'y nagbukas ang kalangitan at nakarinig ako ng isang anghel dahil sa pagkanta mo.” puri naman sakaniya ng isang parokyano.

“Ah.. Marami hong salamat.” tanging nasagot lang niya sa mga puring ibinibigay sakaniya.

Hindi ko tuloy alam kung masyado lang ba talaga silang nagre-react o totoo ngang maganda talaga ang boses ko. Hays. Hindi ko talaga alam pero sige.. makikisabay na lang ako, naibulong niya sa isipan niya.

Nanatili ang pagtugtog ng banda habang patuloy naman ang pagkilala ng iba't ibang tao sa bagong mang-aawit na si Agatha. Kaliwa't kanan ang pumupuri sakaniya, mapababae man o mapalalake, wala itong pinipiling kasarian, edad at nasyonalidad. Hindi man siya sanay ay iniisip na lang niya na isa itong napakagandang panaginip na kailangan niyang tanggapin.

“Mukhang kailangan ko ng umalis kaya mauuna na ako. Maraming salamat ulit sa lahat, Madam.” ani Euphie kay Nadia nang makaramdam na siya ng pagod matapos ang isang oras na pakikipag-usap sa mga panauhin.

“Ganun ba? Maraming salamat rin at mukhang dahil sa iyo e mas lalong dadami ang ating mga parokyano. Mag-ingat ka sa paguwi!” sagot naman ni Nadia sakaniya.

“Oho.” Ngumiti lang siya sandali at nagmadali na siyang nagbihis at lumabas ng kabaret.

Ibinagsak niya ang kaniyang naka-ipit at nakakulot na buhok at unti unting tinanggal ang lipstick sa kaniyang labi habang naglalakad papalayo. Napatigil lang siya nang mamataan na naman niyang muli ang isang matangkad na lalake na nakatayo sa tabi ng kotse nitong Rolls Royce habang nakapamulsa at mukhang may hinihintay na kung ano.. o sino.

“Ako ba ang iyong hinihintay o ibang..babae?” mapaglarong tanong ni Euphie kay Leonard pagkatapos niya itong lapitan.

“Wala akong ibang kilalang babae rito ngayon maliban sayo. Kaya napaka-imposible na may hintayin akong ibang babae bukod sayo.” magalang at kampanteng sagot naman ni Leonard sakaniya.

“Sus. Talaga lang ha?” at napangisi lang si Euphie sakaniya.

“Para sayo.. Maligayang bati sa iyong unang pagtatanghal.” ani Leonard sabay bigay ng isang malaking bungkos ng mga bulaklak. Napangisi si Euphie na medyo nagulat sa binigay sakaniya ni Leonard. Hindi niya tuloy mapigilan ang puso niya sa pagtibok ng mabilis.

“Para sakin 'to? Ang ganda! Maraming salamat!” masayang wika lang ni Euphie habang pinagmamasdan niya ang mga bulaklak na may lamang mga iba't ibang kulay ng rosas.

“Tapos ka na ba? Nais mo na bang umuwi?” tanong pa sakaniya ni Leonard.

“Ha?” napatingin si Euphie sa tahimik ngunit maliwanag na kalsada. Sabado pala ngayon at mukhang maingay pa ang paligid dahil sa mga taong nagliliwaliw pa sa labas. Sayang naman kung hindi niya mararanasan ang unang sabado ng gabi niya rito.

“Nais ko sanang maglakad-lakad at libutin muna ang paligid. Ngayon ko lang mararanasan 'to.”

“Mararanasan ang alin?” napataas lang ng kilay si Leonard sakaniya.

“Ang maranasan ang maglakad sa lugar na 'to..” at sa ganitong panahon.

“Ahh..” at napatango lang si Leonard sakaniya at napangisi ng malaki. “Kung gayon, nais mo bang maglakad lakad kasama ang isang tulad ko?”

Natawa lang si Euphie sa magalang ngunit mapaglarong alok ni Leonard sakaniya. Napa-iling siya't napangisi na lamang sakaniya. Ang luma nito pero..

“Walang problema sakin, Ginoo.” mapaglarong sagot niya rin at dahan dahan na nilang nilakad ang mga kalye ng Sta. Cruz, Maynila.

