Share

CHAPTER 212.2

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-24 17:33:46

“Hindi ko talaga alam kung nasaan na si Raymond,” sagot ni David at paos na nga ang kanyang boses. “Hindi ko siya isinama nung umalis ako roon. Iniwan ko lang siya sa basement…”

Hindi pa man nga natatapos ang pagpapaliwana ni David ay nagsalita na nga muli si Sophia.

“Wala nga siya roon,” malamig na sabi ni Sophia.

“Imposible yan. Paano siya makakaalis doon gayong durog ang kanyang binti? Saan naman pati siya pupunta? Wala na siyang silbi at hindi siya makakatakas sa gano’ng kalagayan niya. Nandon pa rin siya,” halos pasigaw pa nga na sagot ni David dahil hindi nga siya makapaniwala na nakaalis nang ganon kabilis si Raymond.

Sa mga sandali naman nga na iyon nang marinig nga ni Sophia ang sinabi ni David ay hindi na niya mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan. Dinig na dinig nga niya na sinabi ni David na durog ang binti ni Raymond bigla tuloy siyang napaisip kung dahil ba iyon sa aksidente.

Ang dati nga na kalmadong mga mata ni Sophia ay napuno nga ng matinding galit at poot. Ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 250.3

    Mahina naman nga na umubo si Raymond.“Mali ang rehistro sa ID ko. Ayon lang sa ID ang sabi ko kaya hindi iyon kasinungalingan,” pagpapalusot pa nga ni Raymond.Si Raymond ay tipikal na Sagittarius at isinilang para maging emperor type na lalaki.Sa paglipas ng mga taon ay marami ngang humanga sa kanya pero tinanggihan niya ang lahat ng iyon. Ang Sagittarius kasi ay medyo makasarili. Masayahin sa harap ng iba pero malungkot kapag wala na ang ibang tao. Tapat din nga na magmahal ang mga ito pero madalas naaakit sa mga taong hindi siya mahal. May sariling karisma si Raymond at konti kang nga ang hindi nahuhulog sa kanya.Pero dahil nga halos lahat ay nahuhulog sa kanya ay wala nang nakakagising sa kanyang pagnanais na manakop hanggang sa dumating na nga di Sophia.Nang makilala nga ni Raymond si Sophia ay kasal na ito kay Francis. Hindi pa niya noon lubusang ipinapakita ang tunay niyang pagkatao at wala pa siyang matibay na lugar sa pamilya Bustamante. Kaya naman sa panahon nga na iyon

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 250.2

    Lumapit na nga si Sophia kay Raymond. May sugat ito sa noo at nababalutan pa nga ito ng puting gasa. Ang dating mayabang at matapang na lalaki, ngayon nga ay mukhang inosente at nakakaawang tignan. Gusto sana niyang pisilin ang tainga nito pero baka nga maaktan ang sugat nito. Kaya naman dinampian na lamang ni Sophia ng marahang tulak ang ilong nito.Bahagya naman na natawa si Raymond sa ginawang iyon ni Sophia pero naiintindihan naman niya ang ibig ipahiwatig nito sa kanya.“Sugatan ka na nga pero gala ka pa rin ng gala. Akala mo siguro ay may super powers ka na magpagaling agad? Ang mga katulad mo ay dapat na kinukulong sa bahay at nilalagyan ng tanikala para hindi makaalis,” sabi ni Sophia at may bahid nga ng tampo ang kanyang boses pero hindi naman nga siya galit. Totoo kasi na nag-aalala siya kay Raymond.Hindi naman nga maitago ang ngiti sa mga mata ni Raymond. Hawak pa rin niya ang kamay ni Sophia at dinala pa nga niya ito sa kanyang pisngi para damhin ng babae ang kanyang muk

