Share

KABANATA 16

Author: Maria Anita
Isabelle

Galit ako. Hindi, hindi lang ako galit—galit na galit ako. Ang lalaking ‘yon! May gana siyang itext ako sa ganitong oras ng gabi at magsabi ng kung ano-ano. Okay lang sana kung tungkol pa sa trabaho ‘yon. Pero hindi. Kung akala niya ay magiging sunod-sunuran lang ako sa kanya at okay lang sa akin ang mga pang-aasar siya, pwes, nagkakamali siya. Ako ang tipo ng babae na hindi nagpapatalo at mas maingat ako.

Pero hindi ko rin maikakaila na ang boss ko na may sapak ay may kakaibang hatak sa akin—isang ligaw at hindi ko kontroladong bahagi ng sarili ko.

Tumayo ako kaagad at nagtungo sa closet ko. Nang magtext siya, kakalabas ko lang sa banyo. Nagbihis ng pantulog at tsaka nagsimulang mamili ng susuotin ko bukas. Ang napili ko ay isang itim na dress na tama lang para sa opisina pero kapit ang kurba sa katawan ko. Mid-thigh ang haba at may elegantang v-neckline. Corporate na elegante pero hindi bastusin. Inilabas ko na rin ang red heels na ite-terno ko pati ang itim na pares n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 108

    JOKOTotoo nga ang kasabihan na if you are with the right people, even the simplest gathering feels so special.Masiglang dumaloy ang usapan namin, mula sa mga simpleng bagay hanggang sa ospital at nakita ko ang mga ngiti sa mga mukha ng nanay ko at ni Hope, na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin at bahagyang tumango bilang pagsang-ayon sa takbo ng mga bagay-bagay. Alam kong masaya sila na natagpuan ko si Samantha.At wala ng mas hihigit pa–ang nanay ko at future in-laws ko ay maayos at magkasundo. Nag-uusap sila na parang mga magkakaibigan noong bata pa sila at pinag-uusapan na kung gaano kaganda kapag nagkaroon na kami ng mga anak ni Jackie sa hinaharap.Bigla, tumunog muli ang doorbell at tiningnan ko si Jackie ng may pagtataka. Naroon na ang buong pamilya, may iba pa ba siyang inimbitahan?“Ako na,” alok ni Jackie.“Ah, muling nagkita ang buong pamilya. This is so nice!”Lumingon ako at nakita ko si Felipe na pumapasok na parang siya ang hari ng lugar. Walang ha, ni ho

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 107

    JOKOToday is the day.Ngayon ang dinner kung saan ipakikilala namin ang aming mga ina sa isa’t-isa ng pormal. Inayos na ni Jackie ang lahat, hindi man lang ako pinayagan kahit na magpadala ng mga imbitasyon. Tuwang-tuwa siya at nasasabik tungkol dito. Umuwi siya ng maaga at pagdating ko, maganda na siya, nakabihis na at inaasikaso ang pag-aayos ng mesa.Lahat ng detalye ay siya ang nag-asikaso. Wala akong ambag. Literal at gusto ko ‘yon. Hindi dahil ayaw ko kundi kitang-kita ko kung gaano niya kagusto ang ginagawa niya.“Mahal ko, nandito ka na!” Masayang bati niya sa akin gamit ang isang halik.“Hmm, kays sarap naman umuwi sa ganito.” Niyakap ko siya at binigyan ng isa pang halik.“Dapat lang.” Sabi niya, sinusubukan huminga pagkatapos naming putulin ang aming halikan. “Pero ngayon, maghanda ka na, darating din ang mga pamilya natin any time.”Nag-aatubili akong binitawan si Jackie at naligo na. Pagbalik ko sa sala, masayang pinagmamasdan ni Jackie ang mga naka-set up na mesa,