Nakaabot sila hanggang sa Plaza Goiti kung saan nakatayo ang iba't ibang gusali at kainan sa paligid. Marami pa ring tao kahit pasado alas dyis na. Nakakita sila ng upuan at napagpasyahang umupo muna sandali.

“Wear this.” ani Leonard sabay bigay kay Euphie ng coat niya. Napansin kasi nito ang manipis na suot ng dalaga at baka nilalamig na ito kaya nag-alala siya. Lalo pa't dis oras na ng gabi at unti unti ng lumalamig ang paligid.

“Maraming salamat.” napangiti lang si Euphie saka sinuot ang malaking coat ni Leonard. Napayuko siya upang itago ang unti unting gumuguhit na malaking ngiti sa labi niya.

Dapat ko bang isipin na date 'to or something? I mean.. Ito ang unang pagkakataon kong gumala sa lugar na 'to. Kahit na nasa Maynila rin ako nakatira eh kahit kailan ay hindi pa naman ako nagagawi dito sa may Sta. Cruz.

Bukod pa roon, Hindi ko pa rin nararanasan ang maiwan kasama ang isang lalakeng hindi ko gaanong kilala. Never akong nakipag-date kasi busy ako. Kaya wala talaga akong ideya sa mga ganito. O dapat ko ba talaga siyang tawaging date? O baka ako lang ang nag-iisip nun?

“Anong problema? Mukhang tahimik ka ata?” tanong bigla ni Leonard sakaniya.

“Ah..Wala! Medyo nakakapanibago lang..” sagot naman ni Euphie kaagad sakaniya.

“Nakakapanibago?”

“Uhmm.. Hindi kasi ganto yung kinasanayan kong lugar eh. Ibang iba talaga 'to kumpara mo samin.”

“Paanong kakaiba? Paki-paliwanag.. kung maari?” naguguluhan niyang tanong.

“Well.. Yung lugar samin.. Medyo maingay at matao. Kahit na ganitong oras, puno pa rin ng mga tao sa lansangan. Maririnig mo ang iba't ibang ingay mula sa mga taong naguusap at naglalakad. Marami ring ilaw. Pero kung ako yung papipiliin, mas gusto ko dito. Simple at hindi ganun karami ang tao.”

“Naniniwala kang tahimik ang Maynila?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Napatingin kaagad si Euphie sakaniya't napakunot ang noo. Oo! Kung sa panahon na 'to! nais niya sanang isagot kaagad ngunit nanahimik lang siya.

“Bakit, Hindi ba?” tanong naman niya.

“Hindi ko alam. Para sa akin kasi, mas maganda pa rin ang manirahan sa mga probinsya. Doon, tahimik talaga. Kumpara mo rito na maraming sasakyan at tao sa paligid. Unti unti nang nagkakaroon ng polusyon at mapapansin mo namang unti unti nang dumudungis ang dating malinis at magandang Maynila.” Wika niya.

Napangiti lang si Euphie sa sagot niya. Tama nga si Leonard. Malaki talaga ang kaibahan ng syudad sa probinsya. Pero kung titignang maiigi, masaya siya na nakita at naranasan niya ang panahon na 'to na kung saan maayos pa ang kilala niyang Maynila. Nakakalungkot nga lang isipin na marami nang nagbago sa totoo niyang panahon. Maraming naglaho at napalitan. Gaya na lang nitong Plaza Goiti kung nasaan sila ngayon na ayos at ngayo'y wala na rin.

“Maiba tayo. Hindi mo pa nga pala masyadong pinapakilala yung sarili mo sakin. Magkwento ka naman kahit na kaunti lang..” sabat ni Euphie bigla kay Leonard sabay tingin rito.

“Ano ba ang gusto mong malaman?” tanong niya sabay ngiti kay Euphie.

“Mga bagay tungkol sa sarili mo.” nakangiting wika niya.

“Tungkol sa sarili ko?” napahinga siya ng malalim at napaisip tsaka niya hinawi ang kaniyang buhok at umupo ng maayos.

“Uhm.. Ako si Leonard. Dalawampu't apat na taon ang gulang. Leonard Kirk Christopher ang buo kong pangalan. At gaya ng pagkakaalam mo, may dugo akong Amerikano at Pilipino. Pilipina ang aking ina at Amerikano naman ang aking ama. Isa akong sundalo sa hukbong pangkaragatan. Ngunit nandito ako ngayon dahil sa ninais kong magpahinga muna ng kalahating taon.”

