One hot night with a total stranger! Hindi inasahan ni Isabelle Montecillo na ito ang magiging sanhi ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Matapos pagtaksilan ng kanyang ex at pinsan, ay nakipagsapalaran siya sa isang misteryosong lalaki—ang gabing pinagsaluhan nila ay nag-iwan ng higit pa sa alaala. She got pregnant, and to make things worse, she didn’t know who the father was! Makalipas ang dalawang taon, nakakuha si Isabelle ng trabaho bilang advisor ng isang napakastrikong CEO na si River Dela Merced—isang lalaking may reputasyon sa pagiging maldito, mapusok, at nakakainis na gwapo. Malinaw ang prinsipyo niya: ayaw niyang makipagrelasyon sa kanya o kanino man—maliban na lang kung ito ang babaeng bigla na lang nawala sa kanyang buhay. Ngunit tila ba may plano ang tadhana. Habang lumalalim ang kanilang pagtutunggali sa trabaho, unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. At nang magsimulang magtugma ang mga bakas ng nakaraan, may isang katotohanang nag-aabang… posible kayang si River Dela Merced ang misteryosong lalaki noong gabing iyon? At kapag nalaman niya ang lihim ni Isabelle, masisira kaya ang lahat—o magiging daan ito upang tanggapin nila ang pag-ibig na matagal nang itinatakwil?
View MoreIsabelle “Diane, tinawag ako ni boss. Hindi naman sinabi bakit. Alam mo ba kung bakit?” tanong ko habang pumapasok sa opisina ng kaibigan ko isang hapon. Umiling siya. “Wala akong alam. Hindi ko rin alam na tinawagan ka niya. Hindi dumaan sa akin. Malamang personal matters ‘yan. Hintayin mo lang ako dito—sasabihin ko sa kanya na nandito ka na.” Pumasok siya sandali sa opisina ng boss namin at agad ding lumabas, sinenyasan akong pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—may kutob na ako pero ayaw kong pangunahan ang lahat. Hindi ko rin naman kinakalimutan ang hierarchy sa opisina. Kahit na magkaibigan kami ni Joko sa labas, propesyonal pa rin kami sa loob ng kompanya niya. “Oh, there you are!” bati agad ni boss na may malapad na ngiti. “Una sa lahat, tuwang-tuwa ako na kayo na ulit ng kaibigan ko. You deserve it at tsaka, pagod na pagod na kaming samahan siyang uminom. Mabuti na at nagkaayos na kayo bago pa niya masira ang mga atay namin.” “Salamat,
River Pagkatapos kong ihatid si Isabelle sa opisina nila, agad akong tumungo sa opisina ko, dala pa rin ang init ng mga sandaling magkasama kami noong weekend. Mainit ang pagtanggap ng pamilya niya—at para sa isang tulad ko na sabik sa ganoong koneksyon, napakahalaga niyon. One for the books ika nga. Oo, nagkaroon ng tensyon sa Batanes kasama ang ex niya at ang pinsang masahol pa sa aso ang ugali pero kahit ‘yon ay hindi kayang sirain ang kabuuan ng perpektong araw na ‘yon. Bumalik na sa akin si Isabelle, napatawad na niya ako. Tiyak kong nakatulong ang quick escape niyang iyon para sa amin. Muli ko siyang nayakap, at puno ang dibdib ko ng galak na halos hindi ko na makayanan. At si Nathan…ang batang ‘yon! Binuo niya lalo ang mundo ko. Kasing dali niyang nakuha ang puso ko tulad ng nanay niya. Kung nabubuhay pa ang mga magulang ko, sigurado akong mamahalin nila si Isabelle at tatanggapin si Nathan na parang tunay nilang apo. Pero masakit pa ring maalala ang mga namayapa kong ma