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 250.1

    CHAPTER 250May bakas nga ng lamig sa mukha ni Sophia. Tiningnan nga niya ang lalaking nasa harapan niya at napakalapit nga nito sa kanya at halos abot-kamay lang nga niya ito. Pero isang sulyap lang bga ang ibinigay niya rito bago nga siya muling tumalikod.“Sophia!” tawag ni Francis sa pangalan ng dalaga ng tumalikod na nga ito sa kanya. “Wala akong kinalaman sa nangyari ngayon,” pagpapatuloy pa nga ni Francis at nanatili nga na malamig ang tono niya.Sinadya nga niyang hintayin si Sophia roon at tila ba iyon lang ang gusto niyang sabihin dito.“Ano ang gusto mong sabihin ko ngayon?” malamig din naman nga na sagot ni Sophia hindi dahil nais niyang magsalita kundi dahil sa tingin niya ay katawa-taea ang narinig niya.“Sinasabi mo na wala kang kinalaman sa nangyari ngayon. Sa tingin mo, saang bahagi ka roon walang kinalaman?” sabi pa ni Sophia habang nakatitig nga ito kay Francis.“Sinabi mo na mahal mo ako. Sinabi mo rin na gusto mong magsimula muli tayo. At sinabi mo rin na gusto mo

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 249.3

    Hindi na nga nakapagsalita pa si Joseph at tila ba nabara nga siya ng binata.Maayos, magaling at perpekto. Ito na nga ang tunay na dugo ni Theresa at tama nga ang kutob niya rito.Lahat nga ng sinabi ni Jacob ay may laman at may katotohanan. Kung magsimula man siya sa edad na kinse o disi-sais ay baka nga kapag nag disiotso pa lang siya ay tapos na siya sa ilang breakthroughs. At kung ganon nga ang mangyayari ay may oras pa nga siya para sumabak sa entertainment industry na gusto talaga niya.Wala talagang duda na anak nga talaga ni Theresa si Jacob.Nakapagdesisyon na nga si Jacob. Habang si Joseph naman nga ay wala na lang talagang nagawa pa roon. Hindi naman din kasi niya ito buhay. Kaibigan man niya si Theresa ay hindi naman siya kailanman naging tunay na ‘uncle’ kay Jacob.Ang tanging natira na lang nga sa puso niya ay panghihinayang dahil ang mga ganitong klase ng talento ay magpapasaya lang daw ng mga langgam.Ang ganito ngang klase ng katalinuhan na kung tutuusin ay tila say

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 249.2

    “Sophia! Wala ka bang balak na pigilan ang kapatid mo?” galit na sabi ni Joseph.“Tama naman siya,” kalmado naman na sagot ni Sophia.Dahil nga roon ay hindi na nakapagsalita pa si Joseph. Tiningnan lang niya ang magkapatid at tila ba hindi niya alam kung matatawa ba siya o magwawala na lang.Sa totoo lang ay wala naman talagang kinalaman si Joseph sa magiging desisyon ni Jacob. At kung tutuusin nga ay hindi rin naman mali ang gustong piliin ni Jacob na Acting Department.Sa nakaraang sampung taon ay ginawa ni Jacob ang lahat para lang mapansin sa loob ng pamilya Flores. Tahimik lang nga siya, palaging nasa gilid at halos hindi nga nagsasalita. At sa eskwelahan naman ay kilala siyang malamig at mahinhin pero lagi siyang nagtatago sa dilim. Napakatalino rin nga niya at napakagaling pero hindi nga siya kailanman nagtangkang tumayo sa gitna ng liwanag. Pero bakit nga ba?Dahil takot siyang malaman ng iba kung sino talaga siya. Na ang tatay niya ay isang sugarol, isang lasenggo at adik. N

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 249.1

    CHAPTER 249“Mr. Joseph, hindi ba at sabi mo ay hayaan natin siya na pumili ng gusto niya. Prang sumosobra ka naman na yata,” hindi na napigilan na sabi ni Sophia.Napalingon naman nga si Joseph sa gawi ni Sophia at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa sinabi nito.“Ako? Sumosobra? Hindi mo nga siya sinasabihan tapos ako ang sisitahin mo?” sagot naman nga ni Joseph at tinuro pa nga niya ang kanyang sarili.Bigla namang humalukipkip si Jiseph at saka nga niya seryosong tiningnan si Jacob.“Makinig ka, Jacob. Kapag tinuloy mo ang pagpasok s Acting Department na iyan ay babalian talaga kita ng binti. Oo parehas mong binti ang babaliin ko,” sabi pa nga ni Joseph at tila ba wala na nga ito sa katinuan.Napapikit na lang nga ng mariin si Sophia at nahilot na lang din nga niya ang kanyang sintido. May kung anong kaba nga ang unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib. Hindi rin kadi talaga niya inakala na pipiliin nga ni Jacob ang Acting Depatment. Pero sa totoo lang ay kung iisipin kong mab