“Kalahating taon? Bakit? Anong nangyari sayo't kailangan mong magpahinga muna? May sakit ka ba? Injured?” kuryosong tanong naman ni Euphie sakaniya.

“Hindi.” sabay iling niya. “Hmm.. Siguro kasi.. may gusto akong hanapin? Kapag naglayag ka sa dagat, Para bang dun lang mismo umiikot ang buhay mo. Wala kang ibang makikita. Wala kang ibang makilala. Nais ko sanang hanapin ang sarili ko at ang taong gusto kong makasama.. habang buhay.” seryosong bigkas niya saka niya idinako ang tingin niya kay Euphie.

Nakaramdam ng kaunting kaba si Euphie dahil sa mga salitang binitawan ni Leonard at maging sa mga nakakatunaw na tingin nito sakaniya. Napakagat siya ng labi at nanghinayang nang maisip niya kung gaano kaswerte ang babaeng mahahanap ni Leonard. Wala na siyang ibang hahanapin pa rito. Makisig, Matipuno, Magalang, Gwapo na mukhang nakuha na siguro mismo ang buong kahulugan ng pagiging perpekto.

“Nakita mo na ba siya? I mean.. yung taong yun?” mahinang tanong naman ni Euphie sakaniya.

“Hindi ko alam.. Siguro? Pero hindi pa ako sigurado.” mabilis na sagot naman nito.

“Paano mo malalaman kung nahanap mo na yung taong yun?” tanong pa niyang muli rito.

“Hindi ba biglaan mo na lang malalaman yun? Dahil alam ko at naniniwala ako na tadhana na mismo ang gagawa ng paraan upang magkatagpo kayo.”

Napangiti lang si Euphie sa mga sagot ni Leonard sakaniya. Nakakatuwang isipin para sakaniya na may isang lalaki pa pala na naniniwala pa rin sa tadhana at nagkataong.. si Leonard pa iyun mismo.

Kaya lang, bigla na namang sumagi sa utak niya ang lola niya. Kung totoo ngang ex ng Lola Louisana niya si Leonard edi maaring mauwi sa pagkabigo ang paghahanap niya ng pag-ibig at mamahalin dahil ang Lolo Dan niya ang nakatuluyan ng Lola niya at hindi siya.

Naku.. Ano bang silbi ko dito? Wag mong sabihin na.. kaya ako nandito ngayon ay para ilayo siya sa lola ka nang hindi siya masaktan? Nandito ba ako.. para maging tagapagligtas niya?

Ehh.. Pero paano ko nga malalaman yun! Eh hindi ko nga alam kung nasaan ba ngayon si Lola sa panahon na 'to! Sandali –baka naman alam ni Leonard? Baka kilala na niya si Lola ngayon?

“Uhm.. Matanong ko lang. May kilala ka bang..” lumunok muna siya't huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

“Kilalang ano..?”

“Kilalang.. Louisana Sebastiano?” tanong niya.

“Louisana?” napaisip sandali si Leonard. Napatitig siya kay Euphie habang inaalala ang pangalan ng mga taong kilala niya. “Ahh. Hindi ba si I–”

“Sir..” sabat bigla ng isang lalake kay Leonard. Napatingin agad sila ni Euphie at agad niya itong nakilala. Ito yung lalakeng nasa bahay rin ni Leonard. Ang Butler niyang si Hans.

“I'm sorry to interrupt, But it's getting late sir.” ani Hans.

Napatingin muna si Leonard sa relo niya at nang makita niyang tama nga si Hans at dali dali siyang tumayo at inalalayan rin sa pagtayo si Euphie.

“Hans is right. Kailangan na nating umuwi.” Ani Leonard sabay akay kay Euphie papasok sa kotse.

Ehh–? Pero.. Wait lang. Yung tanong ko! Hindi pa nasasagot!

Hahabulin pa niya sana ng isa pang tanong si Leonard tungkol sa lola niya pero umupo ito sa harapan at nakipag-usap kay Hans bigla. Napapikit na lang si Euphie't napatakip ng mukha gamit ng dalawa niyang kamay dahil sa labis na pagkadismaya.

Hindi bale na nga, Alam naman niyang may bukas pa at marami pa siyang pagkakataon upang tanungin si Leonard.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status