Nang makauwi sa bahay matapos pagkatapos ng mahabang araw, nakita ko ang mga magulang ko na naghihintay sa akin sa sala. Pansin ko ang pagkabalisa sa kanilang mga mukha. “Belle, maupo ka. May kailangan tayong pag-usapan,” saad ni Papa sa problemadong boses. “Ano po’ng problama, Pa?" tanong ko sa pagod na boses. Buong araw akong nagtrabaho at pumasok pa sa university para mag-aral. Ang gusto ko sana’y makaligo at mahiga na sa kama pagkauwi, pero mukhang hindi ‘yon mangyayari. “Dumating na ang wedding invitation galing sa pinsan mo, hija,” wika naman ni Mama. Biglang umusbong ang galit sa puso ko. “Hindi ko pinsan ang babaeng ‘yon, Ma!”“Belle, pinsan mo pa rin siya,” giit ni Mama. “Huwag kang ugaling spoiled brat. Naaalala mo ba kung paanong nag-eskandalo ang bestfriend mong si Diane at kung paano niya inatake si Selena? Tapos na dapat ang gulo ninyo! Anak pa rin siya ng kapatid ko kaya ituring mo siyang pinsan!”“I’m sorry, Ma, pero hindi ko na siya matatanggap pa sa buhay ko,” s
Read more