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 248.3

    Magnenegosyo kaya siya? Magtatayo ng kumpanya? O magpapakadalubhasa sa siyensya?Pero ang sumumod nga niyang sinabi ay may kasama nga na buntong hininga at kaunting kaba.“Pwede po ba akong mag-apply sa Acting Department?” sabi ni Jacob.“Ha!?” gulat pa nga na sabi ni Sophia.Samantalang si Joseph naman nga ay biglang natigilan. Hindi lang kasi siya basta nagulat kunfi halos hindi niya maunawaan ang kanyang narinig.“Teka lang. Gusto mong gamitin ang maganda mong mukha, ang napakaganda mong genes at sobrang taas na IQ para pumasok sa showbiz? Para maging artista na kumakanta, dumasayaw at nagpe-perform? Baliw ka na ba? O ako ang nababaliw?” tila hindi nga makapaniwala na sabi ni Joseph.Pakiramdam nga niya sa lahat ng ideyang naisip niya sa buhay ay ito ang pinaka walang katuturan at wala ni isa ang nakakaintindi sa kanya. Noon si Theresa lang ang tila nakakaunawa sa kanya pero ngakunwari nga itong patay at biglang nawala. At ngayon nga na si Sophia na lang ang natira ay ang gusto lan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 248.2

    At malamang nga na sina Sophia at Jacob ay pareho ngang anak ni Jayson Ledezma.At kung totoo nga ang lahat ng ito ay malinaw na kung bakit naging malamig at mabagsik ang pakikitungo ni Nelson kay Sophia.Tahimik na lang nga na nagbaba ng kanyang tingin si Captain Bryan. At matagal din nga siyang hindi nagsalita. Pinagmamasdan pa nga niya ang magkapatid na para bang nakikita niya sins Theresa at Jayson sa ibang panahon at sa isang mundo na parang alaala na lang ngayon.Hini nga inaalis ni Sophia ang ngiti sa kanyang labi habang ipinapakilala nga niya si Jacob sa mataas na lipunan. At sinabi pa nga niya na isasama niya ito sa financial summit bukas. isa nga itong hakbang para buksan ang landas ni Jacob. Dahil kung hindi man niya makamit ang isang normal na buhay ay gusto nga ni Sophia na ang kapatid niya ay makarating sa tugatog— ang tuktok ng mundo. Matanggap ang mga papuri, mga bulaklak at magningning sa sarili niyang liwanag.Pinuri nga ng lahat si Jacob. At halata mo nga sa mga m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 248.1

    CHAPTER 248Sa totoo lang ay dalawa lang talaga ang alam nila na anak ni Nelson Marquez at yun ay sina Sophia na kanyang lehitimong anak at si Bianca.Matagal nang alam ng mga tao sa mataas na lipunan ang tunay na pagkatao ni Sophia. Kaya nang sabihin nga ni Sophia na may kapatid nga siyang lalaki ay talaga namang nagulat nga ang mga naroon. Dahil hindi nila alam kung kailan pa nagkaroon ng kapatid na lalaki si Sophia.Ngunit wala nga ni isa man sa kanila ang nagtangka na magtanong. Tahimik lang sila na nagdududa sa isipin nila tungkol sa pagkakakilanlan ng kapatid nito. At puro peke at mapagkunwari nga ang mga ngiti na nakapaskil sa kanilang mukha.At halatang halata naman nga na kaya binanggit ni Sophia si Jacob sa mga oras na iyon ay para nga purihin ng mga ito si Jacob.Dumatiing nga sina Johnny at Joshua sa kasagsaan ng okasyon na iyon, maingay nga sila at puno ng layuning sirain ang kanilang pangalan. Pero sa halip nga na magpahila sa gulo ay si Sophia ay tahimik nga na ipinakil

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status