Isabelle Nagising akong nakakulong sa mga bisig ng lalaking mahal ko. Wala ng mas masarap pa sa pakiramdam ng may kayakap ka sa gabi at ito ay ang taong mahal mo. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni River, magkayakap ang aming mga binti at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang init ng kanyang katawan ang bumalot sa akin, buong gabi kong hindi alintana ang natural na lamig ng bukid—pakiramdam ko ay payapa ang buong mundo ko dahil sa gabing ‘yon. “Magandang umaga, mahal ko,” bulong niya, sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. “Paanong ganyan ka pa rin kagwapo pag gising mo? Anong black magic ‘yan?” Tumawa siya ng mahina at hinaplos ang labi ko. Namumula din siya sa hiya. “Ulitin mo nga. Hindi ko kasi narinig. Medyo mahina na ang pandinig ko kasi.” “Na ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko? Pero bingi nga lang, sayang ang kagwapuhan,” biro ko, habang pinagmamasdan ang kislap sa kanyang mga mata. “Gusto ko ‘yan,” sabi niy
Isabelle Naghintay ako sa gate kasama si Nathan—ilang minuto lang ay may itim na sasakyan na tumigil sa amin. Mabilis akong sumakay sa kotse bago pa man bumaba si River para tulungan ako. Nahalata niya agad na hindi maganda ang timpla ko. “Ano bang problema, mahal?” tanong ni River sa akin habang papalayo ang kotse. “Dumating ang tiyahin ko sa bahay at gumawa ng hindi kaaya-ayang eksena. Pero sasabihin ko sayo mamaya—ayoko munang mabahala. Magandang umaga sa inyong dalawa.” Ngumiti ako para baguhin ang mood. Si Nathan ang nagkwento sa buong biyahe—sinabi pa niya kay Tito River niya kung paano niya dinilaan ang ‘witch’ at nagtawanan kaming lahat. Pagdating namin sa bahay nina Diane, naging mainit ang pagtanggap sa amin. Labis nilang ini-enjoy si Nathan at gustong-gusto nila na magkaroon ng isa na namang apo—kahit na alam nilang hindi pa handa si Diane para sa ganyan. Pagkatapos ng isang masaya at masarap na lunch, tinawag ni Mr. Fernandez sina River at Lucas sa opisina para sa
Isabelle Pag-alis ng mga bisita, inihiga ko si Nathan sa kama at bumalik ako sa sala para makipagkwentuhan pa ng konti kina Mama at Papa. Pakiramdam ko kasi marami pa silang gustong malaman tungkol kay River at sa estado ng relasyon namin—lalo na si Papa na hindi matigil kaka-point out sa uncanny resemblance nina River at Nathan. “Bakit hindi mo agad sinabi sa amin na may problema ka pala sa trabaho mo doon, anak?” agad na tanong ni Papa sa akin, paglapat pa lang ng pwet ko sa sofa. “Mukhang marami na silang nakwento sa inyo, ah. Pero hindi ko na sinabi dahil ayokong mag-alala kayo. At dahil may kaibigan akong parang guardian angel—siya ang tumulong sa akin makahanap ng trabaho na kasing ganda rin ng nauna,” tapat kong sagot. Total alam na nila, wala ng saysay pa ang maglihim sa kanila. “Sabi ni River nagtatrabaho ka na raw ngayon sa kaibigan niya, pero babalik ka rin daw sa kumpanya niya,” sabi ni Papa. Mukhang close na agad ang dalawa. Ramdam ko ang suporta ni Papa sa lalakin
Isabelle Pagkatapos naming mamili, bumalik na kami sa bukid. Inabot din kami ng ilang oras sa bayan dahil naglibot-libot pa kami. Tinulungan ako ni Diane na buhatin ang mga pinamili at pagpasok namin sa bahay, tinawag namin sina Mama at Papa. Nilalagay pa lang namin ang mga bag sa mesa nang biglang tumakbo si Nathan at narinig ko ang pagsigaw niya. “Tito River! Dumating ka!” “Syempre naman, little buddy. Miss na miss na kita!” narinig kong sabi ni River at parang nanghina ang tuhod ko sa gulat. Pagharap ko, yakap na yakap na nila ang isa’t isa. Nakangiti nang malaki si Mama, si Papa ay halatang nagulat at si Melissa ay natulala habang si Lucas ay papalapit sa kanya. Sa palagay ko ay pareho kaming biglang nawalan ng focus. “Anong ibig sabihin nito, Lucas?” tanong niya ng seryoso, hindi man lang niya niyakap ang nobyo niya. “Ano pa ng aba? Hindi na namin kinayang malayo sa mga nobya namin. Lalo na kay Nathan kaya nandito kami…ang ganda pala dito,” sagot ni Lucas na para bang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments