Share

KABANATA 38

Penulis: Maria Anita
Jackie

As a friend, sobrang nag-aalala ako para kay Isabelle. Pagkatapos naming malaman na buntis si Stephanie at ayon sa kanya ay si River ang ama, halos gumuho ang mundo ng kaibigan ko—at syempre, natural lang iyon. Ginugol ko ang araw ng pag-aayos ng opisina nina John at Isabelle, dahil magiging assistant na siya ngayon ni Hubert. Nag-swap sila ng boss.

Inimbitahan ni Mama sina Tito Joey, Joko at Zac para mag-dinner sa amin sa Sabado. Ayos na ang apartment, kaya excited siya magpa-host, pero ayaw sumama ng mga girls. Sabi ni Isabelle, masyado siyang malungkot para sumama at ayaw niyang sirain ang mood ng mama ko. Which is understandable.

Unang dumating si Tito Joey. Ikukwento niya sana na kakabreak lang ng panganay niyang anak sa fiancée nito dahil hindi raw sigurado ’yung babae kung itutuloy ang kasal nila o hindi pero kailangan daw ng space para mag-isip.

“Kumusta naman siya, Tito Joey?” tanong ko, ramdam ang bigat ng sitwasyon.

Magkasama kasi sila ni Mama sa pharmaceutical c
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 65

    JackieNang umalis si Joko, humiga ako sa kama at nag-isip. Siguro dapat ko na siyang patawarin at wala ng mas simboliko pa kaysa sa paggawa nito sa kasal nina Isabelle at River. Perfect moment iyon.Tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Kinuha ko ‘yon at nagulat ako sa nakita ko. May dumating na message mula sa isang numerong hindi ko kilala–nang buksan ko ito, larawan iyon ni Joko na nakakapit sa putang iyon. Suot niya ang parehong damit na nakita kong suot niya palabas ng bahay ko, kaya ang larawang iyon ay bago lang. Tiningnan kong mabuti at napagtanto ko na nasa parking lot pala ‘yon ng Social Club. Not funny!Nagsinungaling sa akin ang gago na iyon! Ulit!Papatayin ko siya! Paano siya naging ganito ka-walangya? Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Pagod na ako! Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng tsaa. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at natulog.Kinabukasan ay nagising ako ng napakaaga, nag-ayos, kinuha ang mga gamit ko, tumawag ng taxi at pumunta

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 64

    JokoMatagal kaming magkayakap ni Jackie.I lost sense of time pero nanumbalik ang mga alaala. Mga alaalang gusto kong ibaon ng malalim at ayaw kong ibahagi kahit kanino. Ang pakiramdam na naroon siya, ang pagyakap sa akin, ang pagsuporta sa akin, ay parang isang pampakalma sa lahat ng bukas na sugat na iyon.Nang bumitaw kami, tumingin ako sa mga mata niya, kumbinsido na kung hindi siya iyon, wala ng iba sa buhay ko, sa aking tabi, na tutulong sa akin na iwanan ang lahat ng sakit na dulot ng tatay ko noon.“Please, bumalik ka na sa akin. Stay with me, forever,” bulong ko.“Joko,” bumuntong-hininga siya. “ Pumunta ka ba sa horse farm na iyon kasama niya pagkatapos kong mahuli kayong magkasama?“Oo.” Ayoko na sanang pag-usapan iyon, pero kailangan kong maging tapat sa kanya.“Why?”“Dahil nagpadala siya sa akin ng isang audio message na umiiyak, gusto na niyang mamatay at kung hindi ko siya hahanapin, magpapakamatay siya. I can show you her message.”“Ayokong makita 'yan.” Tu

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 63

    JackieHinila ako ni Joko papasok sa bahay na iyon at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Parang isang panaginip lang iyon.Maganda at napakalaki ng bahay, pero ang ikinagulat ko ay ang nasa loob nito. Walang mga muwebles, pero nagkalat ang hindi mabilang na pulang rosas, mga ilaw na hugis kandila at mga lobo na hugis puso sa kisame.Sa gitna ng silid ay may mga malalambot na fur mat na may mapusyaw na kulay at maraming makukulay na unan na may matingkad na kulay at iba't ibang laki at may isang mesa na may mga strawberry, tsokolate at chilled champagne. Sa madaling salita, inulit ni Joko ang ginawa niya noong isa sa aming pinakamagagandang gabi. Dramatic at exagged si Joko, pero sa pagkakataong ito ay mas lumevel-up siya.“Kaninong bahay ito?” Humarap ako sa kanya, hangang-hanga pa rin sa lahat.“Bahay natin ‘to.” Lumapit siya.“I don’t understand.” Lubos akong naguluhan sa aking nakita kaya naman tila walang ginagawa ang aking utak kundi ang mamangha.“Binili ko ang bah

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 62

    JokoHindi ako makapaniwala. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng maraming araw na may senyales na ako na patatawarin na ako ni Jackie. Pagpasok ko sa elevator at pagbukas ko ng note, gusto ko sanang lumabas at halikan siya, pero sumasara na ang pinto.‘Make me believe,” ang nakasulat doon.Wala na akong kailangan pa para magkaroon ng pag-asa at malaman na may pagkakataon pa akong makuha siya pabalik. Tatlong salita lang ang naroon, pero mas marami ang sinasabi nito kaysa sa inaakala ko at pabor sa akin.Pumunta ako sa isang meeting na hindi ko na ipinagpaliban at bumalik agad sa kompanya ni River, parang may pakpak ang mga paa ko, pero huminto muna ako sa mall at bumili ng ilang gamit.Sa confectionery, humingi ako ng tulong sa attendant para buuin ang kahon. Inilagay niya ang labindalawang pulang usbong ng rosas at sa pagitan ng mga tangkay ay inilagay niya ang bote ng marula liqueur at sa paligid ng bote ay nilagyan niya ng ilang strawberry chocolates. Isinara niya ang kahon

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 61

    JackieNagmadali akong bumalik sa opisina at pagdating ko, hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag pero ang gulo! Mabilis na ipinaliwanag ni John sa akin ang nangyari– dinukot si Nathan.“Kailangan ka ni Isabelle ngayon!” sabi ni John. “Papunta na si Joko kasama ang iba pa, at paparating na rin si Bettina.”“Good, Ano pa bang magagawa ko?” tanong ko.“Magiging magulo ang mga bagay-bagay dito. Asikasuhin mo si Isabelle at linisin mo ang schedule ng CEO. Sa madaling salita, ikaw muna ang bahala dito hanggang sa maayos nina River at Hubert ang lahat. Kung kailangan mo ng tulong, kausapin mo ako,” utos ni John sa akin at umupo ako para magtrabaho. “Hindi ka pa nagla-lunch, 'di ba?”“Hindi pa, pero o-order ako mamaya at kakain dito.”“Yeah, mag-brunch tayo rito, para laging available, para walang magutom,” sabi ni John at naisip kong magandang ideya iyon.“Ano na?” tanong ko.“Tawagan mo ang caterer at hilingin sa kanila na ihanda ang lahat sa loob ng isang oras,” sabi ni John bago

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 60

    JackieNakakapagtaka na makita ko si Zac sa mall at mas nakakapagtaka na manood ito ng parehong pelikula na papanoorin namin. Kung naroon si Joko, sasabihin kong may plano ito–pero kasama ni Zac ang kasintahan niya at ang kapatid nito. Ang nakakapagtaka, kilala ng kapatid ng kasintahan niya si Roman at muntik na siyang atakihin sa puso ng makita niya ito. Ano na naman kaya ang mapapala ko? Aalamin ko na lang.Sa huli, nasiyahan talaga ako sa oras na iyon kasama ang grupo. Napakabait ng mga kasama ni Enzo, nakakatawa at napakadaldal ni Ivy, kaya hindi naman kakaiba na naroon ako kasama ang isang lalaki at ang pamangkin ng dating kasintahan ko. Pero may nangyayari.Pinilit ni Zac ang mga libro sa math na inalok ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas noong nagkape kami. Pagkatapos ay umalis si Roman at umakyat si Zac kasama ko sa taas.“Zac, here.” Kinuha ko ang mga libro at notebook mula sa kwarto at inabot sa kanya. “Sabihin mo nga sa akin, anong meron?”“Plano? Ang astig lang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status