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 106

    JACKIEPagkatapos ng lunch, nakatanggap ako ng tawag galing kay Karla. Siya ay isa sa mga tauhan sa bahay ni Joko. Tumawag siya para ipaalam sa akin na naihatid na ng shop ang mga muwebles. Marunong si Karla sa maraming bagay, kasama na ang pag-aayos ng bahay ng walang katulad at napakabait na para siyang isang ina. Nagkakaintindihan kami ng husto, napagkasunduan naming tatawagan niya ako tuwing kailangan niya at ipapaalam niya sa akin sa sandaling dumating ang mga muwebles.Tuwang-tuwa ako. Masayang-masaya akong umalis sa kompanya, pero nang makapasok ako sa kotse ni Joko, napansin kong tensyonado siya. Hinalikan niya ako at niyakap ako ng ilang sandali.“Are you okay?” tanong ko, ramdam kong may mali. Tila pagod at stressed siya.“This day sucks. Gusto ko lang magpalipas ng gabi na nakayakap sayo, Goddess ko.” Bumuntong-hininga siya at binitawan ako, sabay pinaandar ang kotse.“Anong nangyari?” Mas lalo akong nag-alala.“Felipe happened.” Minsan lang nagsalita si Joko.“Ano

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 105

    JOKOPutek.Nababaliw na talaga si Felipe.Hindi na siya nag-abala pang magpanggap na isang ama na nagmamalasakit sa kanyang mga anak. Ibang klase.Bumalik ako sa opisina at umorder ng makakain ko, para lang hindi ako mainis na makita ulit ang mukha niya. Habang kumakain ako, tinawagan ko ang bayaw kong si Ed at ipinaliwanag ang nangyari. Tiniyak niya sa akin na hindi lalapitan ni Felipe si Hope, ang mga bata, o ang nanay namin. Pagkatapos ay tinawagan ko ang mommy at sinabihan niya akong kumalma, na magiging maayos din ang lahat.Pagbalik nina Juliet at Diane mula sa lunch, tinawag ko sila sa opisina ko. Kailangan ko rin silang babalaan; palagi silang malapit sa akin at maaaring gamitin sila ng tatay ko.“Mga madam, siguro dapat akong umupa ng bodyguard para bantayan kayo,” sabi ko pagkatapos kong sabihin sa kanila ang buong sitwasyon.“Hey, relax lang, hindi kami ang target ng tatay mo.” Sinubukan akong pakalmahin ni Diane, pero napansin kong masyadong tensiyonado si Juliet.

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 104

    FELIPENapakakomplikado na ng buhay ko! Kinailangan kong umalis agad sa Miami matapos akong i-report ng mga prostitute na iyon para sa party na isinama ko sa kanila. Ayon sa isang kaibigan, hinahanap na ako ng mga pulis at nalaman na nila kung nasaan ako–nauubusan na ako ng oras.Malas!Akala ko mas mapapadali ni Joko ang buhay ko pagdating ko sa Pilipinas at ibibigay niya ang hiniling ko. Kailangan kong pumunta sa Europe. Maraming bansa doon na hindi nag-e-extradite o nagpapatupad ng mga utos ng korte mula sa ibang mga bansa. Pero mas mahal ang paninirahan sa Europe kaysa sa ibang mga bansa, kaya kailangan ko ng mas maraming pera. At kailangan ko ang eroplano kung sakaling kailangan kong umalis ng mabilis. Lahat ng ‘yon ay meron kami. Pero nagpasya ang batang suwail na magpanggap na makapangyarihan sa akin at hindi ginawa ang gusto ko. At hindi rin ako tinutulungan ng walang kwentang si Hope na iyon.Mga walang utang na loob. Pinunas ko na lang sana sa kumot.Parang hindi pa

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 103

    JOKOItinigil ko ang sasakyan sa pasukan ng building ni River at nakita ko si Jackie na naglalakad kasama ang dalawang bodyguard niya.Hay. Palagi akong nabibighani sa kagandahan niya.Hindi bastang babae si Jackie. Kahanga-hanga siya, lahat ng bagay sa kanya ay perpekto at alam niyang maganda siya. Confident siya sa gandang taglay niya. Naglakad siya na parang isang reyna, nakataas ang ulo, tuwid ang tindig at may kumpiyansa ang mga hakbang.Nang makita niya ako, nagpaalam siya sa mga bodyguard, tumakbo papunta sa akin at tumalon sa mga bisig ko, na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kaswerte na ang babaeng ito ay akin.“Namiss kita,” bulong niya sa akin.“I miss you more,” binigyan ko siya ng mabilis na halik at inalalayan siyang pumasok sa kotse.Habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Joey, nagkuwentuhan kami, nagtawanan, nagbibiruan at nag-aasaran. Napansin ko na noong mag-park ako sa harap ng bahay, naging seryoso at tensiyonado siya.“Hey, what’s wrong?” tanong ko, haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status