Share

Je Te Veux

 

 

Hindi maipinta ang mukha ni Euphie habang naglalakad sila ni Isa papunta sa may palengke upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Mukhang may darating kasi na bisita si Leonard kaya kailangan nilang maghanda at dahil rin dun eh hindi tuloy siya maka-tyempo ng tanong sa binata na dahilan upang maurat siya ng ganito. Sa totoo lang, kagabi pa niya talaga sana nalaman ang kasagutan na hinahanap niya kung hindi lang sana sa mga nagiging sagabal sa mga plano niya.

Bago matulog ay nakita niyang kausap pa rin ni Leonard si Hans at pagkagising naman niya ay nakita naman niyang may kausap ito sa telepono. Buong araw niya sana balak hintayin ang binata kaya lang mukhang hindi niya ito makakayanan lalo pa't mabilis siyang mabagot kahit sa kaunting bagay. Mabuti na lamang at inaya siya ni Isa sa pamamalengke't gumaan gaan ang pakiramdam niya.

“Kanina ko pa po napapansin ang pag-seryoso ng iyong mukha, Binibini. May problema ho ba kayo?” tanong ni Isa sakaniya habang tumitin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status